Jose Rizal • Si Rizal ay ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo taong 1861 sa Calamba, Laguna.
• Si Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonzo
Realonda ang kanyang ama at ina.
• Siya ay pampito sa labing-isang magkakapatid.
Pepe ang naging palayaw ni Rizal. Si Dr. Jose Rizal at kanyang Pangalan
Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda ang
kanyang buong pangalan. Jose – pinili ng kanyang ina sapagkat siya ay deboto ni San Jose. Protacio – mula sa Santo na si Gervacio y Protacio isa sa mga pangalan ng Santo sa buwan ng Kristiyanong kalendaryo. Mercado – salitang Espanyol na ibig sabihin ay “market” sa salitang Ingles, ginamit ni Domingo Lamco 1731 (nuno ni Jose Rizal) Rizal – napili ni Don Francesca bilang pagtupad sa utos ni Gob. Narciso Claveria noong 1849. Nagbuhat sa salitang Kastila na “Ricial” na ibig sabihin ay “luntiang kabukiran”.
Alonzo – matandang apelyido ng pamilya ng
kanyang ina Y – salitang Espanyol na ibig sabihin ay “at” sa Filipino Realonda – buhat sa apelyidong ginagamit ni Dona Teodora n nagmula naman sa ninang nito. Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa. Ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante.
Ang salitang Mercado ay nangangahulugang
palengke. Ang kanyang kabataan
Hunyo 22, 1861 - Si Rizal ay bininyagan bilang
isang Katoliko sa Calamba ng Kura na si Rev. Rufino Collantes kasama si Rev. Pedro Casanas bilang sponsor. 1864 - Ang kanyang ina ang kanyang naging unang guro at sa edad na tatlong taon pa lamang ay natutunan na niya ang Abakada. 1865 - Noong siya ay apat na taong gulang ay pumanaw ang pang-walong kapatid na si Concepcion sa edad na tatlong taon. Sinasabing sa panahong iyon lumuha at nagluksa si Rizal sa kauna-unahang pagkakataon. 1865 – 1867 – Sa mga panahong ito ay tinuturuan na siyang magbasa at magsulat ng kanyang ina. Ang kanyang ama ay kumuha pa ng isang mag-aaral upang kanya itong maging kaklase na nagngangalang Leon Monroy, sa loob ng limang buwan bago ito pumanaw. Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal. Enero 20, 1872 – pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura.
Natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes
at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. 1884 – si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses sapagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885
Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5
ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Mga naging Kasintahan ni Rizal Julia
Nakilala noong Abril, 1877 sa
Ilog Dampalit sa Los Baῆos, Laguna. SEGUNDA KATIGBAK
Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda,
ang dalagitang taga-Lipa, Batangas. Pinigilan ni Rizal ang sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil batid niya na naipangako na ito sa ibang lalaki, si Manuel Luz, subalit nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw dito. VICENTA YBARDALOZA
Babaing pumawi sa sakit na nadama ni Rizal
sa paghihiwalay. Tinatawag siyang binibining L.
Isang guro na madalas dalawin ni Rizal
bagamat ang puso niya ay patuloy na nangungulila kay Segunda.
Nahinto lamang ang pagdalaw niya kay Bb. L
nang pinagbawalan siya ng kanyang ama. LEONOR VALENZUELA
Nang ikalawang taon niya sa
UST ay nakilala niya si Leonor na kapit-bahay ng may-ari ng bahay na tinutuluyan ni Rizal na si Doña Concha Leyva.Si Leonor ay anak nina Kapitan Juan at ni kapitana Sanday Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng sulat, at upang hindi malaman na sila'y may kaugnayan, tinuruan ni Rizal si Leonor sa pagsulat na ang tintang ginagamit ay tubig at asin. Subalit hindi nagtagal ang kanilang pag-iibigan at nagkasundo na lamang silang magturingan bilang magkaibigan. LEONOR RIVERA
Ang pangalawang Leonor sa
buhay ni Rizal. nagtagpo ang landas ni Rizal at ni Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor. Ang pagmamahalan sa isa't isa ay naramdaman nila nang masugatan si Rizal sa isang pag-aaway ng mga estudyante sa UST at ito'y ginamot ni Leonor.
Matagal nagkawalay ang dalawa nang nagtungo si rizal
sa Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping si leonor Rivera noong June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina. Namatay sa panganganak si Leonor Rivera noong Agosto, 28, 1893 ngunit may sinasabing namatay din siya dahil sa kalungkutan. CONSUELO ORTEGA y REY
Si RIzal ay hindi naman kagandahang lalaki
ngunit nagtataglay ng maraming talento kaya't nagustuhan siya ng magandang anak ni Don Pablo sa Madrid na si Consuelo. may dalawang dahilan kung bakit umayaw si Rizal sa relasyon nila:
May kasunduan na sila ni Leonor.
Ang kanyang kaibigan at kasamahan sa propaganda na si Eduardo de Lete ay may gusto din kay Consuelo. Seiko ay 23, si Rizal naman ay SEIKO USUI 27. Nagsimula ang pag- iibigan nila nang lumipat si Rizal sa Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Humanga si Seiko kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang niponggo ay pinipilt niya para lang makausap siya kaya ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng wikang pranses at ingles. GERTRUDE BECKETT Anak si Gertrude ng may-ari ng bahay na tinirhan ni Rizal nang magtungo siya sa London. Inilarawan ni Rizal si Beckett bilang babaeng may kulay brown na buhok, asul na mata at mapupulang pisngi. HIndi rin nagtagal at umalis siya sa London upang makalimutan na siya ni Beckett at ipagpatuloy ang misyon sa Maynila. NELLIE BOUSTED Isang babaeng maganda, matalino, mahinahon, may mataas na moralidad at totoong Filipina. May dalawang dahilan kung bakit hindi niyaya ni Rizal si Nellie na magpakasal:
Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal.
Ayaw palipat ni Rizal sa
relihiyong protestantismo na gusto naman ni Nellie JOSEPHINE BRACKEN
Ang kanyang mga magulang ay sina
James Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish. ngunit namatay ang ina nya sa panganganak kaya't inalagaan siya ni Ginoong George Taufer. Inilarawan ni Rizal si Bracken bilang isang babaeng irish na 18 taong gulang, may gintong buhok, asul na mata at simpleng manamit pero elegante. Nagkita sila ni Rizal ng ipagamot ni Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. pagkalipas ng isang buwan nagpasya ang dalawa na magpakasal subalit nalaman ito ni Ginoong Taufer, dahil sa pagaakalang iiwan ni Josephine ay nagbanta siyang magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik din si Bracken sa Dapitan upang magpakasal kay rizal. Ngunit tinanggihan ito ni Padre Obach kaya't sila'y naghawak kamay at ikinasal ang kanilang sarili. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang kanilang anak na walong buwan pa lamang. Ito ay pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago mamatay si rizal, binigay niya muna ang librong imitation Of Christ ni Padre Thomas Kempis. Ikinasal si Josephine 2 taon matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad. . Ang Kanyang Pagbabalik sa Pilipinas
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La
Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik. Agosto 5, 1887 - siya ay nagbalik sa Pilipinas.
Pebrero 3, 1888 - siya ay muling umalis
sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere.
Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng
Hunyo, 1892. Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba.