You are on page 1of 24

HEOGRAPIYANG PISIKAL NG PILIPINAS

YUNIT 1 HEOGRAPIYANG PISIKAL NG PILIPINAS

ARALIN 1 GLOBO, MAPA AT MGA BAHAGI NG MUNDO

Pilipinas – ay isang bansang tropical sa Timog Silangang Asya


Mundo –tahanan ng sangkatauhan -nabuo ng 4.5 bilyong taon na ang nakararaan
Solar System o sistemang solar –binubuo ng walong planeta na lumiligid sa araw
MVEMJSUN –Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus,
Neptune
Mercury –pinakamalapit sa araw at pinakamainit na planeta
Earth –mayroon lamang katamtamang init ng araw, ideyal na tirahan
ng tao
Araw –nagbibigay buhay sa mundo
Globo at Mapa –mga kagamitan sa pag-aaral ng heograpiya
Heograpiya o Geography –nangangahulugang pagsulat o
paglalarawan ng mundo
-hango sa salitang Greek na geo(mundo) at graphien
(sumulat o ilarawan)
Globo –modelo o replika ng mundo para makita ang hugis at anyo
ng mundo
Oblate Spheroid – hugis ng mundo
Oblate –patag sa bandang polo; spheroid –nangangahulugang
hugis pabilog
Mapa –ang grapiko o patag na paglalarawan ng mga nakikita sa
ibabaw ng lupa
Lunas o basin –malawak na masa o lupalop ng lupa
-matigas na masa ng kalupaan sa ilalim ng karagatan
Mundo –may pitong kontinente.
- binubuo ng Asia, Africa, Antarctica, Australia, South
America and Europe
-sumasakop sa 29 bahagdan (29%) ng ibabaw ng mundo
Asya – pinakamalaking kontinente sa mundo
Eurasia – ang Europe ay nakakabit sa kalupaan ng Asya
Europe –matatagpuan sa kabila ng Ural Mountains
-nakalatag sa gitna at mataas na latitude
Arctic Ocean –sa hilaga
Atlantic Ocean –sa kanluran
Mediterranean Sea at Black Sea – sa timog
Ural Mountains –sa silangan

Africa –pangalawang pinakamalaking kontinente sa mundo


Sahara Desert –nakalatag sa halos ¼ ng buong kontinente ng Africa
Nile River –pinakamahabang ilog sa mundo
North America –pangatlong pinakamalaking kontinente sa mundo
Greenland –ang pinakamalaking pulo sa buong mundo na
matatagpuan sa
hilagang silangan ng kontinente
South America –pang-apat na pinakamalaking kontinente sa mundo
Andes Mountains –pinakamahabang bulubundukin sa mundo
Amazon River –may pinakamalawak na basin ng ilog sa mundo
Atacama Desert –pinakatuyong lugar sa mundo
Lake Titicaca –pinakamataas na lawa sa mundo
Antarctica –panlimang pinakamalaking kontinente sa mundo
-matatagpuan sa South Pole
-walang permanenteng naninirahan dito dahil natatabunan ng
makapal na yelo
-nasa ilalim ng makakapal na yelo ang kabundukan, pulo, baybayin,
tangway, atbp.
Australia –pinakamaliit na kontinente sa mundo
-malaking bahagi ng lupain nito ay talampas
-kaunti ang halaman at karaniwang nalalatagan ng
ngmga disyerto
Oceania –isang rehiyon na tumutukoy sa mga bansa at mahigit na
1000 maliit na
pulo sa Pacific; tinatawag din bilang Pacific Islands

3 Grupo ng Pulo sa Oceania


1. Melanesia
2. Micronesia
3. Polynesia
71% o ¾ -ay ang bahaging tubig ng mundo
3% -sa bahaging tubig ang masasabing tabang

5 Karagatan ng Mundo
1. Pacific Ocean
2. Atlantic Ocean
3. Indian Ocean
4. Arctic Ocean
5. Southern Ocean
Pacific Ocean –pinakamalaki sa lahat ng karagatan
Marianas Trench –makikita sa Pacific Ocean
Challenger Deep –itinuturing na pinakamalalim na bahagi ng
karagatan sa mundo
-10,920 metro ang lalim
Philippine Deep –pangatlo sa pinakamalalim na bahagi ng
karagatan
Atlantic Ocean –pangalawa sa pinakamalaking karagatan sa buong
mundo
Puerto Rico Trench –may lalim na 8648 metro
Indian Ocean –pangatlo sa pinakamalaking karagatan
Java trench –may lalim na 7,450 metro na matatagpuan sa Indian
Ocean
Southern Ocean –pang-apat sa pinakamalaking karagatan
-kalahati nito ay natatakpan ng yelo sa
panahon ng taglamig
-may lalim na 4000-5000 metro ang kalakhang
bahagi
Arctic Ocean –pinakamababaw at pinakamaliit na na karagatan
-makikita sa North Pole; halos natatakpan ng
yelo buong taon
Atmosphera –ay ang bahagi ng mundo kung saan nakikita ang mga
ulap at
nalalanghap ang simoy ng hangin.
-binubuo ng gas tulad ng 21%oxygen, 78% nitrogen
at 1%carbon dioxide
Terrestrial Planets –mga planeta na solido at mabato tulad ng earth
*Dagdag kaalaman: Kung matutunaw ang yelo sa mga polo o pole ng mundo, maraming
pulo, mga lungsod, at bayan sa baybaying-dagat ang malulubog at mawawala sa mapa
ng daigdig.

ARALIN 2 MGA LINYA SA GLOBO AT ANG GRID


Parallel o Guhit Latitude –pahalang na paikot na guhit sa mundo
Ekwador o equator –malaking bilog sa mga parallel na paliit ng paliit
habang
papalapit sa Pole
Latitude –ang distansya sa pagitan ng mga ekwador
-sinusukat sa pamamagitan ng degree (o) o minute (‘)
Degree (o) o minute (‘) –yunit ng panukat sa mga distansya ng lugar
sa mundo

Mga Espesyal na Parallel


1. Equator
2. Tropic of Cancer
3. Tropic of Capricorn
4. Arctic Circle
5. Antarctic Circle
Equator –ang panggitnang bilog na guhit pahalang sa mundo
-hinahati nito ang mundo sa dalawang bahagi ang
Northern at Southern
Hemisphere
Northern Hemisphere o Hilagang hating globo – mula sa Oolatitude
–North pole
Southern Hemisphere o Timog hating globo –mula sa Oolatitude –
South pole
Tropic of Cancer –pinakahilagang latitude na naaabot ng
patayong(vertical) sinag ng
araw sa tanghaling tapat.
Summer solstice –ang Northern hemisphere ay pinakanakahilig
patungo sa araw
Tropic of Capricorn –nasa 23.5o timog ng equator
-pinakatimog na latitude na naaabot ng
patayong (vertical) sinag ng
Araw sa tanghaling tapat
Winter Solstice –kapag ang southern hemisphere ay pinakanakahilig
sa araw
Arctic Circle –matatagpuan sa Northern Hemisphere
- Nakalatag sa 66.5 hilaga ng equator
- Ito ang pinakadulong naaabot ng pahilis na sinag ng araw sa hilaga
Antarctic Circle –nasa 66.5 timog ng equator;
- Pinakadulong naabot ng pahilis na sinag ng araw sa timog
- Nasa southern hemisphere
Meridian o Guhit Longitude –likhang isip na linya na nagsisimula sa
Norh pole
- Kapag nagsalubong ang dalawang meridian sa pole, nakakabuo ng malalaking bilog
na halos kasinlaki ng equator
2 Espesyal na meridian
1. Prime Meridian
2. International Dateline
Prime Meridian –ang guhit longhitude na dumaraan sa Greenwich,
England.
- Tinatawag din itong oo meridian o Greenwich meridian
- Ginagamit itong point of reference
- Naghahati sa mundo sa eastern hemisphere at western hemisphere
Point of reference –ginagamit sa pagsukat ng mga distansya ng
mga lugar pasilangan
o kaya ay pakanluran
International Dateline (IDI) –nasa 180o meridian o guhit longhitude
ang linyang ito
- Nagdadagdag o nagbabawas ng isang araw sa sandaling tawirin ang linyang ito
- Kapag tinawid ng pasilangan ay nagbabawas ng isang araw
- Kapag tinawid ng pakanluran ay nagdaragdag ng isang araw
Longhitude at latitude –mga termino tungkol sa distansya sa ibabaw
ng mundo
- Ito ay ginagamit na batayan sa pagsukat ng layo ng isang lugar
pasilangan pakanluran mula sa prime meridian o kaya mula sa equator pahilaga o
patimog patungo sa mga pole
- Ginagamit ang mga ito sa pagsasabi ng lokasyon ng anumang bagay o lugar sa
mundo
Degree (o) –ginagamit sa pagsukat ng mga distansya
Longhitude –distansya sa pagitan ng dalawang meridian o dalawang
guhit
longhitude
- Arko ng isang parallel na sinusukat sa pagitan ng dalawang meridian
Latitude –ang distansya sa pagitan ng dalawang parallel o dalawang
guhit latitude
patungo sa hilaga o timog ng equator.
*Ang equator Oo latitude. Ang North Pole ay 90o hilagang latitude at
ang South Pole
ay 90o silangang latitude.
Grid –nabubuo kapag kapag magkasamang iginuhit ang mga
likhang isip na linya
Parallel –tawag sa mga linyang pahalang
Meridian –mga linyang patayo
Intersect –isang eksaktong lugar o espasyong may tiyak na
hangganan ang natutukoy
- Sa tulong nito ay nakukuha ang tamang lokasyon ng isang lugar
*Ang Pilipinas ay nasa pagitan ng 116o 00’ hanggang 127o 00’
silangang longhitude at
4o 23’ hanggang 21o 25’ hilagang latitude.
Absolute location –tiyak na lokasyon ng Pilipinas ay nasa pagitan ng
4o at 21o
hilagang latitude at sa pagitan ng 116o at 127osilangang
longhitude

ARALIN 3 ANG COMPASS ROSE, ISKALA, AT MGA URI NG MAPA


Compass –ay isang uri ng instrumento na nagpapakita ng direksyon.
- May magnetic na karayom na nakaturo sa magnetic north ng mundo
- Ginagamit ng mga scout sa camping, manlalayag at sinumang nais pag-aralan ang
direksyon
Compass rose –simbolo o sagisag ng mga direksyon

Karaniwang batayan sa pagtatakda ng direksyon


- Hilaga
- Timog
- Kanluran
- Silangan

Legend –ay nagpapakita ng iba pang simbolo ng mapa tulad ng hugis, nipis,
kulay,
kapal atbp.
Scale o Iskala –ay isang mahalagang bahagi ng mapa
- Ipinakikita dito ang ugnayan ng sukat at distansya sa mapa at ang katumbas nitong
sukat at distansya ng mundo
- Makikita ang proporsyon ng isang yunit na panukat sa totoong sukat at distansya ng
mga lugar sa mundo
-
3 Ibat-ibang Paraan ng Pagsulat ng Iskala
1. Iskalang graphic
2. Iskalang verbal
3. Iskalang fractional
Iskalang Graphic –isang bar scale na parang ruler
- Ginagamit o ipinahahayag ito sa kilometro o milya
Iskalang Verbal –tumutukoy sa ugnayang nakasulat o ipinahahayag sa salita at hindi
sa numero o pigura (figure)
Iskalang Fractional –tumutukoy sa ratio o tumbasan
- Ibig sabihin, ang bawat yunit ng panukat sa mapa ay may katumbas na bilang ng
yunit sa ibabaw ng mundo
Mapa –ginagamit upang malaman ang wika, populasyon, klima, likas na yaman at mga
pang-kat etniko, mga hangganan ng lugar at iba pa.

Ibat- Ibang Uri ng Mapa


1. Mapang Pulitikal (Political Map)
2. Mapang Pampopulasyon (Population Map)
3. Mapang Pangkabuhayan (Economic Map)
4. Mapang Pangkalsada (Road Map)
5. Mapang Pangklima (Climate Map)
6. Mapang Pangwika (Language Map)

Mapang Pulitikal (Political Map) –makikita rito ang dibisyong panrehiyon ng isang bansa
Mapang Pampopulasyon (Population Map) –ay nagpapakita kung gaano karami ang
mga tao sa bawat rehiyon o lalawigan ng isang bansa.
Mapang Pangkabuhayan (Economic Map) –ay isang uri ng mapa na nagpapakita ng mga
produkto, mga negosyo, at iba pang mga gawain o bagay na may kaugnayan sa
ekonomiya ng isang bansa o lugar.
Mapang Pangkalsada (Road Map) –ipinakikita nito ang pangalan ng mga malalaking
kalsada at ibat ibang mga daanan, interseksyon at ang ruta ng riles ng tren.
Mapang Pangklima (Climate map) –nagpapakita ng umiiral na klima at panahon sa isang
bansa o lugar.
Mapang Pangwika (Language map) –ginagamit upang malaman ang nais na wika
Cartography –tawag sa paggagawa ng mapa
- Nagsimula ang paggawa ng mapa sa mga sinaunang Greek
- Nanguna si Ptolemy
Ptolemy –isang Greek geographer at astronomer, na nabuhay noong 150 B.C.E.

ARALIN 4 KAUGNAYAN NG KLIMA SA LOKASYON AT MGA SALIK


PANGHEOGRAPIYA
Klima –tumutukoy sa kainamang (average) kondisyon ng atmospera na tipikal sa
malalaking bahagi ng rehiyon samatagal na panahon

Ibat-Ibang Panahon
- Tag-araw
- Tag-ulan
- Taglamig
- Tagsibol
Panahon o Season –tumutukoy sa mahaba-habang kondisyon o timplada ng
atmosphere
Panahon o Weather –ay ang pansamantalang kalagayan ng atmosphere na nararanasan
bawat araw.
Low Latitude –tawag sa rehiyon sa pagitan ng Tropic of Cancer at Tropic of Caricorn
- Tawag din dito ay Tropical Region o Rehiyong Tropikal
- Tag-init at tag-ulan ang panahon
Middle Latitude o Gitnang latitude –mula tropic of cancer hanggang Arctic Circle
- Mula tropic of Capricorn hanggang Antarctic circle
- Tag-sibol, taglagas, taglamig, at tag-araw ang panahon
High Latitude –mula sa arctic circle hanggang north pole at Antarctic Circle hanggang
South pole
- Tinatawag ding Polar Region
Dalawang Uri ng Galaw ng Mundo
1. Ang pag-ikot sa sariling aksis(axis)o rotasyon (rotation) na nagdudulot ng gabi at araw.
2. Ang pagligid o revolution nito sa araw sa loob ng isang taon.
- Umiikot sa kanyang axis ang mundo nang minsan bawat 24 na oras o sa loob ng
isang araw .
- Ang pagligid ng mundo sa araw ay umaabot sa 365 ¼ na araw o isang taon.
- Ang paggalaw ng mundo ang dahilan ng pagkakaroon ng ibat ibang panahon.
Spring o Vernal Equinox sa Northern Hemisphere –tuwing Marso 21-21, makikita na tuwid
ang sinag ng araw sa kahabaan ng equator
- Magkapareho ang haba ng araw at gabi
- 12 oras sa araw at 12 oras sa gabi
- 24 oras sa isang araw
Equinox –pantay na oras sa gabi at araw
Summer Solstice –tuwing hunyo 21 o 22, nagaganap ang pinakamahabang araw at
pinakamaikling gabi
Solstice –pagtigil ng araw
Land of the midnight sun –bansa sa southern hemisphere na nakararanas ng sikat ng
araw sa buong 24 oras tulad ng Norway
Fall o Autumnal Equinox –tuwing September 22 o 23 sa Northern Hemisphere, isang
equinox ang nagaganap; pantay na muli ang oras sa araw at gabi.
Winter Solstice –tuwing disyembre 21 o 22, nagaganap ang napakahabang gabi at
napakaikling araw
Lokasyon –nagtatakda ng klima n gig bansa
Orbit –daang tinatalunton ng mundo habang umiikot sa araw
Agos ng karagatan o ocean current –ay nakakaapekto rin sa klima at panahon
Moonsoon –pana-panahong hangin

2 Sistema ng Moonsoon
1. Timog kanluran o southwest monsoon o habagat
2. Hilagang silangan o northeast monsoon o amihan
Perihelion –ang Orbit ay may bahagi o punto kung saan pinakamalapit ang mundo sa
araw
Aphelion –may punto rin sa orbit na pinakamalayo ang mundo sa araw

ARALIN 5 KAUGNAYAN NG KLIMA AT PANAHON SA PAMUMUHAY NGMGA


TAO SA
PILIPINAS
Pilipinas –ay nasa pagitan ng 116o 00’ hanggang 127o 00’ silangang
longitude at 4o23’
Hanggang 21o 25’ hilagang latitude

Lokasyong Relative O Bisinal


-silangang –makikita ang Philippine sea at pacific ocean
-kanluran –south china sea, mga bansang Cambodia at
Vietnam
-hilaga –bashi channel at Taiwan
-timog –celebes sea at Indonesia

Apat na Tipo ng Panahon sa Pilipinas


a. (Tipo 1) –may dalawang uri ng panahon, ang tag-araw at tag-ulan
- Disyembre hanggang Mayo ay tuyo
- Tag ulan sa Hunyo hanggang Nobyembre
b. (Tipo 2) –sagana sa ulan, halos walang tuyong panahon sa mga lugar na may ganitong
klima
c. (Tipo 3) –may maikling tag-araw mula Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan na sa
buong taon
d. (Tipo 4) –maulang panahon na laganap sa buong taon
8,000 o higit pa –uri o species ng mga namumulaklak na mga halaman ang matatagpuan
sa Pilipinas
1,000 –uri ng pako (ferns)
800 –uri ng mga orkidyas

Ibat- Ibang Uri ng Puno sa Pilipinas


- Ipil
- Dao
- Mulawin o molave
- Yakal
- Narra –pangunahing pinagkukunan ng tabla
- Lauan
- Nigapi
- Tangili
- Katmon
- Niyog
Paghahayupan –pinagkukunan ng hayop na gamit sa pagsasaka tulad ng mga kalabaw
at baka
- Pinagkukunan din ng karne at gatas
- Pagrarantso ng baka
- Pagbababuyan
- Pagmamanukan
Palaisdaan –nagpaparami ng mga sugpo at ibat – ibang uri ng isda na nakatutulong sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga pamilyang pilipino
*Ang klima ng Pilipinas ay akma sa mga amphibian o mga hayop na maaring mabuhay
sa lupa at tubig tulad ng mga palaka, salamander, atbp.
100 uri ng ibat-ibang uri ng reptiles tulad ng pagong, ahas, buwaya at mga lizard

2 bagong species o uri ng hayop


Colasisi –ang makulay na loro
Apomys Camiguinensis –isang daga na may malalaking
mata at tainga
YUNIT II PAMBANSANG PAGKAKAISA

ARALIN 6 ANG PAGLIKHA SA MGA REHIYON SA PILIPINAS


7,107 pulo –kapuluang bumubuo sa Pilipinas
Kamaynilaan o Metro Manila-sentro ng Pilipinas
Pambansang Punong Rehiyon(National Capital Region o NCR) –
binubuo ng 16
lungsod at isang bayan.

Mga Kabilang Na Lungsod


- Maynila
- Quezon
- Caloocan
- Pasay
- Las Pinas
- Makati
- Mandaluyong
- Muntinlupa
- Marikina
- Paranaque
- Pasig
- Malabon
- Navotas
- Taguig
- San juan
- Valenzuela
Pateros –natitirang bayan
Rehiyon –ay konsepto sa heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng
daigdig o ng isang bansa na may magkakatulad na
katangiang pisikal
Rehiyonalisasyon –o pagbubuo ng mga rehiyon ng bansa sa pagpasa ng
Presidential Decree No. 1 o Integrated Reorganization Plan
Setyembre 24, 1972 –nilagdaan ni Pangulong Ferdinad E. Marcos ang
Presidential Decree No.1
Saligang Batas ng 1987 –nilikha ang dalawa pang rehiyon
Autonomous Region In Muslim Mindanao(ARMM)
Cordillera Administrative Region(CAR)

ARALIN 7 MGA REHIYON SA HILAGA AT GITNANG LUZON

Tatlong Rehiyon Sa Hilaga At Gitnang Luzon


Rehiyon 1(Ilocos)
Rehiyon 2(Cagayan Valley)
Rehiyon 3(Gitnang Luzon)
Rehiyong Ilocos –ay matatagpuan sa Hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon

Apat Na Baybaying Lalawigan


- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
13,012.6kk –kabuuang sukat ng rehiyon

Panahong Nararanasan Sa Rehiyon


Tuyo (dry) –mula Nobyembre hanggang Abril
Basa(wet) –mula Mayo hanggang Oktubre
Lingayen Gulf –isa sa mga pinakaproduktibong pangisdaan sa bansa
Virginia Tobacco –ang pinakatanyag na produktong komersyal ng rehiyon
“Distrito ng Meztiso” –ang bahaging ito ng Vigan sapagkat dito nanirahan noon
ang mayayamang mestizong Tsino
Lambak ng Cagayan o Cagayan Valley –matatagpuan sa hilagang-silangan ng
Luzon
Bulubunduking Caraballo –ang nagdurugtong sa Sierra Madre sa
silangan at
sa Cordillera Sentral sa kanluran

Limang Lalawigang Bumubuo Sa Rehiyon


Batanes
Cagayan
Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
28,228.8kk –kabuuang sukat ng rehiyon
Cagayan River –ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas
Cagayan Valley –ay biniyayaan ng lupang alluvial o lupaing nadeposituhan
ng buhangin at putik dulot ng umaagos na ilog, sapa,at mga
katulad na anyong tubig.
Gitnang Luzon –ay nasa pagitan ng rehiyon 1 at 2 sa hilaga at ng NCR sa timog

Dalawang Dibisyong Heograpikal


Kanlurang Cordillera
Gitnang Kapatagan
Mt. Arayat –matatagpuan sa Pampanga na may taas na 1,026 metro o 3,366
Talampakan

Pangunahing Ilog Sa Gitnang Luzon


Angat River
Pampanga River
Tarlac River
Orani River
Gitnang Luzon –kilala bilang Rice Granary of the Philippines sapagkat ito ang
pangunahing tagatustos ng bigas sa bansa

ARALIN 8 ANG CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION AT NATIONAL


CAPITAL REGION
Cordillera Administrative Region –tahanan ng mga Igorot
Igorot –ay isang kolektibong katawagan sa mga mamamayan ng
Gran Cordillera
Central o Cordillera
Cordillera Administrative Region –ay nasa pagitan ng Rehiyon 1 at 2
sa hilagang
Luzon

Anim Na Lalawigan
Abra
Apayao
Benguet
Kalinga
Ifugao
Mountain Province
19,422kk -kabuuang sukat ng rehiyon
Mt.Pulag –ang pangalawa sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas
Baguio City – ang paboritong bakasyunan ng mga turista sa hilagang Luzon,
lalo na sa
panahon ng tag-araw dahil sa malamig na panahon nito.
Philippine Military Academy (PMA) –pangunahing paaralang military
na nagsasanay
sa mga opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Pambansang Punong Rehiyon o National Capital Region(NCR) –ay kilala rin sa
tawag
na Metropolitan Manila

Tatlong Katangiang Heograpikang Pisikal Ng NCR


Manila Bay
Off-shore area
Marikina Valley
NCR –ang sentro ng mga gawaing pulitikal, pangkabuhayan,
edukasyunal at cultural
ng bansa.

ARALIN 9 CALABARZON, MIMAPORA, AT BICOL


CALABARZON at MIMAROPA – ay nagmula sa pangalan ng mga lalawigang kabilang
dito
CALABARZON –ay binubuo ng limang lalawigan –Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at
Quezon
Calamba –sentro ng rehiyon ng CALABARZON
Rehiyon (IV-A) o CALABARZON – matatagpuan sa timog-kanlurang
Luzon
Mt.Makiling –ay nasa pagitan ng Laguna at Batangas

Iba Pang Bulkan


Batulao
Magunding
Cristobal
Taal
Taal Volcano –pinakaaktibong bulkan sa Batangas, nasa gitna ito ng
Taal Lake
Rehiyon IV-B o MIMAROPA –ay binubuo ng limang lalawigan –
Occidental Mindoro,
Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan
Pulo ng Mindoro –ay nasa timog-kanlurang baybayin ng Luzon
Mt. Halcon –isa sa mga pinakamataas na bundok sa Pilipinas
Pulo ng Marinduque –ay nasa pagitan ng dulong timog ng Quezon
at Mindoro

Tatlong Pangunahing Pulo sa Romblon


Tablas
Romblon
Sibuyan
Palawan –panlima sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas
Rehiyong Bicol –ay matatagpuan sa timog-silangang dulo ng Luzon

ARALIN 10 MGA REHIYON SA VISAYAS


Kanlurang Visayas –ay isa sa mga pinakamayamang rehiyon sa
Pilipinas
Anim Na Lalawigan
Aklan
Antique
Capiz
Iloilo
Negros occidental
Guimaras
Guimaras –ay isang pulong lalawigan
Negros Occidental –ay may makikitid na baybayin sa pakanluran ng
pulo
Mt.Kanlaon –sa silangan ang hangganan ng Negros Occidental at
Negros Oriental
Gitnang Visayas –ay matatagpuan sa gitna ng kapuluan ng Pilipinas
Mt.Amicay ang makikita sa lalawigan ng Bohol
Negros Oriental –ay nalalatagan ng mga burol, talampas, at
matayog na mga bundok
tulad ng Cuernos de Negros
Estratihiko –ang lokasyon ng Gitnang Visayas
Silangang Visayas –ay binubuo ng anim na lalawigan –northern
Samar, Samar,
Eastern Samar, Biliran, Leyte, at Southern Leyte
San Juanico Bridge –nag-uugnay sa mga pulo ng Samar at Leyte

Hangganan Ng Rehiyon
Bicol Peninsula sa hilaga
Surigao del Norte sa timog
Masbate,Visayan sea
Camotes Sea sa kanluran
Pacific Ocean sa silangan

Mga Kilalang Lugar Sa Rehiyon


Price mansion
MacArthur’s Landing Site
Sto. Nino Shrine
Heritage Museum
Buddhist Temple

ARALIN 11 ZAMBOANGA PENINSULA, HILAGANG MINDANAO, AT DAVAO


Tangway ng Zamboanga o Zamboanga Peninsula –ang rehiyon na
matatagpuan sa
kanluran ng Mindanao
Quipit Peak –matatagpuan sa Zamboanga Sibugay
Mt. Taquite –ang taas ay umaabot sa 427 metro

Nakapalibot Sa Pulo
Negros Oriental at pulo ng Siquijor sa hilaga
Moro Gulf sa timog
Sulu Sea sa kanluran
Lalawigan ng Misamis Occidental at Lanao del Norte sa
silangan
Hilagang Mindanao –ay isa sa mga rehiyon sa bansa na sagana sa
mga likas na
yaman
Binubuo ng mga lalawigan ng:Misamis Occidental,Misamis
Oriental,Lanao del Norte,
Bukidnon, at pulo ng Camiguin
Mt. Hibok-Hibok –pinakaaktibong bulkan sa pulo
Kaamulan –ay isang pista tuwing Pebrero kung saan itinatanghal
ang kultura ng
pitong pangka-etniko ng Bukidnon tulad ng Talaandig at Manobo
Davao –matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Mindanao
Binubuo ng: Davao, Davao del Sur, Davao Oriental, at Compostela
Valley
1998 –nilikha ang lalawigan ng Compostela Valley sa rehiyong ito.
Mt. Diwata – matatagpuan sa rehiyon ng Davao
Philippine Eagle Center –kumakalinga sa may 19 na Philippine eagle
at iba pang ibon
at hayop
Aliwagwag Falls – matatagpuan sa Davao Oriental na 338 metro ang
taas at
kinikilalang pinakamataas na talon sa Pilipinas

ARALIN 12 SOCCSKSARGEN, CARAGA, AT ARRM


SOCCSKSARGEN –ito ay dating Gitnang Mindanao
ARMM –ang tanging rehiyon sa Pilipinas na pinagkalooban ng
awtonomiya
Koronadal City –sentro ng rehiyon
Sultan Kudarat –ay nasa pagitan ng South Cotabato sa timog at
Maguindanao sa
hilaga
Caraga –matatagpuan sa silangang bahagi ng Mindanao
Southern Leyte sa hilaga
Rehiyong XI sa timog
Pacific Ocean sa silangan
Lalawigan ng Misamis Oriental at Bukidnon sa kanluran
Dinagat Islands –ang pinakabagong lalawigan na nilikha noong
2006
Butuan City – sentro ng rehiyon
“Caraga” –nagmula sa katagang calagan
Calagan –nagmula sa katagang calag na nangangahulugang
“kaluluwa” o “ispiritu”
Agusan del Norte – ay napapalibutan ng Surigao del Norte sa hilaga
at ng Surigao del
Sur sa silangan
Surigao del Norte –ay nasa silangang baybayin ng Mindanao
Autonomous Region in Muslim Mindanao(ARMM) –ay sumasaklaw
sa mga lalawigan
ng Lanao del Sur,Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, at Basilan
Lanao del Sur at ang Maguindanao –ay nasa kalupaan ng Mindanao
Republic Act 6734 ng 1989 –ang batas na bumuo sa ARMM, ang
Cotabato City bilang
sentro ng rehiyon
Lanao del Sur –ay nasa isang talampas
Maguindanao –ay nasa pagitan ng North Cotabato at Sultan
Kudarat
Kapuluan ng Sulu –binubuo ng 2600 na mga pulo at ito ay nasa
pagitan ng Sulu Sea
sa hilaga at Celebes Sea sa timog
Pulong lalawigan ng Basilan –ay nasa timog-kanlurang bahagi ng
Pilipinas.
Basilan Peak –pinakamataas na bulkan sa 20 bulkan sa Basilan at
may taas na 971
metro.

ARALIN 13 PAG-AASAHAN NG MGA REHIYON


Topograpiya ng Pilipinas – ay itinuturing na mabundok o
bulubundukin at may mga
rehiyon na may mayayabong na gubat na pinagkukunan ng mga produktong
gubat
Halimbawa Ng Espesyalisasyon
Gitnang Luzon o Rehiyon III – kilala sa produksyon ng palay
Silangang Visayas o Rehiyon VIII at ang Bicol o Rehiyon V –ang mga
pangunahing
tagapag-ani ng abaka
Negros Occidental,at Negros Oriental at Iloilo(rehiyon VI at VII) –
kilala sa produksyon
sa asukal
Espesyalisasyon –dahil dito, tinutustusan ng natatanging produkto
ng rehiyon ang
pangangailangan ng iba pang rehiyon
Tinapahan Festival –ipinagdiriwang tuwing Abril at Mayo sa Lemery,
Batangas
Tinapa –isa sa pinakapaboritong ulam ng Pilipino
Tuna Festival –ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Setyembre
sa South Cotabato
Pineapple Festival o Pilipinyahan –ipinagdiriwang sa Tagaytay
tuwing Mayo
Lanzones Festival –ipinagdiriwang ito tuwing ikatlong linggo ng
Oktubre sa Camiguin
Camiguin –matatagpuan sa hilagang Mindanao na isang hugis peras
na pulo
Bangus Festival – nangunguna ang Dagupan City sa pagdiriwang
nito tuwing Abril
Bangus Dagupan –kilala sa maraming pamilihan
Panagbenga Festival –ipinagdiriwang sa Baguio tuwing Pebrero
Baguio City –isang talampas na may taas na 1,400 metro
Pili Festival –ipinagdiriwang tuwing Hunyo sa Sorsogon
Pili –itinatanim ang punong ito sa maraming lugar sa rehiyon
Majestic tree –ang tawag sa pili sapagkat may gamit komersyal,
industriyal, at
nutrisyunal.
Pagpapalitan ng mga produkto –ay isang halimbawa ng pag-
aasahan ng mga rehiyon

You might also like