You are on page 1of 21

KALIGIRANG

PANGKASAYSAYAN
NG FLORANTE AT
LAURA
• 1. nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura
batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda (F8PN-IVa-b-33); at
• 2. natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng:
- pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito
- pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
- pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-
33).
A. Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban,
Ang kulay at tatak ay ‘di s’yang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman.
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok,
‘Di matatapos itong gulo.
(Bahagi ng awit na “Tatsulok”)
B. Nang dahil sa pag-ibig, natutong magtiis,
Nang dahil sa pag-ibig, nagmahal nang lubos
Ang puso kong ito
Nang 'di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko,
Nang dahil sa pag-ibig, sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto mo
Nang dahil sa pag-ibig…
(Bahagi ng awit na “Nang Dahil sa Pag-ibig”)
1. Ano ang mahihinuha sa awit na Tatsulok?
2. Sa iyong palagay, ano o sino ang tinutukoy na “tatsulok at
sila ang nasa tuktok”?
3. Paano sumasalamin ang awit A sa kasalukuyang panahon?
4. Sa awit B, ano-ano ang magagawa nang dahil sa pag-ibig?
5. Bakit nagagawa ang mga ito dahil sa pag-ibig?
1.Mahalagang pag-aralan ang Florante at
Laura sapagkat _____________.
A. isinulat ng bayani
B. walang kamatayan ang sumulat
C. sumikat sa panahon ng Espanyol
D. maituturing na walang kamatayan
2.Dapat basahin ang Florante at Laura dahil
____________.
A. maganda sa pandinig
B. makasaysayan sa Pilipinas
C. madamdamin ang nilalaman
D. malaki ang ambag sa ekonomiya
3.Mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas ang Florante at
Laura dahil ito ay ___________.
A. nailimbag sa kasalukuyang panahon lamang
B. nalikha bago pa man ang pagdating ng mananakop
C. naisulat sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol
D. nabuo sa panahon pagkatapos dumating ang
mananakop
4. Mahalaga kay Apolinario Mabini ang Florante
at Laura dahil __________.
A. mabuti siyang bayani
B. naisulat niya ito sa papel
C. ipinasa sa kaniya ito ni Kiko
D. inihalimbawang kadakilaan ng Pilipino
5.Pinahahalagahan ang akda ni Francisco bilang
_______________.
A. paborito ng kabataan
B. makasaysayan ang kuwento
C. taluktok ng panulaang Pilipino
D. simula ng panitikan sa Pilipinas
6. Noong panahong naisulat ang Florante at Laura,
ang lagay ng lipunan ay _____________.
A. naaapi ang mahihirap
B. kawawa ang nakaaangat
C. namunini ang mahihirap
D. sunod-sunoran ang mayayaman
7. Naisulat ang Florante at Laura ni Kiko dahil
kay_______________.
A. Mariluz Anne Rivera
B. Maria Annaliza Ramos
C. Maria Asuncion Rivera
D. Magdalena Ana Ramos
8. Naisulat ang Florante at Laura dahil sa _____.
A. galit
B. Pananalig
C. paghihiganti
D. pagmamahal
9. Matapos maisulat ang Florante at Laura,
matagal nang panahon ang nakaraan, nagdulot ito
sa kasalukuyan ng ____________.
A. kahirapan
B. Kasamaan
C. pagsalamin
D. pagbalikwas
10. Ang naging epekto ng pagsulat ng Florante at
Laura sa nakabasa ay _______________.
A. pagsunod sa pamunuan
B. pagpumiglas sa mahihirap
C. pagsang-ayon sa kamalian
D. pagkagalit sa mga Espanyol
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG
FLORANTE AT LAURA

“Pinagdaanang Buhay ni FLORANTE at ni LAURA sa


Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang ‘cuadro historico’
o pinturang nagsasabi sa mga nangyayari nang unang
panahon sa Imperyo ng Gresya, at tinula ng isang
matuwain sa bersong Tagalog” o kilala ng nakararami sa
sikat na pinaikling pamagat, ang Florante at Laura. Ito ay
hitik sa magagandang kaisipan, matulaing paglalarawan,
at mga aral sa buhay.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG
FLORANTE AT LAURA

Ang akdang Florante at Laura ni Balagtas ay


magpapakita na siya ay may kamalayang panlipunan.
Nangangahulugan ito na mulat siya sa mga nagaganap
sa kaniyang lipunan. Bagamat hindi siya nagmungkahi
ng paraan kung paano babaguhin ang mga sistemang
tinutulan ng kaniyang Florante at Laura, ang kaniyang
akda ay nakaimpluwensiya sa ibang manunulat.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG
FLORANTE AT LAURA

Naging inspirasyon ng dalawang bayaning Pilipino, sina Jose Rizal at


Apolinario Mabini, ang Florante at Laura. Laging dala-dala ni Rizal saan
man siya makarating ang kaniyang sipi ng Florante at Laura. Katunayan
dito ang ilang linya mula sa Florante at Laura na mababasa sa Noli Me
Tangere at El FIlibusterismo. Samantalang, noong ipatapon si Apolinario
Mabini sa Guam noong 1901, hinamon siya ng isang kapitang
Amerikano na magbigay ng halimbawa ng kadakilaan ng mga Pilipino
sa larangan ng panitikan. Kaya kumuha si Mabini ng papel at isinulat
ang buong Florante at Laura. Ang bersiyong ito ang isinalin naman ni
Tarrosa Subido sa Ingles.
Mga Gawain

PANGKATANG GAWAIN
Unang Pangkat:Gawain 1.#NuhaLaga (Hinuha at Halaga)(p.8-9)
Ikalawang Pangkat: Gawain 2.#Lagay-Akda (p.9)
Ikatlong Pangkat: Gawain 3. #Layuni’t Epekto (p.9)
Ikaapat na Pangkat: Isaisip (p.10)

ISAHANG GAWAIN: Isagawa (p.10) Deadline - May 9, 2023

You might also like