You are on page 1of 21

-RVM EDUCATION MINISTRY COMMISSION

G/Flr Mother Ignacia Center for Spirituality (MICS Bldg.)


214 N. Domingo, Quezon City

BANGHAY-ARALIN SA KASAYSAYAN NG MUNDO

Asignatura: AP 8 – Kasaysayan ng Daigdig Kwarter: Ikatlo


Yunit: Ikatlo Araw :1
Paglilipat ng Natutunan
Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay…
 Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay
inaasahang nakapagsusuri nang maayos sa paglawak ng kapangyarihan
ng Europa at nakikilahok sa mga programang pang-ekonomiko na
nagpapakita ng pagmamalaki at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan
ng pagtangkilik sa sariling produkto upang mapagyabong ang kultura ng
bansa sa tulong at patnubay ng Poong Maykapal.

Pangunahing Pag-uunawa
Nauunawaan ng mga mag-aaral na….
 .Ang mga suliraning dala ng paglawak ng kolonyalismo at imperyalismo ay
humahadlang sa pag-unlad ng bansa at nagpapakita ng responsibilidad
na maipagmamalaki at mapasalamatan ang Diyos sa mga produktong
gawa ng Pilipino.

Mahahalagang Katanungan
 Paano mo masosolusyunan ang suliraning dala ng colonial mentality o
kolonyal na pag-iisip ng mga Pilipino?

I. Panimulang Gawain:
Pagbabalik-aral: Checklist. Lagyan ng tsek ang mga pahayag na nakatulong sa
pagtatatag ng mga nation-state sa Europa.
Pokus : Ang Eksplorasyon
Pagganyak : Picture Panel. Piliin ang tatlong bagay na nakatulong upang maglayag
ang mga Europeo sa Asya. Bilugan ang mga larawan at tukuyin ang katawagan sa mga
kagamitan o instrumento.
iagpakita ng balita na may kinalaman sa kapangyarihan ng Simbahan
Pang-alis ng Balakid:
 Astrolabe – instrumentong panukat ng mga anggulong kinalalagyan ng
mga bituin at araw.
 Mercator – isang mapa na nagpapakita sa latitud at longhitud.
 Compass – instrumentong nagbibigay ng tamang direksyon. Nakatutulong
sa mga manlalakbay upang ituro ang hilaga at timog.
 Caravel – sasakyang ginamit ng mga Europeo sa paglalayag

II. Paglinang ng Kaalaman


Inaasahang Kaalaman…

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 1


Mga salik na nagbigay-daan sa pagtuklas at paggalugad
Inaasahang kakayahan…
Nasusuri ang mga Epekto ng Pagtuklas at Paggalugad
Pagpapaunlad ng Paksa
Gawain #1: Event-Goal Map. Ilahad ang mga salik na nagbigay-daan sa pagsisimula ng
Panahoon ng Pagtuklas at Paggalugad.
Gawain #2: Explorer Matrix. Ipakita ang mga lugar na narrating ng mga manlalayag sa
Panahon ng Paglalayag at Pagtuklas.
Gawain #3: Effect Box. Tukuyin ang mga epekto ng mga sumusunod na pangyayari sa
paglulunsad ng pagtuklas at paggalugad.

Mga Katanungan na Nagpapalalim sa Paksa:


 Sumulat si Chief Machemba ng Silangang Aprika sa isang opisyal na
Aleman ng ganito:
“Pinakinggan ko ang iyong mga sinabi, ngunit wala akong makitang
dahilan bakit ako dapat sumunod. Mamamatay muna ako. Kung kailangan
mo ng pagkakaibigan, handa akong ibigay ito sa iyo, ngunit kailanman
hindi mo ako magiging alipin. Kung nais mo ng digmaan, handa ako.”

o Ano kaya ang nais ipahiwatig ng opisyal sa kanyang mensahe?

III. Pag-uugnayPagsasanib
A. Pangunahing Kahalagahan: Service, Excellence, Faith
Kaugnay na Kahalagahan: Stewardship
 Naging layunin ng mga manlalayag na paunlarin ang kanilang
ekonomiya, paano mo ito itatampok sa iyong sariling bansa?
B. Panlipunang Oryentasyon: Slavery/Human Trafficking
 Kadalasang tinitingnan natin ang pang-aalipin bilang bahagi na ng
nakaraan, paano ka makakatulong sa pagsugpo sa pang-aalipin sa ating
mundo ngayon tulad ng sapilitang paggawa, prostitusyon, at iba pa?
C. Aralin sa Ibang Disiplina: CL
 Isa sa naging salik ng pagtuklas at paggalugad ay ang hangaring
ipalaganap ang Kristiyanismo, paano mo ito itataguyod bilang isang
Katoliko?

Paano mo ito maiuugnay sa ating aralin ngayon?


D. Banal na Salita: Mark 16:15
“And He said to them, ‘Go into the entire world and preach the gospel to every
creature.'”
Ano ang mensahe ang hatid nito sa atin?
IV. Pagtataya
Three-Minute Pause. Mag-isip at magnilay sa loob ng tatlong minute ukol sa mga
konsepto at ideya na natutuhan patungkol sa Panahon ng Pagtuklas at
Paggalugad.
V. Paglalagom/Aksyon
Paglalahat:

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 2


 Ang panahon ng eksplorasyon ay ang panahon kung saan nagkaroon ng
ugnayan ang iba’t ibang kontinente sa mundo. Nagkaroon ng interes sa
mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag
ang mga manlalayag hangganga sa sumigla ang pang-aalipin dahil sa
kolonisasyon. Ngunit sa bandang huli, nagkaroon ng pagbabago sa
ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng kalakal.
Aksyon:
 Paano ka magsisilbing inspirasyon o ehemplo ng ating bansa para
maibsan ang karahasang laganap sa ating mga lansangan?

VI. Makatuturang Kasunduan


Magtala ng mga patakarang ipinatutupad ng mga kasalukuyang lider ng
Pilipinas.

Mga Sanggunian
Kayamanan nina Celia D Soriano, Eleanor D. Antonio et al.
Sulyap ng Kasaysayan ng Daigdig nina Eliza Bustamante at Fredie Avendano

Prepared by: Checked by: Date:


MISS BEVERLY M. ABAO _____________________ ___________________________
SAC / AC / Principal
Status of Implementation Modifications:
____ Implemented
____Partially Implemented
____ Not Implemented
Remarks:
Date Observed: Remarks:
____________
Observed by:
______________

RVM EDUCATION MINISTRY COMMISSION


G/Flr Mother Ignacia Center for Spirituality (MICS Bldg.)
214 N. Domingo, Quezon City

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 3


BANGHAY-ARALIN SA KASAYSAYAN NG MUNDO

Asignatura: AP 8 – Kasaysayan ng Daigdig Kwarter: Ikatlo


Yunit: Ikatlo Araw :1
Paglilipat ng Natutunan
Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay…
 Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay
inaasahang kritikal na nakapagsusuri sa implikasyon ng mahahalagang
pangyayari sa paglakas ng Europa at nakakagawa ng malikhaing sining
na nagpapakita ng pagpapahalaga at paghanga sa mga pamana ng
makabagong panahon bilang pasasalamat at pagbabahagi ng sariling
talentong ipinagkaloob ng Diyos.

Pangunahing Pag-uunawa
Nauunawaan ng mga mag-aaral na….
 Ang mga kaganapan sa paglakas ng Europa na nakakaimpluwensiya sa
pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan ay nagbigay ng malikhaing
pagsisikap sa tao na mapangalagaan ang mga sinaunang pamana upang
mapagyabong ang kulturang ibinahagi ng Panginoon.

Mahahalagang Katanungan
 Paano mo haharapin ang mga suliraning dala ng pagbabagong
nagaganap sa daigdig?

VII. Panimulang Gawain:


Pagbabalik-aral: Yes/No Cards. Itaas ang kard na Yes kapag alam ang sagot ukol sa
mga kaganapan sa panahon ng pa-iral ng Sistemang Piyudalismo at kung hindi, itaas
ang kabilang bahagi nito.
Pokus : Ang Renaissance
Pagganyak : Balitaan. Pag-usapan sa klase ang mga nalalaman o hinahangaan ng
mga mag-aaral na likhang sining, kagaya ng arkitektura, pagpipinta, at eskultura.
Pang-alis ng Balakid:
 Renaissance – mula sa salitang Pranses na nangangahulugang “muling
pagsilang”
 Flanders – ay isang rehiyon sa Hilagang Europe na nagging sentro ng
sining ng Northern Renaissance.
VIII. Paglinang ng Kaalaman
Inaasahang Kaalaman…
Ang mga salik na nagbigay-daan sa Renaissance
Inaasahang kakayahan…
Natataya ang panahon ng Renaissance kung saan ang interes ng mga
mamamayan sa kalikasan ay muling nabuhay

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 4


Pagpapaunlad ng Paksa
Gawain #1: Cycle Web. Tukuyin ang mga katangian ng Renaissance.
Gawain #2: Concept Map. Ilahad ang mga detalye sa mga sining na nalikha sa
panahon ng Renaissance at ang impluwensiya nito sa makabagong panahon.
Gawain #3: Character Map. Sa pamamagitan ng apat na pangkat, ipaanalisa ang mga
mahahalagang personalidad sa panahon ng Renaissance.

Mga Katanungan na Nagpapalalim sa Paksa:


 Sa aklat ni Machiavelli na “The Prince” pinayuhan niya ang mga pinuno
ng: Mas mainam na ikaw ay katakutan kaysa mahalin.”

1. Ano kaya ang ibig sabihin nito?


2. Sa iyong palagay, tama bang sundin ng mga makabagong pinuno
ang nasabing pahayag?

IX. Pag-uugnayPagsasanib
E. Pangunahing Kahalagahan: Service, Excellence
Kaugnay na Kahalagahan: Stewardship
 Paano mo maibabalik ang interes ng mga mag-aaral sa pagkakalimbag ng
mga babasahin at aklat?
F. Panlipunang Oryentasyon: Developing ones skills and talents
 Bilang isang tao, paano mo bibigyang-halaga at lilinangin ang iyong mga
kakayahan at abilidad?
G. Aralin sa Ibang Disiplina: Math, CL
 Paano ka magiging isang mapanuri at critical thinker?
 Paano mo bibigyan ng kalayaan ang iyong pag-iisip ng hindi lumalabag sa
utos ng Diyos?

Paano mo ito maiuugnay sa ating aralin ngayon?


H. Banal na Salita: Luke 12:43
“Blessed is the servant, whom his Lord when his cometh shat fined his doing”.
Ano ang mensahe ang hatid nito sa atin?

X. Pagtataya
Gumuhit ng isang bagay na sasalamin sa iyong diwa ng Renaissance.
XI. Paglalagom/Aksyon
Paglalahat:
 Sa kabuuan, ang diwa ng Renaissance ay nagbigay ng kalayaang
intelektuwal na nagsilbing tuntungan sa pagpasok ng sumunod na
panahon. Nabuksan ang isipan ng tao na gamitin ang kaniyang abilidad
at kakayahan sa pagtuklas ng mga bagay-bagay na dahilan upang
makapag-ambag ng mga kapaki-pakinabang sa lipunan.
Aksyon:
 Mula sa mga ideya ng Renaissance, paano mo bibigyan ng halaga ang
patungkol sa dignidad ng isang indibidwal?

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 5


XII. Makatuturang Kasunduan
Gumawa ng isang bagay na maaaring-display sa isang art gallery na
nagpapakita sa ambag ng mga pintor, eskultor, at arkitekto ng Renaissance.

Mga Sanggunian
Kayamanan nina Celia D Soriano, Eleanor D. Antonio et al.
Sulyap ng Kasaysayan ng Daigdig nina Eliza Bustamante at Fredie Avendano

Prepared by: Checked by: Date:


MISS BEVERLY M. ABAO _____________________ ___________________________
SAC / AC / Principal
Status of Implementation Modifications:
____ Implemented
____Partially Implemented
____ Not Implemented
Remarks:
Date Observed: Remarks:
____________
Observed by:
______________

RVM EDUCATION MINISTRY COMMISSION


G/Flr Mother Ignacia Center for Spirituality (MICS Bldg.)
214 N. Domingo, Quezon City

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 6


BANGHAY-ARALIN SA KASAYSAYAN NG MUNDO

Asignatura: AP 8 – Kasaysayan ng Daigdig Kwarter: Ikatlo


Yunit: Ikatlo Petsa: Enero 16, 2017

Paglilipat ng Natutunan
Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay…
 Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay
inaasahang kritikal na nakapagsusuri sa implikasyon ng mahahalagang
pangyayari sa paglakas ng Europa at nakakagawa ng malikhaing sining
na nagpapakita ng pagpapahalaga at paghanga sa mga pamana ng
makabagong panahon bilang pasasalamat at pagbabahagi ng sariling
talentong ipinagkaloob ng Diyos.

Pangunahing Pag-uunawa
Nauunawaan ng mga mag-aaral na….
 Ang mga kaganapan sa paglakas ng Europa na nakakaimpluwensiya sa
pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan ay nagbigay ng malikhaing
pagsisikap sa tao na mapangalagaan ang mga sinaunang pamana upang
mapagyabong ang kulturang ibinahagi ng Panginoon.

Mahahalagang Katanungan
 Paano mo haharapin ang mga suliraning dala ng pagbabagong
nagaganap sa daigdig?

XIII. Panimulang Gawain:


Pagbabalik-aral: Pak Ganern Challenge. Hayaang tugunan ng mga mag-aaral ang mga
sitwasyon na may kinalaman sa nakaraang leksiyon.
Pokus : Ang Repormasyon
Paghawan ng Balakid:
 Repormasyon – ay kilusang ibinunsod ang malaking pagbabago ng tao
tungkol sa relihiyon.
 Simony – pagbebenta ng posisyon sa simbahan
 Indulhensiya – isang anyo ng kapatawaran sa kasalanan kapalit ang isang
mabuting gawain tulad ng pagkakawanggawa.

Pagganyak: Headline News. Magpakita ng balita na may kinalaman sa kapangyarihan


ng Simbahan
APK: Wikarambulan
Bigyan ng mga sitwasyon ang mga mag-aaral at sagutin ito sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng mga ginulong salita.

XIV. Paglinang ng Kaalaman


Inaasahang Kaalaman…
Ang mga dahilan ng pag-usbong ng Repormasyon
Inaasahang kakayahan…

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 7


Nasusuri ang mga epekto ng Repormasyon

Pagpapaunlad ng Paksa
 Jigsaw.
 Pangkatin ang klase sa tatlo. Papiliin o bigyan ng paksang tatalakayin ang
bawat pangkat batay sa mga sumusunod.
1. Dahilan ng Repormasyon
2. Epekto ng Repormasyon
3. Tugon ng Simbahan sa Repormasyon
 Maaaring gamitin ang mga sumusunod na mga gawain sa pag-uulat.

1. Tree Chart Ilahad ang pagsibol ng Repormasyon


2. Map Journey Ipakita ang mapa na babaybay sa mga lupain na
kung saan lumawak ang Repormasyon
3. Caharacter Parada ng mga personalidad at paglawak ng
Parade Repormasyon

Mga Katanungan na Nagpapalalim sa Paksa:


 “The preaching of a sermon is speaking to a few of mankind, but printing
of books is talking to the whole world”.
1. Ano ang relasyon ng dalawang pangyayari na nais ipahiwatig ng
pahayag sa iyong buhay?
2. Ano kaya ang nais ipakita ng may akda sa iyo?
XV. Pag-uugnayPagsasanib
I. Pangunahing Kahalagahan: Service, Excellence, Faith
Kaugnay na Kahalagahan: Stewardship
 Paano mo maipapakita ang iyong pananampalataya sa iyong kinikilalang
Diyos?
J. Panlipunang Oryentasyon: Homosexuality/LGBT Rights
 Sa palagay mo, pumapabor ba ang Diyos/bibliya sa diskriminasyon sa
kasarian?
K. Aralin sa Ibang Disiplina: CL
 Paano ka susunod sa pamantayang moral ng Bibliya?

Paano mo ito maiuugnay sa ating aralin ngayon?


L. Banal na Salita: Galatians 5:13-14
“You, my brothers and sisters, were called to be free. But do not use your
freedom to indulge the flesh; rather, serve one another humbly in love. For the
entire law is fulfilled in keeping this one command: Love your neighbour as
yourself.”
Ano ang mensahe ang hatid nito sa atin?
XVI. Pagtataya
Sumulat ng isang dyornal na nakatuon sa mga sigalot na umiral sa Europa na
may kaugnayan sa relihiyon. Ilahad ang iyong pananaw upang maiwasan ang
mga ganitong uri ng sigalot sa sariling bansa.

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 8


XVII. Paglalagom/Aksyon
Paglalahat:
 Pinalakas ng Repormasyon ang panawagan sa mga tao na bumasa ng
bibliya na nagbigay-daan sa pagtaas ng kaalaman sa paggawa at
wastong pamumuhay ng tao.
Aksyon:
 Sa panahon ngayon, bakit kailangan natin ang matibay na pananalig sa
Panginoon?

XVIII. Makatuturang Kasunduan


Pumili ng isang kasalukuyang isyu sa Pilipinas at gumawa ng flow chart sa kung
paano mo paiiralin ang diwa ng Repormasyon dito.

Mga Sanggunian
Kayamanan nina Celia D Soriano, Eleanor D. Antonio et al.
Sulyap ng Kasaysayan ng Daigdig nina Eliza Bustamante at Fredie Avendano

Prepared by: Checked by: Date:


MISS BEVERLY M. ABAO _____________________ ___________________________
SAC / AC / Principal
Status of Implementation Modifications:
____ Implemented
____Partially Implemented
____ Not Implemented
Remarks:
Date Observed: Remarks:
____________
Observed by:
______________

RVM EDUCATION MINISTRY COMMISSION


G/Flr Mother Ignacia Center for Spirituality (MICS Bldg.)
214 N. Domingo, Quezon City

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 9


BANGHAY-ARALIN SA KASAYSAYAN NG MUNDO

Asignatura: AP 8 – Kasaysayan ng Daigdig Kwarter: Ikatlo


Yunit: Ikatlo Araw :1
Paglilipat ng Natutunan
Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay…
 Naipapamalas ang malalim na pagsusuri sa mga kontemporaryong isyu at
aktibong nakikilahok sa mga adhikaing nagsusulong sa kaayusan at
kapayapaan ng sariling komunidad na itinatag ng Diyos na naglalayon ng
kabutihan sa lahat.

Pangunahing Pag-uunawa
Nauunawaan ng mga mag-aaral na….
 Ang mga kaganapan sa kontemporaryong daigdig ay may malaking
impluwesiya sa pamumuhay ng tao para sa pagpapanatili ng
pandaigdigang pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran ng bansang may
pananalig sa Diyos.

Mahahalagang Katanungan
 Anong mga hakbang ang iyong gagawin para sa pagpapatatag ng
pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran ng bansa?
 Paano mo maitaguyod ang pagkakaisa sa mundo?

XIX. Panimulang Gawain:


Pagbabalik-aral: Chronology of Events. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayaring
naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig
Pokus : Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Pagganyak : Video Clip. Pagpapakita ng video mula sa palabas na “Pearl Harbor”.
Pang-alis ng Balakid:
 Appeasement – ang pagsang-ayon sa kahilingan o pagsunod sa
patakaran upang iwasan ang anumang alitan at labanan
 Blitzkrieg – ang mabilis at sunod-sunod na pag-atake sa lupa at
himpapawid.
 Holocaust – ang isang pangkalahatang tawag sa paglalarawan ng
kaparaanang pagpaslang sa mahigit-kumulang anim na milyong
Europeong Hudyo
XX. Maging Paglinang ng Kaalaman
Inaasahang Kaalaman…
Ang mga dahilang nagbigay-daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Inaasahang kakayahan…
Naipapaliwanag ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Pagpapaunlad ng Paksa
Gawain #1: Chronological Box. Itala ang mga bansa, taon, at mga lugar na sinalakay ng
mga bansang sangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Gawain #2: Cause and Effect Chart. Ilahad ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 10


sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Gawain #3: Goal-Action Diagram. Ipaliwanag ang mga isinagawang hakbang ng
pamahalaang militar upang maisakatuparan ang kanilang mga layunin.

Mga Katanungan na Nagpapalalim sa Paksa:


 Ano-anong aral ang naibigay ng Holocaust sa kasalukuyang panahon?
 Paano pinahihina ng galit at pagkamuhi ang isang lipunan?
 Ano kaya ang mga epekto ng digmaan sa buhay ng tao at sa kabuhayan
ng daigdig?

XXI. Pag-uugnayPagsasanib
M. Pangunahing Kahalagahan: Service, Excellence, Faith
Kaugnay na Kahalagahan: Stewardship
 Anong organisasyon o samahan ang iyong buuuin na maaaring
makatulong sa pagpapanatili ng katahimikan sa daigdig?
N. Panlipunang Oryentasyon: Social Righteousness/Racial Discrimination
 Ano ang magiging kabuluhan ng iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa ng
hindi alintana ang kaibahan ng lahi?
O. Aralin sa Ibang Disiplina: English
 Paano mo magagamit ang komunikasyon upang matamo ang
pagkakaunawaan ng mga bansa sa iba’t ibang sulok mundo?

Paano mo ito maiuugnay sa ating aralin ngayon?


P. Banal na Salita: James 3:18
“And the seed whose fruit is righteousness is sown in peace by those who make
peace.”
Ano ang mensahe ang hatid nito sa atin?

XXII. Pagtataya
Gumawa ng isang talumpati na tumatalakay sa “turning points” ng digmaan.
XXIII. Paglalagom/Aksyon
Paglalahat:
 Umusbong ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa kakulangan ng
probisyon para sa mga naparusahang bansa. Hindi naging makatao ang
pagtanggap ng parusa kaya palihim na gumawa ng paraan ang mga
talunang bansa upang muling maghasik ng takot sa pamamagitan ng
pananalakay sa ibang bansa.
Aksyon:
 Paano mo sisikaping maisakatuparan ang mga layunin ng bansa na
matamo ang kapayapaan?
XXIV. Makatuturang Kasunduan
Sumulat ng isang repleksiyon na naglalahad ng iyong saloobin o nararamdaman
mula sa epekto ng digmaan.
Mga Sanggunian

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 11


Kayamanan nina Celia D Soriano, Eleanor D. Antonio et al.
Sulyap ng Kasaysayan ng Daigdig nina Eliza Bustamante at Fredie Avendano

Prepared by: Checked by: Date:


MISS BEVERLY M. ABAO _____________________ ___________________________
SAC / AC / Principal
Status of Implementation Modifications:
____ Implemented
____Partially Implemented
____ Not Implemented
Remarks:
Date Observed: Remarks:
____________
Observed by:
______________

RVM EDUCATION MINISTRY COMMISSION


G/Flr Mother Ignacia Center for Spirituality (MICS Bldg.)
214 N. Domingo, Quezon City

BANGHAY-ARALIN SA KASAYSAYAN NG MUNDO

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 12


Asignatura: AP 8 – Kasaysayan ng Daigdig Kwarter: Ikatlo
Yunit: Ikatlo Araw :1
Paglilipat ng Natutunan
Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay…
 Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay
inaasahang nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa transpormasyong
naganap sa Europa at nakapaglalahad ng matalinong pagpapasya sa
wastong paggamit ng mga makabagong teknolohiya para sa ikabubuti at
ikauunlad ng bansa na may pananalig sa Diyos.

Pangunahing Pag-uunawa
Nauunawaan ng mga mag-aaral na….
 Ang mga kaganapan sa transpormasyong naganap sa Europa ay
nagsilbing inspirasyon sa paggamit ng maayos na pangangatwiran upang
matugunan ang mga suliranin sa lipunan at mapabuti ang pamumuhay ng
mga taong pinagkalooban ng Diyos ng kaalaman.

Mahahalagang Katanungan
 Anong hakbang ang iyong gagawin upang masolusyonan ang mga
suliranin sa buhay na dulot ng mga pagbabago?

XXV. Panimulang Gawain:


Pagbabalik-aral: Playoffs. Ibigay ang mga epekto ng Rebolusyong Intelektwal.
Pokus : Rebolusyong Industriyal
Pagganyak : Guess the Word. Magpakita ng mga larawan ng manggagawa, makina, at
pabrika. Itanong kung saang salita may kaugnayan ang mga larawang ito.
Pang-alis ng Balakid:
 Industriyalisasyon – ay nangangahulugan ng paggamit nang makina
upang maproseso ang mga hilaw na sangkap tulad nang mga produktong
mineral, agrikultural, at maging ang produktong gubat.
 Urbanisasyon - ay ang pisikal na paglaki ng mga pook o populasyon sa
bayan dala ng migrasyon.
 Entreprenyur – hango sa salitang French na entrpende na ang ibig sabihin
ay “isagawa”

XXVI. Paglinang ng Kaalaman


Inaasahang Kaalaman…
Ang pagtuklas at pag-imbento ng mga makabagong makinarya
Inaasahang kakayahan…
Nailalarawan ang mga mabuti at di-mabuting epekto ng Rebolusyong
Industriyal
Pagpapaunlad ng Paksa
Gawain #1: Concept Map. Isa-isahin ang mga salik na nagbigay-daan sa pagsisimula
ng Rebolusyong Industriyal.
Gawain #2: Idea Circle. Ilahad ang mga pagbabagong hatid ng industriyalisasyon.

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 13


Gawain #3: Cause and Effect Diagrams. Tukuyin ang mga mabuti at di-mabuting epekto
ng Rebolusyong Industriyal.

Mga Katanungan na Nagpapalalim sa Paksa:


o Mag-organisa ng dalawang pangkat na magsasagawa ng isang
debate tungkol sa paksang “Ang Rebolusyong Industriyal ay isang
Biyaya”.

XXVII. Pag-uugnayPagsasanib
Q. Pangunahing Kahalagahan: Service, Excellence, Faith
Kaugnay na Kahalagahan: Stewardship
 Paano ka makatutulong sa mga hamon na dulot ng Rebolusyong
Industriyal sa pamumuhay ng tao?
R. Panlipunang Oryentasyon: Child Labor
 Paano mo magagawan ng aksyon ang panganib na maaaring maranasan
ng mga kabataang napasailalim sa paggawang di wasto sa kanilang
edad?
S. Aralin sa Ibang Disiplina: Science/Computer
 Paano mo mapapangalagaan ang kapaligiran sa gitna ng mabilis na
pagpasok ng makabagong teknolohiya dulot ng industriyalisasyon.
 Paano mo tutulungan ang mga kabataang nahumaling sa paggamit ng
makabagong gadget na produkto ng industriyalisasyon?

Paano mo ito maiuugnay sa ating aralin ngayon?


T. Banal na Salita: Colossians 3:23
“Whatever you do, work heartily, as for the Lord and not for men.”
Ano ang mensahe ang hatid nito sa atin?

XXVIII. Pagtataya
Bumuo ng isang scenario lima o sampung taon mula ngayon sa maaaring
kahinatnan ng bansa dulot ng industriyalisasyon sa paggawa.

XXIX. Paglalagom/Aksyon
Paglalahat:
 Ang Rebolusyong Industriyal ay panahon ng pagbabago kung saan
ginamit ang mga makinarya para palitan ang manwal na pagtatrabaho.
Naghatid ito ng mga positibong epekto tulad ng pag-unlad sa
komunikasyon, transportasyon, agham, at agrikultura. Ngumit lumikha rin
ito ng ilan sa di-mabuting epekto gaya ng pagsisiksikan ng mga tao sa di-
maayos at di-malinis na mga tirahan gayundin sa mga kondisyon sa
pabrika at pagtatrabaho ng mga bata. Nagsimula rin ang polusyon sa
hangin hatid ng mga usok na nagmula sa makina.
Aksyon:
 Paano ka gagawa ng isang resolusyon na kumikilala sa mga kabutihang
dulot ng industriyalisasyon at ang pagkondena sa mga maling paggamit
ng mga makinarya?

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 14


XXX. Makatuturang Kasunduan
Lumikha ng isang liriko ng lumang awit na nagtatampok sa industriyalisasyon na
isang biyaya at mga panganib na dulot nito.
Mga Sanggunian
Kayamanan nina Celia D Soriano, Eleanor D. Antonio et al.
Sulyap ng Kasaysayan ng Daigdig nina Eliza Bustamante at Fredie Avendano

Prepared by: Checked by: Date:


MISS BEVERLY M. ABAO _____________________ ___________________________
SAC / AC / Principal
Status of Implementation Modifications:
____ Implemented
____Partially Implemented
____ Not Implemented
Remarks:
Date Observed: Remarks:
____________
Observed by:
______________

RVM EDUCATION MINISTRY COMMISSION


G/Flr Mother Ignacia Center for Spirituality (MICS Bldg.)
214 N. Domingo, Quezon City

BANGHAY-ARALIN SA KASAYSAYAN NG MUNDO

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 15


Asignatura: AP 8 – Kasaysayan ng Daigdig Kwarter: Ikatlo
Yunit: Ikatlo Araw :1
Paglilipat ng Natutunan
Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay…
 Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay
inaasahang nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa transpormasyong
naganap sa Europa at nakapaglalahad ng matalinong pagpapasya sa
wastong paggamit ng mga makabagong teknolohiya para sa ikabubuti at
ikauunlad ng bansa na may pananalig sa Diyos.

Pangunahing Pag-uunawa
Nauunawaan ng mga mag-aaral na….
 Ang mga kaganapan sa transpormasyong naganap sa Europa ay
nagsilbing inspirasyon sa paggamit ng maayos na pangangatwiran upang
matugunan ang mga suliranin sa lipunan at mapabuti ang pamumuhay ng
mga taong pinagkalooban ng Diyos ng kaalaman.

Mahahalagang Katanungan
 Anong hakbang ang iyong gagawin upang masolusyonan ang mga
suliranin sa buhay na dulot ng mga pagbabago?

XXXI. Panimulang Gawain:


Pagbabalik-aral: Smiley or Not. Lagyan ng  ang mga katangiang dapat taglayin upang
maging matagumpay na kapitalista at  ang mga katangian na di makatutulong.
Pokus : Rebolusyong Siyentipiko
Pagganyak : Balitaan. Pag-usapan sa klase ang mga kilalang intelektwal na tao sa
lipunan at ang kanilang mga ideya patungkol dito.
Pang-alis ng Balakid:
 Philosophes – ay mga pilosoper na nagtaguyod sa paggamit ng
siyentipikong pangangatwiran.

XXXII. Maging Paglinang ng Kaalaman


Inaasahang Kaalaman…
Ang pag-unald ng pamamaraang siyentipiko
Inaasahang kakayahan…
Nahihinuha ang epekto ng Rebolusyong Siyentipiko

Pagpapaunlad ng Paksa
Gawain #1: Scientist Web. Isa-isahin ang mga taong nagbigay-daan paglawak ng
kaalaman sa agham.
Gawain #2: Y-Chart Diagram. Pumili ng isang natural philosopher na iyong higit na
hinangaan. Tukuyin ang ambag at dahilan ng iyong pagpili.
Gawain #3: Effect Diagrams. Ilahad ang mga epekto ng Rebolusyong Intelektwal sa
pamumuhay ng mga ato sa kasalukuyan.

Mga Katanungan na Nagpapalalim sa Paksa:

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 16


 Ang sabi ni Newton: “If you have seen new worlds, it is because you are
standing on the shoulder of a giant.”
1. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
2. Sino kaya ang ilang higante na tinutukoy niya rito?

XXXIII. Pag-uugnayPagsasanib
U. Pangunahing Kahalagahan: Service, Excellence, Faith
Kaugnay na Kahalagahan: Stewardship
 Paano mo maitataguyod ang hangarin ng mga philosophes na
mawakasan ang paghihirap ng tao mula sa kalupitan at pang-aabuso?
V. Panlipunang Oryentasyon: Youth/Professional Development
 Paano mo hihikayatin ang mga kabataan na gamitin ang sariling
kakayahan sa pagpapabuti sa edukasyon upang mabatid kung ano ang
tama at maling desisyon sa buhay?
W. Aralin sa Ibang Disiplina: Philosophy
 Paano mo mabibigyang solusyon ang mga panlipunang suliranin sa
pamamagitan ng katwiran?

Paano mo ito maiuugnay sa ating aralin ngayon?


X. Banal na Salita: Proverbs 24:4
“And by knowledge the rooms are filled with all precious and pleasant riches.”
Ano ang mensahe ang hatid nito sa atin?

XXXIV. Pagtataya
Lumikha ng isang rap tungkol sa maaari mong gawin batay sa konsepto ng
Rebolusyong Siyentipiko
XXXV.Paglalagom/Aksyon
Paglalahat:
 Sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko nagkaroon ng pagbabago sa
paraan ng pag-iisip ang mga Europeo. Samakatuwid, ang agham ay
naging susi upang maunawaan ang kalikasan at ang mga pangyayari sa
lipunan. Sa tulong ng mga siyentipiko, ang pag-unlad ng kaalaman ay
nagsimula bunga ng mga bagong tuklas sa larangan ng kimika,
biyolohiya, at iba pang sangay ng agham.
Aksyon:
 Paano mo gagamitin ang mga katagang binitawan ni Immanuel Kant na
“Magkaroon ng lakas ng loob na gamitin ang iyong sariling katalinuhan”
para mapaunlad ang bayan?

XXXVI. Makatuturang Kasunduan


Gumawa ng pananaliksik na may kaugnayan sa mga salik sa pagsisimula ng
Rebolusyong Industriyal.
Mga Sanggunian
Kayamanan nina Celia D Soriano, Eleanor D. Antonio et al.
Sulyap ng Kasaysayan ng Daigdig nina Eliza Bustamante at Fredie Avendano

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 17


Prepared by: Checked by: Date:
MISS BEVERLY M. ABAO _____________________ ___________________________
SAC / AC / Principal
Status of Implementation Modifications:
____ Implemented
____Partially Implemented
____ Not Implemented
Remarks:
Date Observed: Remarks:
____________
Observed by:
______________

RVM EDUCATION MINISTRY COMMISSION


G/Flr Mother Ignacia Center for Spirituality (MICS Bldg.)
214 N. Domingo, Quezon City

BANGHAY-ARALIN SA KASAYSAYAN NG MUNDO

Asignatura: AP 8 – Kasaysayan ng Daigdig Kwarter: Ikatlo


Yunit: Ikatlo Araw :1

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 18


Paglilipat ng Natutunan
Ang mga mag-aaral sa kalaunan at sa kanilang sariling kakayahan ay…
 Naipapamalas ang malalim na pagsusuri sa mga kontemporaryong isyu at
aktibong nakikilahok sa mga adhikaing nagsusulong sa kaayusan at
kapayapaan ng sariling komunidad na itinatag ng Diyos na naglalayon ng
kabutihan sa lahat.

Pangunahing Pag-uunawa
Nauunawaan ng mga mag-aaral na….
 Ang mga kaganapan sa kontemporaryong daigdig ay may malaking
impluwesiya sa pamumuhay ng tao para sa pagpapanatili ng
pandaigdigang pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran ng bansang may
pananalig sa Diyos.

Mahahalagang Katanungan
 Anong mga hakbang ang iyong gagawin para sa pagpapatatag ng
pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran ng bansa?
 Paano mo maitaguyod ang pagkakaisa sa mundo?

XXXVII. Panimulang Gawain:


Pagbabalik-aral: Checklist Guide. Lagyan ng tsek ang kolum ng mga pahayag na
nakatulong sa pag-usbong ng Rebolusyong Industriyal.
Pokus : Unang Digmaang Pandaigdig
Pagganyak : Video Clip. Pagpapakita ng video mula sa palabas na “Flyboys”.
Pang-alis ng Balakid:
 Imperyalismo – ay ang pagpapalawak ng kapangyarihan, na kinokontrol o
pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo.
 Militarismo – ay ang pagpapalakas ng hukbo at pagpaparami ng armas
upang mahigitan ang ibang bansa.
 Nasyonalismo – ay ang damdamin ng katapatan at pagmamahal sa
kultura at kapakanan nito. Isang damdaming makabansa ng mga taong
nagpakita ng katapangan sa sariling bayan at hindi sa isang pangulo o
pinuno lamang
 Neutrality – ay isang patakaran ng hindi pagkiling sa alinmang panig sa
digmaan.
XXXVIII. Maging Paglinang ng Kaalaman
Inaasahang Kaalaman…
Ang mga dahilang nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig
Inaasahang kakayahan…
Nasusuri ang mga epekto ng Unang Digmaan Pandaigdig

Pagpapaunlad ng Paksa
 Jigsaw. Pangkatin ang klase sa apat. Papiliin ang bawat pangkat ng mga gawain
na nais nilang talakayin.

 Paggawa ng Story Pyramid patungkol sa Militarismo na isang

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 19


dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig
 Paggawa ng isang T-Chart na tumatalakay sa naganap na
alyansa sa pagitan ng mga bansa na naging sanhi ng digmaan.
 Pagtatanghal ng isang diskusyong panel ukol sa imperyalismo
na nagging daan ng digmaang pandaigdig
 Pagguhit ng kartun o larawan patungkol sa pagsibol ng
nasyonalismo ng mga bansa na nagbunsod sa digmaang
pandaigdig

Mga Katanungan na Nagpapalalim sa Paksa:


 Winika ni Frederic Passy na isang ekonomista na “Kinabukasan ay pag-
aari ng kapayapaan.”
1. Ano ang gustong ipahiwatig ng ekonomista?
2. Ano-ano ang mga potensyal na panganib sa pagpasok sa
digmaan?
3. Ano ang maaaring gawin kapalit ang digmaan?

XXXIX. Pag-uugnayPagsasanib
Y. Pangunahing Kahalagahan: Service, Excellence, Faith
Kaugnay na Kahalagahan: Stewardship
 Paano mo maitataguyod ang pagpapalaganap ng kaayusan at
katahimikan sa bayan?
Z. Panlipunang Oryentasyon: Peace Agreement
 Sa anong paraan ka makakatulong sa usapang pangkapayapaan sa
Mindanao bilang isang Muslim o Kristiyano?
AA. Aralin sa Ibang Disiplina: Computer
 Nakita natin ang naging epekto ng teknolohiya sa panahon ng digmaan,
paano naman kaya makakatulong ang makabagong teknolohiya sa
pagbangon ng bansa?

Paano mo ito maiuugnay sa ating aralin ngayon?


BB. Banal na Salita: Leviticus 26:6
“I will grant peace in the land, and you will lie down and no one will make you
afraid I will remove wild beasts from the land, and the sword will not pass
through your country.”
Ano ang mensahe ang hatid nito sa atin?

XL. Pagtataya
Lumikha ng isang sulat na nanawagan sa pagpapanatili ng katahimikan sa
lipunan.
XLI. Paglalagom/Aksyon
Paglalahat:
 Dalawang malalaking alyansa ang sumibol sa Panahon ng Unang
Digmaang Pandaigdig: ang kapangyarihang Sentral na binubuo ng
Alemanya, Austria-Hungary, at Allies na pinangunhan ng Pransiya,

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 20


Britanya, at Rusya. Bagama’t ang asasinasyon kay Francis Ferdinand ay
nagsindi ng apoy sa digmaan, nagkakaisa ang mga historyador na ang
mga nangungunang bansa ang may kinalaman sa naganap na digmaan.
Aksyon:
 Bilang isang mag-aaral, paano mo maiiwasan ang anumang alitan sa
bawat sulok ng iyong buhay?

XLII. Makatuturang Kasunduan


Gumawa ng isang propaganda na may kaugnayan sa pagpigil ng mga kaguluhan
sa mundo.
Mga Sanggunian
Kayamanan nina Celia D Soriano, Eleanor D. Antonio et al.
Sulyap ng Kasaysayan ng Daigdig nina Eliza Bustamante at Fredie Avendano

Prepared by: Checked by: Date:


MISS BEVERLY M. ABAO _____________________ ___________________________
SAC / AC / Principal
Status of Implementation Modifications:
____ Implemented
____Partially Implemented
____ Not Implemented
Remarks:
Date Observed: Remarks:
____________
Observed by:
______________

AP 8 LEARNING PLAN for THIRD QUARTER Page 21

You might also like