You are on page 1of 6

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 10

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy at nabibigyang kahulugan ang mga malalalim na salita
B. Nailalahad at naiisa-isa ang mga katangian ng mga tauhan sa kwento
C. Naisasalaysay at naipapaliwanag ang mga mahahalagang kaganapan sa akda
D. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan kaugnay ng mga mahahalagang pangyayari sa
akda
E. Nakalalahok nang buong sigla sa talakayan
F. Naisasabuhay ang mga aral mula sa kwento

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa
“Bulaklak sa Ibabaw ng Bulkan” ni Florencia N. Garcia (Maikling Kwento)

B. Sanggunian
Wika at Panitikan IV, dd. 56-60

C. Kagamitang Pampagtuturo
Kagamitang biswal, teksto, mga larawan, video presentation, musika, powerpoint
presentation, marker at pisara

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Aktibiti

Magpapanood ako sa inyo ng isang


maikling video presentation. Nais kong
unawain ninyong mabuti ang nais nitong
iparating.

Tungkol saan ang inyong napanood?


Ang napanuod naming ay tungkol sa bulag,
pipi at bingi na patuloy na lumalaban sa
hamon ng buhay sa kabila ng kanilang mga
kapansanan.
Ano ang mensaheng nais iparating ng
video na inyong napanood?

Ipinaparating nito na sa kabila ng nangyari


at sa pagkakaroon nila ng kapansanan,
buong tapang nilang hinarap ang buahy at
ginagamit nilang instrument ang nangyari
upang maipagpatuloynang mabuting
nasimulan at mapalapit ang sarili sa
Panginoon.
Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pamamagitan ng


pag-aayos sa ginulong titik.

1. Malugod na binalikat DOYUGANITI

2. kasukob sa buhay WAASA


3. nabatbat ng pakikipagsapalaran NANOPU
4. humigop sa buo niyang pagkatao KOBLUM

5. mamalibis ang saganang luha MUTULO

6. maaaring di-mangulatding TAMALAN

7. yumamungmong sa sinapupunan TANGANAASPL

8. isang bulaklak sa mandi’y balighong pagmasdan WATKAKA


9. sa pag-aamuki ng mga kaibigan TAYAKIHGAP
10. nangingimi sa pagsama YANAHIHI

11. pumaimbulog katulad ng agila PADLUMI

12. walang lunggatiin GOBAPAGB

13. inuusal-usal sa sarili BISINA

14. inaasam-asam ng mga anak TAYHIHINNI

15. pagpapalang nagbabalatkayuhan NAGWARIKUNK

Sagot:
1. itinaguyod
2. asawa
3. napuno
4. lumukob
5. tumulo
6. malanta
7. lapastangan
8. kakatwa
9. paghikayat
10. nahihiya
11. lumipad
12. pagbabago
13. sinabi
14. hinihintay
15. nagkukunwari

B. Analisis

Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


Ilarawan ang mga katangiang taglay niya.
Ang pangunahing tauhan ay si Karding. Siya
ay isang masunuring anak, gwapo,mayaman at
relihiyoso. Naging taksil siya sa asawa at
nabulag dahil sa isang trahedya.

Ibigay ang iba pang pangunahing tauhan sa


kwento. Ipakilala ang bawat isa.
Ang iba pang tauhan sa kweento ay ang mga
sumusunod:
Iba pang Gampanin/katangian
tauhan
 Asawa ni Karding
 Nakipag-usap sa
dalawang lalaking
Dorang
dukha sa pagbili ng
mata
 Nakiusap na
pumasok si Karding
Ama ni
sa Kolehiyo ng
Karding
Pangangalakal.
 Mga nanghikayat
Mga kaibigan kay Karding na
ni Karding magbago ng landas.
Dalawang anak
 maalalahanin
ni Karding

Bakit nasabing namukod si Karding sa hanay


ng mga Kabataan?
Nasabing namukod siya sa hanay ng mga
kabataan dahil siya ay pumasok sa seminary at
kaiba ang kilos niya sa mga kabataang kahanay
niya ng taon.
Sa anong paraan napagbago ng ama si
Karding?
Dinalasan ng ama ni Karding ang pagdaraos ng
salusalo at sayawan sa kanilang bahay upang
ang kanyang anak ay hindi sumabay sa mga
kabataang hindi nanghihinayang tungkol sa
nakaraan at hindi nag-aalala tungkol sa
kasalukuyan.
Ano ang nangyari kay Karding habang kasama
ang kanyang babae sa kotse?
Habang kasama niya ang kanyang babae sa
kotse, lubhang napinsala ang kanyang
dalawang mata na naging dahilan ng kanyang
pagkabulag.
Paano nagkaroon ng kaligayahan si Karding
sa sarili sa kabila ng pagkabulag?

Nagkaoon ng kaligayahan si Karding sa sarili


dahil sa pulit-ulit na pagbasa ni Dorang sa
dalawang talatana ng aklat na pinag-aralan nito
sa seminary.
Ano ang nag-udyok kay Dorang na makipagka-
sundo sa dalawng lalaking dukha na bumili ng
tig-isang mata?
Ang kalungkutang iniisip ni Dorang at nang
kanyang dalawang anak para sa asawa ang
nag-udyok sa kanya na makipagkasundo at
bumili ng tig-isang mata sa dalawang lalaking
dukha.
Bakit nasisiyahan si Karding sa kanyang
naging kalagayan?
Nasiyahan si Karding sa kanyang naging
kalagayan dahil sa kanyang pagkabulag,
nagtamo siya ng pagpapala.
Ipaliwanag ang mga pahayag na ito “ang
kasiyahan at kaligayahan ng tao ay wala sa
karaniwang katuturan ng mga bagay na
tinatanggap o tinatamasa, o tinitiis niya.
Manapa’y nasa paraan ng sarili niyang
pagpapahalaga sa bagay-bagay.”
Hindi sa mateyal na bagay nakasalalay ang
kaligayahan ng isang tao dahil ito’y
pansamantala lamang at madaling mawala.
Ang tunay na kaligayahan ng tao’y nasa
pagbibigay at pagtulong sa ibang tao.
Anu-ano ang mga naging pakahulugan ng tao
sa naging paraan ng pamumuhay ni Karding na
pinili na maging bulag samantalang may
pagkakataon naman siyang makakita?
Ang naging pakahulugan ng mga tao sa paraan
nang naging pamumuhay ni karding ay may
ilang naawa sa kanya nang may halong
paninisi, tinutudyo siya ng marami at
pinasusubalian ang kanyang katinuan subalit
naniniwala pa rin silang lahat na dakila at
matayog ang naging hangarin ni Karding sa
kanyang naging kalagayan.

C. Abstraksyon

Sa inyong palagay, bakit pinamagatang


“Bulaklak sa Ibabaw ng Bulkan” ang kwento?
Sa aking palagay “Bulaklak sa Ibabaw ng
Bulkan” ang naging pamagat ng kwento dahil
ang bulkan ay mainit at ang bulaklak sa ibabaw
niyon ay hindi maaaring malaanta. Ang
tinuturing na bulaklak ay si Karding dahil siya
ay naakit sa tukso at nagkasala sa kanyang
pamilya.
Ikukwento ninyo nang dugtungan ang
mahahalagang pangyayari sa kwento batay sa
numerong nakalagay sa ilalim ng inyong
upuan.

Lumipat si Karding sa seminary noong Kinausap si Karding ng kanyang ama


siya’y nasa ikalawang baitang sa hayskul, na siya na lamang ang maghawak ng
doo’y nahiyasan ng kahinhinan ang kanilang negosyo dahil namatay ang
kanyang katauhan at natutong kanyang kapatid na dapat sana’y
makisalamuha sa kapwa. maghahawak nito.
Dinalasan ng ama ni Karding ang pagdaraos Kinausap si Karding ng kanyang ama
ng mga salusalo at sayawan sa kanilang na siya na lamang ang maghawak ng
bahay upang makasabay ito sa mga kanilang negosyo dahil namatay ang
kabataang hindi nanghihinayang sa kanyang kapatid na dapat sana’y
nakalipas at hindi nag-aalala sa kaslukuyan. maghahawak nito.

Pinangasiwaan ni Karding ang


Maagang nakapag-asawa si Karding at kanilang korporasyon, lalong naing
nagkaroon ng anak na binata’t dalaga. medulla at makulay ang kanyang
buhay sa bawalna pakikipagsapalaran
sa piling ng ibang babae.

Nabulag ang dalawang mga mata ni


Malimit na pinapabasa ni Karding kay
Karding dahil naaksidente ang
Dorang ang dalawang talata ng aklat na
sinasakyan nilang kotse kasama ang
pinag-aralan niya sa seminary dahil
babaeng kasalo niya sa pinggan ng
nakararamdam siya ng kaginhawahan dito.
bawal na pag-ibig.

Nakipagkasundo si Dorang sa dalawang Tinanggap ni Karding ang kanyang


lalaking dukha upang bumili ng tig-isang naging kapalaran dahil sa kanyang
mata para makakita si Karding ngunit pagkabulag nalayo siya sa kasalanan,
hindi pumayag si Karding dahil kapahamakan at natamo siya ng
napagbago siya ng nangyari. pagpapala.

D. Aplikasyon

Gagawa kayo ng isang malaking bilog, lalaruin


ninyo ang “Past the baston.” Ipapasa ang
baston pakaliwa habang may tugtog. Kung
sinuman ang huling may hawak ng baston ay
siyang sasagot sa katanungang ito:
“Ano ang bagay na gusto mong gawin, bago
mawala ang iyong paningin?”

IV. PAGTATAYA
Panuto: Kilalanin at ibigay ang mga hinihingi sa mga katanungan. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.
______________1. Siya ang nagpapayag at nakiusap kay Karding na Pumasok sa Kolehiyo ng
Pangangalakal.
______________2. Siya ang naging asawa ni Karding.
______________3. Ang halagang ito ang dapat na magiging kabayaran sa bawat matang bibilhin
nang asawa ni Karding.
______________4. Sila ang kinausap ng asawa ni Karding na bibilhan ng tig-isang mata.
______________5. Sa bagay na ito ikinumpara si Karding dahil namukod diya sa mga kabataang
kahanay niya ng taon.
______________6. Ito ang bilang ng naging anak ni Karding.
______________7. Sila ang nanghikayat kay Karding na magbago ng landas.
______________8. Ito ang naging bunga ng pinsalang sinapit ni Karding habang kasama ang
kanyang babae.
______________9. Siya ang dapat na papalit sa ama ni Karding sa pangangasiwa sa kanilang
negosyo.
______________10. Ibigay ang buong pangalan ng may-akda ng “Bulaklak sa Ibabaw ng
Bulkan.”
Sagot
1.ama
2. Dorang
3. limang libong piso
4. dalawang lalaking dukha
5. brilyante
6. dalawa
7. mga kaibigan
8. pagkabulag
9. kapatid
10. Florencia N. Garcia
V. TAKDANG-ARALIN
Pangganyak na Tanong: Handa ka bang isakripisyo ang isang bagay na mahalaga sa’yo para
makapagpasaya ng ibang tao.

Basahin at unawain ang maikling kwentong “Aginaldo ng mga Mago” ni O. Henry at


sagutin ang mga susunod na katanungan.

1.Sinu-sino ang mga tauhan sa akda? Ilarawan ang bawat isa.


2.Anu-ano ang mga bagay na ibinibigay nila sa isa’t isa.
3.Anong aral ang natutunan mo mula sa kwento

Sangunian:

Wika at Panitikan IV
dd. 240-243

You might also like