You are on page 1of 4

Dhel Angela D.

Zara
BS CRIM 2-F

Base sa video na aking napanood na sinalaysay ni Juni Gamboa sinalaysay nya


ang buhay ng nag iisang Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal. Pinakita din nya ang isang
kwaderno na kung saan doon nakasulat ng buhay ni Rizal na sya mismo ang nagsulat. Siya ay labing
pitong taon gulang nung nagsimula nyang isulat ang kanyang buhay sa kwadernong iyon. Nagsimula iyon
nung siya ay ipanganak noong ika-19 Hunyo taong 1861 sa Calamba, Laguna na muntik nang ikamatay
ng kanyang ina na si Teodora Alonzo o mas kilala sa pangalan na Lolay. Sya ay mahusay sa literature at
pagsasalita ng Espanyol. Ang kanyang ama naman na si Francisco Mercado o mas kilala sa pangalan ay
Kikoym tahimik lang ito pero sensitibo ito at malapit sa kanyang mga anak. Inilarawan dito ni Jose na ang
kanyang Ama ay isang huwaran ng mga Ama. Ang kanyang mga magulang ay parehong taga Binan pero
lumipat sila sa Calamba na ang lupa ay pag mamay ari ng mga Prayleng Dominico. Noong bata pa si
Rizal ay kilala sya sa tawag na Moy na mahilig maglaro sa maliit na kubo. Ayon sa kanyang mga kapatid
si Rizal ay tahimik na bata na may talent sa pagguhit ng mga hayop at bulaklak galing sa aswete at uling
at iba pang katas ng halaman na ginagawa nyang pintura at mahilig din syang maghulam ng pigurin na
nakikita nya sa mga libro. Sa pagtungtong niya sa edad na siyam na taong gulang ay nilisan nya ang
kanilang tahanan upang mag aral sa Binan. Kasama ang kapatid niyang si Paciano ay hinatid sya neto sa
kanyang Maestro na si Josteniano Cruz na dating maestro ni Paciano. Ngunit may isang di inaasahang
pangyayari ang naganap na nagging dahilan ng mga sugat sa kanyang alaala. Dahil sa kagustuhan ng
kanyang ina magkasundo ang kanyang kapatid at ang asawa nito ay nagalit ang asawa ng kanyang kapatid
at pinaratangan ito na kasabwat sa panglalason sa kanya. Dinakip ang ina Rizal at nabilanggo ng dalawa
at kalahating taon. Kaya masakit sa kanya ang paglisan patungong ateneo upang mag aral.
Sa edad na labing isang taong gulang ay nag aral si Rizal sa Ateneo na
nakatayo pa noon sa Intramuros. Nagdadalawang isip pa ang mga Pari kung siya ay tatanggapin dahil sa
alanganin na pagpasok nito at pagiging matamlayin niya. Dahil sa pangyayari sa kanyang buhay, Hindi
naipamalas ni Jose Rizal ang kanyang angking galing at talion sa eskwelahan na puro kastila at
mestizo.Dahil sa pangungulila, ibinaling nya ang kanyang sarili sa pagbabasa ng mga nobela at mga
akdang kasaysayan. Sa kanyang pagtatapos sa sekondarya, Napalaya na ang kanyang ina at bumalik sa
ateneo upang mag aral ng kolehiyo. Doon nya ipinamalas ang kanyang angking galing at katalinuhan.
Ngunit ang kanyang Ina ay tutol siya sa kanyang pag aaral dahil sapat na daw ito at tulungan na lang nya
ang kanyang Kuya Paciano sa bukid na tinutulan naman ng kanyang ama dahil saying ang katalinuhan ni
Jose kaya sya ay pinag aral sa Unibersidad ng Sto Thomas sa kursong Pilosopiya at Kumuha din ito ng
kursong Land Surveying sa Ateneo upang pagbigyan ang gusto ng kanyang Ina. Ngunit napagdesisyunan
ni Jose na mag aral na lamang ng medisina upang magamot ang mata ng kanyang Ina na unti unti nang
nabubulag.Doon nya din nakilala ang kanyang unang pag ibig na isang kolehiyala na si Segunda Katigbak
na kasama ng kanyang kapatid na si Olimpia sa dortmitoryo na tinutuluyan nito. Ngunit naudlot ang
kanilang Suyuan ng pauwiin si Segunda ng kanyang inau pang alagaan ang nakababatang kapatid.
Marami ang nagkainteres sa kanya ngunit ang kanyang puso ay nagkainterest sa dalagita na si Leonor
Rivera na kaniyang kaanak. Pero noong isang gabi ay nahagupit sya ng isang gwardiya sa kanyang pag
uwi dahil hindi nya ito nasaluduhan. Inilapit nya ang kaso sa malacanang ngunit di ito pinsanin.
Sumali siya sa patimpalak na pampanitikan at nanalo ito ng ika unang gantimpala
ang kanyang sinulat na pinamagatang El Consejo Delos Dioses. Pero noong pagtungtong nya sa entablo
at nalaman na isang Indio ang nanalo sa ika unang pwesto walang pumalakpak sa kanya. Ngunit hindi ito
nagging dahilan upang panghinaan ng loob si Rizal. Upang makilala ang kanyang kakayahan sa
panggagamot, nag aral siya sa bansang espanya sa tulong ng panghihikayat ng kanyang mga kaibigan at
ng tiyuhin na si Antonio Rivera na ama ni Leonor. Sinuportahan din siya ng kanyang kuya na si Paciano
at tinulungan siya na mag aral doon.
Umalis si Rizal patungong Espania na di nalalaman ng kanyang mga magulang at ibang kapatid. Nang
sya ay naglalakbay patungong ibang bansa ay namangha sya sa mga magagandang tanawin at mga
arkitektura na nakikita nya doon. Nakatanggap sya ng liham galing sa kanyang kapatid na si Paciano na
nagsasabi na labis na nalungkot ang kanyang mga magulang dahil sa biglaang pag alis nito ng walang
paalam na dumating na sa punto na nagging balisa na si Don Kikoy at umiiyak sa gabi na nagging dahilan
upang ipagtapat ng kanyang kapatid ang lihim nilang plano na sila lamang ang nakakaalam na
ikinaginhawa ng matanda. Ang kanyang kapatid na si Neneng o si Saturnina naman ay sumulat din sa
kanya ng liham at binigyan sya ng dyamanteng singsing upang ipapalit ito at ipadala kay Jose ang pera.
Sa din ng kanyang kaibigan ay umabot din sa kanya ang balita na sobrang pinagdamdam ni Leonor ang
kanyang pag alis na naging dahilan ng kanyang pagpayat at balak na kulayan ang kanyang mga damit ng
itim dahil hindi na sila nakapagpaalam sa isat isa. Mula sa bansang Barcelona ay lumipat si Rizal sa
Madrid upang mag aral ng medisina at mag aral din ng Pilosopiya at Letras. Doon din nya naipagpatuloy
ang hilig nya sa pagpipinta pagsusulat at pag aaral ng wikang Europeo. Nakasama din nya ang mga
Filipinong intelektwal tulad ni Garciano Lopez Jaena at Gregorio Sansiangco. Sumapi siya sa grupo na
nangngangalang Circulo Espano Filipino at nakilala doon si Consuelo Ortega na niligawan ni Jose Rizal
ngunit napunta sya kay Eduardo na lihim na kaaway ni Rizal. Namatay ang binuo nilang Samahan dahil
sa kakulangan ng pondo at paglaganap ng politikang kulay na kinailangan ng matatandang kastila.Marami
ang nagalit kay Rizal dahil sa talumpati nya tungkol sa dalawang mahuhusay na pintor. Binalak nya
umuwi sa Pilipinas dahil nakuha na nya ang lisensya nya sa medisina ngunit pinayuhan sya ng kanyang
magulang na huwag muna umuwi kaya nagtungo sya sa Paris upang mag ensayo ng optamolohiya sa
clinic ng isang sikat na doktor doon na si Becker. Nagprisinta naman si Juan Luna na isang pintor na
pautangin sya ng salapi dahil may naitatabi pa naman syang pera kaya ginantihan nya ito ng
Pagkakaibigan si Juan Luna. Ginawa syang modelo sa ibang ibang larawan ng pintor si Rizal.
Napagpasyahan ni Rizal na sumandali sa Hiddleberg Germany upang magsanay pa
sa clinic ni Dr. Becker. Dahil sa isang sulat nabuo ang pagkakaibigan ni Jose Rizal at ng scholar na si
Ferdinand Blumentritt. Itinuring si Rizal na parang tunay na anak at ipinakilala siya sa ibang magigiting
at popular na scholar sa Germany. Sa panahong iyon ay tinatapos n ani Rizal isulat ang nobelang “Noli
Me Tangere” pero nahirapan syang maghanap ng pondo upang ipalimbang ang kanyang libro. Hindi parin
naibebenta ang asukal sa kamalig at naghihirap din ang buhay ng pamilya Rizal. Sa kabutihang palad
dumalaw sa kanya si Maximo Viola, isang kaibigan na nakilala nya sa Barcelona agad itong humanga sa
kanya dahil sa kanyang angking talion at husay sa pagsulat. Dinala si Rizal sa isang doctor dahil sa
kanyang pagkakasakit dahil sa sobrang pagtitipid nito sa pagkain. Sinagot din ni Viola ang buong halaga
ng pagpapagawa ng Akda na tinanggihan nung un ani Rizal. Pinadala ni Rizal ang kanyang akda kay
Blumetritt na may kalakip na sulat. Saan nya doon na ang libro ay matapang na tiyak na tutuligsain ito ng
gobyerno at ng mga prayle dahil sa nilalaman nito na tungkol sa pangyayari sa buhay ng Pilipino noong
nakaraang sampung taon. Sa kabila ng pagpigil ng lahat ay bumalik si Rizal sa Pilipinas dahil naniniwala
sya na sino ang maniniwala sa intension ng kaniyang nobela kung hindi siya uuwi sa Pilipinas upang
maging isang halimbawa.
Noong nakauwi si Rizal sa bansa di pa gaanong kilala ang kanyang akda dahil kokonti
palang ang kopya ng kanyang akda na nakapasok sa bansa at sinusuri pa lamang ito ng mga
Prayle.Naging mainit ang pagsalubong sa kanya ng mga kababayan nya. Matapos kumalat ang balita sa
husay nya sa pang gagamot maraming tao ang sumusunod sa kanya mapabata man o matanda.Ngunit
makalipas ng tatlong lingo nagkatotoo ang hinala ni Rizal. Pinatawag sya ng Gobernador Heneral dahil sa
mga reklamo ng Prayle dahil sa sinulat nyang akda.Binigyan si Rizal ng isang Militar na di kalaunan ay
nakasundo nya dahil siya ay edukado at liberal.Ngunit nung napagdesisyunan na pigilin ang ang
pagpapakalat ng akda pinagtulungan ng mga prayle na imungkahe sa nakatataas na bigyan ng mabigat na
parusa si Rizal tulad ng pagkakakulong. Dahil sa mungkahi ng mga mahal nya sa buhay na umalis muna
sa bansa, Umalis si Rizal at nagtungo sa ibat ibang bansa. Nahumaling si Rizal sa bansang Japan at
nahumaling din siya sa isang haponesa na nagngangalang O’sei-san.Pagkatapos ng pananatili nya sa
bansang Japan ay tumungo naman sya sa bansa ng America mula California hanggang New York.
Pumunta naman si Rizal sa bansang Englatera upang doon mamalagi. Dahil sa liham na galing kay
Blumentritt ay nakilala nya doon si Dr. Reinhold Rost, na naging kaibigan agad ni Rizal. Dahil sa
palagian syang iniimbita sa kanyang tahanan para mag tsaa kasama ang kaniyang pamilya tinulungan din
syang makakuha ng permiso upang magamit ang aklatan ng British Museum at doon nya natagpuan ang
isang aklat na akda ni Antonio Morga tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.Upang mapabulaanan na
walang sibilisasyon ang Pilipinas bago sakupin ng espanya napagdesisyunan ni Rizal na imbis na
maglimbag ng ng bagong akda ay kinopya nya ang akda ni Morga at sinama ang kanyang mga tala.
Bumalik ulit si Rizal sa Paris upang makamura ng pagpapagawa ng aklat sa kadahilanan na di tumupad sa
usapan si Antonio Maria Rejidor na sya ang magpapalimbag ng kanyang nasulat na aklat. Naging aktibo
din si Rizal sa grupo na La Solidaridad ang pahayagang propagandista ng mga Filipino sa Espaniya.
Nagsulat sya sa paanyaya ni Garciano Lopez Jaena. Karaniwang laman ng artikulo ni Rizal ay ang
pagtatangol niya sa kultura ng Pilipinas laban sa panghahamak ng mga Periodistang Espanyol.
Bunga ng kanyang mga akda at support ana binigay nina Paciano sa paghahain ng
kaso laban sa mga Prayleng nagmamay ari ng lupa na kinatitirikan ng bahay at Negosyo ng pamilya
Rizal. Ayon sa sulat ng kanyang bayaw na si Sylvestre Obaldo na nakademanda ang lupa na pagmamay
ari ng mga Prayle na kapag natalo sila sa kaso ay ipapagiba nila ang mga nakatirik dito kasama na ang
kamalig ang bahay at asukalan nap ag mamay ari ng pamilya Rizal. Ilang ulit din na pinatapon sa
pinagbilaran ang isa pa nyang bayaw na si Manuel Hidalgo na asawa ni Saturnina habang nagnonoche
Buena ang pamilya. Nang umabot sa sukdulan ang kaso. Pinalayas ang kaniyang pamilya at ang iba pang
pamilya na nakatira doon at inangkin ang kanilang ari arian. Kumorot ang dibdib ni Rizal sa kanyang
narinig tungkol sa kaniyang pamilya na kanyang iniisip habang siya ay nasa Madrid. Nadagdagan pa ito
noong nagkaroon ng alitan sina Rizal at Del Pilar nang dahil sa pagpapayo niya kay Del Pilar sa
pamamalakad ng La Soridaridad. Pinersonal ni Rizal ang kanyang pagkatalo sa eleksyon sa pagiging
pinuno ng mga Pilipino sa espanya na pinahiya sya ng kanyang karibal na si Eduardo.Nadagdagan pa ang
isa pang kasawian ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Leonor Rivera na nakasalaysay na
magpapakasal na ito sa isang Ingles na lalong kinasugat ng kanyang puso.Nagtungo sya sa bayan ng
Biarritz sa France upang aluin ang sarili malapit sa dagat at upang ayusin ang kanyang ikalawang Nobela,
Ang “El Filibusterismo”. Umibig sya kay Neli Busteg na sinusuyo ng kanyang kababayan na si Antonio
Luna. Dumating pa sa punto na muntik pang magkadwelo ang dalawa dahil sa kalasingan ni Antonio at
di kalaunan ay nagkaayos din ang dalawa at pinaubaya na niya si Neli kay Rizal. Ngunit di sya pwede
magpakasal dahil nakasangla ang puso nya sa mga Gawain. Nagtungo si Rizal sa Belgium upang
ipalimbag ang kanyang pangalawang nobela pero tulad ng dati kinapos sya ng pondo. Tulad ng dati may
isang kaibigan ni Rizal ang bumisita at nagpahiram sa kanya ng pera at sya ay si Valentin Ventura para
maipalibag ang nobela at si Jose Basa na nagpautang sa kanya ng pamasahe patungong Hong Kong at
doon niya nakatagpo ang kaniyang pamilya
Nang mabalitaan ng mga Espanyol ang pagbabalik ni Rizal sa Asya binalak nilang ilipat sina
Paciano at ang kanyang mga bayaw sa Jolo ngunit nakatakas sila kasama si Don Kikoy. Ngunit napag
initan naman si Donya Lolay at pinaratangan ng maling paggamit ng apelyido at ang kawawang matanda
ay pinaglakad ng 4 na araw mula Maynila hanggang Santa Cruz Laguna. Naawa ang Gobernador dahil sa
katandaan ng Donya at pinalaya ito at pinahitulutan na pumunta sa Hongkong. Nagkasama ang buong
pamilya ni Rizal at nagdiwang ng Bagong Taon. Doon ay nagbukas din si Rizal ng Klinika. Hindi
napakali si Rizal sa kapayapaan kaya sumulat at nilimbag nya ang isang konstitusyon na nagngangalang
La Liga Filipina upang himukin ang mga Pilipino na magtulong tulong at magkaisa upang gumawa ng
mga bagay na magpapabago sa bayan. Nagtungo sya sa Sandakan North Borneo upang gumawa ng mga
bahay bahay para sa mga Pilipinong ipinatapon. Minungkahi din niya iyon sa bagong Gobernador at
humingi ng pahintulot na makabalik sa bansa upang maayos ang mga personal na bagay ngunit di niya
magagarantiya ang kanyang Kalayaan. Ngunit siya ay pinatapon sa malayong bayan ng Dapitan kasama
ang Commandante at ang kanyang asawa. Nanalo sila sa lotto na naging dahilan upang makabili ng lupain
sa Dapitan. Malayo sa kaniyang pamilya ay naibsan ang lungkot ni Rizal noong dumating si Josephine
Bracken nahulog sila sa isat isa at doon pinagtapat ni Rizal ang kanyang pag ibig sa may dalampasigan.
Bagamat tumutol ang ama amahan ni Josephine na si Mr. Taofer dahil sa takot na mawalan ng tagapag
alaga dinespatya nya ito at bumalik si Josephine sa kanyang iniibig at tinawag nya itong “Joe”. Ngunit
ikinahiya ito ng ilang kaanak at pinagduldulan sa harap ng mga pamangkin ngunit hindi natinag si
Josephine.
Bumalik si Rizal sa Pilipinas upang humarap sa korte upang ibaba ang kanyang
sintensya na rebellion at pagbubuo ng illegal na Samahan. Ipiniit sya sa fort Santiago noong ika Uno ng
Nobyembre at nilitis noong ika dalawangput anim ng Disyembre pagkaraanng 3 araw sya ay hinatulan ng
kamatayan. Pinaka unang dumalaw ang kanyang ina at humingi siya ng tawad sa lahat ng paghihirap na
dinala nya sa kanyang pamilya at hiniling na kunin ang kanyang bangkay. Sumunod naming dumalaw
ang mga kapatid nyang babae at binigay sa kanila ang kanyang mga gamit. Binigay nya ang lampara kay
Trining na may kalakip na huling tula na ginawa niya. At noong ikaw 30 ng Disyembre pinatay si Rizal
sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya.

You might also like