You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA

PANITIKANG FILIPINO

Pangalan: Michy Marie D. De Leon Petsa: Enero 8, 2024


Baitang, taon at seksyon: 3-A BSBAHRMOUMN Prop. Alyssa Manalo Teodoro

I. Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang iyong sagot. (2 puntos bawat isa)

Tabon Man Katipunan las islas Filipinas baybayin


Sampaguita Talihaga tagabayan 1521
May Bagyo Ma’t May Rilim tagabukid Igorot ladinos
Vocabulario de la lengua tagala ambahan Pedro Bukaneg La Solidaridad
Mahal na Passion tanaga tubig Ninay
Misyonero magulang korido buhok
komedya awit lambat 1974
Herminegildo Flores Bagobo

Talinhaga 1. Tinataguriang puso ng isang katutubong tula.

1521 2. Kailan nagsimula ang bilang ng sinaunang kasaysayan.

Igorot 3. Isa sa mga kilalang tribo na lumaban sa mga manakop.

Bagobo 4. Isa sa mga tribong malayo sa mga kolonyalisador.

Ambahan 5. Ito ay isang ilustrasyon ng porma at pamamaraan ng sinaunang katutubong panulaan ng


kontemporaryong Hanunoo-Mangyan.

Tanaga 6. Mayroon itong saknong na mayroong apat na taludtod na nakasulat sa Tagalog.

Tubig 7. “Kapag hiniwa mo, Naghihilom nang walang pilat.”

Magulang 8. “Hulaan kung sino, Ang hindi magiging ganon kung walang sinturon.”

Buhok 9. “Ako’y punong sanggiring, Hindi namamatay kahit putulin”

Lambat 10. “Malaking bahay, libot ng durungawan”

Las Islas Filipinas 11. Unang katawagan sa bansang pilipinas ng mga kanluraning mananakop.

Tabon Man 12. Natagpuan sa isang kweba sa Palawan noong 1962.

Baybayin 13. Tawag sa sinaunang Paraan ng pagsulat ng mga Pilipino.

Vocabulario de la lengua tagala 14. Isinulat nina Pedro de Sanlucar at Juan de Noceda bilang halimbawa ng
sinaunang panitikang oral na naisatitik.

Taga-bayan 15. Naaabot ng kapangyarihan ng simbahan at ng estado sa pueblos.

Taga-bukid 16. Ang mga malalayo sa mga administrador na kolonyal at sa kanilang mga galamay o mga
nakatira sa bundok o kanayunan.
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA

May Bagyo Ma’t May Rilim 17. Ang unang tulang na nailathala sa Memorial de la vida Cristiana noong 1605.

Iadinos 18. Mga pilipinong mga marunong magbasa at magsulat ng latin.

Pedro Bukaneg 19. Ilokanong makata na sumulat ng Biag ni Lam-Ang.

Mahal na Passion 20. Ito ay pinahahalagahan bilang isang naratibo ng Kristiyanismo pampalit sa mga tulang
epiko ng mga pagano noong sinaunang panahon.

Misyonero 21. Ang tinataguriang patron ng panitikan noong panahon ng pananakop ng mga kastila.

Komedya 22. Ito ay nagmula sa mga kwento ng Kastila patungkol sa mga natatanging mandirigma at sa
makulay nitong pakikipagsapalaran hinggil sa pag-ibig at katanyagan.

Korido 23. Ito ay tulang naratibo na may apat na monoriming octasyllabic na linya.

Awit 24. Ito ay tulang naratibo na binubuo ng apat na monoriming dodecasyllabic na linya.

1974 25. Nadiskubre lamang ang buong kopya ng Orosman at Zafira ni Balagtas noong taong ito.

Herminegildo Flores 26. Sumulat ng “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”

Ninay 27. Unang nobelang Pilipino.

La Solidaridad 28. Opisyal na pahayagan ng kilusang propagandista.

Sampaguita 29. Isang koleksiyon ng mga tula ni Pedro Paterno na nakasulat sa kastila.

Katipunan 30. Sila ang unang nagtalaga na gamitin bilang opisyal na wika ng Rebolusyon ang wikang
Tagalog.

II. Noong panahon ng mananakop na Kastila, iilan lang ang tala ng mga kababaihan bilang
manunulat tulad ni Gregoria de Jesus na asawa ni Andres Bonifacio, bakit kaya wala halos
babaeng manunulat sa panahong ito? (20 puntos)

Para sa akin, isa sa mga dahilan kung bakit iilan lamang ang tala ng mga kababaihan noong
panahon ng mananakop na Kastila ay dahil noon pa man ay talamak na ang diskriminasyon at ang
paninira sa mga kababaihan. Kahit noong sinaunang panahon ay nakatatak na sa isip ng mga
Pilipino na ang mga kababaihan ay dapat nasa loob lamang ng bahay na kung saan sila ay
nagaalaga sa kanilang mga anak at gumagawa ng gawaing bahay. Habang ang mga kalalakihan
ang siyang dapat na nagta-trabaho o nagha-hanapbuhay para sa kanilang pamilya. Ang mga
kababaihan ay pinagkaitan din ng mga pagkakataon upang ituloy ang mas mataas na antas ng
edukasyon at pag-aaral. Nakakalungkot isipin, pero naniniwala ang mga Pilipino noon na hindi
kayang gawin ng mga babae ang kayang gawin ng mga lalaki. Sa madaling salita, ang mga
kababaihan ay inaalisan ng karapatang mabuhay nang malaya at galugarin ang kanilang mga
kakayahan sa maraming paraan.
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA

III. Paano mo iuugnay ang tulang “Katapusang Hibik ng Pilipinas” na isinulat ni Andres
Bonifacio sa aktwal na sitwasyon ng mga Pilipinas sa kasalukuyan. (20 puntos)

Ang tulang “Katapusang Hibik ng Pilipinas” na isinulat ni Andres Bonifacio ay tungkol sa


pagpapakita ng pagmamahal sa bayan at ang katapusang pagsamo ng ating bayan sa Espanya.
Bukod dito,nagpapahayag din ito ng poot at pagbabanta sa mga sumakop sa ating bansa. Sa
paglalapat nito hanggang sa kasalukuyan, masasabi nating tayong mga Pilipino ay maaaring
yumakap pa rin sa iba't ibang kultura, paniniwala, relihiyon, wika, at marami pang bagay na minana
natin sa ating mga mananakop at sinusunod pa rin hanggang ngayon. Gayunpaman, habang ang
tulang ito ay nagpapakita ng banta ni Bonifacio sa mga mananakop, unti-unting lumuluwag ang
ating pagkaalipin sa ideolohiya ng mga dayuhang mananakop at tayo ay naiwan sa sarili nating
mga ideya na dapat pagyamanin ng kasalukuyan at susunod na mga henerasyon. Naniniwala ako
na malaki ang potensyal para sa pagkakakilanlan.

You might also like