You are on page 1of 9

TALAMBUHAY NI

Dr. Jose Rizal

G3
Bernardo, Amiel
10 – St. Daniel

Ipinasa kay:
Mrs. Rosario Salita
I. PERSONAL DATA

Si Jose Protacio Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna


noong Hunyo 19, 1861. Ang buong pangalan niya ay Jose
Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Ang kanyang mga
magulang ay sina Francisco Mercado at Teodora Alonzo.

May Instik na pinagmulang lahi si Rizal mula sa ama na


si Francisco habang may dugong Kastila naman mula sa
kanyang ina na si Teodora. Pinalitan lamang ng ama ang
kanyang apelyido na Mercado dahil sa kanyang pagiging
komersyante. Siya’y nagkaroon anak na Francisco ang
pangalan, at nagkaroon pa ito ng anak na si Juan Mercado,
lolo ni Rizal. Si Teodora ay anak ng isang mayaman na
mestizo mula sa laguna at anak ni Brigida de Quintos May
sampu pang ibang mga kapatid si Rizal sa kaniyang pamilya.
Si Saturnina Rizal Mercado ang panganay sa kanila habang si
Soledad Rizal-Mercado ang bunso. Ikapitong anak naman si
Jose sa kanila.

II. KABATAAN

Si Jose o si “Pepe” na kanilang tinatawag noon, ay


ipinanganak na may malaking ulo, kaya’t inaalagaan ito ng
mabuti ng ina. Siya’y nagkaroon ng kabataan tulad ng ibang
tao na normal rin. Kinatutuwaan ni Jose ang pagpipinta,
pagsusulat, at paglililok. May hilig siya sa pagbabasa at
pakikinig sa usapan ng mga kanyang nakakatandang mga
kapatid. Sa kabataan niya, inilalarawan si Jose na isang
tahimik at lubhang mapagmasid na tao.

Pagdating ng walong taong gulang, ang unang tula niya ay


kanyang nasulat at ito ay “Sa Aking Mga Kababata.” Sumulat
din siya ng dula na may himig katatawanan at iyon ay
itinanghan sa isang pista sa Kalamba. Nagustuhan ito ng
gobernadorcillo at binayaran ang manuskrito ng dalawang
piso.

Ang kuwentong gamugamo naman ay isang magandang alala sa


diwa ng batang si Rizal. Siya’y tinuturuan ng kaniyang nanay
ngunit nawalan siya ng gana na making kaya nagkuwento ang
ina tungkol sa gamugamo na lumalapit sa apoy at namatay.
Hinangahan iya ang para sa kanya ang pagiging martir ng mga
ito sa kaniyang mga ilusyon.

Apat na taong gulang siya ng namatay ang kanyang kapatid


na si Concha at nakaranas ng kasiphayuan sa buhay at sumunod
naman ang pagkabilanggo ng kanyang ina dahil sa bintang na
pakikiisa sa tangkang paglason sa asawa ng kanyang kapatid
nung sampung taong gulang si Jose.
III. EDUKASYON

Si Teodora, ang ina ni Jose, ay ang kaniyang unang guro.


Ang unang natutunan niya ditto ang pagdarasal at pagbabasa.
Napansin ng ina na may kahusayan si Jose sa pagsulat ng
tula. Apat na taong gulang si Rizal ng nakamit niya ang
pormal na edukasyon sa pamamagitan ng guro na binayaran ng
kaniyang ama na si Leon Monrog, na nagturo sa kanya ng
Latin.

Si Maestro Celestino ang kauna-unahang pribadong


tagapagturo ni Jose na kinuha ng kaniyang magulang.
Ipinagpatuloy ni Rizal ang kaniyang pag-aaral sa Binan noong
1870 sa pangunguna ng guro niya na si Justinian Aquino Cruz.
Si Jose ay hindi likas na palaaway na bata ngunit hindi siya
umuurong sa labanan kahit maliit lamang siya noon.

Pinasukan din ni Rizal ang libreng pag-aaral ng painting


sa ilalim ng pagtuturo ni Matandang Juancho. Noong Disyembre
17, 1870, umalis si Rizal sa Binan at bumalik sa Kalamba at
nag-aral sa ilalim ni Maestro Lucal Padua. Pagkatapos ng 1
taong, pumunta si Jose sa Maynila at nag-aral sa Colegio de
San Juan de Letran. Labing-isang taong gulang si Rizal nang
mag-aral siya sa Ateneo. Bantulot ang paaralan na siya’y
tanggapin dahil nahuli sia sa pagpapatala at siya ay
napiling emperor sa klase dahil siya ang pinakamarunong sa
kanilang lahat.

Natamo ni Rizal ang pinakamataas na karangalan, ang


sobresaliente, nang matapos niya ang kursong “Bachiller de
Artes” sa gulang na 16 na tao. Noong 1877, ipinagpatuloy
niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at
Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng
sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Habang nag-aaral
sa UST, natapos ni Rizal ang kursong Surveying Course sa
Ateneo noong 1878. Hindi na rin nagustuhan ni Jose ang
pamamaraan ng pagtuturo at pagtrato sa kaniya ng mga
propesor at kapwa estudyante kaya napagdesisyunan niyang
pumunta sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng
medisina. Sa Madrid, Spain si Jose tumuloy at ginamit ang
pangalang Jose Mercado. Labis na kalungkutan ang kaniyang
dinanas noon. Natapos niya ang kursong medisina sa
Unibersidad Central De Madrid ngunit hindi niya nakuha ang
kaniyang diploma dahil di niya naiisumite ang kaniyang tisis
at di nakapagbayad kaukulang halaga para sa pagtatapos.

Bumisita siya sa Ospital ng Lariboisiere sa Paris, France


kung saan pinag-aralan niya ang eksaminasyon ng mga sakit ng
mga kababaihan at natamo niya ang titulong Degree of
Licentiate of Medicine noong 1884 at Degree of Philosophy
and Letters noong 1885. Pumasok siya sa Unibersidad de Paris
para pagpatuloy ang pag-aaral ng medisina. Pagkatapos ay
pumunta naman siya ng Germany sa Unibersidad de Heidelberg
sa ilalim ni Otto Becker, isalng Aleman na opthalmologo at
natapos niya ang kursong opthalmolohiya
IV. MGA KASINTAHAN NI JOSE RIZAL

1. Julia
Nagtungo si Rizal sa Ilog Dampalit sa Los Baños, Laguna
upang maligo. Doon nya nakita ang isang magandang babae na
nagngangalang Julia. Mula noon ay larawan na ni Julia ang
nakakintal sa isipan ni Rizal subali't tulad ng iba pang
kabataan, ang paghanga ring nalimutan nang makakilala siya
ng isang dalagita ring taga-Lipa Batangas. Hindi pa tuluyang
nahulog ang puso ni Pepe kay Julia nang mga panahong ito.

2. Segunda Katigbak
Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang
dalagitang taga-Lipa, Batangas. nakilala ni Rizal ang
dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng kanyang lola
noong buwan ng disyembre 1877, sampung buwan matapos
makilala nya si Julia. Unang pagtatagpo nila ay nahilingan
ni Rizal na iguhit niya ang larawan ni Segunda na kanya
namang pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na
pag-iibigan.

3. Binibining L.
Isang misteryosang dilag naman itong si Binibining L.
Hindi malaman ng mga historyador kung ano ang ibig sabihin
ng L sa pangalan ng dilag na ito. Dalawang magkasunod na
gabi bumisita itong si Rizal kay Bb. L. dahil na rin sa
nadama niyang sakit sa piling ni Segunda. Ngunit maagang
natapos ang pagbisitang ito ni Rizal sa pagtutol na rin ng
kanyang ama

4. Vicenta Ybardaloza
Ang sakit na nadama ni Rizal sa paghihiwalay na iyon ay
pinilit niyang pinawi sa pagdalaw sa dalagang naninirahan sa
Pakil, Laguna na tinatawag niyang binibining L. Sinabi ni
Rizal na mas matanda ito sa kanya, maputiat nagtataglay ng
mga matang kaakit-akit. Pinaniniwalaan na ang babaing ito ay
ang gurong si Vicenta Ybardaloza. Madalas na dalawin ni
Rizal si binibining L bagamat ang puso niya ay patuoloy na
nagungulila kay Segunda. nahinto lamang ang pagdalaw niya
kay Bb. L nang pagbawalan siya ng kanyang ama.

5. Leonor Valenzuela
Nang ikalawang taon niya sa UST ay nakilala niya si
Leonor na kapit-bahay ng may-ari ng bahay na tinutuluyan ni
Rizal na si Doña Concha Leyva.Si Leonor ay anak nina Kapitan
Juan at ni kapitana Sanday Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng
sulat, at upang hindi malaman na sila'y may kaugnayan,
tinuruan ni Rizal si Leonor sa pagsulat na ang tintang
ginagamit ay tubig at asin. Subalit hindi nagtagal ang
kanilang pag-iibigan at nagkasundo na lamang silang
magturingan bilang magkaibigan.
6. Leonor Rivera
Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. nagtagpo ang
landas ni Rizal at ni Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano
ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang tiyo na si Antonio
Rivera na siyang ama ni Leonor. Ang pagmamahalan sa isa't
isa ay naramdaman nila nang masugatan si RIzal sa isang pag-
aaway ng mga estudyante sa UST at ito'y ginamot ni Leonor.
Matagal nagkawalay ang dalawa nang nagtungo si rizal sa
Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping si leonor Rivera noong
June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina

7. Consuelo Ortiga y Perez


Anak si imageConsuelo ni Don Pablo Ortiga y Rey,
alkalde ng Maynila noon. Nagkita sila ni Rizal sa Madrid
kung saan balot pa rin si Rizal ng pagdadalamhati dahil sa
pagpapakasal ni Leonor Rivera sa ibang lalaki. Nagkaroon ng
kasunduan sina Rizal at Lete upang malaman kung sino ang
pipiliin ni Consuelo sa kanilang dalawa. Sa pagtatapos ng
kanilang kasunduan, si Lete ang nakabihag ng puso ni
Consuelo. Sa kabila ng panibagong pagkabigong ito, si Leonor
pa rin ang nasa isip ni Rizal.

8. Usui Seikoimage
Sa pagdaan ni Rizal sa bansang Hapon patungong
Europa noong 1888, kanyang nakilala si Usui Seiko, 23 taong
gulang. O-Sei-San ang tawag ni Rizal sa kanya. Mula si O-
Sei-San sa pamilya ng mga samurai. Muntik nang pakasalan ni
Rizal si O-Sei-San dahil sa magandang trabahong inilaan sa
kanya roon. Ngunit nanaig ang damdaming makabayan ni Rizal
kaya’t hindi na ito naisakatuparan.

9. Gertrudimagee Beckett
Nang makarating si Rizal sa London, namalagi siya sa
tahanan ni Charles Beckett. Si Gertrude o ‘Gettie’ ang
panganay na anak ni Charles. Tuwing umaga, bilang kaugalian
na ng mga Ingles, hinahatiran ni Gettie si Rizal ng kanyang
almusal. At dahil nga sa angking kakaibang karisma ni Rizal,
nahulog ang loob ni Gettie kay Rizal. Ngunit kagaya ng
nangyari sa kanilang ugnayan ni Consuelo, higit na pinili ni
Rizal ang sariling bayan at si Leonor.

10. Nelly Boustead


Tulad ng kanyang mga naunang dilag mula sa Europa,
hindi rin nagtagal ang relasyon ni Rizal kay Nelly Boustead,
isang Pranses.

11. Suzanne Jacoby


Nagtungong Brussels sa Belgium si Rizal noong 1889
dahil sa maluhong pamumuhay sa Paris. Namalagi siya sa
tahanan ng dalawang magkapatid na sina Marie at Suzanne
Jacoby. At katulad dati, nahulog ang loob ni Suzanne sa
kanya.
12. Josephine Bracken
Nagkakilala sina Josephine at Rizal nang dalhin ng una
ang kinilalang ama kay Rizal upang ipagamot noong Pebrero
1895. Dito na nagsimula animageg kanilang malalim na
pagtitinginan. Pag-ibig ang nagtulak kay Rizal upang
sumulat ng mga nobelang makapagmumulat sa ating mga
kababayan. Pag-ibig din ang kanyang naging sandala’t
katuwang sa kanyang paglaki sa Calamba hanggang siya’y
mapadpad sa Biñan at Maynila upang mag-aral. i Josephine ang
naging kahuli-hulihang babae sa buhay ni Rizal bago ang
kanyang pagkamatay sa Bagumbayan.

V. PAGLALAKBAY

Noong Mayo 3, 1882, umalis si Rizal patunong Singapore at


dumaong ang Salvadoran a sinakyan niya noong Mayo 9.
Pagkatapos ay pumunta sa sa Corombo, Sri Lanka gamit ang
isang barko.

Pagkatapos ay tumungo siya ng Naples at Marseilles at


bumisita si Jose sa Chataeu d If kung saan kinulong ang
bayandi ng The Count Of Monte Cristo na si Dantes.

Ng Hunyo 16, narrating ni Rizal ang Barcelona, Espana sa


pamamagitan ng tren. DIto sinulat mi Jose Rizal ang Amor
Patrio na inilimbag sa Diariong Tagalog noong Agosto 20,
1882. Sa Madrid naman ay nag-enrol sa sa Unibersidad Central
de Madrid.

Pagdating ng Marso 1883, sumali si Jose sa grupong


Freemasonry. Sumali siya dito para masuportahan siya sa
laban niya sa espanyol ng nanatili siya sa Pransya noong
Hunyo 17 hanggang Agosto 20, 1883. Nagpatuloy nga siya ng
pag-aaral ditto at nagtapos na may sobreseliente. Sa Pebrero
3, 1886, dumating si Jose sa Heidelberg, Germany at
tinulungan siya ni Dr. Karl Ullmer, isang mabait na
protestanteng pastor na nagpatuloy kay Rizal sa kanyang
tirahan. Naging kaibigan niya ditto si Professor Friedrich
Ratzel, na isang tanyag na German na historyador. Mula
Heidelberg, tumungo si Jose sa Bern at nakilala niya si Dr.
Feodor Jagor, isang siyentista-manlalakbay na nagsulat ng
Travels in the Philippines. DIto niya natapos ang Noli Me
Tangere at naglabas ng 2,000 na kopya ang printing press na
Berliner Buchdruckrei-Action-Gresselschaft.

Naglakbay pa lalo si Jose Rizal at tumungo sa Leitmeritz,


Bohemia kasama si Maximo Viola at nagtagal roon ng tatlong
araw. Si Dr. Carlos Czepelak ay nakilala niya rito, isang
siyentista sa Europa. Pagkatapos ay pumunta siya sa Vienna,
Austria at bumalik ng Germany, sa Munich at Nuremberg upang
malasahan nilang dalawa ang tanyag na Alak ng Munch o ah
Munich Beer.

Ng Hunyo 2 o 3, nanirahan siya sa Schafflieusen,


Switzerland at dumating siya sa Geneva. Doon ipinagdiriwang
ni Rizal ang kanyang 26th na kaarawan at iyon ang huling
pagsasama nila Viola dahil si Rizal ay patungong Italya
habang ang kaibigan niya ay papuntang Espanya.

Nang siya’y pabalik na ng Maynila, sumakay siya sa


Djemnah, ang barkong sinakyan niya at lumipat sa barkong
Haiphong. Agosto 5 siya nakabalik ng Maynila at pumunta siya
sa kanyang pinaggalingang bayan at nagtayo ng isang maliit
na medikal klinik. Ng Pebrero 3, 1888, sumakay si Jose Rizal
sa barkong Zafiro papuntang Hong Jong at tumungong Macao
kung saan nanirahan sila sa bahay ni Don Juan Lecaros.
Pagkatapos ay pumunta siya ng Japan at tumungong Amerika
pagkatapos manatili ng isang Linggo. Sa San Francisco,
California dumaong ang Belgic at tumungo siyang Oakland
noong Mayo 6, 1888. Dumating si Jose sa New York sa Mayo 13.
Isang masamang impresyon ni Rizal sa Amerika ay ang
kakulangan sa racial equality. Pumunta naman siya sa England
ng Mayo 24, sa Liverpool at kinabukas ay tumungo sa London.
Nanirahan si Jose sa bahay ni Dr. Antonio Maria Regidor roon
at binisita ang Paris, France ng Septyembre ng isang linggo
para maghanap ng mga historical na materyales at doon sila
nagkita ni Juan Luna. Sa pagdating ng Disyembre, bumalik si
Rizal sa Inglatera para magpasko at bagong taon.
Ng enero 28, 1890, umalis si Jose mula sa Paris papuntang
Brussels at sinamahan siya ni Jose Albert ng kaniyang
pagkarating doon. Agotso 1890 ng dumating ulit siya sa
Madrid spain. Dito hinamon ni Antonio Luna si Jose sa isang
duelo . At sa kasalukuyan, pumunta si Rizal sa Ghent,
Belguim kung saan nailimbag ang mga kopya ng El
Filibusterismo.

VI. AKUSASYON NG PAMAHALAANG KASTILA

Sinisisi si Jose ng mga Espanyol ukol sa nagaganap na


madugong himagsikan sa Pilipinas. Nadawit siya bilang
kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa (KKK.) Siya ay
kinasuhan ng konspirasyon, rebelyon, at sedisyon, at siya ay
idinala sa Fort Santiago.

VII. PAGLILITIS AT PAGHAHATOL


Binigyan si Jose ng listahan na may 106 na pangalan na
maaaring tagapagtanggol niya sa korte at ang kaniyang
pinili ay si Luis Taviel de Andrade na ang Unang Tenyente
ng Artilyero noong Disyembre 10, 1896. Humarap si Rizal
sa Fort Santiago para sa pormal na pagbasa ng mga sakdal
laban sa kanya. Gumawa siya ng pahayag habang siya’y nasa
loob ng bilangguan niya. Nagdiwang siya ng isang
malungkot na pasko, at isa iyong patunay na walang
katarungan ang mga kastila. Sa umaga ng Disyembre 26,
1896, sinimulan ang paglilitis.

Pinagtanggol naman ni Rizal ang kanyang sarili sa 12 na


puntos.
1. Wala siyang kaugnayan sa rebolusyon dahil siya mismo
ang nagsabi na wag silang mag-aklas.
2. Hindi siya nakipagsulatan sa mga elementong radikal at
rebolusyonaryo.
3. Ginamit ng mga rebolusyonaryo ang kanyang pangalan
nang hindi niya alam.
4. Kung may kaugnayan siya sa rebolusyon, disinsana’y
tumakas siya at di nagpatayo ng mga gusali.
5. Kung siya ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi siya
kinonsulta ng mga rebolusyonaryo.
6. Inamin niya na siya ang sumulat ng Konstitusyon ng La
Liga Filipina, ngunit ito’y pansibikong asosasyon at
hindi samahang rebolusyon.
7. Hindi nagtagal ang La Liga Filipina.
8. Kung muling nabuhay ang La Liga Filipina, pagkaraan ng
siyam na buwan, hindi niya alam.
9. Hindi ito itinaguyod ang mga simulain ng mga
rebolusyonaryo, kungi hindi, sana’y di na itinatag ang
Katipunan.
10. Ang dahilan ng mapait na komentaryo ay dahil
nakaranas ng paghihirap ang kaniyang pamilya.
11. Ang buhay niya sa Dapitan ay kapuri-puri.
12. Hindi totoong pinukaw ng kanyang talumpati ang
rebolusyon, at ang alam ng mga kaibigan niya na tutol
siya sa armadong rebolusyon.

VIII. MGA KONTRIBUSYON

Ang mga sulatin tulad ng nobela at mga tula ay ang tanyag


na kontribusyon ni Rizal na alam ng mga karamihan, halimbawa
ay ang Noli Me Tangere at ang tulang “Ang Aking Kabataan.”
Ang nais ni Rizal ay ang pagkalaya ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng pantay na pakikitungo sa kanila ng mga kastila
di gaya ni Andres na nais na mawala sa hawak ng kastila ang
Pilipinas. Sa paraan ng edukasyon, tumulong siya sa
rebolusyon o pagbabago sa mga isipan ng mga mamayang Pilipino
noon. Sa ibang salita, naimulat niya ang mga mata ng mga
Pilipino sa kaniyang mga naisulat. Ginamit niya ang kaniyang
talino at mapagmahal na puso upang makatulong sa kaniyang
kabayan gaya ng medisina.

You might also like