You are on page 1of 30

MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA

SENYOR HAESKUL
Surigao City

KARANIWANG PAMATNUBAY NA GINAGAMIT SA BALITA NG

PAMAHAYAGANG PANGKAMPUS SA MATATAAS NA

PAARALAN NG SIYUDAD NG SURIGAO

Isang Gawaing Pananaliksik

Na Iniharap sa Kaguruan ng Paaralang

MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA

Lungsod ng Surigao

Bilang Bahagi ng Katuparan

ng mga Kailanganin sa Pagtatamo ng

SENYOR HAESKUL ng HUMANITIES AT SOCIAL SCIENCES

ALEXANDER M. DUBDUBAN

Marso, 2019
MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

Kabanata 1

SULIRANIN AT SURING-BASA NG MGA LITERATURA

Napapaloob sa kabanatang ito ang panimula, suring-basa

ng mga literatura, balangkas konseptuwal, paglalahad ng

suliranin, haypotesis, kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at

limitasyon ng pag-aaral at katuturan ng mga katawagan.

Panimula

Pinaniniwalaan na ang salitang “balita” ay isang akronim

lamang para sa hilaga, kanluran, timog at silangan. Ngunit, ang

balita ay hindi lamang sa apat na direksyon nito dahil ito ay

heyograpikal .

Sa Meriam-Webster, pinahuhulugan ang balita bilang (a)

balitang napapanahon (recent events); (b)hindi nakikilalang

impormasyong balita (unknown information); (c) balitang

nalalathala sa pahayagan, tabloid, o telebisyon. “News is an

accurate and timely account of an idea, issue, or event that

affects a significant number of people.”

Ang gawaing balita ay nakabatay sa mga bagay na nakikita sa

loob ng kampus o eskwelahan at naglalayon ring matugunan ang mga

lokal, nasyunal at ibayong dagat na mga balita na gumagalaw sa

nag-uusisang isipan ng nagsusulat at bumabasa mismo.


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

Napansin ng mananaliksik na mas higit na matutugunan ng

pansin ng mga bumabasa ng balita ang naunang naisulat o

pamatnubay kasunod ng pamagat ng paksang balita kaysa nilalaman

nito. Kung hindi nakukumbinsi o naiintindihan ng mammbabasa ang

pamatnubay na gamit ng manunulat ay hindi nito ipagpapatuloy ang

pagbasa. Ang ilan sa mga mag-aaral ay naiingganyo na rin na

bumasa ng balita kapag nakuha nito ang atensyon sa gamit na

pamatnubay ng manunulat sa bawat balita.

Sa kasalukuyan, halos lahat ng mga paaralang sekundarya sa

bansa ay naglalathala ng pahayagan at magasing pangkampus,

maaring nakalimbag o nakamimyugrap. Ang interes ng bawat

estudyanteng nagsusulat ng balita ay ang unang layunin ng bawat

pamahayagang pangkampus. Madali ang pagsulat ng balita pero

mahirap hikayatin ang mambabasa na basahin ang balitang

naisulat.

Ayon kay Cruz (2003) na ang pamahayagang Pangkampus (Campus

Journalism) ay kawili- wiling gawaing pampaaralan ng mga kaanib

sa patnugutan gaya ng pangangalap, pagbuo at paglalahad ng mga

balita; pagsulat ng mga editorial, pitak at mga lathalaing

pampanitikan; ang pagwawasto ng mga kopya o sipi, pag-aanyo,


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

pagsulat ng ulo ng balita, pagwawasto ng puweba tungo sa

hangaring makapagpapalabas ng isang pampaaralang pahayagan.

Ang pamahayagang pangkampus ay isa sa malaking tagubilin na

tumutulong sa mga mag-aaral na hasain ang kaukulang sining at

arte sa pagsulat ng kaaya-ayang balita. Sa mga matataas na

paaralan ng Lungsod ng Surigao, ang pamahayagang pangkampus ay

isa sa kinaingat-ingatang uri ng sulatin at Gawain na nagbubukas

ng pinto sa mga mag-aaral na may potesyal sa paglalahad ng

kaaya-ayang balita na tumutugon sa sa pangangailangan ng

bumabasa at ng kapwa estudyante rin mismo.

Suring-basa ng mga Literatura

Sa bahaging ito, layunin ng mananliksik na maipakita sa

pamamagitan ng ilang mga kaugnay na literatura mula sa iba’t-

ibang kaisipan upang magpaunlad at magpalawak sa nasabing pag-

aaral.

Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga

pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang. Ito

ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at

pampaningin. Pasalita ito, kung ang ginawang midyum ay ang radio

at telebisyon; pasulat naman kung ito ay ipinalimbag sa


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

pahayagan at iba pang uri ng babasahin; at pampaningin kung ang

midyum ay ang telebisyon at sine.

Ang istraktura ng pagbuo ng balita ay nagkakaapekto sa

pagbuo ng pamatnubay sa layon na isinasaad ng manunulat ay

inilahad na kabuuang impormasyon ng balita para magbigay linaw

sa mambabasa.

Uri ng balita sa Seksyong Pampahayagan

1. Balitang Panlokal - Mga balita tungkol sa isang lokal na

yunit ng pamahalaan tulad ng barangay.

2. Balitang Pambansa - Mga balitang mahalaga at nagaganap sa

buong bansa

3. Balitang Pandaigdig - Mga balitang nagaganap na mahalaga sa

buong daigdig.

4. Balitang Pampulitikal - Tungkol sa mga pangyayaring may

kinalaman sa pulitika.

5. Balitang Pampalakasan - Tungkol sa mga pangyayaring may

kinalaman sa mga palaro at kompetisyong pangkalakasan

6. Balitang Pang-edukasyon - Tungkol sa mga pangyayaring may

kinalaman sa edukasyon.

7. Balitang Pantahanan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring

may kinalaman sa pamamahala ng tahanan.


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

8. Balitang Pangkabuhayan - Tungkol sa mga mahalagang

pangyayaring may kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan ng

bansa.

9. Balitang Panlibangan - May kinalaman sa larangan ng

telibisyon, radyo, pelikula, tanghalan at iba pa.

10. Balitang buhat sa talumpati – ito’y buhat sa pinaghandaang

okasyon tulad ng palatuntunan, seminar, panayam o pulong.

Ang pamahayagang pangkampus ay mapapansing niuuri sa

dalawang katergorya, ang mahirap at madaling paraan ng

pamatnubay. Ang mahirap na pamatnubay ay nangangailangan ng

malawakang pag-intindi sa teorya nito na nagsasaad sa mambabasa

na hulaan ang kabuuang nilalaman ng balita. Ang madaliang

paraan na pamatnubay ay naglalahad ng mga paksang may sangkap na

maarte, malikahain, attention-seeking fashion, at malimit ay

nasusundan ng mabulaklaking grap na naglalahad ng buod sa

nilalaman (Kensler, 2000).

Mula sa mga kritiko naman ang katanungan na [ano?] ay

minsa’y nagsasaad na ang pamatnubay ay laging di sumasang-ayon

sa paksa ng pinag-uusapan sa balita maging sa artikulo. Minsan

ang mga kritiko ay pasusubalian na ang atikulo ay bayas basi na


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

rin sa gusto ng tagapatnugot sa nais nitong pamatnubay (Parks,

2009).

Sinabi pa ni Parks (2009) na hindi ito kasingkatulad ng

lathalain na humuhikayat nang lalo dala ng laman sa pamagat. Ang

napapanahong balita ay hindi kaagad madaling pansinin kapag

hindi nakuha ng manunulat ang atensyon ng bumabasa dala ng

makabagong akmang pagpapahayag ng balita, katulad ng medya na

mas mainam ang kaparaanan ng paghahatid ng balita. Ito ang nais

mapag-aralan ng mananaliksik upang mas magkaroon ng makabuluhang

pagpapahayag ang pagsulat ng balita tungo sa mas madetalyado at

mainam na pagpapahayag.

Ayon kay Bond (2010) na sinasaklaw ng pamamahayag ang lahat

ng uri ng bagay sa pamamagitan ng balita at punang nakarating sa

madla; lahat ng nagaganap sa mundo, kung ang mga pangyayari ay

kawili-wili sa madla; lahat ng kaisipan, gawa o kilos at mga

diwa na pinasigla ng ganitong pangyayari ay nagiging saligan ng

mga mamamahayag.

Ibig sabihin layunin rin ng pamamahayagang pangkampus na

mabigyan ng pagkakataon sa pagsasanay sa makawiwiling panunulat,

magpasigla sa mga mag-aaral na magkaroon ng hilig at panlasa at

lugod na pagbabasa. Maliban pa roon, naglilinang din ng mataas


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

na pamantayan ng pagtutulungan, katapatang-loob, pagpapaumanhin,

pagkamaginoo, pananagutan, pagkukusa at pagpapasunod. Hindi

lamang sa pampaaralang pahayagan maging sa pamayaanan n akung

saan nag-uukol ng pitak ng mga mungkahi ng mga mag-aaral at ng

kanilang mga magulang sa lalong ikabubuti ng paaralan gayunman

ang paglikha ng maagang pagtutulungan ng mga magulang at mga

guro.

Ayon naman kay Huddleston (2010) na ang pamamahayag ay

yaong kaakit-akit na libangang pang-araw-araw na taglay ng

katotohanan ng buhay sa kasalukuyan; iyong nakalulugod bagaman

sa kalaunan ay nakakapagaan ng pakiramdam.

Ang dekalidad na pagsulat ng balita ay makakamtan lamang

kung matitiyak ang kakayahan ng mga manunulat sa pagbuo ng

pamatnubay. Ang maayos at makabuluhang pamatnubay ay sumsagot sa

mahahalagang katanungan ng bumabasa, naglalahad ng pagpapakita

ng kapitagan ukol sa kahalagahan, at bumubuhay sa interes ng

bumabasa upang magpatuloy na bumasa o di kaya ay tapusin ang

pagbasa nito ng balita (Cruz, 2010).

The lead, or opening paragraph, is the most important part of a news story. With so many sources of
information – newspapers, magazines, TV, radio and the Internet – audiences simply are not willing to
read beyond the first paragraph (and even sentence) of a story unless it grabs their interest. A good lead
does just that. It gives readers the most important information in a clear, concise and interesting manner.
It also establishes the voice and direction of an article. (Connolly, 2002)
MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

The lead, or opening paragraph, is the most important part of a news story. With so many sources of
information – newspapers, magazines, TV, radio and the Internet – audiences simply are not willing to
read beyond the first paragraph (and even sentence) of a story unless it grabs their interest. A good lead
does just that. It gives readers the most important information in a clear, concise and interesting manner.
It also establishes the voice and direction of an article.(Cook, 2005)

The Five W’s and H: Before writing a lead, decide which aspect of the story – who, what, when, where,
why, how – is most important. You should emphasize those aspects in your lead. Wait to explain less
important aspects until the second or third sentence.
Conflict: Good stories have conflict. So do many good leads.
Specificity: Though you are essentially summarizing information in most leads, try to be specific as
possible. If your lead is too broad, it won’t be informative or interesting.
Brevity: Readers want to know why the story matters to them and they won’t wait long for the answer.
Leads are often one sentence, sometimes two. Generally, they are 25 to 30 words and should rarely be
more than 40. This is somewhat arbitrary, but it’s important – especially for young journalists – to learn
how to deliver information concisely. See the OWL’s page on concise writing for specific tips. The
Paramedic Method is also good for writing concisely.
Active sentences: Strong verbs will make your lead lively and interesting. Passive constructions, on the
other hand, can sound dull and leave out important information, such as the person or thing that caused
the action. Incomplete reporting is often a source of passive leads.
Audience and context: Take into account what your reader already knows. Remember that in today’s
media culture, most readers become aware of breaking news as it happens. If you’re writing for a print
publication the next day, your lead should do more than merely regurgitate yesterday’s news.
Honesty: A lead is an implicit promise to your readers. You must be able to deliver what you promise in
your lead. (RAFTER, 2014)

Paraan ng Pagsulat ng Pamatnubay

Sa pagsusulat ng pamatnubay ay maipahayag ng wasto ang mga

detalyeng ilalahad upang matamo ng mga mambabasa ang

kinakailangan nitong impormasyon sa alinmang angulo ng

kaganapan. Kaloob nito ay iminungkahi ni Khan, (2010) ang

mabisang kaparaanan o ayos ng pagsulat ng balita sa tawag na

“inverted pyramid format” na siyang pinakapopular na paraan sa

pagsulat ng balita. May dalawang paraan dito ng istraktura ng


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

pagsulat ng balita ngunit para kay Khan mas mabisa ang

pabaligtad na kung saan naunang mabasa agad ang pamatnubay nito.

Sinabi ni Charnley (2009) na ang makabuluhang pamatnubay ay

hindi mataas o mahaba ang pagkasulat bagaman mabigat ang hatak

nitong paglalahad ng buong balita na may dunong na katotohanan.

Ang pamatnubay ay dapat na ang pinakaunang pangungusap ng balita

o di kaya’y sa pangalawang anyo ng kasunod na pangungusap ay

mainam na gumamit ng 20-25 ang bilang ng salita at ang haba nito

sa pagbuo.

Para mas lalong maging kaakit-akit at mainam ang pamatnubay

ito ay masusuportahan ng kahalagahan na impormasyon, para mas

lalong mauunawaan ng bumabasa ang nilalaman ng buong balita.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Pamatnubay

Ayon kay Rafter (2014) ito ang mga dapat isaalang-alang sa

pagsulat ng pamatnubay:

Mabulaklak na mga Salita: Marami sa mga bagong manunulat ng

balita ang nagkakamali sa sobrang paggamit ng pang-abay at pang-

uri sa pamatnubay nito imbis na magfokus sa paggamit ng pandiwa

at pangalan.

Hindi kailanagng salita o parama: Bantayan ang pagpaulit-ulit ng

salita katulad ng, 2 p.m. Miyerkules ng hapon, o napakakaiba.


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

Hindi kaya ng balita na aksayahin ang bawat pahayag nito lalo na

sa pamatnubay. Iwasan nang lalo ang pagkakaroon ng hindi wastong

pamatnubay na puputol sa laman ng balita.

Sistematik na Pamatnubay: maraming mga balitang naisulat ang

kinakailangang matapos sa tamang panahon kaya minsan nakakabagot

bumuo ng malakas na pamatnubay. Ito ang dapat na maiwasan sa

pagbuo ng pamatnubay. Ang mga mambabasa ay gustong-gusto bumasa

ng balita pero gusto rin nilang maaliw dala ng pamatnubay.

Kailangang nang-aakit ang pamatnubay at malinaw sa bumabasa.

Magpagkilala: Lahat ng mga tagapatnugot ay laging tumitingin sa

pamatnubay dahil hindi ito nasasaayos at hindi masistema ang

paggamit.

Sintesis. Ang mga kaugnay na literature na nabanggit sa

unahan ay may pagkakahalintulad s akasalukuyang pag-aaral dahil

sa mga paglalarawan ng karaniwang gamit na pamatnubay sa

pamahayagang pangkampus. Ang mga opinyon nina Cruz, Khan,

Charnley, Kernsler, Parks, Bond, at Huddleston ay ilan lamang sa

mga ideyang katulad na tinatalakay ng kasalukuyang pagsisiyasat.

Balangkas Konseptwal

Bawat napapanahong isyu ay nailalathala sa pamamagitan

ng pagbabalita sa paraang pasulat o pasalita. Isa sa mas mainam


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

na gawaing makapagpapalibang sa tao ay ang magbasa ng mga isyung

ukol sa lipunan at maging sa kapaligiran. Ang puso ng mga

pahayagang ito ay ang balita na kinapapaluuban ng makabuluhang

pangyayari araw-araw sa lipunan. Upang mas hikayatin ang mga

mambabasa kinakailangang ang pamatnubay na gamit ay madaling

maintindihan ng bumabasa. Ang sinumang manunulat sa pahayagan ay

nagnanais na mababasa ang kanilang artikulong nabuo bilang

katuparan na rin sa kanilang naibigay na oras sa pagbuo ng isang

kawili-wiling sulatin.

Ayon kay Cruz (2010) may mga uri ng pamatnubay. Ito ay

kombensyonal o Kabuuang Pamatnubay (Conventional o Summary

Lead), sinasagot nito ang mga tanong na Ano?, Sino?, Saan?,

Kailan?, Bakit? at Paano?. Ang balita ay inilalahad sa baligtad

napiramide kung saan ang mga Mahahalagang datos ay nasa una at

pangalawang talata. Karaniwang ginagamit sa tuwirang balita.

Panimulang Pambalarilang Pamatnubay (Grammatical Beginning

Lead), kahit na nakagawian nang simulan ang pamatnubay sa

pinakatampok na pangyayari ay maaari pa ring simulan ito sa

ibang paraan kung naaangkop. May iba’t ibang kayariang

pambalarila na maaring magbigay ng pagbabago at lalong maging


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

mabisa ang panimula. Ito ay ang paggamit ng iba’t ibang uri ng

sugnay at parirala.

At ang Makabagong Pamatnubay (Novelty Lead) ginagamitan ng

pangganyak napanimula ang akda upang akitin ang mambabasang

basahin ang kabuuuan nito.Karaniwang ginagamit ito sa pagsulat

ng Pabalitang Lathalain.

Naging gabay ng mga manunulat ng balita na alamin ang gamit

o tamang paggamit ng pamatnubay na kanilang itinatampok. Ang

pamatnubay ang pangalawang binabasa ng mga mambabasa dahil ito

ay nagtatampok kaagad ng lantarang pagpapahayag ng kabuuang

nilalaman ng balita o di kaya ay ito ang nagpapatingkad ng may

hatak upang basahin ng mambabasa ang isang balita.

Ayon kay Ceciliano (2010) na ang isang mabisang pamatnubay

ay ipinapahayag sa maikling pangungusap lamang ang buod ng

balita. Dito sinasagot kaagad ang gustong malaman ng mambabasa

at hinihikayat na ipagpatuloy niya ang kanyang pagbabasa.

Ang panimula ng balita ay tinatawag na pamatnubay. Ito ang

pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ay buod ng balita

at unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa mambabasa.

Maaaring it ay isang salita lamang, lipon ng mga salitang

paghihikayat sa interes ng mambabasa, o isang parapo o talata.


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

Sa iskema ng pag-aaral makikita ang tatlong kahon na may

nakapaloob na mga baryabol.

Sa unang kahon nailahad ang mga katangian ng pamahayagang

pangkampus sa matataas na paaralan sa Siyudad ng Surigao na

nakikitaan ng mga artikulong naglalayong magpapahayag ng mga

impormasyon sa aling mga kaganapan.

Sa ikalawang kahon ay ang uri ng balita ay isinalang-alang

bilang baryabol para matamo ang karaniwang pamatnubay na

ginagamit sa bawat uri nito.

Sa ikalawang kahon sa itaas ay nakapaloob ang mga uri ng

balita na maaring makikita sa mga pamahayagang pangkampus.

Sa ikatlong kahon sa ibaba ay nakapaloob ang uri ng

pamatnubay na ginagamit sa bawat pagbuo ng balita.

Una ang Kabuuang pamatnubay, sadyang ito ang mainam na

gamiting patnubay na hahanap-hanapin ng mga mambabasa. Dahilan

sa ito’y sumsagot sa mga tanong na sino, ano, kalian, saan at

bakit.Ikalawa ay ang Panimulang Pambalarilang Pamatnubay,

malaman ng mga respondent ang iba-ibang kayariang pambalarila na

maaring magbigay ng pagbabago at lalong maging mabisa ang


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

Uri ng Balita
 Panlokal
 Pambansa
 Pampulitikal
 Pampalakasan
 Pang-edukasyon
 Pantahanan
 Pangkabuhayan
 Panlibangan
 Buhat sa Talumpati
Pahayagang

Pangkampus sa

Siyudad ng

Surigao
Uri ng pamatnubay sa
artikulong ginagamit:
 Kabuuang pamatnubay
 Panimulang
Pambalarilang
Pamatnubay
 Makabagong
Pamatnubay

Figyur 1

Paradaym ng Pananaliksik
MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

panimula. Ikatlo naman ang Makabagong Pamatnubay, dito malalaman

kung ano ang naiitutulong ng bahaging ito sa pagkuha ng interes

ng bumabasa.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglayong alamin ang karaniwang

pamatnubay na ginagamit sa balita ng pahayagang pangkampus sa

matataas na paaralan ng Siyudad ng Surigao.

Naglayon din na tugunin ang mga sumusunod na mga tanong:

1. Anu-anong uri ng balita at pamatnubay ang napapaloob sa bawat

pamahayagang pangkampus ayon sa mga sumusunod:

1.1. Uri ng Balita

1.1.1. Panlokal,

1.1.2. Pambansa,

1.1.3. Pampulitikal,

1.1.4. Pampalakasan,

1.1.5. Pang-edukasyon,

1.1.6. Pantahanan,

1.1.7. Pangkabuhayan,

1.1.8. Panlibangan, at

1.1.9. Buhat sa Talumpati?

1.2. Uri ng Pamatnubay?


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

1.2.1. Kombensyunal o Kabuuang Pamatnubay,

1.2.2. Panimulang Pambalarilang Pamatnubay, at

1.2.3. Makabagong Pamatnubay?

2. Makailang beses ginamit sa mga nasabing pamahayagang

pangkampus ang tiyak na uri ng balita at pamatnubay na nabanggit

sa bawat unang suliranin?

3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa paggamit ng mga uri

ng balita at mga uri ng pamatnubay ayon sa bawat pamahayagang

pangkampus sa mga pangsekundaryang paaralan ng Siyudad ng

Surigao?

4. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa paggamit ng iba’t-

ibang uri ng balita at pamatnubay sa mga pamahayagang

pangkampus.

5. Mayroon bang makabuluhang pagkakaugnay sa paggitan ng uri ng

balita at uri ng pamatnubay na ginamit sa pamahayagang

pangkampus?

Haypotesis

Ang mga sumusunod ay mga haka-haka o haypotesis kaugnay sa

mga nalahad na suliranin bilang tatlo, apat, at lima:

Ho1: Walang makabuluhang pagkakaiba sa paggamit ng mga uri

ng balita at mga uri ng pamatnubay ayon sa pamahayagang


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

pangkampus sa mga pangsekundaryang paaralan ng lungsod ng

Surigao?

Ho2: Walang makabuluhang pagkakaiba sa paggamit ng iba’t-

ibang uri ng balita at pamatnubay sa mga pamahayagang

pangkampus.

Ho3: Walang makabuluhang pagkakaugnay sa paggitan ng uri ng

balita at uri ng pamatnubay na ginamit sa pamahayagang

pangkampus?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay mahalaga at

makapagbibigay ng malaking tulong sa mga sumusunod.

Mga Tagapatnugot. Mapansin ang mga karaniwang ginagamit na

pamatnubay na may sapat na hikayatin at basahin ng mga balitang

nakalimbag. Kaya, mahalaga ito sa kanila upang mas lalo pang

gawing makabuluhan ang pagbuo ng pamatnubay na gagamitin sa

balita.

Tagapamahala ng Paaralan. Maisagawa nila ang hakbang sa

maayos na pagpapahayag ng balita at maihanda ang mga manunulat

ng balita upang umangat ng lalo ang kalidad ng pamahayagang

pangkampus sa paghahatid ng makabuluhang balita.


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

Mga Manunulat ng balita. Ang pag-aaral na ito ay

nagsisilbing hudyat sa mga manunulat na gawing mas maayos at

kaakit-akit ang pagkabuo ng pamatnubay sa balita. Mapalawig ang

kaalaman sa pagpapalaganap ng maayos at pormal na balita maliban

sa alam na nitong uri ng pamatnubay.

Mga Mag-aaral. Naangkop ang bunga sa pag-aaral na ito sa

mga mag-aaral na madaling mabagot sa pagbabasa ng balita, sa

dahilang masusukat nila ang kanilang kakayahan sa pagtamo ng

maayos na balita.

Manunulat o Journalist. Makakatulong ito sa lahat ng

manunulat upang gumawa pang lalo ng balitang madaling mapansin

ng mga bumabasa. Maihanda ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng

pamatnubay na nababagay sa gagawing balita at pagtataguyod ng

malayang pagsusulat sa pahayagang pangkampus.

Mananaliksik. Magsilbing landas upang mapaunlad ng mga

mananaliksik ang kanilang kasalukuyang pag-aaral gamit ang

kinalabasan ng pag-aaral na ito. Mapalawak nila ang kanilang

suring-basa ng mga literatura at mapapaigting ang pagkakabuklod

ng mga babasahing kagamitan.

Saklaw at Lawak ng Limitasyon


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw at natatakda lamang ayon

sa sumusunod:

Pokus: Tinutukoy ng pag-aaral na ito ang karaniwang

pamatnubay na ginagamit sa pamahayagang pangkampus ng matataas

na paaralan sa Siyudad ng Surigao.

Tagatugon: Ang Surigao City National High School na may

dalawang pahayagang inililimbag sa Ingles at Filipino ang

Sandiwa at Sea Breeze, Ipil National High School na nakalimbag

sa ingles ang The Courier, Mat-I National High School na

nakalimbag rin sa Ingles ang GREENRISER, Taft National High

School na may dalawang pamahayagang pangkampus na nakalimbag sa

ingles at Filipino ang The Taftians at Bagong Sibol, Caraga

Regional Science High School na may dalawa ring pahayagang

pangkampus ang Gintong Diwa at The Informer ingles at Filipino,

Saint Paul University Surigao ang pamahayagang pangkampus ay

Banaag na nakalimbag sa Filipino, Rafols Memorial National High

School na nakalimbag sa ingles ang The Sparkling Rafolians,

Capalayan National High School na nakalimbag sa Filipino ang

pamahagang pangkampus ang Lagaslas, Day-asan National High

School na Day-asan Gazette na nakalimbag sa ingles at ang Rizal


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

National High School na The Greenfields na nakalimbag sa ingles

ang pamahayagang pangkampus.

Lugal at Panahon: Isinasagawa ang pag-aaral na ito sa

Matataas na Paaralang sakop ng Departamento ng Edukasyon sa

Dibisyon ng Siyudad ng Surigao.

Katuturan ng mga Katawagan

Ang mga sumusunod ay ang mga katawagang ginagamit sap ag-

aaral. Ang pagbibigay ng mga kahulugan nito ay batay sa

konseptwal o operasyonal na katuturan.

Balita. Ang natatanging puso ng pahayagang pangkampus na

naglalaman ng impormasyong nagbibigay ng kaalaman at

napapanahong kaganapan sa alinmang lugar o oras.

Balitang Panlokal. Mga balita tungkol sa isang lokal na

yunit ng pamahalaan tulad ng barangay. Maaring ito ay sa isang

buong komunidad.

Balitang Pambansa. Mga balitang mahalaga at nagaganap sa

buong bansa. Balitang nagtatampok ng mga kaganapang may

kinalaman sa pangyayari sa buong bansa.

Balitang Pandaigdig. Mga balitang nagaganap na mahalaga sa

buong daigdig. Naglalaman ng pinakatampok na mga balita sa

buong mundo.
MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

Balitang Pampulitikal. Tungkol sa mga pangyayaring may

kinalaman sa pulitika. May kinalaman rin sa mga Gawain ng mga

particular na opisyal ng gobyerno.

Balitang Pampalakasan. Tungkol sa mga pangyayaring may

kinalaman sa mga palaro at kompetisyong pangkalakasan.

Nagtatampok ng mahalagang isyo sa mga patimpalak na pisikal.

Balitang Pang-edukasyon. Tungkol sa mga pangyayaring may

kinalaman sa edukasyon. Mga gawaing naglalaman ng mahalagang

isyu sa edukasyon.

Balitang Pantahanan. Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring

may kinalaman sa pamamahala ng tahanan. Maaring ito ay

pampamilya at alinmang mga kaganapan sa loob ng tahanan.

Balitang Pangkabuhayan. Tungkol sa mga mahalagang

pangyayaring may kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan ng

bansa.

Balitang Panlibangan. May kinalaman sa larangan ng

telibisyon, radyo, pelikula, tanghalan at iba pa. Naglalaman ng

pinakatampok na mga tao sa industriya ng panlibangan.

Balitang buhat sa talumpati. Ito’y buhat sa pinaghandaang

okasyon tulad ng palatuntunan, seminar, panayam o pulong.


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

Kabuuang pamatnubay. Ito ang mainam na gamiting patnubay na

hahanap-hanapin ng mga mambabasa. Dahilan sa ito’y sumsagot sa

mga tanong na sino, ano, kalian, saan at bakit.

Makabagong Pamatnubay. Dito malalaman kung ano ang

naiitutulong ng bahaging ito sa pagkuha ng interes ng bumabasa.

Mataas na Paaralan. Nangangahulugang ito ang kukunan ng

datos sa pagbuo ng pag-aaral sa mga salik na karaniwang gamiting

mga pamatnubay sa pahayagang pangkampus.

Pamahayagang Pangkampus (Campus Journalism). Kawili- wiling

gawaing pampaaralan ng mga kaanib sa patnugutan gaya ng

pangangalap, pagbuo at paglalahad ng mga balita; pagsulat ng mga

editorial, pitak at mga lathalaing pampanitikan; ang pagwawasto

ng mga kopya o sipi, pag-aanyo, pagsulat ng ulo ng balita,

pagwawasto ng puweba tungo sa hangaring makapagpapalabas ng

isang pampaaralang pahayagan.

Pamatnubay. Ang pangalawang binabasa ng mga bumabasa dahil

ito ay nagtatampok kaagad ng lantarang pagpapahayag ng kabuuang

nilalaman ng balita o di kaya ay ito ang nagpapakintad ng may

hatak uapang babasahin ng mambabasa ang isang balita.

Pangalan ng Pahayagang Pangkampus. Ito ay tumutukoy sa

pangalan ng pamahayagang pangkampus na siyang daluyan ng bawat


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

impormasyon sa pagsasaliksik tulad ng gamit na pamatnubay sa

pagbuo ng balita.

Panimulang Pambalarilang Pamatnubay. Iba-ibang kayariang

pambalarila na maaring magbigay ng pagbabago at lalong maging

mabisa ang panimula.

Sangay ng Lungsod ng Surigao. Batay sa kinabibilangan ng

bawat mataas na paaralang naglilimbag ng pamahayagang pangkampus

na naglalaman ng mga uri ng balita.

Sekundarya. Ang tinutukoy sa salitang ito ay ang antas ng

edukasyon na sunod pagkatapos ng anim na taon s amababang

paaralan o elementarya.

Uri ng Pamatnubay. Tumutukoy sa mga uri ng pamatnubay na

ginagamit sa pagbuo ng balita. Ito ang sukatan ng kabuuang pag-

aaral sa ginagawang pagsasaliksik.


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

Kabanata 2

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraang

gagamitin ng mananaliksik, mapagkukunang datos, instrumentong

gagamitin, paglikom ng mga datos, at pag-aanalisa ng mga datos

upang masagot ang nalahad na suliranin nitong pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ganamit ng mananaliksik ng disenyong kontekstuwal,

paghahambing at pag-uugnay upang malaman ang karaniwang

pamatnubay na ginamit ng mga manunulat sa balita ng

pamamahayagang pangkampus at upang malaman ang bisa sa paggamit

ng nasabing mga pamatnubay.

Paraan ng Pangangalap ng mga Datos

Mga pamahayagang pangkampus ang ginagamit na instrumento sa

pangangalap ng mga datos na kakailanganin sa pag-aaral na ito.

Mula sa taung 2012-2014 na mga pahayagang nakalimbag sa mga

naturang pangsekundaryang paaralan ang magsisilbing batayan ng

pag-aaral na naglalayong masukat ang mga ginagamit na mga

pamatnubay sa paggawa ng balita.

Binasa ng mananaliksik ang mga nakalimbag na mga balita sa

pamahayagang pangkampus at susuriin ang gingamit na pamatnubay


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

ng manunulat sa loob ng balita. Upang mabigyang ayos ang

pagsusuri ay kinakailangan ng mananaliksik na magpunta sa mga

pangsekundaryang paaralan upang kumuha ng kopya ng mga

nakalimbag nilang pamahayagang pangkampus.

Gayundin, upang matiyak ang kawastuhan at kaangkupan ng

pag-aaral hiniling ng mananaliksik ang kuro-kuro at payo ng mga

guro na napabilang sa tanging pag-aaral at ang tagapayo o maging

tagapatnugot nito.

Pupuntahan ng mananaliksik ang mga naturang limbagan ng

pamamahayagang pangkampus upang makakuha ng datos sa pag-aaral.

Kasabay nito ay ang pangangalap ng imporamsyon hinggil sa

pamatnubay na gagamitin ng mga manunulat.

Ang kwalitativ na pagsusuri ay siyang nararapat para sa

ganitong klasing pananaliksik.

Kaligiran ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa paaralang

pangsekundarya o matataas na paaralang sakop ng sangay ng

Surigao City, Lungsod ng Surigao. Minarapat ng mananaliksik na

tunguhin ang mga tagatugon na mga paaralan. Ang mga paaralang

ito ay ang Surigao City National High School (SCNHS), Caraga

Regional Science High School (CRSHS), Taft National High School


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

(TNHS), Ipil National High School (INHS), Rizal National High

School (RNHS), Mat-I National High School (MNHS), Saint Paul

University Surigao- High School Department (SPUS),Day-asan

National High School (DNHS), at Capalayan National High School

(CNHS) na nakapaglimbag ng pamahayagang pangkampus.

Ang Talahanayan 1 ay naglalaman ng mga paaralan at

pamahaygang pangkampus sa Siyudad ng Surigao at ang bilang ng

pamahayagang nailimbag mula 2012 hanggang 2014 na magsisilbing

pagkukunan ng datos ng mananaliksik.

Talahanayan 1

Mga Paaralan at Pamahayagang Pangkampus sa Siyudad ng Surigao at


Bilang ng Nailimbag na Pamahayagan mula 2012-2014

Matataas na Paaralan at Bilang ng Nalimbag


Pamahayagan
SCNHS(Sandiwa) 3
INHS(The COURIER) 3
MNHS(GREENRISER) 3
TNHS(Bagong Sibol) 3
CRSHS(Gintong Diwa) 3
SPUS(Banaag) 2
RFNHS(The Sparkling Rafolians) 2
CNHS(Lagaslas) 1
DNHS(Day-asan Gazette) 2
RNHS(The Greenfields) 2

Ang mapa ng mga paaralang sekundarya o matataas na

eskwelahan ay nakikita sa Figura 1, kinuha mapa ng mga paaralang


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

ito ayon sa mapang nakapaloob sa Dibisiyon ng Surigao City upang

makita ang saklaw at kaligiran ng pananaliksik.

Sa mapang ito ay makikita na ang paaralan ay nasasakupan ng

siyudad ng Surigao, ito ay napapaligiran ng mga gusaling bahay,

pangalakal, pangnegosyo, dagat, mga punong kahoy, simbahan at

mga paaralang pangelementarya. Ang mga naninirahan dito ay

galing sa magkaibang hanay ng pamumuhay, at karamihan ay mga

magsasaka, mangingisda, mangangalakal, negosyante, profesyunal,

at iba pa. Ang mga mag-aaral ay nanggaling sa magkaibang

karanasan sa buhay ma pang edukasyon man o panghanapbuhay, na

maaaring dahilan sa kanilang pansariling tingin sa kanilang

kakayahan sa pagsulat at pagbuo ng pamatnubay ng balita.


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

Figura 1

Mapa ng Siyudad ng Surigao


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG REHIYONG CARAGA
SENYOR HAESKUL
Surigao City

Etiko at Paraan sa Pagkalap ng mga Datos

Dalawang liham pakiusap ang inihanda ng mananaliksik. Ang

unang liham (Apindeks A) ay ukol sa Taggapangasiwa ng

Pamahayagang Pangkampus sa Dibisyon ng Surigao City upang hingin

ang pahintulot na makakuha ng mga kopya ng mga paaralang

nakapaglimbag ng pamahayagang pangkampus bilang isa sa

kwalipikasyon an makasali sa patimpalak sa pagsulat

pampahayagan. Ang isang liham naman (Apindeks B) ay ukol sa

Tagapayo ng Pamahayagang Pangkampus ng naturang mataas na

paaralan upang hingin ang pahintulot na makakuha ng kopya ng

kanilang nailimbag na pamahayagang pangkampus.

Matapos bigyang pahintulot ang mananaliksik ay agad na

nilikom ang mga pamahayagang pangkampus na nakuha. Susundan ito

ng pagtatali at paglalapat ng angkop na istadistika.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mga sumusunod na istadistika ay ginagamit sa pag-aaral

na ito:

Frequency Count at Percent. Ito ang istadistikang angkop

gagamitin upang masagot ang kaanyuan o propayl ng mga tagatugon.

Gagamitin dito ang mga sumusunod na pamantayan:

You might also like