You are on page 1of 19

GROUP 1

MODYUL 10: PAGSUNOD AT


PAGGALANG SA MGA
MAGULANG,
NAKATATANDA AT MAY
AWTORIDAD

GROUP1: Estrada, Ayon, Cruz, Francisco, Maghanoy, Rebadajo, Allauigan, Ave, Maglatang, Vierne
Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay
ang nakapagpapatibay sa kahalagahan
ng paggalang. At nagsisimula sa pamilya
ang kakayahang kumilala sa halaga.
BAKIT KAILANGANG
GUMALANG? SINO ANG
IGAGALANG? AT PAANO ITO
MAIPAPAKITA?
Marami ang nagsasabi na
igalang ang lahat ng tao,
igalang ang mga magulang at
nakatatanda pati na ang mga
taong may awtoridad sa lipunan
o estado.
Ang salitang “paggalang” ay
nagmula sa salitang latin na
“respectus” na ang ibig sabihin ay
“paglingo o pagtinging muli”, na ang
ibig sabihin ay naipakikita ang
paggalang sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halaga sa isang tao o
bagay.
Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay
ang nakapagpapatibay sa kahalagahan
ng paggalang. Nagsisimula sa pamilya
ang kakayahang kumilala sa
pagpapahalaga.
HIWAGA NG PAMILYA
(ni Gabriel Marcel, tinukoy ni Dy,2007)
ANG PAMILYA BILANG HALAGA
Kung ang ugnayan ang
isinaalang-alang , isang hiwagang
maituturing ang pagiging sabay
na malapit at malayo ng pamilya
sa iyong pagkatao. Sinasabing
ang pamilya ay malapit sa iyo
dahil sa sumusunod na patunay:
1.) Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na
maaaring ikinatutuwa mo o kinaiinis mo.
Hindi ba’t natutuwa ka kung nararamdaman
mo ang pagmamalasakit ng iyong mga
magulang kung kinakamusta nila ang iyong
pag-aaral at ibang aspekto ng iyong buhay
at kung natutugunan ang iyong mga
pangangailangan? At minsan naman ay
naiinis ka, kung paulit-ulit ang kanilang
pagpapaalala sa iyo o kung minsan ay
napapagalitan ka?
2.) Ang iyong pag-iral ay bunga ng
pagtugon sa dalawang taong
pinagbuklod ng pagmamahalan. Hindi
ka iiral at mabubuhay sa mundo kung
hindi dahil sa pagmamahalan ng
iyong mga magulang.
Ang Pamilya ay Malapit sa iyo dahil sa:

• Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan


na maaaring ikinatutuwa mo o
kinaiinis mo.
• Ang iyong pag-iral ay bunga ng
pagtugon sa dalawang taong
pinagbuklod ng pagmamahalan.
• Ang iyong pagkatao ay nagiging
hatol o husga sa mga taong
nagpalaki sayo.
3.)Ang iyong pagkatao ay
nagiging hatol o husga sa mga
taong nagpalaki sa iyo. Ang iyong
pagkatao ay nagiging patunay ng
maayos o di maayos na
pagpapalaki sa iyo.
Ang pamilya ay malayo sa iyo
dahil nagmula ang iyong pag-iral
sa magkakasunod at
makasaysayang proseso na mula
sa mga ugnayang nauna sa
iyong pag-iral.
Malaki pa rin ang impluwensiya ng iyong
mga ka-angkan sa iyong pagkatao. Hindi
ba’t may mga tinataguriang”angkan ng
mga doctor o guro”, “angkan ng
matatalino o masisipag” o “lahi ng mga
palaaway o mga basagulero?” Hindi
maaaring ipagwalang-bahala ang
nagiging implikasyon ng ganitong
pagkakakilanlan sa iyong pamilya at sa
iyong pagkatao.
Sa ganitong di mapaghihiwalay na
pagkakaisa ng malapit at malayo,
nakaraan at hinaharap ,
mahalagang mapukaw ang iyong
kamalayan sa kahalagahan ng
pagkilala sa mga ugnayang
bahagi ng iyong pag-iral.
Ang mga kasalukuyang suliranin tulad ng
kawalan o humihinang pagpapahalaga sa
kabanalan ,kawalan ng paggalang sa buhay
at kamatayan (na nagging dahilan nang
kayabangan, pagkukunwari,pagkabagot o
kawalan ng interes at kawalan ng pag-asa)
ay ilan lamang sa mga patunay ng di
pagkilala sa halaga ng pamilya sa paghubog
ng iyong pagkatao. Kung kaya’t sa pamilya
unang nararanasan ang epekto ng mga
suliraning ito.
HALIMBAWA:
Pakikipagtalo at pakikipagsigawan sa mga
magulang
Pagrerebelde ng mga anak
Pagpapabaya sa mga nakatatanda at may
sakit na kamag-anak
Pag-aasawa ng hindi pa handa
Pananakit
Kayabangan o labis na pagpapasikat sa ibang
tao na nagpapakita nang mapagkunwaring
buhay
Pagkalubog sa utang
Dahil dito,hindi masasabing
umiiral ang Pilipino kung ang
pamilya ay hindi mapag-titibay
bilang halaga at presensiya
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!!
\

You might also like