You are on page 1of 56

Nilalaman at

anyo ng
pasalita at
pasulat na
diskurso
Pasalita at pasulat na diskurso
Likas na sa tao ang pagsasalita. Gaya ng pagkain,
paglakad, pagtakbo o pagsayaw, mabilis na
natututunan ang pagsasalita. Hindi man
namamalayan, likas na dumarami ang talasalitaan
at nalilinang ang kakayahang komunikatibo.
Pagmasdan ang isang sanggol, lubos na
ikinatutuwa ng magulang ang kanilang mga unang
salita kaya inaabangan at ipinagbibida ito. Kahit
walang pormal na instruksiyon, makalipas ang
ilang buwan ay mula sa iisa-isang salita nagiging
mahabang pangungusap na ang alam ng batang
paslit. Idagdag pa rito ang komunikasyong hindi
berbal gaya ng paggamit ng kilos ng katawan,
ekspresyon ng mukha, tono,2 diin, paghinto o
Mahalaga sa pang-araw-araw na
pakikisalamuha ng tao sa kanyang
kapwa ang pagsasalita. Kailangang
makipag-usap sa pamilya, kasamahan,
kaeskwela, kaibigan at sa mga
nagbibigay serbisyo gaya ng tindera,
drayber atbp. May mga pagkakataong
napaghahandaan nang maige ang
pagsasalita gaya ng pagiging
panauhing magbibigay ng mensahe o
ulat ngunit mas madalas na mabilisan
ang pag-iisip ng itutugon
3
sa kausap.
Ang palitan ng mensahe sa
pasalitang pahayag ay
mabilis at patuloy dahil ang
bigayan at pagtanggap ay
may fleksibilidad, kung
mayroon mang hindi
nauunawaan ay agad-
agarang nakahihingi ng
paliwanag at karagdagang
impormasyon mula sa
Bagaman madali
ang magpahayag
ng damdamin,
magturo ng aralin,
o magbigay ng
aliw sa anyong
pasalita, hindi nito
natutugunan lahat
ang
pangangailangan
ng tao.
5
> Kailangan ng taong magsulat, dapat niyang
isatitik sa pamamagitan ng simbolo,
pagguhit noong sinaunang panahon at
alpabeto ngayon, ang kanyang kaalaman
upang mapalaganap, maingatan at
maipamahagi ito. Halimbawa ay ang pag-
aaral natin ng kasaysayan. Kung walang
pasulat na anyo walang mapagkukunan ng
mga impormasyon ukol sa nakaraan. Sa
napupulot naman na aral mula sa mga
dakilang kuwento, tula, dula at iba pang
literatura, kung hindi ito naipalimbag, hindi
ito mabisang naipasa. Napakahirap ipasa
6
May mga pagkakataong mas mainam ang pasulat kaysa
pasalita ang gagamiting paraan ng
pakikipagkomunikasyon lalo na sa mga pagkakataong
kailangang maidokumento ito ng maayos. Tulad na lamang
ng pagdudulog ng pangangailangan sa mga pinuno ng
bayan. Naroon din ang pangangailangang maipaabot sa
mas maraming tao ang mga bagay-bagay, katulad
halimbawa ng mga isyung sosyal at moral, bagong tuklas
na teknolohiya o di kaya’y mahahalagang kaalaman ukol sa
pang-araw-araw na buhay dito ay mas mabisa ang pasulat
na anyo dahil ito’y muling nababasa at maaaring masuri ng
masinsinan, di gaya ng magaan at mabilis na daloy ng
pagsasalitang nagbibigay lamang ng kaunting
pagkakataon sa pagiisip at kawalan ng kakayahang
mabalikan ang bahaging nais suriin.
7
Napupunan ng pagsusulat ang kahinaan
ng tao sa
pagsasaulo (Lachica, 1999). Ang
gawaing magsulat ay
hindi biro. Nangangailangan ito ng
disiplinang mental at
mataas na antas ng kaalamang teknikal,
pagkamalikhain
at ng sapat na kasanayan. (Tanawan,
2003) kailangang
pagdugtung-dugtungin8 ang mga iba-
Kung ang pag-sasalita ay likas ang
pagsusulat naman ay
formal na pinaghahandaan at pinag-
aaralan. Dahil hindi
maaaring magtanong sa manunulat,
kagaya ng paglilinaw
ng isang tagapakinig sa isang
tagapagsalita, kailangan
ang ibayong ingat na wasto at angkop
ang naisulat dahil
hindi na ito muling9 mababago sakaling
2. Paglinang ng Ideya

A. PAKSA: Ano ang Isusulat?


Unang-una kailangang pumili ng magandang
paksa. Mainam din na malawak ang
kabatiran at sakop ng kamalaya’t kaisipan
ang paksang napili. Interesante,
makabuluhan, may kaugnayan sa buhay ng
tagapakinig/mambabasa, nakatutugon sa
kailangan, angkop sa panahon, at kung may
naisulat na ukol dito dapat ay may bagong
pagtanaw sa usapin o isyu at kapag luma na
ay naiuugnay sa kasalukuyan.
10
Ang paksa ang pinakasentro na ideya na
kumokontrol sa takboo ng sulatin. Ang tesis
ang nagtatahi sa isang sanaysay. Ang
paksang pangungusap naman ang gulugod,
ang pinakabuod, ang patnubay upang hindi
lumihis sa tinatalakay na paksa sa isang
talata.
Ang mga dapat isama sa isang sulatin ay iyon
lamang nauugnay sa paksa, ang mga walang
kaugnayan sa paksang tinatalakay ay inaalis
upang hindi magiging maligoy ang panulat.
Kadalasan malawak ang paksang naiisip
halimbaway, demokrasya. Sa lawak ng
usaping ito ay kakailanganing
11 maging tiyak
Katangian ng isang mahusay na tesis at
paksang pangungusap.
a. Magpahayag ng isang opinyon, palagay, o saloobin ukol
sa paksang tinatalakay. Mababanaag dito ang
pagpapasya at kurukuro na nais ipabatid o patunayan
ng may-akda sa mga tagapakinig/mambabasa.
b. Naitakda ang hangganan o may limitasyon upang tiyak
na ang pagtatalakay ay maging sapat, dahil kapag
malawak ay mas mahirap nang mag-ukol ng sapat na
pagtatalakay.
c. Malinaw na pagpapahayag sa pamamagitan ng tiyak at
angkop na mga salita upang maliwanag na mabanaag
ang isyu/ usaping tatalakayin. Iwasan ang mga salitang
marami/iba-iba ang implikasyon at malawak ang
pahiwatig pati na ang mga nagsasaad ng panariling
pagpipili, gaya ng maganda,
12 pangit, labis na kahanga-
Katangian ng isang mahusay na tesis at
paksang pangungusap.
d. Iisang paksa. Madalas ay hindi napapansing dalawang
magkaugnay na paksa na pala ang tinatalakay, kaya
napapasukan ng maraming hindi makabuluhang
patunay ang panulat.
Halimbawa:
Masyadong maraming mga asignatura ang kailangang pag-
aralan sa kolehiyo at
wala nang panahon upang maglibang ang kabataan. Dahil
kapwa mga malayang
sugnay , dalawa ang paksa sa ibinigay na halimbawa ang
maraming asignatura, at
ang kawalan ng panahon sa paglilibang. Upang maging
tiyak maaaring gawing 13
b. layunin: bakit
nagsusulat?
Ano ang nais ibahagi ng manunulat sa
kanyang mambabasa? Bakit siya
magsusulat? Ayon kay Jose Arrogante
(2007), mapapangkat sa tatlo ang panlahat
na layunin:
1. Ang mabigyang aliw ang tagapakinig/
mambabasa
2. Ang maipaunawa sa kanila ang mga
impormasyon
3. Ang mahikayat silang baguhin ang
kanilang dating paniniwala
14 sa
1. Sa paglalahad ang layunin ay magpaliwanag ng
objektiv at walang pagkampi, may sapat na detalye na
pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang
binibigyang linaw upang, lubos na maunawaan ng may
interes
2. Layunin ng paglalarawan, ang pagpapahayag ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang
maipakita ang kaanyuan at kalagayan ng tao, bagay o
pook; na tumutukoy sa lakas, bilis, at tindi ng
pangyayari; at bumanggit sa mga panloob na
damdamin at isipan. (Bisa, 1999).

15
Sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis, o maaanyo at iba
pang mapapandamang pananalita, naisasakatuparan ang
pagpapalutang ng isang larawang malinaw, natatangit iba sa mga
kauri. (Arrogante).

Pagkukuwento ang layunin ng pagsasalaysay. Pinag-uugnay-


ugnay nito ang mga kalagayang bumubuo ng mga pangyayari at
ng mga karanasan. (Buensuceso, 2005).

Ang pangangatuwiran ay naglalayong maimpluwensiyahan ang


paniniwala o kaasalan ng isang tagapakinig o mambabasa sa
pamamagitan ng makatuwirang pahayag upang maniwala at
makumbinseg kumilos ayon sa gusto ng tagapagsalita o
manunulat. (Belvez, 2001).

16
C. Pagsasawika ng Ideya:
Paano ko Isusulat
Ang diskurso, kung pasalita ay
ginagawa upang maintindihan ng
nakikinig ang sinasabi; kung
pasulat ay ginagawa upang
maunawaan ng nagbabasa ang
buong mensahe ng sulatin. Dahil
dito ang pangunahing katangiang
dapat taglayin ng isang diskurso
ay ang pagiging malinaw ng
paghahatid ng mga konsepto o
ideya lalo na iyong
17 mahirap
Upang tiyaking malinaw ang pagpapahayag ng
mga ideya iminungkahi nina Arthur Casanova at
ligaya Tiamson Rubin (2001) ang mga
sumusunod:
a. Paggamit ng tiyak at kongkretong salita
dahil ang salita ang nagpapahayag ng
diwa.
b. Pagtiyak na may sagot sa mga tanong
na sino, kailan, bakit, saan, paano, dahil
madaling maunawaan kapag tiyak ang
pahayag.
c. Tama ang paggamit
18
ng gramatika upang
d. pag-iwas sa mahahaba, maliligoy at
mabubulaklak at hindi napapanahong
mga pangungusap.
e. Maganda at kawili-wili ang
pagpapahayag upang maging kaakit-
akit ito sa tagapakinig/ mambabasa at
nang mapanatili ang interes.
f. Nagtataglay ng lalim at bigat,
nakapupukaw ng isipan, nag-iiwan ng
kakintalan, nagpapabago at
nagpapakilos. Magiging mabigat ang
isang pahayag 19 kung ito ay batay sa
g. Pagiging kalugod-lugod, kakikitaan ito ng
matatayog na diwa, kapana-panabik at
may magandang estilo.

Upang makamtan ang mga nabanggit,


kailangan ng masusing paghahanda at
pagsusuri bago ito maituturing na tapos
at handa ng ipamahagi.

20
D. Tagapakinig o Mambabasa: Sinu-sino
ang pag-uukulan nito?
Mahalagang tiyak na makilala kung sinu-
sino ang tagapakinig/mambabasa kaya
mainam na isaalang-alang ang
sumusunod upang mapag-isipan kung
anong tono ang nararapat at maging
ang pananamit at anyo ng
tagapagsalita:
a. Katangian gaya ng:
1.Edad/gulang 2. Kasarian
3.edukasyon 21
B. Kultural na kaligiran
1. Nasyunalidad 2. lahi, etniko at sosyo
ekonomikong kalagayan
3. Relihiyon 4. pananaw
C. Samahan kung saan sila kasapi
D. Interes
E. Karanasan, kaalaman, o kadalubhasaan
Sa pamamagitan nito ay matutunghayan
ang pagkakatulad at pagkakaiba o ang
diversiti nila at nang matantiya ang
kani-kanilang posibleng maging atityud
22
at reaksyon sa
Kapag isang pananalitang pahayag
maliban sa nabanggit na ay dapat ding
tiyakin kung ano ang okasyon, petsa at
lugar na gagampanan dahil magiging
gabay ang kaalamang ito ukol sa pisikal
at sikolohikal na kondisyon ng dadalo.
Ang pagsusulat ay maihahalintulad sa pag-
aasawahang may pag-iibigan, ang
layunin ay mapaligaya ang isa’t-isa o
ang sinisinta at hindi lamang ang sarili.
Sa pagsususlat, unang pinag-iisipan ang
pangangailangan 23 ng tagapakinig o
3. Organisasyon ng Diskursong Pasalita at
Pasulat
Layunin ng pagpapahayag ang paghahatid
ng iniisip. Ano ang halaga ng isang
mahusay na kaisipan kung ito ay hindi
naiintindihan? Dalawa nag pagtutuunan
ng pansin sa mabisang pagpapahayag,
ano ang iyong sinasabi at paano mo
itong sasabihin. Napakaordinaryo man
ng paksa gamit ang mahusay na
organisasyon at pamamaraan ang
mababaw ay lumalalim
24 ang simple ay
KATANGIANG HINIHILING SA PAGKATHA
A. KAISAHAN (UNITY)
Iisa ang katangiang pagtutuunan ng pansin
sa pagsusulat ng anumang diskurso,
kaya mahigpit na hinihinging iisa ang
direksyong tinutunton ng bawat
pangungusap, walang lumilihis dahil
hindi dapat ito mahaluan o mabahiran
ng mga kaisipang hindi makakatulong
sa pagpapaunlad ng paksa. Kailangang
may limitasyon ang malawak na paksa
upang maging 25
tiyak ang paksang
Bago magsulat ay mangalap muna ng datos sa pamamagitan ng iba’t
ibang brainstorming techniques. Susuriin ito at titingnan kung aling
mga impormasyon ang angkop sa akda at alisin ang hindi karapat-
dapat isama.

B. UGNAYAN (Cohesion)
kaayusan sa pagkakasunud-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap at talata ang sukatan sa ugnayan ng isang akda.
Kahit na may kaisahan sa kaisipan, kung walang kaayusan ang
pagbabalangkas ng mga pangungusap ay hindi magiging malinaw
at maayos ang daloy ng nililinang na kaisipan. Madalas ay
itinuturing na ang ugnayan ay hindi kaagad natututunan dahil ang
konseptong ito ay abstrak.

26
Ang mga sumusunod ay dapat pagtuunan ng pansin upang makamtan ang
ugnayan:
1. Ugnayang Leksikal
A. Malinaw na macrostructure na nagbibigay gabay ukol sa pattern at layunin ng
akda. Ito ay isang pagbabalangkas sa pangunahing kategorya at layunin ng
diskurso. Sa mga diskursong ang layunin ay magkuwento karaniwang ang
pagsasaayos ay pakronolohikal ayon sa daloy ng kamalayan o di kaya’y pabalik-
tanaw; kapag nanganngatwiran ay maaaring gamitan ng paanggulong
pagdulog; sa paglalahad, paespesyal o paagwat naman.

B. May sapat na konkretong detalyeng sumusuporta sa mga bahagi ng diskurso

C. Malinaw na pagkakasunud-sunod o lohikal na order ng mga detalye at


pangungusap.

D. Pag-uulit ng iilang kataga o keywords.

27
Ang mga makabuluhang katagang kailangang ulit-ulitin ay maaaring
palitan ng salitang magkasingkahulugan o synonym, hypernym o
hyponym upang hindi maging kabagut-bagot hangga’t angkop ito sa
pangangailangan.
Ayon sa pag-aaral ng lingwistika iilan lamang ang mga salitang
magkasingkahulugan talaga, karamihan nito ay mga salitang
magkakatulad na ang kaligiran ay may bahagyang kaibahan naman.

Halimbawa ay ang salitang “matapang” na maaaring gamitin upang


ipabatid ang kahulugang ‘walang takot’, kasingkahulugan nito ang
‘malakas ang loob’ at ‘matibay ang loob’. Bagama’t mayroon ding
katapangan na mas tukma sa salitang “magiting” kapag ang
ipinakahuhulugan ay kaugnay sa katapangang may kabayanihan.
Kasingkahulugan din ng matapang ang mapangahas kung ang
ipinahihiwatig ay katapangang mahilig sa pakikipagsapalaran o mga
kilos na hindi pinag-iisipan.

28
Halimbawa;
Sadyang matapang si Yolanda. Palaging sa ikalawang shift natatapat ang
iskedyul niya, nagsisimula ito sa ganap na ika-11 ng gabi at malakas ang loob
niyang naglalakad nang mag-isa sa halos kalahating kilometrong madilim nay
makipot pang daan. Ang tibay ng loob na ito ay dulot na rin ng katotohanang
siya lang ang inaasahan ng marami-rami ring sikmura.

Hypernym – isang salita kapag magkatulad ng kaligiran at sinasaklaw ang


katangian ng iba.
Halimbawa: ang salitang sasakyan, hypernym ito ng tren, trak, awto, eroplano,
bangka, barko, submarino, bisikleta, traysikel, kariton.

Hyponym – ang tawag kapag ang isang salita ay bahagi o nasasaklaw ng


salitang may mas malawak na kahulugan.
Halimbawa ay ang mga salitang pula, itim asul, berde, ay mga hyponym ng
salirang kulay. Ang mga salitang rosas, gumamela, sampaguita, rosal, daisy,
ay hyponym ng salitang bulaklak.

29
II. UGNAYANG GRAMATIKAL
A. PAGGAMIT NG REFERENTIAL DEVICES.
Ang pagrereferensiya ay ang paggamit ng salitang panghalili upang
tukuyin ang mga paksang binabanggit sa diskurso. Kabilang dito ang
mga
panghalip na panao- siya, sila, tayo, iyo;
panghalip na pamatlig- ito, iyan, iyon;
panuring na pahambing- gaya ng, katulad, kawangis, iba; at iba pang
mga salita-

halimbawa:
Dinukot niya ang tatlong daang piso sa bulsang makitid. Ito’y iniabot
niya sa namumutlang kaibigan.

30
Mga Paraan ng Pagrereferensiya:
1. Referensiyang Endoforik- mga tekstwal na referensya
1.1 Referensyang anaforik- madalas na gamitin sa pang-araw-araw na
usapan bagaman hindi namamalayan. Ito ang pagtutukoy sa mga una nang
nabanggit upang maiwasan ang monotonous na pag-uulit-ulit na ng iisang
salita, karaniwan ay sa pamamagitan ng panghalip. Madalas din itong tawaging
backward reference.
Halimbawa: Umuwi nang maaga si Clarita dahil may sakit siya.

1.2 Referensyang Kataforik – di gaanong nagagamit sa pang-araw-araw na


pakikipagtalastasan maliban na lamang sa mga pagkakataong nagnanais ng
mas dramatikong pahayag. Ipinakikilala muna ang isang kaisipan bilang isang
abstrak na konsepto upang mapanabik at lalong makuha ang atensyon ng
tagapakinig o mambabasa. Forward reference ang tawag ng ibang may-akda
rito.
Halimbawa:
Tingnan mo’t baka magustuhan mo ang mga iyan, marami pang mga ganyang
palamuti sa loob.

31
1.3 Referensyang exoforik- referensyang sitwasyunal; ang panlaping
exo-ay nangangahulugang ‘sa labas’. Sa paggamit nito, may mga
karakter/ideya na bagama’t binabanggit at tinutukoy ay hindi na
ipinakikilala at nananatiling abstrak dahil ipinapalagay ng may-akda
na kilala na at maiintindihan ng mambabasa kung sinu-sino/anu-ano
nga ba itong tinutukoy.
Halimbawa:
# Ano iyon? ( tumutukoy sa isang bagay o isang pangyayari)
# Nandito ako umiibig sa’yo
kahit na nagduruso ang puso,
kung sakaling iwanan ka niya,
huwag kang mag-alala, may nagmamahal sa‘yo
nandito ako

32
B. Paggamit ng Elipsis o ang pagkakaltas ng ilang mga salitang
nabanggit na saka-sakaling kakailanganin ito muli. Ito ay upang
maiwasan ang labis na pag-uulit dahil nakababagot ang ganoon.
Halimbawa:
# Lumahok sa seminar ang mga guro at namasyal (ang mga guro) sa

Burnham Park.
# Hindi lamang ang mga Kristiyano ang nagsilikas sa Lanao del Norte,

pati na ang mga Muslim. (ay nagsilikas sa Lanao del Norte)


# Ang bunso nilang anak ay sadyang ang likot, habang ang
panganay (nilang anak) ay ang tahi-tahimik naman.

33
C.Angkop na paggamit ng pangatnig sa mga pangungusap at talata. Ang mga
pangatnig bagaman walang gaanong naibibigay na kahulugan ay may
napakahalagang papel sa pagtataglay ng ugnayan sa isang diskurso dahil ito
ang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap halimbawa ay
ng dalawang salita, ng dalawang parirala, o ng dalawang sugnay.

Dalawang uri ng pangatnig: (Pantuwang at Pantulong)


1. Pantuwang- nag-uugnay ng magkatimbang na yunit: salita, parilia o di kaya’y
mga sugnay na kapwa makapag-iisa; at pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit.

Dalawang uri ng pangatnig na pantuwang: (Pamukod at Paninsay o panalungat)


1.1Pamukod – o, ni, maging – ito ay ginagamit kung may pamimili, pagtanggi,

pag-aalinlangan.
Halimbawa:
# Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi pumasok sa isipan niyang makatabi
si Piolo.
# Ikaw o ang iyong buong pamilya ang magdurusa kung walang sapat na
kahandaan para sa maayos na buhay

34
Dalawang uri ng pangatnig na pantuwang:
1.2. Paninsay o Panalungat – at, pati, saka, ngunit, subalit, datapwat, habang,
bagama’t, kahit - ay gagamitin ung sa tambalang pangungusap, ang ikalawa

ay sumasalungat sa una.
Halimbawa:
# Umiinom siya ng pildoras pang-diabetik ngunit matagal nang hindi siya
nagpapatingin sa doktor.

2. Pantulong- nag-uugnay ng dalawang sugnay na hindi timbang , nasa unahan

ito ng pantulong na sugnay.


2.1. Panubali- kung, kapag, pag, sana, baka, pagka, sakali- kung may
pag-aalinlangan o pagbabakasakali.
Halimbawa:
# Kung sakaling iibig ka uli, naririto lamang ako, naghihintay sa iyo.
# Sana huwag mong sayangin ang takbo ng panahon. Pag-aaral ang dapat
mong atupagin.

35
2.2. Pananhi- dahil sa, sapagkat, palibhasa- ginagamit sa
paglalahad ng kadahilanan at ng pagbibigay ng sagot sa
tanong na “bakit” kapag sa isang pangangatuwiran.
Halimbawa:
# Dahil sa kahirapan kaya hindi nakatapos si Cherry sa kanyang
pag-aaral.
#Batugan ang taong iyan, palibhasa’y walang pinag-aralan.

2.3 Panlinaw – kaya, kung gayon, sana- kung ang nasabi na ay


daragdagan pa ng paliwanag.
Halimbawa:
# Mahal ko siya kaya ko siya pinalaya.
# Ikaw ay nagkasala, kung gayon nararapat kang maparusahan.

36
Tuon (Emphasis)
tuon ang tawag sa pagbibigay diin sa punong kaisipan ng isang
talata. Ang punong kaisipan ay dapat na nagingibabaw kaysa mga
kaisipang pansuporta lamang nang sa gayon ay malinaw na
nababanaag ang layunin ng diskurso.
Naisasagawa ito sa pasalitang pamamahayag sa pamamagitan ng
mabisang paggamit ng lakas, tono, bilis, haba o pag-aantala habang
nagsasalita. Naipakikita rin ang tuon gamit ang ekspresyon ng
mukha sa kumpas ng kamay at sa kilos ng katawan.
Sa mga pasulat na diskurso, makakamtan ang tuon o diin sa
pamamagitan ng mabisang paggamit ng mga pangungusap at
ibang bahagi nito, pagbibigay pansin sa posisyon ng mga
pangungusap sa loob ng isang talata at sa proporsiyon ng nilalaman.

37
Ilan sa mga pamamaraan ng pagbibigay diin:

a. mabisang paggamit ng mga pangungusap at ibang bahagi nito. Tinalakay ni


Jose A. Arrogante (2007) ang mga istruktura ng pangkalahatang diin ayon sa
sintaks, ang kailangan na liwanagin dito na hindi lahat ng pangungusap ang
mariin at baka mabingi ang mga tagapakinig.

1. Sa pangungusap na imperatib at eksklamatori


# Ipaglaban natin!
# Huwag mo kaming lokohin!

2. Sa maikling pangungusap- direkta, kakaiba sa paraang parang


nahihiwalay siya sa iba.
# Malakas ang ulan. Nakabibingi ang dagundong. Madilim. Sumabay
sa panahon ang pagbuhos ng kanyang damdamin.

38
3. Sa mga pinagbaliktad na konstruksyon- sa istruktura ng pangungusap na
Filipino maaaring mauna ang paksa, maaari ring mauna ang panaguri. Sa
panuring naman, maaaring mauna ang panuring o di kaya’y ang salitang
inilalarawan.
Halimbawa:
# Tanggongong animo’y masayang malungkot ang sinayaw niya. (
Ang sinayaw niya ay tanggongong animo’y masayang malungkot.)
# Bigla sumigaw siya. ( Sumigaw siyang bigla.)

4. Sa mga di-malalayang sugnay- sa mga pangungusap na may mga di-


malalayang sugnay na ipinagigitna sa malalayang sugnay ay nagbibigay antala
dahil sa gamit na mga bantas kaya nabibigyang diin ang buong pangungusap.
Halimbawa:
# Ilang daantaon nang nanirahan ang kanilang mga ninuno sa lugar na iyon,
banggitin pa ang mga lupaing nabungkal, masasabi nga kayang di-makatwiran
na naisin nilang maangkin at maituring na sarili ang mga ito?

39
5. Paantala o biting konstruksyon- hindi kaagad binabanggit ang tiyak

na paksa ng pangungusap.
Halimbawa:
# Nagkagulo, naghiyawang di mawari kung bakit at ano --- at
lumabas si Piolo.
6. Mahahabang Pangungusap.
Halimbawa:
Ayoko nang muling mapadako pa sa may Luneta Park. Nagugunita
ko lamang ang masasayang sandali sa pook na iyon. Mga
masasayang alaala na sadyang tumimo na sa aking puso’t kaluluwa.
Subalit ang lahat ng mga nakaaaliw na pangyayaring iyon ay tila
bulang naglaho kasabay ng kanyang pagyao.

40
7. Sa mga Fragment o mga putol na pangungusap
halimbawa:
#. Orasyon. Takipsilim. Paggunita sa Poong May kapal. May asong kumakahol.
Pikitmatang tiniis ng matanda ang kagat ng Doberman, sa saliw ng batingaw ay
nababanaag niya ang anyo ng umiiyak na anak. Nasa kulungan. Ah, walang
laban. Sadyang walang laban. Katahimikan.
8. Pagtatanong o Erotema. Ito ang pagtatanong na hindi naglalayong
magpalitaw ng sagot.
Halimbawa:
# Bakit nga kaya ang pag-ibig ay sadyang hindi maintindihan? Pag-umibig ka,
hindi maiwasang nasasaktan ka, pag hindi ka naman umibig. Nasasaktan ka
rin.
9. Pag-uulit
halimbawa:
# Manaka-naka’y napapadako ako sa hardin na iyon. Pasilip-silip, patingin-
tingin sa mga bagong sibol na mga bulaklak. Napakaganda talaga ng hardin na
iyon.

41
10. Pagpapahayag ng Negatibo-Positibo
Halimbawa:
# Hindi lang karimlan ang dapat katakutan, sa gitna ng liwanag
pinaslang si Ninoy.

11. Parataksis- pagtanggal ito ng dapat sanang ilagay na mga pang-


ugnay sa pagitan ng alalayang sugnay.
Halimbawa:
# Natagpuan na si Julian; isa nang malamig na bangkay. (sa halip
na natagpuan na si Julian bagamat isa nang malamig na bangkay.)

42
Diskursong Personal
a. Talaarawan
arawang tala ng mga pangyayari, kadalasan ay masyadong
personal at malihim. Dito naibubuhos ang damdamin at pag-iisip
lalo na iyong mga hindi naipapahayag ng lantaran. Walang
limitasyon sa paksang maaaring isulat sa talaarawan. Totoo man o
kathang isip lamang kasi nga ay hindi ito para sa ibang tao.

B. Jornal
panariling tala rin ang jornal ngunit hindi kasimpersonal at
malihim tulad ng talaarawan. Imbakan ito ng mga ideya, mga
kawili-wili at makahulugang pangyayari, obserbasyon, reaksyon,
batay sa nakalipas na at maging sa hinaharap pa. itinatala rito ang
higit pa sa bagay-bagay lamang na nikikita o ginagawa. (Bisa, 1995)

43
Binanggit ni Simplicio Bisa (1995) ang ilang mungkahi sa
pagjojornal mula kay Karen Greenberg, isang guro sa kurso ng
pagsulat sa Bedford Academy:
a. Sumulat sa journal araw-araw, huwag kalilimutang lagyan ng
petsa ang bawat enrti.
b.Sumulat ng mga bagay na mahahalaga at iyon lamang totoo ang

itatala. Siguraduhing tiyak ang mga detalye


c. Samahan ng mga detalye ang entri; ang nakita; ang narinig;
naramdaman ( ano ang nangyari sa kalooban? Iisang reaksyon
ba? O halu-halo ang nadarama?) nalasahan, naamoy, at naisip. (
ano ang naging impresyon?)
d. isulat ang reaksyon sa naobserbahan at naranasan

44
Ang jornal ay madalas na ginagamit ng mga guro upang mas
mapalapit sa mag-aaral ang aralin upang ang mga kaisipan ay
maangkin nila at mapagtuunan ng pansin dahil mas napag-iisipan.

45
Ibat ibang uri at anyo ng pagju-jornal:
Jornal na Metacognitive

Mga araling Paano ito natutunan o nabatid


natutunan at
nabatid
Tunay ngang may Setyembre 26, 2008
mga Pilipinong
naghihikahos Nag community visit kami kanina sa NSTP-CWTS.
Ang hirap pala ng Malapit lang ang pamayanang pinuntahan namin.
buhay ng ibang tao Magiinterbyu kami roon, exposure daw sabi ni
teacher.

46
Ibat ibang uri at anyo ng pagju-jornal:
Double Entry na Jornal

Quotation/parirala/ Mga kaisipan ukol dito


pangungusap o usapan
na nagustuhan
tumimo’t bumagabag
sa damdamin

47
Ibat ibang uri at anyo ng pagju-jornal:
Jornal na pagmumuni-muni sa kalalabasan ng pangyayari
Pangyayari / Maaaring kalalabasan o kahihinatnan
Kaganapan
Nakatanggap ako ng Oktubre 27, 2010
text mula sa aking idol. Paano nga kaya kung ligawan ko siya?
Apat na taon ko ng
crush at kinakikiligan na Positibo:
kaibigan. Mas madalas Siyempre magiging kami na, cool iyon,matagal
na siyang nagtetxt ko ng gusto yun, pinagdarasal ko ng taimtim.
ngayon at matagal ko
na siyang gustong Negatibo:
ligawan. Paano kong ipapaliwanag kay mom at dad?
Isa lang ang hinihingi nila sa akin ang
makatapos ako ng pag-aaral.

48
Ibat ibang uri at anyo ng pagju-jornal:
Dayalektikal na Jornal

Quotation/Verse Pinagkunan / Bakit ko ito nagustuhan? Bakit ito


Pahina mahalaga sa akin?
Pagod di-alintana Aralin, p.153 Pebrero 6, 2011
pangangailangan Pagbasa at
mo muna, Pagsulat tungo Ito ay tungkol sa labis na
Naku! Ang sa iba’t ibang pagmamahal na mapagkumbaba
pagpapaalipin Disiplina. at nagpapahintulot na ng
pala’y ligaya! Abangan, Gera pananakit at pang-aabuso sa pag-
Bercero (2005) aakalang ang pag-ibig ay
pagbibigay, pagtitiis at
pagmamartir.

49
Jornal ng mga natutunan
Notes o mga mahahalagang Interpretasyon, Respans, Fidbak, Analisis
tala

Mayo 3, 2011
Pyramid ng pang-araw-araw na Matutunghayan sa pyramid ang iba-ibang pangkat ng mga
pagkain pagkain at ang karapat-dapat kainin sa loob ng isang araw.
May taba at matatamis na
pagkain bahagya lamang

Gatas, yogart, keso


-2-3 hain
Karne, isda, itlog, nuts at
beans
-2-3 hain

Prutas
-2-4 hain
Gulay
3-5 hain

Cereal, pasta, kanin, tinapay

50
Ibat ibang uri at anyo ng pagju-jornal:
Jornal na sintesis

Gawain / nagawa Mga natutunan Paggagamitan ng natutunan


Matrix ng iba’t ibang Iba’t ibang tawag Mas malawak na pang unawa sa
relihiyon sa mundo. para sa diyos at iba kaibahan ng mga kultura at
Tinalakay sa matrix ibang paraan ng
ang mga pagsasamba
pananampalataya ng iba’t ibang
sumusunod: lahi.
Hinduismo -brama,
Hinduismo Vishnu, Shiva, at iba Ngayon ay mas nabuksan ang
Hudaismo pang diyos at aking isipan ukol sa mga
Kristiyano diyosa. pamamaraan ng
Budismo Islam – Allah
Islam Budismo- buddha
pananampalataya na madalas
shintoismo Kristiyano - Diyos pala ay nakabatay sa kasaysayan
Ama, anak, at ng isang bansa.
Espiritu Santo

51
C. Refleksyon
> Ang pagrerefleksyon ay ang pagbubuo ng kaparaanan
nang matuto mula sa mga karanasan upang mapagbuti
ang anumang kailangang baguhin sa pananaw at
pagkatao gamit ang palagiang refleksyon, nakakamtan
ang maliwanag na pag-unawa sa mga bagay-bagay sa
pamamagitan ng obhetibo at malalimang pag-iisip at
pagsusuri ng mga kaganapan.

52
Layunin ng pagrerefleksyon
> 1. Paglilinaw ng araling kasalukuyang tinatalakay at
natutunan, pati na ng mga pangyayari’t kaganapan sa
paligid at ang pag-uugnay nito sa dati ng mga
karanasan at kaalamang maaaring may kinalaman sa
kasalukuyang tinatalakay.
> 2. Pagtataya sa pag-unlad ng panariling kaalaman at
kakayahan.
> 3. Pagtatakda ng panariling mga layunin sa
pamamagitan ng pagkilala ng mga kahinaan at
pangangailangan upang mas matuto.
> 4. Pagsusuri at muling masulyapan ang hinahangad na
pangmatagalang layunin kung hindi ba tumataliwas ang
kasalukuyang mga kilos.
> 5.Paghaharap na malaya sa mga kabiguan at
negatibong nararamdaman53sa pamamagitan ng
Mainam na hanguan at
bukal na pagbubuhatan ng
refleksyon ang:
1. Kaganapang may
dating na emosyunal,
iyong mga nag-iiwan ng
impresyon, maging ito
ay positibo o negatibo.
2. Pangyayaring
mapaghuhugutan ng
mga hinuha at pala-
palagay
3. Kabuuang larawan ng
pang-araw-araw na
mga pangyayari.
d. Awtobiograpiya
Isang personal na sanaysay.
Ipinapaliwanag dito ang mga
pilosopiya/paniniwala sa buhay pati na
ang mga naging panuntunan upang
marating ang kalagayang maipalalagay
na tagumpay. Ito ay maaaring
nababahiran ng lungkot at trahedya o
katuwaan at tagumapay, kababakasan ng
hirap mga pagsisikap at ng mga
pagpupunyagi laban sa mga hadlang.
Nagiging mahalaga ang pagtatala ng
mga panariling karanasan kung ito ay
nag-iiwan ng maraming
55 bakas na
SALAMAT!
Gng. Katherine T. Retiro
Guro sa FILIPINO

56

You might also like