You are on page 1of 3

Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang.

At
nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa halaga

Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa salitang Latin na “respectus”na ang ibig sabihin ay “paglingon o
pagtingin muli,” na ang ibig sabihin ay naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halaga sa isang tao o bagay.

Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nagkapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang.


Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa pagpapahalaga.

Hiwaga ng Pamilya (ni Gabriel Marcel, tinukoy ni Dy, 2007)

Ang Pamilya Bilang Hiwaga

Kung ugnayan ang isasaalang-alang, isang hiwagang maituturing ang pagiging sabay na malapit at
malayo ng pamilya sa iyong pagkatao. Sinasabing ang pamilya ay malapit sa iyo dahil sa sumusunod na
patunay:

1.Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaring ikinatutuwa mo o ikinaiinis mo. Hindi ba’t natutuwa ka
kung nararamdaman mo ang pagmamalasakit ng iyong mga magulang kung kinukumusta nila ang iyong
pag-aaral at ibang aspekto ng iyong buhay at kung natutugunan ang iyong mga pangangailangan? At
minsan naman ay naiinis ka, kung paulit-ulit ang kanilang pagpapaalala sa iyo o kung minsan ay
napapagalitan ka?

2.Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahalan. Hindi ka
iiral at mabubuhay sa mundo kung hindi dahil sa pagmamahalan ng iyong mga magulang.

3.Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sa iyo. Ang iyong pagkatao ay
magiging patunay ng maayos o di maayos na pagpapalaki sa iyo:

Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil nagmula ang iyong pag-iral sa magkasunod at makasaysayang
proseso na mula sa mga ugnayang nauna sa iyong pag-iral. Ang iyong pagkilala at pakikipag-ugnayan sa
iyong mga lolo at lola, mga magulang ng iyong lolo at lola, mga tiyuhin at tiyahin, iba pang mga kamag-
anak at ka-angkan, ang nagpapatunay ng pagiging malayo ng pamilya. Gayumpaman, malaki pa rin ang
impluwesiya ng iyong mga ka-angkan sa iyong pagkatao. Hindi ba’t may mga tinataguriang “angkan ng
mga doctor o guro,” “angkan ng matatalino o masisipag” o “lahi ng mga palaaway o mga basagulero?”
Hindi maaring ipagwalang-bahala ang nagiging implikasyon ng ganitong pagkakakilanlan sa iyong
pamilya at sa iyong pagkatao.

Sa ganitong di mapaghihiwalay na pagkakaisa ng malapit at malayo, nakaraan at hinaharap, mahalagang


mapukaw ang iyong kamalayan sa kahalagahan ng pagkilala sa mga ugnayang bahagi ng iyong pag-iral.
Ang mga kasalukuyang suliranin tulad ng kawalan o humihinang pagpapahalaga sa kabanalan, kawalan
ng paggalang sa buhay at kamatayan (na nagiging dahilan nang kayabangan, pagkukunwari, pagkabagot,
o kawalan ng interes at kawalan ng pag-asa) ay ilan lamang sa mga patunay ng di pagkilala sa halaga ng
pamilya sa paghubog ng iyong pagkatao. Kung kaya’t sa pamilya unang nararanasan ang epekto ng mga
suliraning ito. Halimbawa nito ay ang pakkipagtalo at pagsigaw sa mga magulang, pagrerebelde ng mga
anak, pagpapabaya sa nakakatanda at maysakit na mga kamag-anak, pag-aasawa nang hindi handa,
pananakit, kayabangan o labis na pagpapasikat sa ibang tao na nagpapakita nang mapagkunwaring
buhay, na madalas ay nahahantong sa pagkalubog sa utang, at marami pang ibang nakalulungkot na
suliraning dulot ng kawalan ng pagbibigay ng halaga sa pamilya. Dahil dito, hindi masasabing umiiral ang
pamilya kung ang pamilya ay hindi mapagtitibay bilang halaga at presensiya.

Ang Pamilya Bilang Halaga

Sa mga bahay na iyong na puntahan, napansin mo ba ang mga nakadisplay na larawan ng pamilya, mga
mdalya, mga diploma, mga tropeo at mga patunay ng pagkilala? Nakadisplay din ba ang mga katulad
nito sa iyong tahanan? Ano ang iyong nararamdaman kapag nakikita mo ang mga ito?

Ang pakiramdam na maipagmamalaki mo ang iyong pamilya at isang karangalan ang maging bahagi nito
ang madalas na mangingibabaw na damdamin, hindi ba? Ang nararamdamang karangalan (pride) at
hindi kayabangan (vanity), ay isang tugon na bahagi ng iyong pag-iral. Kasalungat naman ang iyong
mararamdaman kung mga bagay na hindi ikararangal ang naiuugnay sa iyong pamilya. Kung kaya’t ang
damdaming ito ang makatutulong sa iyo upang magkaroon ng pundasyon at gabay ang iyong pagkilos.
Maaari kang kumilos upang mapatunayan mong nararapat kang maging bahagi ng karangalang taglay ng
iyong pamilya o kikilos ka upang mabigyan ng karangalan ang iyong pamilya. Ang pagkilala sa halaga ng
pamilya at mga kasapi nito ay naipakikita sa pagsusumikap na gumawa ng mabuti at umiwas sa paggawa
ng masama. Ang karangalang tinataglay ng pamilya ang nagbibigay dito ng awtoridad na dapat kilalanin
ng bawat kasapi nito.

Halimbawa, lumaki ka sa isang pamilyang pinahahalagahan ang edukasyon, ang paggalang sa pagnanais
ng iyong mga magulang na makapagtapos ka ng iyong pag-aaral ay maipakikita mo sa pamamagitan ng
pagsunod mo sa kanilang bilin at utos na mag-aral kang mabuti.
Kung ikaw naman ay bahagi ng isang pamilyang nagpapahalaga sa katarungan, pagmamahal at
pagmamalasakit sa kapwa, at namamalas ag pagsasabuhay ng batas ng malayang pagbibigay o ‘law of
free giving,’ kakikitaan ng kapayapaan at lalim ng unawa ang ugnayan ng bawat kasapi.

You might also like