You are on page 1of 26

PANULAAN SA PANAHON

NG MGA KASTILA
PANAHON NG MGA KASTILA
(1565 - 1898)
Sinabi nina Angeles, Matienzo at Panganiban(1992)
na bago pa dumating sa Pilipinas ang mga Kastila,
ang ating mga ninuno ay marunong ng bumasa’t
sumula’t, ngunit nang pumasok ang "abecedario"
ng mga Kastila ay halos biglang naging mangmang
ang mga katutubong Pilipino.
2
TULA
Nanatili ang mga uri ng tula
Himig ay naging makarelihiyon
Nagtuturo ng pagkilala at pagsamba
sa Diyos, Santo at Santa at kay Kristo
Lumaganap ang berso
3
LADINO
Ang mga nagsasalita ng magkasamang
wikang Kastila at Tagalog.
A ver, kung siya’y suminta
ngayong ako’y de levita”
pagkat ang aking “echura”
Kastila’t di na Ita.
- La India Elegante y el Negrito Amante
4
TOMAS PINPIN JOSE DELA CRUZ FRANCISCO BALAGTAS
Naging guro ni F. Balagtas Ama ng panulaang Pilipino
Ama ng Palimbagang Pilipino
sa pagsulat ng tula Manunulat ng Awit at Korido
Mahilig sumulat ng Berso
Hari ng mga Makata Obra Maestra - "Florante at Laura"

5
PANULAANG LUMITAW
SA PANAHON NG
KASTILA
6
1. DUPLO
ito ang pumalit sa Karagatan. Labanan ito ng
pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang
patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga
kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas
laruin tuwing may lamay sa patay.

7
2. AWIT
uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-
aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang
bawat taludtod ay may lalabindalawahing
pantig.

HALIMBAWA:
FLORANTE AT LAURA
8
3. KORIDO
Ang korido ay isang uri ng tulang pasalaysay na
karaniwang binubuo ng mga saknong at kabanata.
Ito ay nagsasaad ng mga pakikipagsapalaran ng
mga bayani, kadalasang naglalaman ng mga tema
tulad ng pag-ibig, katapangan, at kabayanihan.
HALIMBAWA:
IBONG ADARNA
9
4. KARAGATAN
Isang larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang
yumao, subalit sa Katagalugan, ang Karagatan ay isang
dulang nababatay sa isang alamat tungkol sa singsing ng
isang prinsesa.

10
5. ODA
Ang oda ay karaniwang isang liriko o isang uri ng
tulang awitin na nakasulat bilang papuri o dedikasyon
para sa isang tao o isang bagay na nakakakuha ng
interes o pagtuon ng makata.

HALIMBAWA:
PAGSISIKAP
11
6. DALIT
isang uri ng pasyon o pag-awit na bahagi ng
panrelihiyong kultura ng mga Pilipino. Ito ay
nagmula sa Latin na salita na "del" na ibig sabihin ay
papuri o paghanga.

HALIMBAWA:
SANTO ROSARIO
12
7. PASYON
isang uri ng pagtatanghal o babasahing orasyon o
dasal na naglalarawan ng buhay, kamatayan, at
paghihirap ni Hesukristo.

13
8. TANAGA
Ang tanaga ay isang tulang Tagalog na palasak na bago pa
dumating ang mga Kastila. Ito ay may mataas na uri. Binubuo
ito ng apat na taludturan na may pituhang pantig. Ang tanaga
ay nahahawig sa haiku at muling naging palasak ang tanaga
noong panahon ng Hapon. Ang tanaga ay itinuturing na
malayang tula at sagana sa talinghaga

HALIMBAWA:
Palay
14
9. DIONA
Isang uri ng awiting bayan na anyong tula ngunit
may tugtugin at indayog na ayon sa damdamin,
kaugalian, at himig ng pag-awit noong unang
panahon. Ito rin ay isang awiting pangkasal o awiting
panligaw. Binansagan din itong "Pinoy Haiku".

HALIMBAWA:
Kahit Maputi na ang Buhok ko
15
10. AWITING BAYAN
Ang awiting bayan ay tradisyonal na awit na
nagpapahayag ng opinyon, damdamin, at karanasan
ng mga Pilipino. Ito ay naglalarawan ng pang-araw-
araw na buhay, kaugalian, at kasaysayan, at
tumutulong sa pagpapaunlad ng pagkakakilanlan.

HALIMBAWA:
Manang Biday
16
PANAHON NG PROPAGANDA
AT HIMAGSIKAN
Dahil sa patuloy na pang-aapi at pang- aalipusta,
nagising ang mga Pilipino lalo na yaong mga
nakapag-aral sa tunay na kalagayan ng bansa noon.

17
TULA
Ang mga makata ay nagpahayag ng pagnanais
na magkaroon ng pagbabago
Sa mga taludtod ng kanilang tula ay sumisigaw
ang damdaming nasyonalismo
Nanguna sa mga makabayang Pilipino na
sumulat ng mga akdang patula: Jose Rizal,
Marcelo H. Del Pilar, at Andres Bonifacio
18
MGA NANGUNANG
INTELEKTWAL NA
PROPAGANDISTA
19
Jose Rizal
Pambansang bayani
Ginamit ang sagisag na "laong-laan" at
"Dimasalang bilang sagisag panulat.
Akda: Noli Me Tangere, El Filibusterismo

Marcelo H. Del Pilar


Itinatag ang "diyaryong tagalog" noong 1882, na
pinaglathalaan niya ng mga puna at pansin sa hindi
mabuting pamamalakad ng pamahalaang Kastila.
kilala sa kanyang sagisag panulat na "Plaridel".
Akda: Kaiigat kayo, Pag-ibig sa tinubuang lupa
20
Graciano Lopez Jaena
Nagtatag ng pahayagang "La Solidaridad"
Nakagawa ng 100 talumpati na hanggang
ngayon ay binabasa ng makabagong
Pilipino.
Akda: Fray Botod, La Hija Del Praile

Antonio Luna
May sagisag na "taga-ilog"
Akda: Noche Buena, La Tertulia Filipina (sa
piging ng mga Pilipino)
21
Mariano Ponce
Naging tagapamahalang patnugot,
mananalambuhay, at mananaliksik ng
Kilusang Propaganda. Kanyang sulat
sagisag ay "Tikbalang".
Akda: Mga Alamat ng Bulakan, Pagpugot kay Longino

Pedro Paterno
Isang iskolar, dramateryo, mananliksik,
at nobelista ng Kilusang Propaganda.
Akda: Ninay, A Mi Madre (Sa aking Ina)
22
Jose Ma. Panganiban
Ikinubli ang pangalan sa sagisag panulat na
"Jomapa"
Akda: Ang Lupang Tinubuan, Sa aking bahay

Andres Bonifacio
Kilala bilang "ama ng demokrasyang
Pilipino" ngunit higit sa lahat, bilang
"Ama ng Katipunan"
Akda: Huling Paalam (Salin sa Tagalog ng Mi
Ultimo Adios)
23
Apolinario Mabini
Siya ay binansagang "Dakilang Lumpo"
Utak ng Himagsikan
Akda: El Verdado Decalogo (Ang Tunay na
Sampung Utos)

Emilio Jacinto
•Ay kinilalang "Utak ng Katipunan", sapagkat
tumayo siya bilang kanang-kamay ni Bonifacio.
May sagisag panulat na "Dimas Ilaw"
Akda: Kartilya ng Katipunan, Liwanag at Dilim
24
KONKLUSYON
ang panulaang Filipino sa panahon ng Kastila ay
may malaking impluwensya mula sa mga Kastila,
ngunit ipinapakita rin nito ang sariwang perspektiba
at buhay na karanasan ng mga Pilipino. Ito ay
nagsisilbing salamin ng lipunan, kultura, at
tradisyon ng panahong ito.
maraming salamat!

19

You might also like