You are on page 1of 15

RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Filipino 8
Ikaapat na Markahan
Ikalimang Linggo

Aralin Dalawang Ama, Tunay na Magkaiba (Saknong 84-104)


Pamamaalam ni Florante (Saknong 105-125)
5 Ang Pagtatagumpay ng Bagong Marte (Saknong 126-142)
Pagkalinga ng Isang Kaaway (Saknong 143-171)

MELC: 1. Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa napakinggan.


(F8PN-IVf-g36)
2. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa akda.
(F8PB-IVf-g-36)
Alaala ni Laura
Susing Konsepto

Dalawang Ama Tunay na Magkaiba


(Saknong 84-104)

Narinig ni Aladin ang mga panaghoy ni Florante. Hinanap at nakita


niya ang binata subalit hindi niya kaagad nilapitan si Florante. Binanggit ni
Florante ang kahabag-habag na pagkamatay ng pinakamamahal na amang
si Duke Briseo sa kamay ni Adolfo. Sinasariwa rin ni Florante sa kanyang
isipan ang pagmamahal, kabutihan at kabaitan ng kanyang ama.
Pagkatapos nito’y si Aladin naman ang nakaalala sa kanyang ama.
Kabaligtaran ng kanyang amang si Sultan Ali Adab. Naging malupit ang
kanyang ama. Magkaibang -magkaiba ang ugali ng ama niya at ng ama ni
Florante. Sa araling ito ay lubos mong mauunawaan ang mga katangian ng
dalawang amang sina Sultan Ali Adab at Duke Briseo.

84 Gerero'y namangha nang ito'y marinig,


pinagbaling-baling sa gubat ang titig;
nang walang makita'y hinintay umulit,
di man nalao'y nagbangong humihibik.

85 Ang bayaning Moro'y lalo nang namaang,


"Sinong nananaghoy sa ganitong ilang?"
lumapit sa dakong pinanggagalingan
ng buntunghininga't pinakimatyagan.

86 Inabutan niya'y ang ganitong hibik:


"Ay, mapagkandiling amang iniibig!
bakit ang buhay mo'y naunang napatid,
ako'y inulila sa gitna ng sakit?

1
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

87 "Kung sa gunita ko'y pagkuru- na ako'y maligtas sa kukong


kuruin malupit.
ang pagkahulog mo sa kamay ng
taksil, 93 "Ninanasa mo pang ako'y
parang nakikita ang iyong matabunan
narating... ng bangkay sa gitna ng
parusang marahas na kalagim- pagpapatayan,
lagim. nang huwag mahulog sa panirang
kamay
88 "At alin ang hirap na di ikakapit ng Konde Adolfong higit sa
sa iyo ng Konde Adolfong malupit? halimaw.
ikaw ang salamin - sa Reyno - ng
bait, 94 "Pananalangin mo'y di pa
pagbubuntunan ka ng malaking nagaganap,
galit. sa liig mo'y biglang nahulog ang
tabak;
89 "Katawan mo ama'y parang nanaw sa bibig mong huling
namamalas pangungusap
ngayon ng bunso mong lugami sa ang “Adiyos bunso't buhay mo'y
hirap; lumipas”.
pinipisan-pisan at iwinawalat
ng pawa ring lilo't berdugo ng 95 "Ay, amang ama ko! kung
sukab. nagunamgunam--
madla mong pag-irog at
90 "Ang nagkahiwalay na laman pagpapalayaw,
mo't buto, ipinapalaso ng kapighatian--
kamay at katawang nalayo sa ulo, luha niring pusong sa mata'y
ipinaghagisan niyong mga lilo nunukal.
at walang maawang naglibing na
tao. 96 "Walang ikalawang ama ka sa
lupa
91 "Sampu ng lingkod mo't mga sa anak na kandong ng pag-
kaibigan aaruga;
kung kampi sa lilo'y iyo nang ang munting hapis kong sumungaw
kaaway; sa mukha,
ang di nagsiayo'y natatakot sa habag mo'y agad nanalong ang
namang luha.
bangkay mo'y ibao't
mapaparusahan. 97 "Ang lahat ng tuwa'y natapos
sa akin,
92 "Hanggang dito ama'y aking sampu niring buhay ay naging
naririnig, hilahil;
nang ang iyong ulo'y itapat sa ama ko'y hindi na malaong hihintin
kalis; ako't sa payapang baya'y
ang panambitan mo't dalangin sa yayakapin
Langit,

2
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

98 Sandaling tumigil itong sa mga palayaw ni ama't aruga--


nananangis, malaking palad ko't matamis na
binigyang-panahon luha'y luha.
tumagistis
niyong naawang morong 102 "Ngunit ang nanahang
nakikinig... maralitang tubig...
sa habag ay halos magputok ang sa mukha't dibdib kong laging
dibdib. dumidilig,
kay ama nga galing datapuwa't sa
99 Tinutop ang puso at saka bangis,
nagsaysay, hindi sa andukha at
"Kailan," aniya, "luha ko'y bubukal pagtatangkilik.
ng habag kay ama at
panghihinayang 103 "Ang matatawag kong
para ng panaghoy ng palayaw sa akin
nananambitan? ng ama ko'y itong ako'y pagliluhin,
agawan ng sinta't panasa-nasaing
100 "Sa sintang inagaw ang lumubog sa dusa't buhay ko'y
itinatangis, makitil.
dahilan ng aking luhang
nagbabatis; 104 "May para kong anak na
yao'y nananaghoy dahil sa pag- napanganyaya,
ibig ang layaw sa ama'y dusa't pawang
sa amang namatay na luha?
mapagtangkilik. hindi nakalasap kahit munting
tuwa
101 "Kung ang walang patid na sa masintang inang pagdaka'y
ibinabaha nawala!"
ng mga mata ko'y sa hinayang
mula--

tumagistis- tumutulo
andukha- kumalinga, nag-aruga
nananaghoy-nalulungkot
nagunam-gunam- nag-iisip
mapagkandili- mapagkalinga

3
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Pamamaalam ni Florante
(Saknong 105-125)

Sa mga panaghoy ni Florante ay pamamaalam na ang maririnig sa


kaniya. Nagsasaad siya ng pamamaalam kay Laura nang biglang dumating
ang dalawang leon na akmang sisila sa kaniya. Subalit himalang huminto
ang mga ito at tila naawang tumitig at nakinig sa kaniya. Nagpaalam din
siya sa bayan ng Albanya Nabanggit din niya ang kanyang hinanakit hindi
lang sa bayan kundi maging sa minamahal na si Laura dahil sa pag-
aakalang tinalikuran na siya nito. Sa bahaging ito ng aralin ay
mauunawaan mo ang mga karanasan at damdamin ni Florante habang
nakatali sa loob ng kagubatan.

105 Napahinto rito't narinig na muli


ang pananambitan niyong nakatali,
na ang wika'y "Laurang aliw niring
budhi, 109 Nangaawa mandi't nawalan
paalam ang abang kandong ng ng bangis
pighati." sa abang sisil-ing larawan ng sakit;
nangakatingala't parang nakikinig
106 "Lumagi ka nawa sa sa di lumilikat na tinangis-tangis.
kaligayahan,
sa harap ng di mo esposong 110 Anong loob kaya nitong
katipan; nagagapos,
at huwag mong datnin yaring ngayong nasa harap ang dalawang
kinaratnan hayop,
ng kasing nilimot at pinagliluhan. na ang balang ngipi't kuko'y
naghahandog--
107 "Kung nagbangis ka ma't isang kamatayang kakila-kilabot!
nagsukab sa akin,
mahal ka ring lubha dini sa 111 Di ko na masabi't luha ko'y
panimdim nanatak,
at kung mangyayari hanggang sa nauumid yaring dilang
malibing, nangungusap;
ang mga buto ko, kita'y sisintahin." puso ko'y nanlambot sa malaking
habag
108 Di pa natatapos itong sa kaawa-awang kinubkob ng
pangungusap, hirap.
may dalawang leong hangos ng
paglakad, 112 Sino'ng di mahapis na may
siya'y tinutungo't pagsil-in ang karamdaman
hangad, sa lagay ng gapos na kalumbay-
ngunit nangatigil pagdating sa lumbay;
harap. lipos ng pighati saka tinutunghan
sa laman at buto niya ang hihimay!

4
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

113 Katiwala na nga itong tigib- 115 "Sa loob mo nawa'y huwag
sakit mamilantik
na ang buhay niya'y tuntong na sa ang panirang talim ng katalong
guhit; kalis;
nilagnat ang puso't nasira ang magka-espada kang para nang
boses, binitbit
di na mawatasan halos itong hibik. niring kinuta mong kanang
matangkilik.
114 "Paalam, Albanyang
pinamamayanan 116 "Kinasuklaman mo ang
ng kasamaa’t lupit, bangis, ipinangako--
kaliluhan; sa iyo'y gugulin niniyak kong dugo;
akong tanggulan mo'y kusa mang at inibig mo pang hayop ang
pinatay, magbubo
sa iyo'y malaki ang sa kung itanggol ka'y maubos
panghihinayang. tumulo.

117 "Pagkabata ko na'y walang magdiwang na ngayo't manulos sa


inadhika tuwa
kundi paglilingkod sa iyo't kalinga; at masusunod na sa akin ang
di makailan kang babal-ing masira, nasa.
ang mga kamay ko'y siyang
tumimawa. 121 "Nasa harap ko na ang lalong
marawal,
118 "Dustang kamatayan ang bihis mabangis na lubhang lahing
mong bayad; kamatayan;
dapuwa't sa iyo'y magpapasalamat malulubos na nga ang iyong
kung pakamahali't huwag kasam-an,
ipahamak gayundin ang aking kaalipustaan.
ang tinatangisang giliw na
nagsukab. 122 "Sa abang-aba ko! diyata, O
Laura...
119 "Yaong aking Laurang hindi mamamatay ako'y hindi mo na
mapapaknit sinta!
ng kamatayan man sa tapat ng ito ang mapait sa lahat ng dusa,
dibdib; sa akin ay sino'ng mag-aalaala!
paalam, Bayan ko, paalam na, ibig,
magdarayang sintang di manaw sa 123 "Diyata't ang aking
isip! pagkapanganyaya,
di mo tatapunan ng munti mang
120 "Bayang walang-loob, sintang luha;
alibugha, kung yaring buhay ko'y mahimbing
Adolfong malupit, Laurang sa wala,
magdaraya, di babahaginan ng munting gunita!

5
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

124 "Guniguning ito'y lubhang


makamandag, 125 "Nang matumbasan ko ang
agos ng luha ko't puso ko'y luha, ang sakit
maagnas nitong pagkalimot ng tunay kong
tulo kaluluwa't sa mata'y ibig,
pumulas, huwag yaring buhay ang siyang
kayo aking dugo'y mag-unahang itangis
matak. kundi ang pagsintang lubos na
naamis."

mamilantik- umiral
inadhika-inambisyon
tinatangisan-iniiyakan
mapapaknit- malilimot
alibugha-masama
marawal-kaalipustahan
pumulas-kumawala
matak-pumatak
naamis-naapi

6
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Susing Konsepto

Ang Pagtatagumpay ng Bagong Marte


(Saknong 126-142)

Hindi na natiis ni Aladin ang naririnig na panaghoy ng nakatali kaya


naman, taglay ang buong lakas ay iniligtas niya ang kahabag-habag na
binatang nakatali sa puno ng higera. Sa mga saknong na ito ay lubos mong
mauunawaan ang magsisimulang pagkakaibigan nina Aladin at Florante.

126 Sa tinaghuy-taghoy na 130 Malaong natigil na di


kasindak-sindak, nakakibo,
gerero'y hindi na napigil ang hininga'y hinabol na ibig lumayo;
habag, matutulog disin sa habag ang dugo,
tinunton ang boses at siyang kundangan nagbangis leong
hinanap, nangagtayo.
patalim ang siyang nagbukas ng
landas. 131 Naakay ng gutom at gawing
manila,
127 Dawag na masinsi'y naglagi- nag-uli sa ganid at nawalang-awa;
lagitik handa na ang ngipi't kukong
sa dagok ng lubhang matalas na bagong hasa
kalis; at pagsasabayan ang gapos ng
moro'y di tumugot hanggang di iwa.
nasapit
ang binubukalan ng maraming 132 Tanang balahibo'y
tangis. pinapangalisag,
nanindig ang buntot na
128 Anyong pantay-mata ang nakagugulat;
lagay ng araw sa bangis ng anyo at nginasab-
niyong pagkatungo sa kalulunuran; ngasab,
siyang pagkataas sa kinalalagyan Puryang nagngangalit ang siyang
nitong nagagapos na kahambal- katulad.
hambal.
133 Nagtaas ang kamay at
129 Nang malapit siya't abutin ng nangakaakma
sulyap sa katawang gapos ang kukong
ang sa pagkatali'y linigid ng hirap, pansira;
nawalan ng diwa't luha'y nang darakmain na'y siyang
lumagaslas, pagsagasa
katawan at puso'y nagapos ng niyong bagong Marteng lumitaw sa
habag. lupa.

7
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

katawang malatang parang bagang


134 Inusig ng taga ang dalawang bangkay;
leon, at minsang pinatid ng espadang
si Apolo mandin sa Serp'yente tangan
Piton; walang awang lubid na lubhang
walang bigong kilos na di matibay.
nababaon
ang lubhang bayaning tabak na 139 Umupo't kinalong na
pamutol. naghihimutok,
katawang sa dusa hininga'y
135 Kung ipamilantik ang kanang natulog;
pamatay hinaplos ang mukha't dibdib ay
at saka isalag ang pang-adyang tinutop,
kamay, nasa ng gerero'y pagsaulang-loob.
maliliksing leon ay nangalilinlang,
kaya di nalao'y nangagumong 140 Doon sa pagtitig sa
bangkay. pagkalungayngay
ng kaniyang kalong kalumbay-
136 Nang magtagumpay na ang lumbay,
gererong bantog nininilay niya at pinagtatakhan
sa nangakalabang mabangis na ang dikit ng kiyas at kinasapitan.
hayop,
luha'y tumutulong kinalag ang 141 Namamangha naman ang
gapos magandang hiyas,
ng kaawa-awang iniwan ng loob. kasing-isa't ayon sa bayaning
tikas;
137 Halos nabibihay sa habag ang mawiwili disin ang iminamalas
dibdib, na mata, kundangan sa malaking
dugo'y nang matingnang nunukal habag.
sa gitgit;
sa pagkalag niyang maliksi'y 142 Gulung-gulong lubha ang
nainip kaniyang loob,
sa siga-sigalot na madlang bilibid. nguni't napayapa ng anyong
kumilos
138 Kaya ang ginawa'y itong abang kandong na kalunus-
inagapayanan, lunos,
nagising ang buhay na
nakakatulog.

8
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Susing Konsepto
Pagkalinga ng Isang Kaaway
(Saknong 143-171)
Nang magising si Florante ay agad niyang nasambit ang pangalan ni Laura
samantalang tahimik lang si Aladin. Sa kanyang muling pagdilat ay ikinagulat
niyang siya ay nasa kandungan ng isang Morong itinuturing na kaaway ng
kanyang lahi. Pinilit niyang bumangon subalit hindi niya kinaya. Pinayapa siya ni
Aladin at sinabing ligtas na siya. Naalala niya ang dalawang leon na handang
kumain sa kanya. Tinanggap niya ang tulong ng isang kaaway. Magdamag na hindi
natulog si Aladin dahil sa pag-aalaga kay Florante. Kinabukasan ay nagsimula
nang manumbalik ang lakas ni Florante. Gayon na lamang ang tuwa ni Aladin
kaya’t niyakap niya ang binata. Sa mga saknong na ito ay lubos mong
mauunawaan ang pagiging mabuti at mapagmahal sa kaaway.

143 Sa pagkalungayngay mata'y nang hindi mangyari'y nagngalit na


idinilat, lamang.
himutok ang unang bati sa
liwanag; 147 Sagot ng gerero'y "Huwag
sinundan ng taghoy na kahabag- kang manganib
habag; sumapayapa ka't mag-aliw ng
"Nasaan ka Laura sa ganitong dibdib;
hirap?" ngayo'y ligtas ka na sa lahat ng
sakit,
144 "Halina, giliw ko't gapos ko'y may kalong sa iyo ang
kalagin, nagtatangkilik.
kung mamatay ako'y gunitain mo
rin." 148 "Kung nasusuklam ka sa
pumikit na muli't napatid ang aking kandungan,
daing, lason sa puso mo ang hindi
sa may kandong namang takot na binyagan
sagutin. nakukutya akong di ka saklolohan
sa iyong nasapit na napakarawal.
145 Ipinanganganib ay baka
mabigla, 149 "Ipinahahayag ng pananamit
magtuloy mapatid hiningang mo,
mahina; taga-Albanya ka at ako'y Persyano;
hinintay na lubos niyang ikaw ay kaaway ng baya't sekta
mapayapa ko,
ang loob ng kandong na lipos- sa lagay mo ngayo'y magkatoto
dalita. tayo.

146 Nang muling mamulat ang 150 "Moro ako'y lubos na taong
nagitlaanan, may dibdib
"Sino? sa aba ko't nasa Morong at nasasaklaw rin ng utos ng Langit;
kamay!" dine sa puso ko'y kusang natititik
ibig na iigtad ang lunong katawan, natural
na ley-ing sa aba'y mahapis.

9
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

151 "Anong gagawin ko'y aking


napakinggan 157 May awang gerero ay sa
ang iyong pagtaghoy na kalumbay- maramdaman,
lumbay, malamlam na sinag sa gubat ay
gapos na nakita't pamumutiwanan nanaw,
ng dalawang ganid, ng bangis na tinunton ang landas na pinagdaanan,
tangan." dinala ang kalong sa pinanggalingan.

152 Nagbuntunghininga itong abang 158 Doon sa naunang hinintuang


kalong dako
at sa umaaaliw na Moro'y tumugon, nang masok sa gubat ang bayaning
"Kung di mo kinalag sa puno ng Moro,
kahoy, sa isang malapad, malinis na bato,
nalibing na ako sa tiyan ng leon. kusang pinagyaman ang lugaming
pangko.
153 "Payapa na naman disin yaring
dibdib, 159 Kumuha ng munting baong
napagkikilalang kaaway kang labis; makakain,
at di binayaang nagkapatid-patid ang nagdaralita'y inamong tumikim,
ang aking hiningang kamataya't kahit umaayaw ay nahikayat din
sakit. ng sabing malambot na pawang pang-
aliw.
154 "Itong iyong awa'y di ko
hinahangad, 160 Naluwag-luwagan ang
patayin mo ako'y siyang pitang panghihingapos,
habag; sapagka't naawas sa
di mo tanto yaring binabatang hirap, pagkadayukdok,
na ang kamatayan ang buhay kong hindi kinukusa'y tantong nakatulog,
hanap." sa sinapupunan ng gererong bantog.

155 Dito napahiyaw sa malaking 161 Ito'y di umidlip sa buong


hapis magdamag,
ang Morong may awa't luha'y sa pag-aalaga'y nagbata ng puyat;
tumagistis; ipinanganganib ay baka makagat
siyang itinugon sa wikang narinig ng ganid na madlang nagkalat sa
at sa panlulumo'y kusang napahilig. gubat.

156 Anupa't kapwa hindi nakakibo 162 Tuwing magigising sa magaang


di nangakalaban sa damdam ng tulog,
puso; itong lipos-hirap ay naghihimutok,
parang walang malay hanggang sa pawang tumitirik na anaki'y tunod
magtago't sa dibdib ng Morong may habag at
humilig sa Pebo sa hihigang ginto. lunos.

10
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

163 Nang magmamadaling-araw 167 Kapos ang dila kong


ay nahimbing, magsaysay ng laki
munting napayapa sa dalang ng pasasalamat nitong kinandili;
hilahil; kundangan ang dusa'y sa
hanggang sa Aurorang itaboy ang nawalang kasi
dilim, ay napawi disin sa tuwang umali.
walang binitiwang himutok at
daing. 168 Sapagka't ang dusang mula sa
pag-ibig
164 Ito ang dahilang kung kahit mangyaring lumayo sa
ipinagkasundo, dibdib,
limang karamdamang parang kisapmata lamang ay agad babalik
hinahalo; at magdaragdag pa sa una ng
ikinatiwasay ng may dusang puso, bangis.
lumakas na muli ang katawang 169 Kaya hindi pa man halos
hapo. dumadapo
ang tuwa sa lamad ng may dusang
165 Kaya't nang isabog sa puso
sansinukuban ay itinakwil na ang dalitang lalo
ang doradong buhok ng masayang at ang tunod niya'y siyang itinimo.
araw,
nagbangong hinaho't 170 Niyapos na muli ang dibdib ng
pinasalamatan dusa,
sa Langit ang bagong lakas ng hirap yatang bathin ng sakit sa
katawan. sinta!
dangan inaaliw ng Moro sa Persya,
166 Sabihin ang tuwa ng gererong natuluyang nanaw ang tangang
hayag, hininga.
ang abang kinalong ay biglang
niyakap; 171 "Iyong natatanto ang aking
kung nang una'y nukal ang luha sa paglingap,"
habag, anitong Persyano sa nababagabag;
ngayo'y sa galak na ang "mula ng hirap mo'y ibig kong
inilagaslas. matatap
at nang kung may daa'y malagyan
ng lunas."

pagkalungayngay-pagkakahigang wala nang lakas


gunitain-isipin/alalahanin hilahil- alalahanin
lipos-dalita-labis na paghihirap magbata-magtiis
napakarawal-napakasama kinandili-inalagaan
mahapis-mahabag napawi-nawala
ganid-gutom nababagabag-nag-aalala

11
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Gawain1
Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na mga salitang maglalarawan
sa mga tagpuang nabanggit sa mga saknong sa itaas. Gawin ito sa sagutang
papel.

Tagpuan Paglalarawan
1. Albanya a.
b.
c.
2. Kagubatan a.
b.
c.
3. Persya a.
b.
c.

Gawain 2 Halika at Gumuhit!


Panuto: Ihanda ang iyong mga kagamitan sa pagguhit. Mula sa mga
paglalarawang inilahad mo sa naunang gawain, iguhit mo ang mga
tagpuang nabanggit mula sa, mga saknong na tinalakay. Gawin ito sa
sagutang papel.
Albanya Kagubatan Persya

12
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Gawain 3
Panuto: Isulat sa mga grahic organizer ang mga mahahalagang pangyayari
mula sa mga binasang saknong/kabanata sa itaas. Isulat ang sagot sa
sagutang papel. Gamitin ang pormat sa ibaba.

Mahalagang pangyayari

Dalawang ama,
tunay na magkaiba Mahalagang pangyayari
(saknong 84-104)

Mahalagang Pangyayari

Mahalagang pangyayari

Pamamaalam ni
Florante
Mahalagang pangyayari
(Saknong 105-125))

Mahalagang Pangyayari

13
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Mahalagang pangyayari

Pagkalinga ng
Isang Kaaway
(Saknong 143- Mahalagang pangyayari
171))

Mahalagang Pangyayari

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga katangian nina Duke Briseo at Sultan Ali Adab.
Magbigay ng tatlo.
2. Bigyang kahulugan ang salitang “ama”, batay sa kaalamang natamo
mula sa mga saknong na tinalakay. Ipaliwanag.
3. Ano ang naramdaman ni Florante nang makita niyang si Aladin ang
nag-alaga sa kaniya?
4. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawang pagtulong ni Aladin sa isang
taong itinuturing na kaaway ng kanilang lahi? Ipaliwanag.
5. Bakit mahalagang tumulong sa nangangailangan kahit pa siya ay
itinuturing mong kaaway? Ano ang maaaring ibunga ng pagtulong sa
isang kaaway?

14
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 2
Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 3
Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 4
Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Mga Gabay na Tanong:


Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020
Dayag, Alma M. et al. (2015) Pinagyamang Pluma 8 (K to 12)
Publishing House, Inc. Quezon City
Obra Maestra II

Inihanda ni:
Rhea T. Bejasa

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:


Magdalena B. Morales

Sinuri ni:
Liezl E. Orbeta

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph
15

You might also like