You are on page 1of 2

KASANAYAN AT PAGPAPAHALAGANG NALILINANG SA

IMPLEMENTASYON NG CAMPUS JOURNALISM ACT 1991


NG SENTRAL AURORA

PRINCESS BADUA VALDEZ

MASTER OF ARTS IN EDUCATION


(Filipino Language Teaching)

Mayo 2019
PANIMULA

Ang pahayagan ay isang inilimbag na publikasyon ng mga balita na inilathala.

Ang pangunahing layunin ay makapaghatid ng balita sa mga mambabasa. Ang

pahayagang inilathala sa mga paaralan at pinamatnugutan ng mga mag-aaral ay tinatawag

na pahayagang pampaaralan o pahayagang pangkampus (Sune, 2016). Ayon sa Batas

Republika 7079 (Campus Journalism Act of 1991), ang pahayagang pangkampus ay

naisabatas dahil sa tatlong mahahalagang kadahilanan. Una, upang itaas ang antas ng

kalayaan ng mga mamamahayag sa loob ng paaralan. Ikalawa, upang isakatuparan ang

paglago ng mga mamamahayag at mapalakas ang etikal na pagpapahalaga, maipakita ang

pagiging malikhain sa pagsulat at kritikal na pag-iisip, mapaunlad ang kanilang moral na

pag-uugali at maipamalas ang disiplina sa sarili ng mga kabataang Pilipino. Ikatlo,

matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kakayahang teknikal sa

pamamahayag, maisabuhay ang mga tungkulin at maging responsableng mamamahayag

na mulat sa mga katotohanang nangyayari sa kapaligiran.

Ayon sa panayam kay Angara, isang superbisor na humahawak sa pahayagang

pangkampus, ang Aurora ay mayroong limampung (50) aktibong pahayagang

pangkampus mula sa elementarya at sekondarya at taon-taon ay marami ang napapasama

upang makilahok sa Regional Schools Press Conference. Base sa obserbasyon ng

mananaliksik na isa rin sa mga tagapayo ng pahayagang pangkampus, ang mga

miyembro ng patnugutan sa ilan sa mga paaralan ng Aurora ay may masigasig na

pagnanasang mapaghusay ang kanilang mga sulatin. Nais din nilang mas lumalim ang

kanilang kaalaman at kasanayan sa mga bagay na may kinalaman sa pagpapahayag.

Patunay dito ang mga nakamit nilang karangalan sa mga ginaganap na patimpalak kagaya

You might also like