You are on page 1of 2

Zoe Wanda Vera Ty-Farma 12 - C September 02, 2019

ETIKA NG PANANALIKSIK

Gawaing Digital

Bahagi I.

1. Ano ang maaaring kauganayan nito sa pananaliksik?

Ang pamantayang etikal na ito ay maaaring iugnay sa pamantayang etikal sa


pananaliksik. Pareho silang gumagabay sa gawa at kapwa batayan sa pagbuo ng
moralidad ng isang tao.

2. Anu-ano ang mga etikal na isyu na maaaring makatulong sa pagsasagawa ng


pananaliksik?

Isa sa mga etikal na isyu na maaaring makatulong sa pagsasagawa ng pananaliksik


ay ang pagsunod sa batas, patakaran, at regulasyong nasasaklaw ng isang
pananaliksik. Bukod dito, makatutulong din ang pagpapanatili at pangangalaga ng
kompidensiyalidad ng mga impormasyong nakakalap ng mga mananaliksik,
maliban nalang kung ang pagsisiswalat ay awtorisado.

3. Isulat ang probisyon o mga probisyon na sa iyong palagay ay kontrobersyal. Bakit ito
kontrobersyal para sa iyo?

Sa aking palagay, ang kompidensiyalidad ng impormasyon ay isang kontrobersyal


na isyu sapagkat ang impormasyon ay madaling lumaganap. Kung mapupunta ito
sa isang mananaliksik na hindi marunong sumunod sa prinsipyo ng etika, ito ay
magbubunga ng pagkaligalig. May pananagutan at tungkulin ang mananaliksik na
hindi ipahamak at tiyaking mapangalaagan ang karapatan at kapakanan ng mga
kalahok ng pananaliksik.

Bahagi II.

1. Naniniwala ka ba sa ideyang ito: walang mahusay na pananaliksik kung walang


pamantayang etikal na sinunod? Bakit o bakit hindi?

Naniniwala ako sa ideyang iyan. Ang etika ay isang gabay upang mapahalagahan
ang mga kagalingan at karapatang pantao. Kung hindi ito sinusunod sa isang
pananaliksik o maging sa anumang midyum, maaaring ito ay lumabag na sa
wastong pakikitungo sa kapwa-tawo.

2. Matapos ang araling ito, ano pang mahahalagang ideya ang nabuo sa isipan mo?

(a) Kinailangang sundin ang pamantayang etika sa pananaliksik sapagkat ito ay


gabay ng mananaliksik sa pagbuo ng pananaliksik na wasto, at naaayon at tiyak na
napapahalagahan ang mga karapatan ng isang tao o lipunan.
(b) Hindi nararapat na binabalewala lamang ang pamantayang etika sapagkat ito ay
mahalaga sa iba’t ibang larangan.

(c) May iba’t ibang pananaw ang mga tao hinggil sa kung ano ang “nararapat” at
kung ano ang “tama” kung kaya’t kailangan ang mausisang pagsusuri upang
magkaroon ng isang pamantayan kung saan napapahalagahan ang mga karapatan
ng bawat tao.

3. Ano ang kahalagahan ng etika sa iyong ginagawa bilang mag-aaral?

Sa pamamagitan ng pagsunod sa etika sa pagsasagawa ng pananaliksik, naiiwasan


ko ang kaguluhan dahil natitiyak kong napapahalagahan ko ang karapatan ng
marami. Natitiyak ko ring ang mga impormasyong aking ibinibahagi sa publiko sa
pamamagitan ng aking pananaliksik ay tuna at tapat.

Bahagi III.

Ang euthanasia ay ang sadyang pagtatapos ng buhay ng isang tao upang mapawi ang
sakit at pagdurusa. Ako ay sumasang-ayon dito kung ito ay may awtorisasyon at
pagkakasundo sa parehong pasyente at ang kanyang kamag-anak o mga kasama. Kung nais
ng pasyente ang euthanasia ay nararapat na dumaan ito sa isang proseso kung saan
pag-uusapan at pag-iisipan nang maigi ang desisyong ito ng dalawang panig. Kung ang
euthanasia ay ginawa nang walang awtorisasyon sa bawat panig, ito ay hindi maituturing
wasto at ito ay magbubunga ng sadyang pagpatay ng tao.

You might also like