You are on page 1of 12

Modyul sa Literatura ng Pilipinas

MODYUL 4:
PANITIKAN SA PANAHON NG
PROPAGANDA

YUNIT 2
ARALIN 2

Layunin
Sa katapusan ng modyul na ito, ang mga estudyante ay inaasahang:
1. Matalakay ang mga buhay at obra ng mga Propagandista.
2. Masuri ang bawat obra ng mga Propagandista nang maiugnay ang mga ito sa kasalukuyang mga
panitikan.

Pagtuklas
PANAHON NG PROPAGANDA (Jose P. RizaI, Marcelo H. del Pilar at Graciano L. Jaena)
Kapansin-pansin ang unti-unting pagkamulat, pagkabuo. at paglaganap ng damdaming
makabayan ng rnga katutubong Pilipino sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon. Ang dating diwang
makarelihiyon ay napalitan ng diwang makabayan. Ang tahimik na damdamin ay nahaluan ng
damdaming paghihimagsik at lantarang paghingi ng pagbabago sa sistema ng pamamalakad ng
pamahalaang Espanol at Simbahang Katoliko. Nagsilbing mitsa ng pagkagising ng damdamin at
paghingi ng reporma ang pagpatay sa tatIong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto
Zatnora ng walang sapat na katibayan. Nadagdagan pa ito ng pagkapasok sa Pilipinas ng diwang
liberalisrno dahil sa pagkakabukas ng kolonya sa pandaigdigang pakikipagkalakalan, at ang
pagpapadala sa Pilipinas ng liberal na lider gaya ni Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre.
Dahil salat sa mga kagamitang panghimagsikan, ginamit ng mga naghihimagsik na Pilipino ang
panulat bilang sandata para sa kanilang minimithing pagbabago. Subalit mahigpit ang Comite de
Sensura sa mga akdang pampanitikang nalalathala noong panahong yaon, kung kaya marami sa
mga manunulat, lalo na iyong rnga intelektuwal at maykaya, ay nagtungo sa ibang bansa upang
maisakatuparan ang kanilang pakikibaka sa pamahalaang Espanol. Layunin ng Kilusang
Propaganda ang sumusunod na rnga pagbabago, 1 Pagpapanumbalik ng kinatawang Pilipino sa

1
Modyul sa Literatura ng Pilipinas
Cortes ng Spain; 2. Pagkakapantay pantay ng mga Pilipino at Espanol sa ilalim ng batas, Gawing
lalawigan ng Spain ang Pilipinas; 4 Pagkakaroon ng sekularisasyon ng mga parokya sa kapuluan. at
5. Pagkakaroon ng kalayaan sa pamamahayag, , pagpupulong o pagtitipon, at pagpapahayag ng
kanilang mga apinagnianalita Para lalo pang maipalaganap at maiparating sa mga kababayan ang
kanilang mga hangarin, mithiin, at mga simulain, nagsasagawa sila ng mga hakbangin gaya ng
pagsanib o pagsali sa Masonarya. Ang Masonarya ay ang pagbuo ng mga samahang tumutuligsa
sa pamumuno at pamamalakad ng mga prayle, pagtatag ng mga samahang binubuo ng mga Pilipino
at Espariol na nagmamalasakit sa kapakanan ng mga Pilipino, at paglilimbag at paglalathala ng mga
pahayagan at mga aklat laban sa mga Espariol. Bukod kina Rizal, del Pilar at Lopez Jaena, ilan pa
rin sa mga nakilalalng kasapi ng Kilusang Propaganda sina Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma.
Panganiban, Pedro Paterno, Eduardo de Lete, at iba pa.
ANG TATSULOK NG KILUSANG PROPAGANDA
Jose Rizal Si Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo Y Realonda ay ipinanganak n 19 ng Hunyo
1861 sa Calamba, Laguna. Bata pa lamang siya ay kina siya ng di-pangkaraniwang katalinuhan. Sa
eded na walo ay naisulat niya ang tulang `Sa Aking mga Kababata," sa edad na 15ay sinulat niya
ang La Juventud Filipina"na nagwagi sa isang patimpalak sa pagsulat ng tula. Nag-aral siya sa
Ateneo Municipal at sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nangibang-bansa siya noong 1886, upang
tapusin ang kursong medisina at isulong ang pagkakaroon ng reporma sa Pilipinas, sa pamamagitan
ng kanyang mga akda. Sinulat niya ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na
sinasabing naging mitsa ng pagkagising ng damdaming makabayan ng mga Pilipino at naging
dahilan din upang matamo niya ang minimithing kalayaan. Ginamit niya ang Laon-laan at
Dimasalang bilang sagisag panulat sa kanyang mga akda. Sa ikalawa niyang pagbalik sa Pilipinas,
hinatulan siya ng kamatayan dahil sa bintang na sedisyon at paghihimagsik. Binaril siya sa
Bagumbayan (Luneta) noong ika-30 ng Disyembre 1896.
Mga Akda ni Jose Rizal
1. Sa Aking mga Kababata - Sa kanyang murang pag-iisip ay kinakitaan na siya ng pagmamahal
sa sariling bayan sa pamamagitan ng kanyang tulang "Sa Aking mga Kababata". Narito ang
kabuuan ng tula na sinulat niya noong siya'y walong taon pa lamang.
SA AKING MGA KABABATA (Pagkalinawan, et al., 2006)
Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit pa sa hayop at malansang isada,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
2
Modyul sa Literatura ng Pilipinas
Na tulad sa Inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagkat ang poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa nong dakong una.

2. Noli Me Tangere - Ang unang sinulat ni Rizal na gumising sa isip at puso ng mga
mamamayang Pilipino para ipaglaban ang kalayaan ng bayan sa pamarilagitan ng himagsikan. Sa
aklat na ito, hayagan niyang ipinakita ang masamang pamamalakad ng mga EsparioEspatiolsa
Pilipinas at ang maling kalakaran sa lipunan na para sa kanya ay isang malubhang sakit na gaya ng
sakit na kanser. Ang sakit na ito ng lipunan ay kailangang agad malunasan dahil kung hindi ay baka
maging malala at magdulot pa ito ng malaking kapahamakan sa bayan at sa mga mamamayan nito,
maging sa mga namumuno nito. Hindi malilimutan sa nobelang ito ng mga tauhang gaya nina
Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Elias, Sisa, Pilosopo Tasyo, Victoria, Basilio, Crispin, Kapitan Tiago,
Padre Damaso, at iba pa.
Buod:
NOLI ME TANGERE
Pagkatapos nag-aral at namalagi ng pitong taon sa Europe ay nagbalik si Crisostomo Ibarra sa
Pilipinas. Ito'y pinaghandaan ni Kapitan Tiyago, ama ni Maria Clara na kasintahan ni Ibarra, sa
pamamagitan ng isang salo-salo na dinaluhan ng ilan sa mga kasaping kabilang sa mataas naantas
nglipunan. Kinabukasan ay dinalaw ni Ibarra si Maria Clara at inalala ang kanilang pagmamahalan
na nagsimula pa sa kanilang pagkabata. Bago pumunta ng San Diego si Ibarra ay ipinagtapat sa
kanya ni Tinyente Guevarra ang pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.

Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinagbintangan ni Padre Damaso na pumatay sa kubrador


kaya siya'y binilanggo hanggang nagkasakit at namatay sa kulungan. At dahil sukdulan ang
kasamaan ni Padre Damaso ay pinahukay ang bangkay ng kanyang ama at itinapon na lang ito sa
Iawa. Ngunit sa halip na maghiganti ay ipinagpatuloy niya ang balak ng kanyang ama na magpatayo
ng paaralan. Kamuntikan nang mapatay si Ibarra, kung hindi lang nailigtas ni Elias, sa pagdiriwang
ng paglalagay ng unang bato ng paaralan. At muntik naman masaksak ni Ibarra si Padre Damaso
napigilan lang ito ni Maria Clara. Sinamantala ni Padre Damaso ang pagkakataon na sirain at utusan
si Kapitan Tiyago na itigil ang kasunduan ng pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Walang
kamalay-malay na napagbintangan si Ibarra noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel
ng sibil at siya'y ibinilanggo. Ginawa lahat upang hindi makalaya si Ibarra kabilang na dito ang sulat
ni Ibarra kay maria Clara na pinalitan. At kung saan nalaman na ang tunay na ama ni Maria Clara ay
si Paare ni Kapitan Tiyago ang nagpakasal nina Maria Clara at Linares habang lihim na kinausap nt
waria bago siya tuluyang tumakas. Tuluyan nang tuakas si lbarra at sumakay ng bangka ngunit
3
Modyul sa Literatura ng Pilipinas
naabutan rn kaya tumaion sa tubig si Elias upang iligaw sila. Pinaputukan siya ng mga sibil sa
akalang siya ay si lbarra hanggang mapatay nila ito. Nagmadre na lamang si Maria Clara nang
nabalitaan ang pagkamatay ni Ibarra. Bago nawalan ng hininga si Elias, ang buling habilin niya ay
huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.
https://wwwbromly.ph/queshon/110326
3. El Filibusterismo - Ito ang karugtong ng nobelang Noli Me Tangere. Sinasabing kung ang Noli
Me Tangere ay isang nobelang panlipunan, ang El Filibusterismo ay itinuturing naman na isang
nobelang pampolitika dahil kung sa Noli, tinatalakay lamang ni Rizal ang mga sakit ng lipunan noong
panahong yaon, sa El Fili naman ay lantaran niyang inilarawan at tinuligsa ang mga kasamaan at
katiwalian sa pamahalaan, gayundin ng simbahan na nagtataglay rin ng kapangyarihang mamuno
sa bayan. Sa aklat na ito, ipinapakita na ang dating matahimik na si Ibarra sa Noli Me Tangere ay
nagbalik sa katauhan ng isang mabagsik at nakasusuklam na tauhang si Simoun.
Buod:
EL FILIBUSTERISMO
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga
pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang
nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa. Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang
makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na padalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob
ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo, Upang
maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay
hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang
EspariolEspariol. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan-Heneral ay nagliliwaliw sa Los Barios, ang mga estudyanteng Pilipino ay
naghain ng isang kahilingan sa kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Espanyol.
Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagkat napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito
ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang
pamalakad ng nasabing akademya. Samantala, si Simoun ay nakipagkita kay Basilio at muling
hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at manggulo sa isang pulutong
na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subalit hindi
naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na ng hapong yaon. Ang mga
estudyante naman, upang makapaglubag ng kanilang samang loob ukol sa kabiguang natamo, ay
nagdaos ng isang salUsalo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas
habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay
nalaman n mga Pprayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na laman sa mga
pinto ng Unibersidad ang mga paskilna ang nilalaman ay mga pagbabal pagtuligsa, at
paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga paskilito ay ibinintang mga kasapi ng kapisanan ng mga
estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang
malabis ni Juli na kanyang kasintahan. Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na
lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang
tagapamagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya

4
Modyul sa Literatura ng Pilipinas
upang mapalaya ngunit sa halip na makatulong ang paring ito ill ay siya pang naging dahilan ng
pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa


negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang
maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang
Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas
na katungkulan sa pamahalaan at mga litaw na tao sa lungsod. Pagkaraan ng dalawang buwang
pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang
umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa
binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis-granada at kasinlaki ng
ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at
Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong nasa kanan na
ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at
pagkaraan ng 20 minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin,
puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang granada ay sasabog at kasabay nito ay
ang pagkawasak at pagkatunaw ng kiyoskong kakanan — at walang sinumang maliligtas sa mga
naroroon. Sa isang dako naman, ang malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang
magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun. Mag-iikapito pa
larnang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng
pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong
di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay susunod sana ngunit namalas niyang
dumating si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas ngunit
di siya pinansin kaya napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subalit hindi
rin napatinag ang binatang ito. "Nanlalamlam ang lampara," ang pansin ng di mapalagay na Kapitan
Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene ang mitsa." Kinuha ni Isagani ang lampara,
tumakbo sa azotea at inihagis ito sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang
paghihirn sandatahan. https://wwwbrainly.ph/quesnon/538781

DAKILANG PANANALIG
Tatlong romantikong pag-ibig ang isinasalaysay sa bahagi ng nobelang ito, ang king Simoun at
Maria Clara; Isagani at Paulita; Juli at Basilio. May iba't ibang kuwento, may iba-ibang kinahinatnan
subalit ang lahat ay tun sa wagas na pagmamahalan at dakilang pananalig. Unibersal ang
lengguwahe ng pag-ibig, wika nga. Hindi pumipili ng lahi, hindi pumipili ng kulay. Likas na
mapagmahal ang mga Pilipino sa kapgwa sa pamilya, sa bayan at sa Dakilang Lumikha. Itataya niya
ang lahat alang-alang sa tunay niyang iniibig. Ngunit tulad ng nangyari kay Simoun, Basilio at
mangyari kay Isagani, hindi lahat ng pag-ibig ay nagwawakas sa tagumpay at kaligayahan. Love till
it hursts, and till its hurts no more. Umibig ka hanggang masaktan, at hanggang sa hindi mo na
mararamdaman ang sakit.Ito raw ang perpektong pag-ibig, ibigay pati iyong buhay tulad ng ginawa
ng kaisa-isang Anak ng Dakilang Lumikha. Wagas kung umiibig ang isang Pilipino at matibay ang
kanyang pananalig sa Dakilang Lumikha kaya hindi siya bibitiw sa pag-ibig na ito (R. Infantado et al.,
5
Modyul sa Literatura ng Pilipinas
2015).Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam)- Tulang sinulat ni Rizal habang siya ay nasa loob ng
Fort Santiago. Itinago niya ang tulang ito sa isang kusinilyang de alcohol at ibinigay niya sa kanyang
kapatid na si Trinidad kasabay ng sabing may nakalagay. sa loob nito. Ang tulang ito ay walang
pamagat at ang nagbigay ng pamagat na Mt Ultimo Adios ay si Padre Mariano Dacanay. Iilang
siping saknong:
MI ULTIMO ADIOS

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,


Lupang iniirog ng sikat ng araw, mutyang mahalaga sa dagat
Silangan, kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Masayang sa iyo'y aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog sa kagalingan mo ay aking ding handog.
S
a pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib, matamis sa puso at di ikahapis.

Sa salin ni Andres Bonifacio https://www.univie.oc.at/ksolopsts/aufi/nzaV,Poem,Mm

5. A La Juventud Filipino (Sa Kabataang Pilipino). Ang tulang ito ay lahok ni Rizal sa isang
timpalak sa UST. Binigyang-diin niya sa tulang ito ang pagpapahalga ng mga kabataan sa
edukasyon at ang pagpapaunlad ng kanilang magagandang katangian. Iilang siping saknong:
A LA JUVENTUD FILIPINA (Tagalog na Bersyon)

Itaas ang iyong noong aliwalas,


Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad;
Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag Ay pagitawin mo,
Pag-asa ng Bukas.
Ikaw ay bumaba, O katalinuhan,
Mga puso namin ay nangaghihintay;
Magsahangin ka nga't ang aming
Ilipad mo roon sa kaitaasan.
Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw
Na ang silahis ng dunong at sining;
Kilos, Kabataan, at iyong lagutin,
Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.
https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-writte rizal-sa-kabataang-
pilipino-ni-dr-jose-rizal-tagalog-la-juventud-filipina_611.html.

6. Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino)- Tinalakay ni


Rizal sa sanaysay ang mga kadahilanan ng palasak na turing sa mga Pilipino na tamad. Sinabi

6
Modyul sa Literatura ng Pilipinas
niyang sadyang masisipag ang mga Pilipino at iyan ay mapatutunayan sa pamamagitan ng
magaganda at masasaganang pananim ng mga Pilipino.
7. Filipinas Dentro De Cien Arios (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaag Taon)- Naglalaman ito
ng mga hula o prediksyon ni Rizal sa Pilipinas sa darating na panahon gaya ng pagkakaroon ng
interes ng United States sa Pilipinas.
8. Karangalan nina Luna at Hidalgo - Talumpating binigkas ni Rizal bilang pagpaparangal sa
mga Pilipinong nagkamit ng karangalan sa pagpipinta sa Pambansang Eksposisyon sa Madrid
noong 1884, Ang Spoliarium ni Juan Luna ang nagkamit ng unang gantimpala samantalang
nagkamit naman si Felix Resurreccion Hidalgo ng ikalawang gantimpala para sa kanyang Mga
Birheng Kristiyanong 1\lakalantad sa Madla.
9. Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa(E1 Amor Patrio)- Isa sa mahahalagang sanaysay na
sinulat ni Rizal sa Spain. Binigyang-diin niya rito na walang ibang bayan para sa mga Pilipino kundi
ang Pilipinas. Ang buod nito ay tumutukoy sa pagiging makabayan at Pagiging sa lahing Pilipino.
Ang tulangito ay nagsilbing daan upang rnabu , pagmamahal at pagmamalasakit ng mga Pilipino sa
bawat isa at :Pabaglhaban sa mga manunupil ng kalayaan at kasarinlan. Iilang siping saknong:
PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

Salin/akda ni Andres Bonifacio batay sa El Amor Patrio ni Rizal


Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig
sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
At isa-isahing talastasing pilit
Ang salita't buhay na limbag at titik ng isang katauhan ito'y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal sa tapat na puso ng sino't alinman, imbit taong gubat,
maralita't mangmang nagiging dakila at iginagalang. https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-
written-during-the-spanish-regime-pag-ibig-sa-tinubuang-lupa-tula-ni-Andres-Bonifacio_1108.html..
10. Liham sa mga Kaanak at Kaibigan - Masasalamin sa mga liham ni Rizal ang kanyang
taimtim na pagmamahal sa kanyang magulang at sa kanyang bayan, ang pagbabago ng kanyang
mga kasalanan, at ang kanyang mga pagpapasakit para sa kanyang mga mithiin at layunin para sa
bayan. 11. Pangitain ni Padre Rodriguez (La Vision de Fray Rodriguez) at Por Telefono- Mga
akdang satiriko na tumutuligsa sa kasamaan at pagsasamantala ng mga prayleng Espariol sa mga
Pilipino at ang paggamit nila ng relihiyon para sa kanilang pansariling kapakanan.

MARCELO H. DEL P1LAR Si Marcelo H. del Pilar ay ipinanganak noong ika-30 ng Agosto
1850 sa Cupang, San Nicolas, Bulacan kina Julian del Pilar at Blasa Gatmaytan. Nagtapos siya ng
abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Itinatag niya ang Diariong Tagalog at naging patnugot
din ng La Solidaridad noong 1888. Bukod sa sagisag panulat na Plaridel, ginamit din niya ang mga
ngalang Dolores Manapat, Piping Dilat, at Pupduh sa kanyang mga panulat. Namatay siya noong
ika-4 ng Hulyo 1896 sa Barcelona, Spain.
7
Modyul sa Literatura ng Pilipinas
Mga Akda ni M.H. Del Pilar
1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Salin sa Tagalog ng tulang "El Amor Patrio" ni Jose 1.Rizal, at
nalathala sa Diariong Tagalog.
2. Caiingat Cayo. Satirikong bersyon ni Del Pilar sa akdang sinulat ni Padre Jose Rodriguez na
may ganito ring pamagat. Binanggit niya na kung sinabi ni Padre Rodriguez na ang magbasa ng Noli
Me Tangere ay isang kasalanang mortal at mapupunta sa impiyerno. Samakatuwid ay nakagagawa
rin siya ng kasalanan dahil binasa niya ang Noli.
3. Dasalan at Tocsohan. Ito ay kahawig ng mga dasal na itinuro ng mga prayle sa mga Pilipino.
Sa mga dasal na ito, lantaran niyang tinuligsa ang maling kaasalan ng mga prayle noon.
4. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas. Tulang tugon sa tula ni Herminigildo Flores na "Hibik
ng Pilipinas sa Inang Espanya". Binanggit niya sa tulang ito na sadyang mahina at matanda na ang
Espanya kaya hindi na makapagbigay ng tulong sa Pilipinas. Inilathala ito noong 1888.

GRACIANO LOPEZ JAENA


Ipinanganak si Graciano noong ika-18 ng Disyembre 1856 sa Jaro, Iloilo. Nagtungo siya sa
ibang bansa upang matakasan ang pag-uusig ng mga prayle dahil sa mga akdang sinulat niya laban
sa mga Espariol. Sa Spanya itinatag niya ang La Solidaridad ang opisyal na pahayagan noong 1888
ng Kilusang Propaganda, at siya ang unang patnugot dito. Mahusay mananalumpati si Lopez
JaenaKilusang Propaganda. Namatay siya sa sakit na tuberculosis sa Barcelona, Espanya, noong
Enero 20, 1896.

Mga Akda
l. Fray Botod (1874). Isang maikling nobelang naglalarawan hinggil sa mga prayleng dumating sa
Pilipinas. Ito'y payat na payat ngunit nang makalipas ang ilang panahon ay nagmukha ng tao.
Tinuligsa ni G.L. Jaena ang pagbibigay ng masasamang halimbawa ng mga prayle na sana'y
mabubuting huwaran ng mga mamamayang Pilipino na makatulong tungo sa pagtatamo ng kapuri-
puri atkasiya-siyang kaasalan. Ngunit nailalarawan dito ang mga iba't ibang bisyo ng mga prayleng
Espariol. Tinuligsa rito ang pagbabayad nang mahal sa pagpapalibing sa mga patay, ang
pagpapautang nang may malaking tubo, at ang pagbibigay ng masamang halimbawa at huwaran sa
mga mamamayan. 2. El Bandoletismo en Pilipina. Akdang pagtatanggol sa mga Pilipino sa paratang
ng mga prayle na ang mga Pilipino ay mga bandido at mga magnanakaw. 3. Sa mga Pilipino.
Talumpating naghahangad ng maayos, malaya, at matiniad na kalagayan ang mga Pilipino.

IBA PANG PROPAGANDISTA


Antonio Luna Si Antonio Luna, kapatid ng dakilang pintor na si Juan Luna ay higit na kilala sa
pagiging heneral ng hukbo ng himagsikan laban sa mga Amerikano. Nagtapos siya ng parmasyotiko
sa Unibersidad ng Santo Tomas, at pagkadoktor sa Unibersidad Central de Madrid. Sumali at nag-
ambag siya sa Kilusang Propaganda. Ginamit niya ang bansag na Taga-ilog sa kanyang mga akda
na karamihan ay sa wikang Espariol. Sa mga akda niya lantaran tinuligsa ang masamang
pamamalakad ng pamahalaang Espariol sa Pilipinas at ang mga tiwaling ugali nito, at ang mga akda
niya ay ang mga ito:
8
Modyul sa Literatura ng Pilipinas
1. Tertulia Pilipina. (sa Piling ng mga Pilipino). Naglalahad ito ng mga kaugaliang Pilipino na
ipinalalagay niyang lalong mabuti kaysa sa kaugalian ng mga Espariol
2. 2. Nochie Buena. Ito ay naglalarawan ang kasiyahan nila habang nagtitipon-tipon ang mga
kaanak kapag may okasyon. Dito ipinapakita ang ng tunay na buhay ng mga Pilipino. Ito ang paraan
ng pagsasalu-salo ng mga pamilya na nagaganap tuwing bispersa o gabi bago sumapit ang
pinaaraw ng pasko. Naghahanda sila ng mga natatanging pagkain na madalas nilang ihahain kapag
may mahalagang pagtitipon.
3. Por Madrid — Tumutuligsa sa mga Espariol na nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng
Espanya ngunit pinalalagay banyaga kapag sinisingilan ng selyo.
4. Impressioner Ito'y isang paglalarawan ng ibayong kahirapang dinanas ng isang mag-aaral
naulila sa amang kawal.

Pedro Paterno
Isang eskolar, mananaliksik, gramaturgo o madudula at nobelista si Pedro Paterno. Sumapi siya
sa kapatiran ng mga mason para maitaguyod ang pagkakaroon ng reporma sa sistema ng
pamamalakad ng pamahalaang Espariol sa Pilipinas. Ang dramaturgo ay ang tawag sa isang taong
mahilig sa sining o pagsulat ng komposisyong madrama at dramatiko Ilan sa mga akda niya ang
mga ito:
1. Ninay - Ito ang kinikilalang kauna-unahang nobelang isinulat ng isang Pilipino. Ito ay
naglalarawan ng nabigong pag-ibig ng pangunahing tauhan na si Ninay. Unang kabiguan ang pag-
iibigan nina Ninay at Carlos Mabagsic, na kanilang pinagdarasalan. Na pinagbintangan ng
negosyanteng Portuges na si Federico Silveyro na namuno sa pag-aaklas. Matapos ang makulay na
pakikipagsapalaran sa ibayong dagat ni Carlos, natuklasan niyang pumasok sa kumbento si Ninay.
Namatay sa sakit na colera si Carlos, at namatay. Sa lubhang paghihinagpis ni Ninay sa loob ng
kumbento siya rin ay namatay.
2. A Mi Madred - (Sa aking Ina) Isang madamdaming oda. Nagpapahayag ito ng kalungkutan
kung wala ang ina. Halimbawa ng tula: — na isang mahal, ng isang singsing Ng liwanag ng iyong
sulyap, Upang ipang-ilaw Kapag wala ka sa lumbay ng aking kaluluwa. 3. Sampaguita y Poesias
Varias - ito ay naglalaman ng mga tula. At nasusulat ito sa iilang bersyon, ang unang bersyon ay
nailathala sa Madrid, Spain noong 1880, ang ikalawa ay nailathala noong 1881, nailimbag sa
Imprenta de cao y Val sa tulong ni Luis Arnedo isang kaibigan ni Pedro Paterno. Ang mga tulang ito
ay naglalaman ng mga temang relehiyoso, madamdamin at pagmamahal. https://en
Wikipedia.org/wilo/sampaguitas_otras_poesias _ varias

Pascual Poblete
Isinilang siya noong Mayo 17, 1858 sa Naic, Cavite. Namatay siya noong Pebrero 5, 1921 sa
gulang na 63. Kilala ring nobelista, makata, mandudula, at mananalaysay. Itinatag niya ang mga
pahayagan ng El Grito del Pueblo, at Ang Tinig ng Bayan noong 1900, dahil dito itinuturing siyang
Ama ng Pahayagag o diaryong tagalong. Ipinatapon siya sa Africa dahil sa mga akda niyang
tumutuligsa sa katiwalian at pang-aapi ng mga Espariol sa mga Pilipino. Nakabalik siya sa Pilipinas
9
Modyul sa Literatura ng Pilipinas
noong panahon ng mga Amerikano. Siya ang pinakaunang nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere
ni Jose Rizal noong 1909. Ilan sa mga akda niya ay ang: 1. Ang Kagila-gilalas na Buhay ni Juan; 2.
Soldado, salin sa Tagalong ng Ang Conde ng Monte. Cristo ni Alexander Dumas.

Jose Maria Panganiban


Ipinanganak siya noong pebrero I, 1963 sa Mambulao Camarines Norte, namatay siya noong
Agosto 19, 1890 sa Barcelona. Kilala sa sagisag-panulat na Jomapa, naging tagapag-ambag siya ng
mga sanaysay at lathalain sa pahayagan ng mga propagandista. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng
Memoria fotografica. Mahusay rin siyang mamahayag at mananalumpati. Ang ilan sa mga Artikulong
naisulat niya ay: El Pansamiento; La Universidad de Manila; Su Plan de Studio at; Los Nuevos
Ayuntamientos de Filipino Nagsulat din siya ng mga tula at maikling-kuwento tulad ng: Ang Lupang
Tinubuan Sa aking buhay
Noches en Mambulao, at iba pa.
tICCA Official www. Flickr.com

Pedro Serrano Laktaw


Siya ay ipinanganak noong Pinangungunahan niya ang pagbubuo ng masonarya sa Pilipinas.
Sinasabing ang mga akda niya ay ang sumusunod: 1. Diccionario Hispano - Tagalog (1889); 2.
Estudios Gramaticales; 3. Sobre La Lengua Tagala—ang pinagbabatayan ni Lope sinulat na Balarila
ng Wikang Pambansa na'may 20 titik.
Isabelo De los Reyes Siya ay isang manananggol, mamamahayag, manunulat, at kabilang sa
Iglesia Filipina Independente. 1. El Folklore Filipino - nagtamo ng gantimpala sa Exposisyon sa
Madrid. 2. Las Islas Bisayas en la Epoca de la Conquista 3. Historia de Ilocos -

Paglinang

TAMA O MALI

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Pansinin ang mga salitang may salungguhit.
Isulat ang Tama kung ito ay Tama, palitan naman ng tamang kasagutan ang salitang may
salungguhit kung ito ay Mali.

1. Sa edad na walo, naisulat ni Jose Rizal ang tulang “La Juventud Filipina”
2. Ang El Filibusterismo ang unang sinulat ni Rizal na gumising sa isip at puso ng mga
mamamayang Pilipino para ipaglaban ang kalayaan ng bayan sa pamarilagitan ng
himagsikan.
3. Nag-aral at namalagi ng anim na taon sa Europe si Crisostomo Ibarra.
4. Ang Noli Me Tangere ay itinuturing naman na isang nobelang pampolitika

10
Modyul sa Literatura ng Pilipinas
5. Ang tulang A La Juventud Filipina ay lahok ni Rizal sa isang timpalak sa UST. Binigyang-
diin niya sa tulang ito ang pagpapahalga ng mga kabataan sa edukasyon at ang
pagpapaunlad ng kanilang magagandang katangian

Pagtataya

I. Maglista ng limang (5) mga Manunulat sa Panahon ng Propaganda


1. ____________________________________
2. ____________________________________
3. ____________________________________
4. ____________________________________
5. ____________________________________

II. Isa-isang talakayin kung ano ang Tema ng kanilang kabuuang akda.
Manunulat _________________
Talakay sa Tema ng kanilang Akda ___________________________

III. Mamimli ng isang akda mula sa mga propagandista at gawan ng repleksyon.

Reperensya
Dizon, R. B. at Mata, L. L. (2010). Literatura. Iligan City: MSU-IIT.
Mata, L. L., Dizon, R. B., at Gervacio, G.V. (2015). Ang sining ng maikling kwento. Iligan City:
MSU-Iligan Institute of Technology.
Sandoval, M.A. S. At Pantorilla, C. R. (2016). Batayan at sanayang aklat sa iba’t ibang anyo ng
panitikan. Iligan City: MSU-Iligan Institute of Technology.
Santos, A. L. at Tayag, D. A. (2011) Panunuring Pampanitikan: pagbasa at pagpapahalagang
pampanitikan. Iligan City: MSU-IIT.

11
Modyul sa Literatura ng Pilipinas

12

You might also like