You are on page 1of 5

ESP

First Quarter – Week 4


Pamilya: Ang Papel na Panlipunan
at Pampulitikal ng Pamilya

LEARNING ACTIVITY
8
Name: ____________________________________Grade Level:
8 Score: ______________
Subject: ESP 8 Teacher:
Date: ______________
SHEETS (L.A.S)
SHEPHERD MY LAMBS (SMYL) CHRISTIAN COLLEGE, INC.

Stone Rock Village, Catalunan Grande, Davao City, 8000


Government Recognition No. 002 S. 2012 and No. 01 S. 2013

Type of Activity: Concept Notes Laboratory Individual Quiz


Exercise/Drill Art/Drawing Pair/Group Others
Lesson/Topic: Ang Papel na Panlipunan at Pampulitikal ng Pamilya Activity No:__________
Learning Target: A. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na pagpapakita ng pagtulong sa
kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na
pampolitikal) (EsP8PB-Ig-4.1)
b. Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampolitikal na papel nito.
(EsP8PB-Ig-4.2)
c. Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng
pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan
(papel na pampolitikal). (EsP8PB-Ih4.3)
d. Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya. (EsP8PB-Ih-4.4)
Reference: Kagawaran ng Edukasyon (2010), Modyul ng Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Unang Markahan, Ang
Papel sa Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya, pahina 75- 102.
Kagawaran ng Edukasyon (2010), Teacher’s Guide, Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Unang Markahan, Ang Papel sa
Panlipunan at Pampoltikal ng Pamilya, pahina 69-78.

Magandang araw, Grade 8- Yperisia. Sa araw na ito, pag-aaralan natin ang


tungkol sa Papel na Panlipunan at Pampulitikal ng Pamilya. Kaya ihanda ang
iyong sarili, magsaya at matuto sa aralin natin ngayon.

Alam mo ba na ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at espiritu? Kundi bilang isang
tao, tayo din ay isang panlipunang nilalang. Tayo ay likas na kaugnay ng iba pang tao. Hindi
tayo ipanganganak o mananatiling buhay kundi sa pamamagitan ng ibang tao. Ang
pakikipagniig sa ibang tao ay bahagi ng kaniyang pagiging tao.” (Sheen, isinalin mula sa
Education in Values: What, Why and For Whom ni Esteban, 1990). Ika nga sa isang
kasabihan ni John Donne, “No man is an island,” likas sa ating mga tao na mabuhay kasama
ang ibang tao. Bilang isang tao at nasa iisang pamilya, tayo rin ay may mga gampanin o papel
sa panlipunan at pampolitikal na aspekto. Halika na at tuklasin natin ang ating mga gampanin
bilang isang nilalang.

Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya

Pinapahiwatig ng kantang iyong narinig o kinanta kanina lamang na ang tao ay


sumasalipunan (Manuel Dy). May mga papel tayo upang mapanatili natin ang katiwasayan ng
ating lipunan, politikal at kalikasan.
Alam natin na lahat ng tao ay ipinanganak na sanggol na walang kakayahan at walang
muwang. Kaya nga’t ang tao ay ipinanganak sa isang pamilya. Ang tao kailanman ay hindi
makapagpaparami nang mag-isa sa natural man o artipisyal na paraan. Hindi rin siya
mabubuhay nang walang mag-aaruga sa kaniya hanggang sa siya ay lumaki, magkaisip, at
maghanapbuhay. Upang maging ganap ang pagkatao, kailangan niyang maranasan ang
magmahal at mahalin; at sa huling sandali ng kaniyang buhay ay kailangan niya ng kalinga
ng iba, lalo’t siya’y matanda at mahina na. Kaya nga kailangan ng tao ang kaniyang kapuwa
dahil sa pamamagitan nila ay kailangan niyang matutong makipagkapuwa. Kaya nga sinasabi
na kung ano ‘yung natutunan mo sa iyong pamilya ay ‘yun din ang maipapakita mo sa iyong
kapuwa.

Ngunit hindi natatapos sa pagpaparami at pagtuturo ng mga pagpapahalaga at birtud sa


pakikipagkapuwa ang halaga at tungkulin ng pamilya. Isa sa anim na tungkulin at halaga ng
pamilya ang paghubog ng pagiging mapanagutang mamamayan. Ayon kay Esteban (1989),
ang isang pamilya sa isang munting lipunan.
SHEPHERD MY LAMBS (SMYL) CHRISTIAN COLLEGE, INC.

Stone Rock Village, Catalunan Grande, Davao City, 8000


Government Recognition No. 002 S. 2012 and No. 01 S. 2013

Upang umunlad ang kanilang buhay, kailangan ng pamilya ang makipag-ugnayan sa ibang
pamilya at ibang sektor ng lipunan. Kaya nga may mga gampanin ang bawat miyembro ng
pamilya.

Ang Papel ng Pamilya sa Lipunan

Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at


pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa pang-arawaraw.
Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas-palad at ang diwa ng bayanihan. Ngunit
hindi sapat na panatilihin lamang ang mga ito sa loob ng pamilya. Kaya nga may pagkakataon
na hindi nagiging positibo ang pagiging labis na makapamilya ng mga Pilipino. Imbes na
makiisa sa lipunan ay pagkakawatak-watak at pagkakanikaniya ang nililikha nito.
Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring mangahulugan ng paggamit ng posisyon at
kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya. Nagiging sanhi rin ito ng political dynasties o ang
pagpapanatili ng mga posisyon sa gobyerno at ng kapangyarihan sa pamumuno ng iisang
pamilya lamang. Ang nangyayari ay taliwas sa papel na panlipunan ng pamilya. “Ang pagtulong
ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na
itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan.”

Ang pagiging bukas-palad ay maipakikita ng pamilya sa pamamagitan ng mga gawaing


panlipunan. Kaya puwede tayong makilahok sa boluntaryong paglilingkod sa ating lipunan. Isa
sa mga halimbawa nito ay ang pagbabayanihan na naging natural na lang sa atin bilang mga
Pilipino. At ito ay walang hinihintay na kapalit lalo na ang pagtulong natin sa ating kapuwa.

Pangangalaga sa Kalikasan

Ang bawat isa sa atin ay ginawang tagapamahala (steward) ng Diyos sa lahat ng Kanyang
ginawa sa mundo. Dapat isaalang-alang ang paggalang sa dignidad ng kapuwa sa uri ng
pamumuhay ng pamilya.

Mahalaga ang pagtuturo at pagsasabuhay ng simpleng uri ng pamumuhay sa loob ng pamilya.


Ayon nga kay Esteban (1989), ang pinakamalaking hadlang sa paglago ng tao at ng
sangkatauhan ay ang labis na kahirapan ng isang bahagi ng lipunan at ang nakakaeskandalong
karangyaan sa kabilang bahagi nito. Ang hindi pagkakapantaypantay na ito ay isang paglabag sa
katarungang panlipunan. Tungkulin ng pamilya na sikaping maging pantay ang turing sa lahat
ng tao anuman ang kalagayan sa buhay.
Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos. Nilikha ang mundo para sa lahat ng Kaniyang nilalang.
Hindi maaaring angkinin ng iilan ang hangin, tubig, at lupa. Ang tao ay tagapamahala lamang at
hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig, at iba pang nilikha ng Diyos sa mundo.
Kaya nga ang pagkakaroon ng legal na karapatan sa pagmamay-ari ng alinman sa mga
elementong ito ay dapat na may kalakip na paalala na ang mga ito ay kaloob ng Diyos at hindi
likha ng tao. Kaya nga sinasabi na dapat ang lahat ng gagawin natin ay para sa kabutihan ng
lahat.

Ang Papel na Pampolitikal ng Pamilya

Ang papel na panlipunan ng pamilya ay dapat ding maipahayag sa pamamagitan ng pakikialam


sa politika. Nararapat na manguna ang pamilya sa pagtiyak na ang mga batas at ang mga
institusyong panlipunan ay hindi taliwas, sa halip ay nagsusulong at nangangalaga sa mga
karapatan at tungkulin ng pamilya.

“Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan at


tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.”
Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at nabibigyang-proteksyon
sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa
pinakamabuting kapaligiran – isang kapaligirang nakatutulong sa paghubog ng mga birtud na
dapat taglayin ng isang mapanagutang mamamayan sa lipunan.
SHEPHERD MY LAMBS (SMYL) CHRISTIAN COLLEGE, INC.

Stone Rock Village, Catalunan Grande, Davao City, 8000


Government Recognition No. 002 S. 2012 and No. 01 S. 2013

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin at


isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

I.

1. Ano ang tawag sa papel ng pamilya na dapat maipahayag sa pamamagitan ng pakikialam sa


politika.?
A. Panlipunan B. Espirituwal C. Pisikal D. Politikal

2. Sino ang tinatawag ng Diyos na maging tagapangalaga sa lahat ng Kanyang ginawa?


A. Hayop B. Halaman C. Tao D. Planeta

3. Anong mga gawaing panlipunan na dapat ipinakikita ng isang pamilya?


A. Bukas-alamin B. Tagapamahala C. katuwang D. Bukas-palad

4. Anong karanasan ng buhay pamilya na naging pangunahing kontribusyon nila sa lipunan?


A. Edukasyon B. entitlement mentality C. pakikibahagi at pagbibigayan D. mapanagutang
pagmamagulang

5. Saan nagsisimula ang papel na panlipunan at pampolitikal ng isang tao?


A. Sarili B. Kapwa C. Pamilya D. Paaralan

II.
1. Sa paanong paraan mo maipapakita ang papel/ gampanin ng pamilya sa lipunan? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Paano makatutulong ang simpleng pamumuhay ng isang pamilya sa pangangalaga ng


kalikasan? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Reflection

Sa paanong paraan mo maipapakita ang papel/ gampanin ng pamilya sa lipunan?


Ipaliwanag.
SHEPHERD MY LAMBS (SMYL) CHRISTIAN COLLEGE, INC.

Stone Rock Village, Catalunan Grande, Davao City, 8000


Government Recognition No. 002 S. 2012 and No. 01 S. 2013

Answer Key:
1. A
2. C
3. D
4. C
5. C

You might also like