You are on page 1of 14

NICOLAS JR F.

CABREJAS BSED 2E

KABANATA 4
PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN:
Katangian ng Panitikan at Mga Manunulat

Teka, teka bago natin talakayin ay gawin muna ang gawain ibaba.
Panuto: Basahin ang sumusunod na tula.
LUNSARANG
GAWAIN Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad


Sa bayan ng taong may dangal na ingat.
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
Kalakhan din niya’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog


Ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop
Dugo, yaman dunong, katiisa’t pagod,
Buhay may abuting maglagut-lagot.

GAWIN DITO:
1. Anong damdamin ang ipinapahiwatig ng tula?
Sagot: para sakin ang nais ipahayag ng tulang pagibig sa tinubuang lupa ay sadyang
madamdamin. Noong nakalipas na araw ni Bonifacio, ito ay itinanghal ng aking mga
kaklase ang tulang ito na kung saan binigyan ng interpretsyon. Ang interpretasyon
na kanilang isinagawa ay isang madamdaming pananalita na nanghihikayat sa madla.
Tagos pusong tinatanghal na parang bang may kalungkutan sa nakaraan na
kailangan na ilarawan at buksan ang ating kaisipan at maging bukas ang pananaw sa
kaganapan sa nakaraan.

2. Ano ang mensahi na nais ipaabot ng tula sa mga


mambabasa?
- Ang mensaheng nais ipaabut ng tulang ito na isinulat ni Andres Bonifacio
ay himukin ang kapwang pilipino na maging makabayan. Nais rin itong
ipabatid ng tula ma kailangan nating pukawin ang pagmamahal natin sa
sariling nating bayan. Ang pagpapakita ng pagmamahal sa ating bayan ay
siyang nararapat at kinakailangan ng bawat pilipino. Nais rin ipabatid ng
tula na ito ang sariling bayan at tahanan ng kanyang kababayan ang
magiging puso niya dahil mahal nito ang kanyang bayan kaya nais niyang
maging malaya ang ating bansa kaya kailangan niyang pangunahan ang
mga pilipino na lumaban sa mga espanyol para mabigyan kalayaan ang
bansang nais ng makamit ang tinatawag na tunay na kalayaan.

GAWIN NATIN:
A. Panuto: Sagutin ang tanong “Bakit nagkaroon ng panahon ng
pagkakamalay?” Ilagay ang sagot sa loob ng tatlong bilog.

Nais nilang ihasik sa


Panahon ng bawat Pilipino ang
Pagkakamalay damdamin at
pagmamalasakit ng isang
Nasusulat ang tunay na Pilipinong
mga akda noong makabayan, makatao at
panahong ito sa tunay na maka-Diyos sa
Wikang Kastila at anumang larangan ng
Tagalog. buhay

naglalayon na pukawin at
lubusang mamulat ang mga
Pilipino sa katotohanan; ang
makilala ng balana ang
kaabusuhang ginagawa ng mga
dayuhang mananakop sa sariling
bayang Pilipinas at ang maling
paniniwala sa relihiyon at mga
namumuno nito.
B. Bakit Wikang Kastila at Tagalog ang wikang ginamit sa
pagsulat ng mga akda sa panahon ng propaganda at
himagsikan?

SAGOT: wikang kastila at tagalog ang ginamit sa pagsulat ng mga akda sa panahon
ng propaganda at himagsikan dahil naniniwala sila na ang kanilang tanging layunin
sa kapanahunan na iyon ay pukawain ang natutulog na puso ng bawat pilipino. Na
dapat gumising ang mga pilipino sa mundo ng katotohanan. Ginamit nila ang kastila
at tagalog sa panahon ng propaganda at himagsikan dahil nais nilang ipaalala muli
na ang tunay na pilipino ay may taglay ng personalidad ng pagiging Pilipinong
makabayan, makatao at tunay na maka-Diyos sa anumang larangan ng buhay.

SUBUKAN NATIN:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. May pagkakaiba ba ang mga pinapaksa ng mga akda sa
panahon ng propaganda at himagsikan sa panahon ng
kastila? Ipaliwanag
SAGOT: para sa akin marami talaga ang pagkakaiba ng akda ng panahon ng mga kastila sa
kapanahunan ng propaganda at himagsikan. Sa kapanahunan ng mga kastila ay nakakasama
rito ang mga tinatawag na mga akdang pang wika, panlansangan, panrelihiyon , dula at iba pa.
Samantalang dito sa propaganda ay nakapaloob dito ang wikang kasila at tagalog na siyang
naging gamit sa pagsusulat. Sa propaganda ay ang bawat akdang pampanitikan at
pagtatanghal noon ay kababakasan ng pagkamakabayan at pagmamahal sa Inang Bayan ay
kababakasan ng pagkamakabayan at pagmamahal sa Inang Bayan. Ay nag-iba ng hugis ang
mga akdang pampanitikan gaya ng berso, dalit, at iba pang taludtod. Ang naging papel ng
panitikan sa panahong ito ay malaki. Ay nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng
pagbabago ang mga makata. Sumisigaw ang damdaming nasyonalismo sa mga taludtod ng
kanilang tula.

Ano ang layunin ng mga manunulat sa panahon ng


propaganda at himagsikan?
SAGOT:
Ito ang mga layunin ng kilusang propaganda
1.Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng
batas.
2.Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3.Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
4.Gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko.
5.Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o
pagpupulong,
At pagpapahayag ng kanilang mga karaingan

PUKAWIN NATIN:
Ang pagpapakita nang tunay na makabayan ng isang Pilipino noong panahon
ng kastila ay tila isang pagpapakamatay. Kung ikaw ay isa sa mga Pilipino na buhay sa
panahong iyon, makikiisa ka rin ba sa ipinaglalaban ng mga kabataang humihingi ng
pagbabago? Kung Oo, ano ang gagawin mo?

GAWIN DITO:
- Bilang isang Pilipino na mayroong pagmamahal sa ating bansa,
sabihin man nating may pagkakataong naduduwag tayo at
natatakot. Subalit kung nasa punto na tayo ng alanganin na
kailangan na talaga nating pumili alin ang nararapat at hindi ay
OO ang magiging sagot ko. Sa kapanahonan na kung saan
nawawalan na tayo ng tinatawag na kalayaan ay kailangan na
nating kumilos upang mabigyan ang ating bansa at maging ang
ating sarili na tinatawag na sariling kalayaan. Dahil para sa akin
ang kalayaan na sinisigaw ng sambayanan ay hindi lamang para
sa kanilang mga sarili kundi maging sa nakakarami. Ang tanging
bagay na magagawa ko lamang kung sakaling ako ang sa
posisyon ng nakaraan ay makikihalubilo ako sa kung ano ang nais
ng pinuno lalo na ang pag alsa ng digmaan para sa kalayaan
ibubuwis ko ang aking sarili kaysa sa habang buhay na maghihirap
at magiging alipin ng ibang bansa.

ARALIN 2:PANAHON NG PROPAGANDA:


Mga Manunulat at Akda

Sino sa mga manunulat na nasa larawan ang kilala mo?


LUNSARANG isulat ang kanyang pangalan at ang kanyang dakilang
GAWAIN naiambag sa bayan na alam mo. Isulat sa espasyo sa ibaba ang
iyong paglalarawan.

Sa aking mga nakikitang manunulat sa itaas ay nais ko


lamang itala dito ang aking kaunting kaalaman tungkol sa
kanila. Ito ay ang mga sumusunod;
1. Jose rizal – siya ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 at
namatay noong Disyembre 30, 1896) ang Buong pangalan niya ay si Jose
Protacio Mercado Alonzo Y Realonda na siyang Ipinanganak sa Calamba,
Laguna . sa karagdagan ang Mga ginamit na sagisag panulat (Laong Laan,
Dimasalang) at ang pinaksikat na ginawa niya ay ang Obra Maestra na Noli Me
Tangere at El Filibusterismo.

2. MARCELO H. DEL PILAR siya ay ipinanganak noong Agosto 30, 1850 at


namatay noong Hulyo 4, 1896. Ang kanyang Buong pangalan ay si Marcelo
Hilario del Pilar Y Gatmaitan. Sa karagdagang kaalaman na ang Mga Sagisag
Panulat Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat at Dolores Manapa. Siya rin ang nagtatag
ng Diaryong Tagalog (1882) – ang pahayagang ito ang naglalaman ng mga daing
ng mga Pilipino laban sa maling pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas.

3. MARIANO PONCE ( Marso 23, 1863 – Mayo 23, 1918) Isinilang sa Baliwag,
Bulacan
 Nakasulat ng mga akdang pampanitikan sa tatlong wika: kastila, Tagalog at
Ingles Ilan sa Mga Akda ni Ponce ay ang Pagpugot kay Longinus - isang
dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan Malolos, Bulacan at ipinalagay na
nagtataglay ng mga katangiang maipapantay sa kapanahunang dula sa espanya.

4. PEDRO PATERNO si Paterno ay ipinanganak noong Pebrero 27, 1857 at


namatay noong Marso 11, 1911na siyang Pinanganak sa Sta Cruz, Maynila
 Isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at nobelista ng kilusang propaganda
Unang Pilipino na nakalaya sa sensura sa panitikan noong mga huling araw ng
pananakop ng mga kastila.
5. ANTONIO LUNA siya ay ipinanganak noong Oktubre 29, 1866. Isang
parmayotikong dinakip at ipinatapos ng mga kastila sa espanya. Ginamit niya ang
sagisag panulat na Taga-ilog. Siya ay tinaguriang Tagapatnugot ng pahayagang “ La
Independencia” ang tagapamansag ng mga manghihimagsik at ng UnangRepublika ng
Pilipinas. Ang mga akda ni Luna ay natutungkol sa kaugaliang Pilipino at ang iba ay
tumutuligsa sa pamamalakad ng mga pamahalaan at simbahan
6. GRACIANO LOPEZ JAENA ay siyang ipinanganak noong Disyembre 17, 1856 at
namatay noong Enero 20, 1896 siya ay Isinilang sa Jaro, Iloilo. Siya ay Isang
mananalumpati na nakagawa ng 100 talumpati. Tinaguriang Demonthenes ng Pilipinas
. Tagapatnugot ng La Solidaridad

GAWIN NATIN:
P A. Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot sa mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang kilusang Propaganda?
SAGOT; Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusang itinatag sa Espanya
noong 1872–1892 ng mga Filipinong ilustrado sa Europa. Ilan sa mga
kasapi nito ang mga ilustradong sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena,
Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, at magkapatid na Juan at Antonio
Luna. Isa sa mga pangunahing layunin ng kilusan ang pagkakaroon ng
pantay na pagtingin at karapatan sa mga Español at mga Filipino,
pagkakaroon ng representasyon ng Filipinas sa Cortes (ang kongreso
ng España), sekularisasyon ng mga parokya, pagbubuo ng sistema ng
edukasyon na labas sa impluwensiya ng mga fraile, paglansag ng polo
(sapilitang paggawa) at vandala (sapilitang pag-bibili ng mga produkto
sa pamahalaan), pagkakaroon ng batayang kalayaan sa pagpapahayag.

2. Sa panulat ni Graciano Lopez Jaena, anu-anong paraan


ang kanyang ipinamalas sa pagtuligsa sa mga prayleng
kastila? Pangatwiranan

SAGOT; alam naman nating na si Jaena ay kinilala hindi lamang ng kanyang mga
kababayan kundi ng mga Kastilaman. Sinasabing lahat ay nabighani sa kanyang
mga talumpati at pananalita na kalimita’ytungkol sa abang kalagayan ng Pilipinas.
Bilang repormista, hinangad niya angpagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan at
simbahan at naging unang patnugot ngLa Solidaridad.

a.FRAY BOTOD-Sinulat niya bilang paglalarawang tumutuligsa sakamangmangan at


pagmamalabis ng mga prayle. Ang “botod” sa Hiligaynonay nangangahulugang
malaking tiyan.
b.LA HIJA DEL FRAILE -Nobelang nang-uuyam sa mahalay na gawain ngmga prayle.
c.MGA KAHIRAPAN SA PILIPINAS -Tumutuligsasamalingpamamalakad at
edukasyon sa Pilipinas.
d.SA MGA PILIPINO -Talumpatingnaglalayongmapabutiangkalagayan ng kaniyang
mga kababayan.

FRAY BOTOD Ang mga tao ay natuturuan ng relihiyon at dalhin ang kanilang patay
sa simbahanat maiburol sa paraang kristiyano, ngunit upang malaman lamang ang
napakalakinghalagang sinisingil ng mga prayle pagkatapos ng kanilang serbisyo, ay
baon ang namatayan sa pagkakautang. Sinangkalan ng mga prayle ang ngalan ng
Mahal na siyangnagbibigay biyaya upang sila ay mag-abuloy.Ang mga prayle na dapat
magbigay ng mabuting halimbawa ay siyang nagbibigayng daan na ang ibang paring
Pilipino’y lumabis pa sa kanila.Ang isang mahirap ay nakakautang ng pera sa mga
prayle na may ibayong tubo atdahil sa laki ng tubo, ang isang mahirap ay halos walang
matira sa kanyang pag-aaral
B. Panuto: Tukuyin ang Tatlong Taluktok ng Propaganda at isa sa kanilang mga
akda na may malaking impluwensiya sa Panitikang Pilipino. Ilagay ang
iyong sagot sa tatlong sulok ng parisukat.

JOSE RIZAL
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me
Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad ng
mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga
Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Marcelo H. Del Pilar

Ang tinubuang lupa ang isa sa mga


akda ni Del Pilar na nagkaroon ng
malaking impluwensya na kung
saan hanggang ngayun ay
dinidiskusyon ito sa panitikang
Pilipino at itinatanghal ng bawat
kabataan. Isa ito sa mga nagging
sikat na gawa niya na mayroong
malalim na mensahe na dapat
nating maunawaan .

Graciano Lopez Jaena

Ang Fray Botod ay ang pinakakilala na akda ni Jaena na sinulat niya pagkatapos ng
himagsikan sa Kabite. Ito ay tumutuligsa sa mga prayle na masiba, ambisyoso at imoral
ang pagkatao. Ang “satire” o mapagpatawang bisaya ay “malaki ang tiyan” o
mapagpatawang kuwentong tuligsa sa kasamaang laganap noon sa simbahan.

SUBUKAN NATIN:
Panuto: Tukuyin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Titik lamang ang isulat sa
patlang bago ang bilang.

C 1. Siya ay may sagisag na Plaridel


D 2. Siya ang patnugot ng El Resumen
K 3. Tagapamansag ng mga manghihimagsik at ng UnangRepublika ng Pilipinas.
I 4. Kilala siya sa sagisag na JOMAPA
G 5. Ito ay isang sanaysay na naglalarawan ng tunay na buhay ng mga Filipino.
O 6. Ito ay isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa tuligsa ni P. Rodriguez sa Noli
ni Rizal
B 7. Siya ang sumulat ng Fray Botod
L 8. Obra Maestra ni Paterno
F 9. Siya ang nagtatag ng Iglesia Filipina Independencia
K 10. Ang mga akda niya ay natutungkol sa kaugaliang Pilipino at ang iba ay
tumutuligsa sa pamamalakad ng mga pamahalaan at simbahan.
A 11. Siya ay kabuuan ng isang henyo.
N 12. Siya ang nakasulat ng mga akdang pampanitikan sa tatlong wika: kastila, Tagalog
at Ingles
J 13. Ito ay isang panunuya ni del Pilar sa mga pari.
E 14. Kabilang siya sa tatlong panahon ng panitikan.
H 15. Naglalaman ito ng mga daing ng mga Pilipino laban sa maling pamamalakad ng
mga Kastila sa Pilipinas.

a. Jose Rizal i. Jose Maria Panganiban


b. Graciano Lopez-Jaena j. Dasalan at Tocsohan
c. Marcelo H. Del Pilar k. Antonio Luna
d. Pascual Poblete l. Ninay
e. Pedro Paterno m. La Independencia
f. Isabelo Delos Reyes n. Mariano Ponce
g. Noche Buena o. Kaiigat Kayo
h. Diaryong Tagalog

PUKAWIN NATIN:
Tinuran ni Rizal ang kasabihang“Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan.” Bilang
kabataan, paano ba dapat magmahal ang isang Pilipino sa kanyang bayan? Ipaliwanag
ang iyong kasagutan.

- Bilang isang mamamayang pilipino at bahagi ng tinatawag na kabataan ang


pag asa ng bayan ay ang bagay na kaialangan nating ipakita ay ang
pagiging isang makatao- makabayan- at maka diyos. Subalit ang mga
karagdagan na kailangan nating patunayan na ang kabataan ang pag asa ng
bayan sa pamamagitan ng pag aaral ng mabuti, pagrespeto sa bawat isa,
pagmamahal sa kalikasan, at maging sa bansa. Kung tayo ay may respeto at
pinag aralan ay alam natin ang tamang kahulugan ng kabataan ang pag asa
ng bayan. Kapag nakapagtapos man tayo at wala tayong respeto ay di natin
ito maitatawag na pag asa ng bayan kundi makakasira ng bayan lalo na
kapag masyadong mayabang. Bilang isa sa mga estudyante ay binibigyan
ko halaga ang aking pag aaral at alamin ang mga bagay na dapat iwasan at
bigyan pansin tungo sa ikakaunlad ng sarili at maging sa ating bansa.
Maipapakita mo lamang ito sa pagiiwas sa mga bawal na bagay, bawal na
kagawian at mga negatibong pamamaraan. Pagmamahal sa bayan ay
maipapakita mula sa sarili. Ang pagmamahal at respeto sa sarili ay siyang
unang magandang larawan na masasabi nating tayo ang pag asa ng bayan.
ARALIN 3:
Halina na at ating simulan.

4 PIK 1 WORD: Tingnan nang mabuti ang apat na larawan.


Ano ang tinutukoy nito?
LUNSARANG
GAWAIN

__ A __ __ P __ N __ __
Sagot: KATIPUNAN

GAWIN NATIN:
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang kinahinatnan ng pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan?
- Ang kinahinatnan ni Dr. Jose Rizal ay hindi naging maganda. Marami siyang
pagsubok na pinagdaanan: mula sa pagkakakulong sa Dapitan sa bayan ng
Zamboanga, hanggang siya ay mapatawan ng parusang kamatayan sa
Bagumbayan, na mas kilala bilang Luneta sa kasalukuyan. Gayunpaman, ang
mga naging sakripisyo niya para sa bayan ay sadyang hindi matatawaran.
Dahil dito, siya ay kinikilala bilang pambansang bayani ng ating bansa.
2. Bakit wikang Tagalog ang naging wikang sandata sa pagpaparating ng himagsik
ng kaisipan ng mga manunulat?
- Malinaw naman sa atin na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na
ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng
isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa
kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at
maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong
kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa
kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa
kanyang bansa. Wikang tagalog ang ginamit nila upang maunawaan ng
bawat pilipino ang mga salitang nakalaan dito dahil lahat ng tao ay
marunong magsalita ng espanyol.

SUBUKAN NATIN:
A. Panuto. Piliin ang titik na hindi dapat kasama sa pangkat.Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.
B 1. a. Emilio Jacinto d. Jose Palma
b. Mariano Ponce e. Apolinario Mabini
c. Andres Bonifacio
E 2. a. Liwanag at Dilim d. A Mi Madre
b. Kartilya ng katipunan e. Junto Al Pasig
c. La Patria
C 3. a. Andres Bonifacio d. Apolinario Mabini
b. Jose Palma e. Pio Valenzuela
c. Graciano Lopez Jaena
C 4. a.Agapito Bagumbayan d. Magdiwang
b. May Pag-asa e. Andres Bonifacio
c. Pingkian
C 5. a. Katipunang Mararahas ng mga Anak ng Bayan
b. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
c. Liwanag at Dilim
d. Katapusang Hibik ng Pilipinas

B. Panuto. Punan ang talahanayan sa ibaba.


MANUNULAT AKDA DESKRIPSYON
1. ANDRES Katungkulang Gagawin - Isang kartilya na
BONIFACIO ng mga anak ng Bayan nahahalintulad sa sampung
utos ng Diyos ang
pagkakahanay.

Huling Paalam - Salin sa Tagalog ng Mi Ultimo


Adios ni Jose Rizal

Ang Pag-ibig sa - tulang naging katulad ng


Tinubuang Lupa pamagat ni Marcelo H. Del
Pilar
Katapusang Hibik ng - isang tula bilang
Pilipinas pagpapatuloy sa mga diwang
sinimulan ni Hermenegildo
Flores sa kanyang tulang “
Hibik ng Pilipias sa Inang
Espanya” na tinugon naman
ni marcelo H. Del Pilar sa
kanyang tulang “ Sagot ng
Hibik ng Pilipinas.
Ang Dapat Mabatid ng
mga Tagalog - ito ay isang panawagan sa
kanyang kababayan na
gamitin ang isip at talino
upang lubos na makamtan
ang minimithing kalayaan.
Katipunang Mararahas
ng mga Anak ng Bayan - Ito ay isang panawagan sa
kanyang mga kababayang
ihanda ang ang kalooban sa
pakiipagtunggali at ang pag-
asang magtagumpay ay
makakamtan sapagkat nasa
kanila ang katuwiran at mga
kabanalang gawa.
2. EMILIO Kartilya ng Katipunan - ang siyang napiling maging
kautusan ng Katipunan.
JACINTO
Liwanag at Dilim - Kalipunan ng mga sanaysay
ni Jacinto na napapalooban ng
mga iba’t ibang mga paksain
tulad ng katapatan, kalayaan,
pagkakapantay-pantay,
paggawa, paniniwala,
pamahalaan at pag-ibig sa
bayan.

A Mi Madre ( Sa Aking - isang madamdaming oda


Ina)

A La Patria (sa bayang - Ito ay tula niya sa Kastila na


Tinubuan) ipinalalagay na kanyang obra
maestra.

3. PIO Catwiran”. - Isang sanaysay na alay sa


VALENZUELA bayan

4. APOLINARIO El Verdadero Decalogo - Ito ang pinalalagay na pinaka


(Ang Tunay na Sampung obra maestra ni Mabini. Ang
MABINI Utos) pinakahangarin ng akdang ito
ay ang magpalaganap ng
nasyonalismo.

5. JOSE PALMA Y - Ito ang naging ambag ni


Pambansang Awit ng Velasquez
VELASQUEZ Pilipinas

PUKAWIN NATIN:
Panuto. Sagunin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Sa iyong palagay, alin ang pinakatampok na pangyayari na siyang nagpabago ng
takbo ng panitikan noong panahong iyon?

GAWIN DITO

para sa akin ang pinakatampok na pangyayari ay ang pag alsa ng ating


mga bayani sa pamamagitan ng mga akdang isinagawa at ang paglakas
loob na bigyan ng kalayaan ang bawat pilipino. Dahil sa mga akdang
isinagawa ay kayraming mga bagay ang nagbago at naging may
magandang ulot ito. Ang bawat akda na isinagawa ay siyang dahilan ng
pagbabago ng ating panitikan na sa ngayun ay ginagawa parin natin at
pinapatuloy subalit may kaunting pagbabago lamang.

You might also like