You are on page 1of 12

Ang Pamilya bilang Natural

na Institusyon ng Lipunan
Kahulugan ng salitang “Pamilya”

• Ang pamilya ay ang pangunahing institusyon ng isang lipunan o


isang bansa. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkakasundo ng
magkabilang partido (isang babae at isang lalaki na nasa tamang
isip at edad). Ang kasunduang ito ay ginawa legal sa pamamagitan
ng pagkakasal na pinagtitibay pa ng isang kontrata o mas kilala sa
tawag na marriage contract.
Maari bang makabuo kaagad ng isang
pamilya kapag meron na hawak na
marriage contract ang isang babae at lalaki
na nasa tamang pag-iisip at edad?

Oo? Hindi?
• Bago pa man na may kasalan at pirmahan na magaganap,
kinakailangan munang maganap ang respeto at
pagmamahalan sa pagitan ng lalaki at babae. Kung ang
respeto at pagmamahalanay hindi na matatawaran, doon
na papasok yung kahandaan nila sa pagkakaroon ng ideya
na magbuo ng kanilang sariling pamilya. Importante din
sa pagbuo ng isang pamilya na alam nila yung kanilang
responsibilidad bilang institusyon ng lipunan.
• Ito marahil may kasabihan tayo na “Ang kasal ay hindi parang isang subo
ng kanin, na kapag mainit ay pwede mong iluwa.” Ibig sabihin nito na
ang pagpapakasal ay hindi madaling desisyon sa buhay. Ito ay pinag-
iisipan ng maraming beses, na hangga’t maari ay paulit-ulit. Sapagkat ang
kontrata ay hindi basta-basta na kapag natapos na ang termino ay pwede
mong ulitin, bagkus ito ay kontrata ng buong pamilya.
• Pinapahiwatig niyo na yung magiging mga anak nila sa hinaharap ay
magiging parte din ng kontrata na yun. At dahil pareho silang lumagda sa
kontrata, pinapatunayan nila na kaya nila yung magiging responsibilidad
nila bilang mabuting magulang para sa kanilang mga anak.
Kailan ang tamang panahon sa pagbuo ng isang
pamilya?

• Ang tamang panahon ay nakadepende sa bawat tao. Unang iniisip


natin na kapag dumating tayo sa wastong edad ay pwede na tayo
mag-asawa. Tama, pero dito papasok yung mga iba’t ibang uri ng
katayuan o sitwasyon ng isang tao sapagkat ang antas ng
kahustuhan ng pag-iisip at karanasan sa buhay ang nakakaapekto
sa desisyon na ito.
Bakit itinuturing na isang institusyon ang isang
pamilya?
1. Ang pamilya ay isang pamayanan na binubuo ng mga tao.

2. Ang pamilya ay bunga ng pagmamahalan ng isang lalaki at


babae kung saan nagmumula ang parehong pagmamahal na
maaring ibahagi sa mas malaking pamayanan.

3. Ang pamilya din ang unang pundasyon ng lipunan na maaring


pagmulan ng mas matibay na suporta mula sa mga tao sa loob ng
tahanan.
Bakit itinuturing na isang institusyon ang isang
pamilya?

4. Sa loob ng pamilya, unang nauunawaan at nararamdaman ang


pagmamahal at pag-aaruga na siayang dapat ibahagi sa kapwa

5. Sa loob ng pamilya,unang natututunan ang tamang


pakikipagkapwa-tao

6. Pamilya ang nagtuturo ng kagandahang asal, tamang pagpapasya


at paghubog ng pananampalataya.
Responsibilidad ng Pamilya sa Lipunan

1.Pagkakaroon ng disente at marangal na pamumuhay (kasama ang


tirahan, pagkain at pananamit) para sa bawat kasapi ng pamilya.

2.Pagkakaroon ng pag-aaruga at pagmamahalan sa loob ng


tahanan.

3.Pagbibigay ng tamang edukasyong pang-akademya, kabutihang-


asal kasama ang pagpapahalaga at birtud, pakikipag-kapwa at
pananampalataya.
Responsibilidad ng Pamilya sa Lipunan

4. Pagababayad ng tamang buwis.

5. Pakikipag-ugnayan o pakikipagtulungan sa mga


organisasyong panlipunan sa mg usaping
pampamilya.

6. Pakikiisa sa mga programa tungo sa ikabubuti ng


pamayanan.
Responsibilidad ng Pamilya sa Lipunan

7. Pagsuporta sa kalinangan, sining at kultura.

8. Pagpanig sa katotohanan at pagiging patas sa


pakikitungo sa iba pang kasapi ng pamayanan.

9. Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa


pamayanan sa lahat ng oras.
Responsibilidad ng Pamilya sa Lipunan

10.Pagpapahalaga sa kalikasan.

11.Pagsunod sa mga batas at mga alintuntunin


sa lahat ng oras kasama na ang pagkakaroon
ng disiplina.

You might also like