You are on page 1of 4

INTRO SA PAMAMAHAYAG 5. Magsilbing lunsaran sa pagsusulat ng pamamahayag.

6. Magbigay ng pagsasanay sa organisasyon.


PAMAHAYAGAN 7. Paglinang ng katangian sa pagtutulungan, pakikiharap,
Ang pamamahayag ay isang aktibong gawain na kung saan ang katumpakan, pagpapasensiya, liderato at resposibilidad.
tao ay nagbabahagi ng mga impormasyon o ideya na maaring Paaralan at Pamayanan
batay sa mga pangyayari sa kanyang paligid, isyu, pananaw sa
buhay, kaalaman atbp. 1. Ipabatid sa pamayanan ang hinggil sa mga gawain ng
paaralan.
Maaaring ipahayag niya ito sa paraang pasulat o pasalita. 2. Ilathala ang mga pampaaralang balita.
Malaki man ang saklaw nito ngunit nagsisilbi itong pundasyon 3. Lumikha at ipahayag ang pampaaralang opinion.
dahil kung wala ito hindi mabubuo ang mga pamahayagan at 4. Maipabatid ang mga nagawa ng paaralan.
pahayagan. Kapag ito’y kanyang inihayag sa paraang pasulat 5. Tumulong na pag-isahin ang paaralan
katulad ng nababasa natin sa magasin, aklat , polyeto, 6. Pasiglahin at pukawin tungo sa kapaki-pakinabang na
pahayagn, pamplet atbp. gawain
O kaya’y sa paraang pasalita tulad ng radyo, talumpati, debate, 7. Linangin ang tamang pamantayan sa pag-uugali.
maaari ring sa telebisyon,computer na gamit ang ating paningin. 8. Maglaan ng lunsaran para sa mga mungkahing mag-aaral
Lahat ng mga ito ay nabibilang sa tinatawag na pamahayagan. tungo sa kagalingan ng paaralaan.
9. 9.Linangin ang mabuting pakikipag-ugnayan sakapwa
paaralan.
10. Linangin ang pampaaralang kasiglahan.
11. Linangin ang pagtutulungan sa pagitan ng paaralan at
magulang.

MGA TUNGKULIN NG PAMAHAYAGANG


PANGKAMPUS

✓ Ang pamahayagang pangkampus ay isang publikasyon na


TUNGKULIN NG MAKABAGONG PAMAHAYAGANG
maaaring nakamimyograp o inilimbag. Ang mga balita at
PANGKAMPUS
tinipon ng mga kasapi ng pamunuan na ang kanilang
pangalan ay makikita sa kahon ng editorial. 1. Impormasyong Tungkulin
✓ Ang pamahayagang pangkampus ay may maraming
tungkulin. Ang tradisyong gawain ngpamahayagang Ipinababatid sa mga mambabasa ang mga panyayaring naganap
pangkampus ay tinalakay nina Harold Spears at C.H. na, nagaganap o maaring maganap. Ang mga impormasyon ay
Lawskie Jr. sa kanilang aklat, “An Introduction to maaaring magmulat sa mga lathalain, editorial, at iba pang mga
Journalism”. seksyon ng pampaaralang pangkampus.

Sa mag-aaral 2. Opinyong Tungkulin

1. Paglalaan ng panahon para sa nagnanais na sumulat. Sa pamagitan ng mga editorial at kolum ng editorial,
2. Binibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataon na matuto binibigyang kahulugan ng editor ang balita, at ibinibigay rin ang
ng tamang paraan sa pagbasa ng pahayagan. kanyang opinion Sa mahalagang bagay o ang kabuluhan ng mga
3. Kumilos ng may kasiglahan tungo sa laong mabuting pangyayari sa araw-araw.
paggawa.
3. Edukasyong Tungkulin
4. Paglinang sa lakas ng mga mag-aaral sa pagmamasid
hinggil sa diskriminasyon nakaugnay sa kapaki- Isa sa mga pinakamahahalagang tungkulin ng pamahayagang
pakinabangan ng artikulo sa balita. pangkampus ay maturuan hindi lamang ang mag-aaral kundi
pati na ang mga mamamayan sa komunidad. Noon, ang Pahinang Editoryal
pagtalakay sa paksa hinggil sa edukasyong panseks at
pagpaplano ng pamilya ay ipinagbabawal sa mga silid- aralan. 1. polyo- naglalaman ng bilang ng pahina, pangalan ng
Ngunit sangayon, nagiging paksa na ng mga mag-aaral pahayagan, petsa ng pagkakalimbag,
namanunulat sa kanilang pampaaralang pahayagan. 2. editorial- naglalaman ng mga tampok na isyu na
binibigyan ng paliwanag o pagtatalakay batay sa
4. Tagapagbantay na Tungkulin pansariling opinyon.
3. kartung editoryal - naiguhit na kartun na naglalarawan sa
Ang pamahayagang pangkampus ay gumaganap bilang taga- nilalaman ng editoryal o maaaring iba pang isyung
pamatnubay sa Karapatan ng mga mag-aaral. Ito’y nagsisilbing napapanahon.
mata ng mga mambabasa. 4. mga opinyon o kuro-kuro ng manunudling
5. Laboratoryong Tungkulin 5. kahon ng patnugutan - naglalaman ng pangalan ng
pahayagan, mga pangalan ng patnugot, tagapayo,
Ito’y nagsisilbi bilang kagamitan sa pagtuturo tungo sa pag- konsultant at mga kritiko.
unlad ng isang mamamahayag. Matapos matutunan ang
wastong paraan sa pagsulat ng tuwirang balita, tinatalakay rin Pahinang Lathalain
ang mga gawaing pampaaralan at ang pagsulat ng balita para sa - naglalaman ng mga natatanging lathalain hinggil sa mga
publikasyon. pangyayari sa kapaligiran, mga pansariling karanasan, sa
6. Dokumentaryong Tungkulin buhay ng mga karaniwan o tanyag na may pambihirang
nagawa sa lipunan, at iba pa.
Mahalagang mabatid ang mga pangyayari sa paaralan at ang - naglalaman din ng mga bagong tuklas na imbensiyon o
mga kapaki-pakinabang na nagawa ng mga mag-aaral. Ang mga kaya'y mga pag-unlad ng pamayanan o lipunan, gayundin
natapos na gawain ay kailangang mailatlaha sa pampaaralang ang mga paksa na may kinalaman sa agham at teknolohiya.
pahayagan para sa kaunlaran. Ang pinakamainan na kasaysayan
na nasaliksik mula sa lumang tinipong pahayagan ay kabilang Pahinang Pampalakasan
din. - naglalaman ito ng mga balita, editoryal, opinyon, lathalain,
7. Panlibangang tungkulin mga larawan at kartun hinggil sa iba't ibang isports na
naganap sa loob at labas ng paaralan.
Ang pampaaralang publikasyon ay tulad din ng mahalagang
aklat, tinuturing na kasama ang mga mambabasa lao na kung MGA SANGKAP NG BALITA
siya ay nag-iisa. Ang isang balita ay magiging balita lamang kung ito ay
8. Pangkalinangang Tungkulin nakakapukaw ng interes ng mga tagapakinig o mambabasa.
Kaya maaaring sabihing ang anumang kaganapan na balita para
Ang pampaaralang pahayagan ay katulad din ng komersiyal na sa isa ay hindi balita para sa iba.
pamamahayag na nagkakaloob ng kahalagahan.
Narito ang mga sangkap ng balita na maaaring makapagbigay
BAHAGI AT PANGKAT NG PAHAYAGANG PANG-ARAW- ng interes sa mga tagapakinig at mambabasa.
ARAW
1. Kapanahunan/Napapanahon (Immediacy or
Pangmukhang Pahina Timelines)- Kailangang ang pangyayari ay kagaganap o
katutuklas lamang. Napapanahon pa rin ang balita kung
1. pangalan ng pampaaralang pahayagan o nameplate -
ang pangyayari ay matagal nang naganap ngunit ngayon
nakapaloob ang pangalan at lugar ng paaralan, tomo, bilang ng
lamang nabunyag o natuklasan.
isyu, saklaw na mga buwan at taon ng pagkakalimbag.

2. tainga o ears - kahanay ng pangalan ng pampaaralang 2. Kalapitan (Nearness or Proximity)- Higit na


pahayagan na naglalaman ng logo ng paaralan, maaaring kinagigiliwan ng mga mambabasa ang mga pangyayari sa
kartun, kasabihan o mga nilalaman ng panloob na pahina. kanilang paligid kaysa sa mga pangyayaring nagaganap sa
malalayong pook. Ang kalapitan ay maaaring tumutukoy
3. ulo ng pinakapangunahing balita o banner headline - rin sa kalagayang heograpiya (geographical nearness),
pamagat ng pinakamahalaga o pinakatampok na balita na kaangkan (Kinship), kapakanan (interest),atbp
nakasulat sa malalaking titik at mautim na tipo.
3. Katanyagan (Prominence)- Kung ang paksa ng balita ay
4. mga ulo ng balita o headline - mga iba pang balita na
bantog o tanyag,ito ay nakaaakit at nakakatawag-pansin.
nakasulat sa mas maliliit na tipo.
Maaaring ito’y ukol sa isang pinuno ng pamahalaan,lider
5. mga larawan o photos - mga larawang kuha na kalakip ang ng purok, mga taong kilala o dakila o tanyag sa lipunan.
mga ulo ng balita ng pinakatampok na balita o iba pang ulo ng
balita para magbigay ng mas malinaw na paglalarawan sa balita. 4. Tunggalian (Conflict o Struggle)- Ano mang
pangyayaring naglalarawan ng paglalaban,
pagpapaligsahan at pagsasapalaran ay balitang interesante.
Ito’y maaaring pagtutunggali ng katawang pisikal at 16. Kalamidad (Calamity)- Kapag nagkaroon ng malakas na
mental; tao laban sa kapwa tao; tao laban sa hayop;tao bagyo, lindol, pag-putok ngbulkan at iba pa, karaniwang
laban sa kalikasan; tao laban sa kanyang sarili. pinapaksa ng balita ang mga pinsalang dulot nito.

PAGLALAKBAY NG BALITA
5. Kahulugan o Kalabasan (Significant or Consequence)- 1. Ang Pangyayari
kung ang isang pangyayari obagay ay may ibubungang a. Pagsulat ng balita
kabutihan o kasamaan ay nakakatawag pansin, ano ang b. Pagdala ng kopya sa patnugot ng balita
kahulugan o kalalabasan kung ang kumyunismo ay ating
tatangkilikin. 1. Pagsulat ng pananda at tagubilin (printer’s direction) sa
kahista tungkol sa uri ng ulo ng balita na nais gamitin
6. Di-karaniwan, Pambihira (Oddity, Unusualness)- Ano 2. Pagwawasto ng kopya o sipi at pag-uulo ng balita
mang bagay na di-karaniwan aylaging bago. Ito ang (copyreading and headline writing)
dahilan kung kaya sinasabing “ano mang pangyayaring di- 3. Pagdadala ng kopya sa palimbagan ng
karaniwan ay isang balita. Hal. Isang batang may dalawa at tagapangasiwangpatnugot
kalahating taong gulang ang natagpuang buhay sa kanyang
libingan. 2. Sa Silid-Kamahan (Composing Room)

a. Paglinotipya ng balita
7. Pagbabago (Change)- ano mang pababago maging sa pag-
b. Pagwawasto ng mga mali (proofreading)
unlad o sa pagsama ay nakakatawag-pansin.
c. Pagbubuo ng pahina at ulo ng balita
d. Pagkuha ng larawan ng pahina sa isang karton sa
8. Pamukaw- Damdamim o Kawilihan (Human Interest)-
pamamagitan ng pagtubog ng buong pahina sa tingga
ito’y umaantig ng damdamin atkaukulang reaksyon ng
mambabasa upang siya ay paiyakin, patawanin, 3. Silid-limbagan (Printing Room)
pagalitan,pahangain, atb.
a. Paglilimbag
9. Romansa at Pakikipagsapalaran (Romance and b. Pamamahagi ng mga pahayagan sa mga mambabasa
Adventure)- ang romansa ay hindinauukol sa pag-iibigan
ANG PAMATNUBAY
lang isang halimbawa nito ay ang romansa ni hemingway
at ngkaragatan; mga astronauts at ng kalawakan Ang panimula ng balita ay tinatawag na pamatnubay sa wikang
ingles “Lead”.
10. Hayop (Animals)- magandang paksa sa balita ang mga
hayop na may katalinuhan Ito ay ang pinakamahalagang bahagi ng balita sa kabuuan
sapagkat ito ay ang unang binibigyan ng pansin at umakit sa
11. Pangalan (Names)- Kung marami ang mga mambabasa. Ang simula ng balita ay nangangailangan ng higit
pangalangnakalathala na nasasangkot sabalita, dumarami na atensyon mula sa mambabasa gayundin naman sa
rin ang mga mambabasa. manunulat.Sinusuri muna ng mambabasa ang mga balita at saka
magpapasya kung alin ang babasahin batay sa kanyang panlasa.
12. Drama (Drama)- ang daigdig ay isang dulaan at ang mga
tao ay nagsisiganap ng dula ngtunay na buhay. Ang
misteryo, pag-aalinlangan (suspense) o komedya ay PANGKALAHATANG URI NG PAMATNUBAY
nagbibigay ngkulay sa isang kuwento
1.Batay sa Layunin
13. Kasarian (Sex)- Ito’y nagbibigay ng kawilian na a. Kumbensyunal na pamatnubay
karaniwang natutunghayan sa romansa, pag-aasawa,
paghihiwalay at pagdidiborsiyo. Nailalarawan rin ang mga -Kung minsan ito ay tinatawag ding buod ng pamatnubay,
kasarian, hal. Kung isang babae ang pinuno ng mga karaniwanang balita ay ginagamit ng ganitong pamamaraan na
bandido, kung ang naihalal na pangulo ng isang bansa ay tumatalakay sa naturang at tuwirang paraan. Ito ay ang
babae gaya ni Gloria M. Arroyo. pinakaraniwang uri na sumasagot sa mga tanong na
Sino?,Ano?,Kailan?, Saan?, Bakit?, Paano?
14. Pag-unlad o Pagsulong (Progress or Advancement)-
Magandang paksa ang mga ito sa balita. b. Di-kumbensyonal na pamatnubay

Ang balitang lathalain ay gumagamit ng pamatnubay na ito.


15. Mga bilang (Number)- Marami ang mahilig magbasa ng Inilalahad dito ang intensyon ng pagpupunyagi ng manunulat sa
mga estatistiks tulad ng ulat sapananalapi, kinalabasan ng pagpapakilala ng kanyang balita sa paraang naiiba.
eleksyon, panalong numero sa sweepstakes, vital statistics
ngdalaga, atb.
F. Pamatnubay na Saan (Where Lead)-

2. Katanungang Pamatnubay Ginagamit kung ang mga naganap ay hindi sa pangkaraniwang


lugar.
Ang uring ito ng pamatnubay ay ang pinakamatanda sa lahat ng
uri na ginagamit ng mamamahayag tulad ng Sino, Ano, Bakit, Halimbawa: Sa Naga City ginanap ang 2009 National School
Paano, Kailan at Saan (5 W's and H). Press Conference na dinaluhan ng mga batang manunulat sa
buong bansa
A. Pamatnubay na Sino (Who Lead)
3.Batay sa kabuuan
Ang pangalan ay ang gumawa ng balita lalo na ang mga
kilala.Ang tao ay kilala sapagkat bantog o di kaya'y may a. Gramatikong panimula
kinalaman sa mga pangyayari sa balita. b. Di-pangkaraniwang pamatnubay

Halimbawa:

Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng


LDP ang kaniyang pirma sa impeachment complain na inihain
ng oposisyon kahapon, matapos itong katayin sa komite.

B. Pamatnubay na Ano (What Lead)

Pinakamatuwid na pamatnubay na naghahayag ukol sa balita.

Halimbawa:

Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng Sorsogon at Masbate


na ikinamatay ng tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at gusali
kahapon ng madaling araw.

C. Pamatnubay na Bakit (Why Lead)

Nagsasaad hinggil sa pinagmulan o sanhi ng itinampok na


pangyayari.

Halimbawa:

Upang mapalawak at madaling maipaabot sa mga mamamayan


ang mga serbisyong pamahalaan, inilunsad ng Sangguniang
Panlunsod ng Quezon sa pamumuno ni Mayor Sonny Belmonte
ang “City Hall sa Barangay”.

D. Pamatnubay na Paano (How)-

Karaniwang ginagamit sa hindi inaasahang mga pangyayari at


mga aksyon. Itinatampok dito ang pamamaraan ng mga
kaganapan.

Halimbawa:

Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, isang babae ang


tumangay ng malaking halaga ng salapi at mga alahas ng isang
ginang sa Lungsod ng Baguio, pagkatapos itong tanggapin
bilang katulong

E. Pamatnubay na Kailan (When Lead)

Ginagamit kapag ang mga pangyayari ay naganap sa hindi


inaasahang panahon o ang panahon na kaganapan ay lalong
mahalaga.

Halimbawa:

Hanggang sa Abril 18 na lamang ang palugit na ibinigay ng BIR


para sa pagbabayad ng buwis sa taunang kita.

You might also like