You are on page 1of 18

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Pamilya Bilang Natural na
Institusyon

2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: LUCILI BALIOLA PIS-AN
Editor: YSMAELA CHAT A. ASDILLO
Tagasuri: MACRINA K. VILLALUZ
Tagaguhit:
Tagalapat: YSMAELA CHAT A. ASDILLO
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Donre B. Mira, Ed.D.
Fay C. Luarez, Ph.D., Ed.D., TM Rosela R. Abiera
Nilita L.Ragay, Ed.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, Ph.D., Ed.D., TM Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Pamilya Bilang Natural na
Institusyon
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan


ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iii
MODYUL 1 : ANG PAMILYA BILANG NATURAL NA
INSTITUSYON

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na


kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarili
EsP8PB-Ia-1.1

1
Panimula

Bakit itinuturing ang pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan?

Maituturing na una at mahalagang bahagi ng lipunan ang pamilya dahil


ito ang orihinal na pinagmulan ng bawat tao. Sa pamilya sumisibol ang bawat
indibidwal na bumubuo ng lipunan. Ang bawat kasapi ng iba’t ibang sektor ng
lipunan ay miyembro ng pamilya.

Maituturing na natural na institusyon ang pamilya sapagkat ito ay nabuo


dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasyang magpakasal at
magsama nang habang buhay. Mula rito ay sisibol ang mga anak na
magpaparami ng miyembro ng pamilya. Ang pamilya lamang ang tanging
samahan na hindi dapat piliin, ihalal o iboto ang mga namumuno. Sa pamilya
kinikilala ang pamumuno ng ama at ina. Hindi rin kailangan manghikayat ng mga
miyembro upang dumami ang mga kasapi ng pamilya. Likas na dumarami ang
kasapi nito.

2
Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Kaalaman : Naipapaliwanag ang tungkulin ng bawat kasapi ng


pamilya

Saykomotor : Nakagagawa ng istruktura ng bahay at ilang


mahalagang kasangkapan dito na magrepresenta sa
bawat kasapi ng pamilya

Apektiv : Napapahalagahan ang tungkulin ng bawat kasapi ng


pamilya

3
Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakaangkop
na sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga
institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
A. paaralan B. pamilya C. pamahalaan D. barangay
2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na
pahayag ang dahilan?
A. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
B. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
C. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang
magpakasal at magsama nang habambuhay.
D. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa
kapwa.
3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free
giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
A. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng
kaniyang pamilya.
B. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng
panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.
C. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng
karagdagang baon sa eskwela.
D. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung
kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.
4. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin
nito?
A. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng
pamilya ganoon din sa lipunan.
B. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
C. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa
lipunan.
D. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang
lipunan.

4
5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa
sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
A. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa
tao.
B. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang
magiging pakikitungo nito sa iba.
C. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na
pakikitungo sa kapwa.
D. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na
gagabay sa mga bata.
6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng
isang maayos na pamilya?
A. Pinagsama ng kasal ang magulang
B. Pagkakaroon ng mga anak
C. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
D. Mga patakaran sa pamilya
7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit
sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng
pamilyang ito na dapat mong tularan?
A. Buo at matatag
B. May disiplina ang bawat isa
C. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
D. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at
patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
A. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
B. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo
C. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob
ng tahanan.
D. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
A. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng
buong pamilya.
B. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
C. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng
kanilang makakaya.
D. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang
suporta ng bawat isa.
10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.”
Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay?
A. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang
pakikipagkapwa tao.
B. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang
problema.
C. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa

5
pakikipagkapwa.
D. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang
kinabibilangan.

Nagtutulungan ba
ang bawat
miyembro ng iyong
pamilya?

Gawain 1

Pamilyar ba kayo sa awiting “Welcome to the Family”? Suriin ang mga linya ng
awiting ito na nasa ibaba at tukuyin ang mga pagpapahalagang nabanggit dito.

Welcome to the Family


Debby Kerner & Ernie Rettino

Welcome to the family


We're glad that you have come
To share your life with us
As we grow in love and
May we always be to you
What God would have us be
A family always there
To be strong and to lean on,
May we learn to love each other
More with each new day
May words of love be…
Source: Musixmatch

6
Pagsusuri

1. Ano ang pamilya?


2. Sino-sino ang bumubuo sa pamilya?
3. Ano-ano ang ginagawa ng bawat kasapi ng pamilya?

Pagpapalalim

Ang Kahulugan ng Pamilya

Ano nga ba ang pamilya? Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang
pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng
isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong
pagmamahal - kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang
buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga
magiging anak. Ayon pa rin sa kaniya, ang pamilya ay isang kongkretong
pagpapahayag ng positibong aspekto ng pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng
kawanggawa, kabutihang loob, at paggalang o pagsunod.
Maaaring patuloy na nagkakaroon ng ebolusyon sa kahulugan ng pamilya
ngunit isa ang mananatili, ang pamilya ay isang likas na institusyon.

7
Paglalapat

Sa isang gawaing pampamilya, pagtitipon o okasyon na kung saan ang buong


mag-anak ay magkakasama, anong mga karanasan tungkol sa pagpapahalaga at
mabuting pag-uugali ang pinapakita ng inyong pamilya?

Gawain 2

Punan ang talahanayan sa ibaba ng mga kinakailangang impormasyon tungkol sa


iyong pamilya.

Ano-ano ang Sino-sino ang Ano-anong Mahalaga ba sa iyo


karaniwang miyembro ng pagpapahalaga ang ang mga
gawain sa inyong pamilya na nahihinuha mula sa pagpapahalagang
pamilya? magkasama sa mga gawaing ito? natutuhan sa mga
gawaing ito? gawaing ito?
Ipaliwanag

8
Gawain 3

1. Gumuhit ng istruktura ng bahay na nagpapakita ng mahahalagang bahagi nito.

2. Gamitin ang mga bahagi nito at ilang mga mahalagang kasangkapan upang
ilarawan ang bawat kasapi ng iyong pamilya at ang mahalagang kontribusyon
nila sa inyo.

Halimbawa:

https://tinyurl.com/y6f84q4h

Ang aking ama at ina ay haligi ng aming tahanan dahil


____________________________________________________

Ang aking kuya at ate ay maihahalintulad ko sa pader ng aming tahanan dahil


____________________________________________________

9
Pagpapayaman/
Pagninilay

Ang aral na natutunan ko tungkol sa pamilya ay _________________


Nahihinuha ko na mahalaga ang pamilya dahil __________________
Isasabuhay ko ang mga natutunan ko _________________________

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang pinakaangkop na
sagot sa mga pagpipilian sa ibaba. Isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Ayon sa kanya, ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa


pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang
pag-iimbot, puro at romantikong pagmamahal.
A. Pierangelo Alejo C. Saint Francis
B. Mother Theresa D. Dating Kalihim Jesse Robredo
2. Ang pamilya ay mayroong misyon na bantayan, ipakita at ipadama ito
A. pagpapahalaga C. pagkamuhi
B. pagmamahal D. pagkamainggitin
3. Ito ang tawag ng pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa.
A. conjugal property C. paternal love
B. conditional love D. conjugal love

10
4. Ito ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit
A. paternal love C. conjugal love
B. unconditional love D. conditional love
5. Ang __________(communion) at pakikibahagi ang dapat umiiral sa araw-araw na
buhay-pamilya.
A. kahati C. pag-aasawa
B. ugnayan D. pag-unawa
6. Ito ang uri ng pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak
A. paternal love C. conditional love
B. conjugal love D. brotherly love
7. Ang bawat kasapi ng iba’t-ibang sektor ay miyembro ng
A. pangkat C. pamilya
B. grupo D. angkan
8. Anong pangako ang binitawan sa dalawang taong nagpapakasal?
A. nangakong magsasama sa hirap at ginhawa habang buhay
B. magtutulungan sa pag-aaruga ng kanilang mga magiging anak
C. pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak
D. lahat ng nabanggit.
9. Ito ang pangunahing institusyon ng lipunan.
A. simbahan C. pamilya
B. paaralan D. kapitbahay
10. Ang tungkulin ng mga magulang na magbigay ng _____________ ang bukod
tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang.
A. pagkain C. damit
B. edukasyon D. bahay

Talasalitaan

Pamilya - ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng


pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at
romantikong pagmamahal.

11
MGA SANGGUNIAN

Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Detailed Lesson Plan

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang


Modyul para sa Mag-aaral
Bognot et al

Gabay sa Pagtuturo Edukasyon sa Pagpapahalaga II


Kagawaran ng Edukasyon
Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya
Sangay ng Pagpapaunlad ng Kurikulum

Google search
https://www.google.com/search?q=house+structure+cartoon&tbm=isch&ved=2ahUK
EwjknY6O9PHqAhX6xosBHWkEBx4Q2-
cCegQIABAA&oq=house+structure+cartoon&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAA6BAgAE
EM6BggAEAUQHjoGCAAQCBAeUMFnWNB1YOh_aABwAHgAgAG0BYgBqheSAQ
kyLTEuMy4wLjOYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=_yAhX6
SiIvqNr7wP6Yic8AE

Inihanda ni:

LUCILI BALIOLA PIS-AN


Teacher 1
Negros Oriental High School
Region 7

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

13

You might also like