You are on page 1of 12

10/24/2020 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-…

M1-Aralin 3 - Panunuring
Pampani kan: Teorya at mga
Halimbawa Nito
Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito

Kahulugan at Kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan

“Naniniwala kaming malaki ang naiambag ng ngayon ay LWF sa pagpapasigla at


pagpapataas ng uri ng panunuring pampanitikan tungo sa lalo pang pagpapataas ng uri ng
panitikang Filipino.”
- Ponciano B.P. Pineda

Ang panunuri o kritisismo ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang


nilikhang sining. Ito ay kaisipang hindi tapos. (Ramos at Mendiola, 1994)

Sa ilang kritiko, tinuturing ito bilang isang agham ng teksto.

Ito ay iniuugnay sa isang gawain ng mga kritikong may pinaghahanguang iba’t ibang
teorya. Ginagawa itong esensyal na gawain sa pagsasanay na ginugugulan ng maraming
oras at panahon sa pagsusulat ng mapanuring pagpapahayag.

1. Maituturing na isang pagpapahayag ang panunuring sa palagay ng nakararaming kritiko


ay hindi maaaring pasukin ng sino-sino lamang nang walang sapat na paghahanda at
walang kakayahan.
2. Ang panunuring pampanitikan ay hindi lamang nagsusuri o nagbibigay-kahulugan sa
mga nagaganap sa daigdig, kung hindi ito’y isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao
– ang kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita, at maging ng kaniyang pakikipag-
ugnayan sa kanyang kapwa at sa lipunan.

Katangian ng Isang Mahusay na Kritiko sa Panitikan

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming

https://ceu.instructure.com/courses/7846/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=366216 1/12
10/24/2020 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-…

naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kaniyang


pagmamalasakit. Ang mga sumusunod ay ang mga katangiang dapat taglayin ng isang
kritiko:

1. Ang kritiko ay matapat sa sarili at itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining.

2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan,

manunulat, mambabasa, o ideolohiya.


3. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.

4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritikong patuloy na sumasandig sa ibang disiplina gaya ng
linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.

5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o konstruksyon

batay sa sa sinusunod na alituntunin at batas.


6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan upang maging tiyak

na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit.

Paano magsuri ng isang Panitikan?

1. Paksa – Ito ang pinag-uusapan sa kabuuan ng babasahin o palabas.

2. Tauhan – Sila ang mga nagsisiganap at nagbibigay-buhay sa panitikan. Maaaring makilala bilang pangunahin o bida o
kaya nama’y mga katulong na tauhan. Ang ganda at bisa ng isang akda ay nakasalalay sa paglalarawan at pagbibigay-

buhay sa mga karakter na nalilikha ng manunulat. Samantala, ang kanilang pagganap sa panoorin tulad ng dula at

pelikula ay binibigyang-pansin sa iba’t ibang pamamaraan:

A. Subdued (internal) – Kadalasang tahimik lang ang tauhan, maaaring malungkot o nag-aalala. Pigil ang damdamin at di

inilalabas ang anomang masidhing emosyon.


B. Hysterical (external) – Kadalasang sumisigaw, nagwawala o kung di ma’y tumatalon at may labis na paggalaw ang

tauhang gumaganap. Masidhing emosyon ang ipinakikita sa ganitong uri ng pagganap habang nagagalit, natutuwa, o

nasasabik.

C. Building up – Sa ganitong uri ng pagganap ay unti-unting ipinakikita ang pagtaas ng emosyon.


D. Descending – Kabaligtaran ito ng building up, dito’y pababa ang emosyon ng gumaganap. Mula sa mataas na

emosyon ay unti-unting bumababa ang damdamin sa pag-arte, mainit hanggang sa maging malamig ang emosyon.

3. Tagpuan – Tumutukoy ito sa kinaroroonan ng eksena o kuwento. Kabilang rin ang pagtukoy sa panahon nito.
A. Paggamit ng lokasyon sa eksena – saan naroroon, paggamit sa lugar upang mapaigting ang kuwento o eksena

B. Pagtukoy sa panahon – oras o araw o kaya nama’y kapanahunan nito tulad ng mga period movies

4. Dayalogo – Ito ay ang salitaan o pagpapalitan ng usapan sa pagitan ng mga tauhan. Maaaring ito ay monologo.
Mahalaga ang papel nito sa isang salaysay tulad ng nobela, maikling kuwento, at iba pa sapagkat ito ang magpapakilala

https://ceu.instructure.com/courses/7846/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=366216 2/12
10/24/2020 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-…
sa tauhang di nakikita dahil binabasa lamang, kinaroroonan nito, o sitwasyong kinasasadlakan. Kinakailangang

maglarawan ito ng mga sumusunod:

A. Katauhan ng gumaganap – ipinakikilala kung sino siya- mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, uri ng trabaho,

edad, ugali, paraan ng pananamit at pagkilos, at iba pa


B. Lugar na pinangyayarihan o panahong kinabibilangan – tinutukoy kung nasaan ang mga tauhan at kung anong oras o

araw na

5. Teknikal na aspeto – Pagsipat ito sa aspeto ng sining ng pagkakalikha ng panulat o panoorin.


A. Panoorin - Kabilang sa binibigyang-puna rito ang pag-iilaw, cinematography, paglalapat ng musika, at sound effects, o

pangkalahatang pagkakagawa ng produksyon

B. Babasahin – Paggamit ng talinghaga o idyomatikong pahayag sa mga dayalogo o paglalarawan, paggamit ng estilo

tulad ng flashback o kronolohikal na pagsasalaysay

6. Bisang Pampanitikan

A. Bisang pangkaisipan – tungkol ito sa pagbabago sa kaisipan dahil sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa

binasa o pinanood
B. Bisang pandamdamin – tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos

basahin ang akda

C. Bisang pangkaasalan – may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga

kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa

Upang mas higit na malinang ang kakayahang magsuri, panoorin ang ilang bahagi ng pelikulang “Etiquette for

Mistresses” ni Chito Roño. Matapos nito’y basahin ang pagsusuri sa paksa ng pelikula.

https://youtu.be/_g3Qs2fqSQM

Halimbawa ng Panunuring Pampanitikan (hango sa Instagram post)

https://ceu.instructure.com/courses/7846/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=366216 3/12
10/24/2020 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-…

https://ceu.instructure.com/courses/7846/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=366216 4/12
10/24/2020 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-…

Mga Teoryang Pampanitikan

Ito ay sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral nito.

1. Bayograpikal

Matutuklasan dito ang impluwensyang makatutulong sa sining ng manunulat – mga


pilosopiyang kaakbay ng kanyang panahon, ang mga aklat o mga akdang kanyang binasa,
ang iba pang taong nagsilbing gabay o nagmulat sa kanyang magsulat.

- Ramos at Mendiola, 1994

https://ceu.instructure.com/courses/7846/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=366216 5/12
10/24/2020 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-…

2. Historikal

Saklaw nito ang historikal na pagsusuri ng teksto na nakabatay sa impluwensyang


nagpapalutang sa isang akda: talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong politikal na
makapaloob sa akda, ang tradisyon at kombensyong nagpapalutang sa akda. Mahalagang
matuklasan nito ang pwersang pangkapaligiran at panlipunan na may malaking
impluwensya sa buhay ng manunulat.

Mga halimbawa na maaaring gamitan nito:

Genoveva Edroza- Matute- Kuwento ni Mabuti


Alfredo S Enriquez – Bahay sa Dilim
Lav Indico Diaz – Ang Pinagdaanang Buhay ni Nano, ni Pong, ni Nanay Belen, ni Tatay
Merto, ni Rica, at ni Sergeant John Shaw ng Olongapo

https://ceu.instructure.com/courses/7846/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=366216 6/12
10/24/2020 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-…

3. Klasismo

Umusbong at lumaganap ang teoryang ito sa Grecia bago pa man isinilang si Kristo.
Pinaniniwalaan ng teoryang klasismo na dahil walang katapusan ang diwa at espiritu ng
tao kung kaya’t ibig nitong makalaya sa kinabibilangang daigdig. Pinaniniwalaan nitong
ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay, ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay
at dakilain.

Maihahanay sa akdang klasiko ang “Florante at Laura” ni Balagtas dahil sa taglay nitong
katangian, gayundin ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio.

https://ceu.instructure.com/courses/7846/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=366216 7/12
10/24/2020 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-…

4. Humanismo

Ang pokus sa teoryang ito ay ang tao, at ang taong nakatuntong ng pag-aaral at kinilala ng
kultura ay maituturing na sibilisado. Ang humuhubog at lumilinang sa tao ay tinatawag
namang humanismo.

Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t
mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at
kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng isinaad ni Protagoras (Villafuerte, 1988)

https://ceu.instructure.com/courses/7846/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=366216 8/12
10/24/2020 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-…

5. Romantisismo

Dalawa ang uri nito: romantisismong tradisyunal at romantisismong rebolusyunaryo. Ang


una’y dumarakila sa halagang pantao samantalang ang huli’y lumulutang ang
pagkamakasariling karakter ng isang tauhan.

Inspirasyon nito ang nakakubling katotohanan, kabutihan at kagandahan.

Litaw na litaw ang pagkaromantiko ni Jose Corazon de Jesus sa kanyang tulang “Pag-
ibig”:

https://ceu.instructure.com/courses/7846/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=366216 9/12
10/24/2020 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-…

6. Realismo

Ipinaglalaban ng realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinomang tao, anomang


bagay at lipunan ay dapat na maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.

Halimbawa nito ang mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Jose Rizal, at
“Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos, “Satanas sa Lupa” ni Celso Al Carunungan. Ang mga
ito ang nagpagising sa ating kamalayan upang masaksihan at madama ang tunay na
katotohanang matapang na inilalantad ng ating panitikan.

7. Pormalistiko

Ang pisikal na katangian ng akda ang pinakaubod ng pagdulog na ito. Tunguhin ng


teoryang itong matukoy ang (1) nilalaman, (2) kaanyuan o kayarian, at (3) paraan ng
pagkakasulat ng akda.

8. Siko-Analitiko

Sa teoryang ito, may malaking impluwensya ang pahayag ni Freud na tanging ang
ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. May kinalaman ito sa paniniwalang
naghahanapbuhay tayo para lamang lasapin ang sarap ng buhay at nagkakaroon lamang
ng maturidad bunga ng kamalayan sa kahirapan.

https://ceu.instructure.com/courses/7846/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=366216 10/12
10/24/2020 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-…

Dalawang takot ang nadarama ng isang batang lalaki habang siya”y lumalaki: (1)
pagpapatuli at (2) pag-agaw ng ama sa atensyong ibinibigay sa kanya ng kanyang ina. Sa
sitwasyong ito, malinaw na mababakas ang “oedipus complex” o ang pakikipag-agawan ng
bata sa kanyang ama sa atensyon, pagmamahal o pangangalaga ng kanyang ina.

Sekswalidad ang pinakaubod ng “oedipus complex”. Dahil dito, ipinangangalandakan sa


teorya ni Freud ang panitikan bilang kabiguan ng kamalayan at di-kamalayan.

9. Eksistensyalismo

Sa teoryang ito, kalayaan at awtentiko ang mga tanging nais kilalanin. Sa pananaw na ito,
kitang-kita ng tao ang proseso ng pagiging (being) at hindi pagkakaroon ng tamang
sistema na paniniwala ang pinahahalagahan ng tao upang mabuhay. Sa buhay ng makata
o manunulat nakatuon ang teoryang ito.

10. Istrukturalismo
Simulain ng teoryang ito na ang wika ay hindi tamang hinuhubog ng kamalayang
panlipunan kung hindi humuhubog din sa kalayaang panlipunan. Dahil dito, napakahalaga
ng diskurso sa paghubog ng kamalayang panlipunan. Hindi pinahahalagahan nito ang
kritisimong kumikilala sa tao kaya’t pinapalagay na ang teoryang ito ay di-makatao.

11. Feminismo

Pinaniniwalaan nitong lalaki ang mga manunulat ng panitikan kaya ito umiral. Na ang mga
babae ay mahina, marupok, mangmang, sunod-sunuran, maramdamin, emosyonal,
pantahanan, at masama. Kitang-kita sa mga akda ng mga lalaking manunulat ang
paglaganap ng opresyon ng kababaihan.

Pinaniniwalaan nitong ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-


kapantay ng kalalakihan.

Kilalang feminista sina: Genoveva Edroza-Matute, Lualhati Bautista, Ruth Elynia


Mabanglo, Lilia Quindoza Santiago, Joi Barrios, atbp.

https://ceu.instructure.com/courses/7846/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=366216 11/12
10/24/2020 M1-Aralin 3 - Panunuring Pampanitikan: Teorya at mga Halimbawa Nito: Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular-…

https://ceu.instructure.com/courses/7846/pages/m1-aralin-3-panunuring-pampanitikan-teorya-at-mga-halimbawa-nito?module_item_id=366216 12/12

You might also like