You are on page 1of 8

GAWAIN 2. LARAWAN-KWENTO!

Katotohanan – isang mahusay na akademikong papelay nagpapakita na ang manunulat ay


nakagagamit ngkaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.

Ebidensya – ang mga iskolar ng disiplina ay gumagamitng mga


mapagkakatiwalaang ebidensya upangsuportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.

Balanse – Nagkakasundo ang halos lahat ng akademyana sa paglalahad ng mga haka, opinyon at
argumentoay kailangang gumamit walang pagkiling , seryoso at di- emosyonal nang maging
makatwiran sa mganasusulungatang pananaw.

Kompleks.Ang pagsulat na wika ay maskompleks kaysa pasalitang wika. Ang pagsulat nawika ay
may higit na mahahabang salita, masmayaman sa leksikon at bokabularyo. Maidaragdagpa rito
ang kompleksidad ng gramatika na higit nakapansin- pansin sa ano mang oasulat na gawain.
GAWAIN 4. KAYANG-KAYA MO ITO! SIMULAN MO NA!

Posisyong Papel sa Malayang Paggamit ng Internet at Social Media


Sa Pag-aaral at Pagpapahayag

Sa paglipas ng panahon,malaki na ang makikitang kaularan sa ekonomiya ng bansa.


Kasabay ng pag unlad nito ay ang pagusbong ng makabagong teknolohiya na siyang nagsisilbing
libangan at kasangkapan sa komunikasyon. Ang internet ay isang Sistema na ginagamit nang
buong mundo upang makapagkonekta and mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na
dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linyaa o kable ng
telepono,satellites,iba’t-ibang komunikasyn katulad na hindi gumagamit ng kable(wireless) na
kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko. Ang
social media naman ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila
ay lumilikha,nagbabahagi a nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network.Ito ang nagsisilbing tulay sa paikipag-kapwa tao,pagkonekta sa mga
kamag-ana,pagpapakita ng mga nagtatanging talent at higit sa lahat,sa pagaaral at pagpapahayag.
Sa madali’t sabi ay mas dumadali ang pangaraw-araw na Gawain ng tao lalong lalo na ang mga
estudyante. Ang paggamit ng inter-net at social media sa pag-aaral at pagpapahayag ay
nararapat lamang na maging malaya dahil nakakatulong ito sa pagsasaliksik ng mga
bagay,pakikipagusap sa mga kamag-aaral,paglalahad ng opinion tunkol sa mga isyu ng bansa at
higit sa lahat nagsisilbi itong libangan ng mga tao mula sa kani-kanilang trabaho at
responsibilidad.

Ang internet at social media ay maaring magresulta sa sobrang adiksyon hanggang sa


mawala na ang interes sa pag-aaral. Sinsabi ng iba na ito ang nagiging dahilan upang mawala sa
pokus ang mga estudyante. Sa halip na nag-aaral ay nasasayang ang oras ng mga mag-aaral dahil
hindi nila mapigilan and paggamit nito. Sinsabing ito rin ay umaagaw o bumabawas sa
atensiyon at oras na dapat nilalaan sa pakikisalamuha sa pamilya, kaibigan, at sa lipunan. Hindi
namamalayan ng taong gumagamit nito na unit-unting lumalayo ang loob niya sa totoong
mundo.

Ang internet at social media ay napakalawak. Maraming mga bagay ang nakikita dito
tulad na lamang ng mga samu’t saring “post” at “videos” na kung minsan ay masama na sa
nakakapanuod at nakakabasa. Maaring ang mga nakitang videos sa Facebook ang mga maging
dahilan upang magkaroon o makagawa ng masasama o di kaaya-ayang mga bagay ang
nakapanuod.
Mga pagkakataon na napababayaan na ang kanilang pag-aaral dahil sa labis na paglalaan
ng oras sa social media. Nakalilimutan o kinakapos sa oras sa paggawa ng kanilang assignment o
ng gawain sa bahay, hindi nakapagre-review para sa pagsusulit, wala nang paghanda para sa mga
school project at hindi na nakasasali sa iba’t ibang organisasyon o club. Nawawala na rin ang
kanilang konsentrasyon sa loob ng klase habang nagtuturo ang kanilang guro. Kadalasan ay
absent o tulog na sila sa klase dahil sa pagpupuyat sa harapan ng computer o cellphone. Wala na
sa tamang oras ang pagkain at kawalan ng gana na malaking epekto sa kanilang kalusugan.

Ang paggamit ng internet ay mas napapadali sa mga gawain ng mga estudyante sa pag-
aaral. Ang paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa mga aralin o pananaliksik ng mga
estudyante ay naisasagawa sa ilang pindot lamang sa tipaan ng computer. Kahit nakaupo lamang
ay makikita na agad ang mga hinahanap na may koneksyon sa leksyon sa tintalakay. Kung
noon ay kailangan pang pumunta sa mga silid-aklatan sa pangangalap ng datos,ngayon ay titipa
na lamang sa kompyuter ng mga salita at lalabas na ang mga resultang sing-dami o mas pa sa
mga impormasyon na nasa silid-aklatan. Ang paggamit naman ng social media ay nakakatulong
sa pagkonekta o pakikipagusap ng mga mag-aaral sa isa’t-isa. Kung may mga hindi kaagad
naiintindihan sa eskwelahan ay maaring matalakay muli kahit nasa bahay. Maaring itong
gamitin na isang paraan para mas madaling mature ang mga estudyante. May mga guro din na
gumgamit ng “social networking site” tulad ng Edmodo at messenger,sa pagbibigay ng
“powerpoints”at sa ngayon ang mga ito ay malaki na ang tulong sa mga mag-aaral. Ikaapat, sa
pagpapahayag, ang twitter, facebook at Instagram ang pangunahing daluyan ng mga
impormasyon sa iba’t ibang isyu ng ibang bansa at maging ng mga tao. Dahil dito, mas
napapadali ang pakikinig ng gobyerno sa mga hinaing ng mga tao at ang mga posibleng
solusyon sa probelma ng bansa. Ika-lima, ang mga “social networking sites ay isa sa mga
nagsisilbing libangan ng mga tao mula sa kani-kanilang trabaho at responsibilidad. At sa
paglaganap ng depresyon at stress ay maaring magsilbi tong sariwang hangin dahil ditto nila
maiilabas ang kanilang mga saloobin. Ang paggamit ng internet at social media ay may
masasamang epekto ngunit kung titignan na mabuti ay mas lamang ang mga positibong epekto
nito basta tama ang paggamit.

Ang internet social media ay maraming pakinabang kaya naman nararapat itong gamitin
sa pagaaral at pagpapahayag ng Malaya para sa mga maunlad na mundo, kasabay ng pagunlad ng
mga bagay na mayroon ang mga tao ngayon., Sa kabila ng lahat ng ito,dapat lamang piliin ang
mga binabasa at nakikita at i-angkop sa edad ng gumagamit. Gaano man ito kalawak, nasa
“users”padin ang pagbabalanse ng mga bagay-bagay at kung paano siya magpapaapekto dito.
May mangilan-ilan man na masamang epekto, sa ibang banda ay makatwiran naming gamitin
ang internet at social media sa pag-aaral at pagpapahayag upang mas mapadali ang pagsasaliksik
sa mga bagay na gusting malaman at makapagpahayag ng sariling paninindigan.
GAWAIN 2
A. Mga Elemento ng Paglalahad na B. Pagpapaliwanag
Ginamit
1. Pagbibigay-Kahulugan Ito ay paglalahad na kung ano ang isang
bagay o isang salita
2. Pangulong-tudling / Editoryal Ito ay sariling kuro-kuro ng patnugot o
mamamahayag na naglalagay ng kanilang
sarili sa katayuan ng mga mambabasa.
Layunin nito ang magpaliwanag, magbigau-
puri, magpahalaga, magtanggol o manuligsa
3. Kalinawan Dapat maunawaan ng nakikinig o bumabasa
ang anumang pahayag na inilalahad
4. Katiyakan Dapat nakatuon lamang sa paksang
tinatalakay
5. Kaugnayan Kailangang may kaugnayan ang lahat ng
bahagi ng talata o pangungusap at
nagkakaugnay sa bagay na pinag-uusapan
6. Diin Dapat may wastong pagpapaliwanag sa
pagtatalakay.
GAWAIN 4

Ipaliwanag: Ano ang kahalagahan ng paggamit ng elemento ng pagpapahayag sa pagsulat


ng lakbay sanaysay?

Ang lakbay sanaysay ay isang sulatin patungkol sa kung ano ang natuklasan ng
manunulat tungkol sa lugar na pinuntahan niya, sa mga taong nakasalamuha niya, at higit sa
lahat tungkol sa kaniyang sairili. Sa depinisyon pa lamang nito ay mahihinuha na natin ang
kahalagahan ng paggamit ng elemento ng pagpapahayag sa pagsulat ng isang lakbay sanaysay
upang maihayag nang malinaw ang nakaaaliw ng manunulat ang kanyang mga naging karanasan
sa pagbisita o pamamasyal sa isang pook-pasyalan.

Ayon kay Patti Marxsen, sa kanyang artikulong “The art of the travel essay,” ang isang
mapanghikayat na lakbay-sanaysay ay dapat makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon
kundi ng matinding pagnanais na maglakbay. Maituturing na matagumpay ang isang lakbay-
sanaysay kung ito’y nakapag-iiwan sa mambabasa ng sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar
bagama’t hindi pa nila ito napupuntahan.

Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar. Binibigyang-


pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan sa isang partikular na
komunidad. Maaari ding maging paksa ng lakbay-sanaysay ang kasaysayan ng lugar at
kakaibang mga makikita rito. Binibigyang-halaga rito ang uri ng arkitektura, eskultura,
kasaysayan, anyo, at iba pa. Sa pagsulat, maaaring gamitin ang pagtatangi at paghahambing sa
mga lugar upang malinang ang wastong pagtitimbang-timbang ng mga ideya, mula sa maganda o
hindi kanais-nais, kapaki-pakinabang o walang kabuluhan, katanggap-tanggap o hindi
katanggap-tanggap, at kapuri-puri o hindi kapuri-puri.

Higit sa lahat, ito ay tungkol din sa sarili sapagkat ang karanasan ng tao ang nagbibigay-
kulay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Binibigyang-halaga ang pagkilos sa lugar na narating,
natuklasan sa sarili, at pagbabagong pangkatauhan na nagawa ng nasabing lugar sa taong
nagsasalaysay na maaari din maranasan ng mga makababasa. Ito’y tila pagsulat ng isang
magandang pangako ng lugar para sa mambabasa.
Sa kabuuan, ang elemento ng pagpapahayag ay sadyang kinakailangan sa pagsulat ng
isang lakbay-sanaysay. Bilang gabay sa pagsulat, apat sa pinakamahahalagang mungkahi sa
paggawa nito ay ang mga sumusunod: (1) Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na
dapat isulat, (2) Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na
ideya. Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit ang mga
malikhaing elemento. (3) Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-alang ang
organisasyon ng sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na pananaw sa pagsulat sa
pamamagitan ng malinaw at malalim na pag-unawa sa mga ideyang isusulat. (4) Tiyakin na
mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-sanysay.

GAWAIN 4. PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Tara na, Biyahe na Tayo!

Noong Agosto 20, 2016, nangyari ang isa sa mga hindi ko malilimutang karanasan sa
paglalakbay sa Romblon kasama ang aking mga kaibigan. Ito ang unang karanasan ko na
sumakay sa malaking barko. Maganda at maayos ang barko na aming sinakyan. Tamang-tama sa
presyo—medyo mahal kompara sa ibang barko na mura nga subalit hindi gaanong maayos ang
loob.

Ang barkong aming nasakyan ay may tatlong uri ng higaan para sa mga pasahero. Ang
unang uri ay nasa itaas na bahagi at may mga higaang parang nasa pampublikong pagamutan.
Pangalawang uri ay ang tinatawag na tourist, higit na maayos kaysa sa una. Pangatlong uri ay
ang tinatawag na cabin na may sariling kuwarto ang mga pasahero. Naalala ko tuloy ang isang
bahagi ng Noli Me Tangere, tungkol sa barko kung saan inilalarawan ang uri ng mga
mamamayan sa lipunan, may mayaman, katamtamang buhay, at mahirap.

Nagsimula nang maglakbay ang barko sa amjng destinasyon. Matapos naming mailagay
ang mga gamit sa aming lugar ay nagyaya ang mga kasama ko na umakyat sa itaas dahil
maganda raw pagmasdan ang paglubog ng araw. Nang mga sandaling iyon ay malapit nang mag-
agaw ang dilim at liwanag.

Medyo malakas ang alon kaya mararamdaman mo ang kaunting paghampas ng mga ito sa
barko. Magkagayunman, napakasarap damhin at langhapin ang sariwang hangin habang
minamasdan mo ang pagkulimlim ng araw sa paglubog nito. Hindi maalis sa isip ko na
maihambing sa buhay ng tao ang paglubog ng araw. Isang pamamaalam o isang kamatayan
ngunit may bukas na naghihintay. Sumasagi tuloy sa aking alaala ang mapait na kuwento ng
aking kaibigang marinero.

Mahirap daw ang buhay ng isang marinero. Palaging nasa barko at lagi mong natatanaw
ang paglubog at pagsikat ng araw. Ang pinakamahirap na kanyang naranasan ay ang pakikidaop
sa kalikasan na parang nakikipagpatintero kay Kamatayan. Ang sigwa ng bagyo sa gitna ng laot
ay hindi basta-basta kinakalaban. Tunay na matatawag mo ang lahat ng santo dahil bukod sa
matatalim na kidlat ay masasagupa rin ninyo ang malahiganteng alon na sa sandaling magkamali
sa pagpihit ng manibela ng barko ay mauutas ang buhay nang ganoon na lamang.

Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni nang biglang nagsigawan ang mga tao.
Tuwang-tuwa sila sa mga dugong na sumisisid pagkatapos ay pumapailanlang sa itaas. Grabe!
Pati ako ay natuwa kung kaya’t kinuha ko ang aking cell phone at inabangan ang pag-ibabaw
nilang muli upang mag-selfie kasama ng mga dugong. Wow! Ayos. Ang galing. Nakuhanan ko
sila kasama ang aking sarili. Nice selfie.

Ilang oras pa ang lumipas at wala na ang mga dugong sapagkat ganap na ang dilim. Wala
ka nang mamamalas sa gitna ng dagat kundi ang kadiliman. Kadilimang simbolo ng hungkag na
buhay at baIt ng kalungkutan na larawan ng kawalang pag-asa.

Ayaw ko nang patagalin pa ang pagtitig ko sa kadiliman dahil naIulungkot ako. Ayoko
ng malungkot na buhay. Ayaw ko sapagkat nananariwa ang mga alaala ng mapapait na kahapon
ng aking buhay na minsan nang nasadlak sa gitna ng dilim.

Minabuti ko na lamang na ayain ang aking mga kasama upang magpahinga sa aming
higaan sa gitnang bahagi ng barko.

Pagbaba namin, marami na ngang mga natutulog na pasahero at may iba namang
nagkukuwentuhan. Ilan sa mga kasama ko ay nagkukuwentuhan habang nakahiga at paminsan-
minsan ay nakikisall ako hanggang sa ako ay makatulog na.

Nagising na lamang ako dahil sa isang announcement na dadaong na ang aming sasakyan
sa Romblon sa loob ng sampung minuto.
Sa wakas, bababa na rin kami at maluwalhating makararating sa aming destinasyon.

You might also like