Professional Documents
Culture Documents
PAUNANG GAWAIN
Basahin at suriin ang tula na may Pamagat na “ANG AKING KAIBIGAN”.
Ilahad ang mga pangyayari o kaisipan na makikita sa mga kaibigan sa
kasalukuyan.
Sa tulang ang aking kaibigan ni Erika Ivy Cruz dito masasabi ko na ang mga
kaibigan na tinitukoy niya ay tunay na kaibigan at maasahan dahil hindi alintana
ang estado ng buhay ng isa sa kanila, at lagi silang nakahanda na tulungan ang
isat isa. Kahit wala silang kapera pera ang ang importante ay mahal nila ang isat
isa at Masaya sila sa kanilang pagsasama.
Marami akong kaibigan na hindi ko nakita ang mga ugali ng tunay na kaibigan
gaya ng nasa tula. Kasi ang iba sa kanila ay pagwala ang isa sa aming barkada
siya ang nagiging topic sa barkada. Para sa akin hindi ko maituturing ang mga
kaibigan ko na mga yun na tunay minsan nga pagmay kailangan sila lapit sila ng
lapit pero pag nakuha na nila ang gusto nila dika na nila papansinin, yung iba
naman uutangan ka tapos dina nila maisip magbayad ng utang nila at pag
singilin mo sila nagagalit pa sila.
Pero mayroon naman akong dalawang kaibigan na masasabi ko na tunay na
kaibigan nakilala ko ang mga ito nong nasa hayskul pa kami nang lumipat ako sa
public school. Pag kasama ko sila lagi akong Masaya lalo na sa mga jokes nila.
Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay mabuti man yan o hindi. Pag may proble
ma kami ay nagdadamayan. Pag sa pera naman tinutulungan naming kung sino
ang nangangaolangan basta kaya naming ibigay.
Nang nasa kolehiyo naman kami ay patuloy pa rin ang aming pagkakaibigan
dahil sa Baguio kami lahat nag-aral pero magkakaibang paaralan. Hindi kami
magkakapareho ng bakanteng oras pero may inilaan pa rin kaming oras para
kami ay makapagkwentuhan. Normal sa mga magkakaibigan ang hindi
pagkakaintindihan at tampuhan pero ang tampuhan naming ay di namin
pinapaabot ng ilang araw bago magkaka ayos.
Ngayon na nag-asawa na ako at ang isa kong kaibigan ay nararamdamah ko
parin ang presensiya nila dahil palagi kaming nagkukumustahan sa chat at video
call. Napakasaya ko dahil nakilala ko sila na tunay kong mga kaibigan na laging
handing tumulong sa akin pag akoy may problema at pangangailangan.
PAGSASANAY
Pumili ng tamang sagot sa loob ng kahon. Basahin ng mabuti ang
bawat ng sumusunod na pangungusap.
TEMA TUGMA
TONO/ INDAYOG SUKAT
SAKNONG PAMAGAT
PERSONA ESTILO
SIMBOLO SIMULA
KARIGTIGAN /KARINTAN KATAWAN
RITMO WAKAS
TAYUTAY /TALINGHAGA
1. Nagpapakita ng damdamin ang manunulat ng tula. TEMA
2. Maghahatid sa destinasyon ng bawat nais sabihin. SIMBOLO
3. Ito ang taong pangunahing nagsasalita sa isang tula. PERSONA
4. Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya.
SAKNONG
5. Hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa.
PAMAGAT
6. Naglalarawan sa tiyempo sa isang tula. RITMO
7. Nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig. TUGMA
8. Ito ay ang matayog na diwang ipanapahiwatig ng makata.
TAYUTAY/TALINGHAGA
9. Dito kailangang masagot lahat ang mga problema. WAKAS
10. Paraan ng manunulat sa pagsulat ng isang tula. ESTILO
11. Ito ay kalimitan ang pinakamahirap na parte sapaggawa ng anumang sulatin, lalo
na sa tula. SIMULA
12. Dito nakikita ang mga problema at kung paano ito mareresolba ng manunulat.
KATAWAN
13. Ang kagandahan at larawan ng kabuuan ng karikitang nakikita ng matalas na
pananaw ng makata o manunulat. KARIGTIGAN/KARINTAN
14. Ito ay dapat isaalang alang asa diwa ng isang tula. TONO/INDAYUG
15. Itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. TUGMA
TAKDANG ARALIN
Sa inyong papel isulat ang mga natutunan niyo sa ating leksyon ngayon.
At gumawa ng reaksyon paper sa tulang may pamagat na “Ang Bato” ni Jose
Corazon de Jesus. Ipaliwanag ang mensahe ng tula, ugnayan ng tula sa
kasalukuyang lipunan at suriin ang mga bahagi nito.
LIKSYON 6
PAUNANG GAWAIN
Basahin ang Tula na may Panamagatang “SA TABI NG
DAGAT” ni Ildefonso Santos (1897). Tukuyin ninyo ang ugnayan ng
tula sa kasalukuyang panahon. Alamin ang mga tugma at sukat sa
tula.
Ang tula na pinamagatang sa tabi ng dagat ay tumatalakay sa buhay ng
tao ang ugnayan ng tula sa kasalukuyang panahon ay an gang isang masayang
samahan o relasyon ng magkasintahan. Ito ay nangyayari sakasalukuyang
panahon, ang buhay ng tao ay masasabi nating ito’y Masaya dahil mayroong
mga bagay na nagpapasaya sa atin pero minsan ito rin ang dahilan ng ating
kalungkutan.
Tulad ng pag-ibig sa umpisa akala natin puro kasiyahan lang ang ating
mararamdaman pero kalaunan ay unti unting nawawala at napapalitan ng
panghihinagpis. Hindi natin maiiwasan at mapipigilan na minsan ang pag-ibig ay
hindi nagtatagal at minsan naglalaho rin dahil sa ibat ibang dahilan. Sa
kasalukuyan marami ang magkasintahan at mag asawa na naghihiwalay dahil
hindi na nagwowork out ang kanilang mga relasyon at dahil na rin sa mga ibat-
ibang rason.
Ang tulang sa tabi ng dagat ay may apat na taludtud at lalabindalawahing
pantig sa bawat taludtud. Gumamit ang may akda ng tugmaang karaniwan sa
tatlong saknong maliban sa ikatlong saknong na tugmang ganap.
TAKDANG ARALIN
Basahing mabuti ang tungkol sa tulang isinulat ni Dr. Jose P.
Rizal sa Calamba, 1869 na pinamagatang “SA AKING MGA
KABATAAN”. Kailangan na ninyo itong sa suriin at isulat sa buong
papel.
PAGSUSURI SA TULA NA PINAMAGATANG SA AKING MGA KABATA
PAMAGAT: Sa aking mga kabata
PAKSA: Pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling wika
SUKAT: lalabindalawahing pantig sa bawat taludtud
Sa ikatlong saknong ay may lalabintatluhing na matutunghayan sa ikatlong
taludtud.
Sa huling taludtud ay may lalabin-isahing pantig n a makikita sa ikaapat na
saknong.
TUGMA: Tugmaang ganap
TAYUTAY
1. Katulad ng ibong nasa himpapawid = simili
2. Ang hindi magmahal sa kanyang salita mahigit sa hayop at malansang isda =
pamamalabis
3. Pagkat ang salitay isang kahatulan sa bayan sa nayo’t mga kaharian =
senekdoki
4. Kapgka ang baya’y sadyang umiibig, sa kanyang salitang kaloob ng langit –
personofikasyon
5. Sanglang kalayaan nasa ring maspit = allegory
6. Ang lunday sa lawa noong dakong una = allegory
7. Ang salita nati’y huwad din sa iba = paradox
8. Mahigit pa sa hayop at malansang isda = pagpapalit tawag.
SIMBOLISMO
IBONG NASA HIMPAPAWID = kalayaan
SANGLANG KALAYAAN = kawalan ng kalayaan o kontrolado
MAHIGIT PA SA HAYOP = sobra pa sa katangian ng hayop
MALANSDANG ISDA = masang sang ang amoy
SIGWA = bagyp o kalmidad
SALITANG ANGHEL = mataas na uri ng salita
POONG MAALAM= pinakamataas sa lahat
MENSAHE
Ang mensahe ng tula ay lubusang marami, tinuro ng tula sa mga Pilipino na
mahalin ang sariling atin bago ang iba. Ubod ng laking pagmamahal sa inang wika
at inang bayan ay tinuro at nagbigay aral. Binigyaan diin din ng tula na ang sarling
wika ay pagyamanin at ipagmalaki.
LIKSYON 7
PAGSASANAY
Gumawa ng isang tula na may kaaliw aliw na ritmo. At dapat
may lalabing aminin na sukat ang inyong gagawin. Ang pamagat na
inyong gagawin ay tungkol sa “KAHIRAPAN NG ATING BANSA”. .
KAHIRAPAN
Kahirapan ang pangunahing dahilan na problema
Pinakamalaking problema natin dito sa bansa
Dahil sa kahirapan maraming mga Pilipino
Ang gumagawa ng mga bagay na di maganda.
TAKDANG ARALIN