You are on page 1of 30

PANITIKAN SA

PANAHON NG
KASTILA
Miguel Lopez de Legaspi (1565)- Kauna-unahang Kastilang naging gobernador heneral.

Pinakamahalagang pangyayaring pangkasaysayan:


a. Pangunahing hangad ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko Apostolika
Romano, pagpapalawak ng kanilang hanapbunay na pambansa at ng kanilang nasasakupang
lupain.

b. Mahigit na isang daang pagbabangon laban sa kapangyarihan ng Kastila ang ginawa ng mga
Pilipino. Ang mga pagbabangon ay nabigo sapagkat hindi pa tayo nakakakilala ng pagkakaisa at
nasyonalismo.

c. Maraming nagtangkang lumusob at umagaw sa Pilipinas tulad ng Instik, Hapon, Olandes


ngunit ang Ingles lamang ang nakapasok noong 1762-1764.

d. Binigyang kasiglahan ang sining at siyensya gayon din ang kagalingang panlipunan noong
panahon ni Gobernador Jose Basco (1778).

2
e. Ang mga pamilyang Pilipino ay nabigyan ng apelyidong Kastila noong panahon ni Claveria
(1849). Malinaw ring nakikita ang impluwensyang Kastila sa pananamit, sining musika, panitikan
at kaugaliang panlipunan. Naging masigla rin ang mga gawaing panlipunan at paggalang sa
kababaihan.

f. Sa mga huling bahagi ng panahong ito umunlad ang hanapbuhay ng mga tao dahil sa
pakikipagkalakalan sa Espanya at Europa.

3
Ano ang naging
impluwensiya nila sa
Panitikang Filipino?
1 .Napalitan ng Alpabetong Romano ang baybayin.

2.Naging saligan ng gawaing panrelihiyon ang Doctrina Cristiana.

3.Maraming salitang Kastila ang naging bahagi ng wikang Filipino.

4.Naging bahagi ng panitikang Filipino ang alamat ng Europa at


tradisyong Europeo tulad ng awit, korido, moro-moro, at iba pa.

5.Pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino.

6.Pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain sa panahong


ito.

7 .Pagkakaroon ng mataas na uri ng edukasyon.

5
Frank Laubach

“ Ang mga paaralang itinayo ng


Espanya sa Pilipinas ay lalong
magaling kaysa itinayo sa
Amerika at sa Espanya sa
pananong iyon.”

6
Paaralan na nananatili pa hanggang sa ngayon ay:

▫ 1.U.S.T. (161)
▫ 2.Letran (1620)
▫ 3.Colegio de Santa Isabel (1632)
▫ 4.Beaterio dela Compania (1694)
▫ 5.Beaterio de Sta. Catalina (1696)
▫ 6.Colegio de Sta. Rosa (1750)
▫ 7.Concordia College (1869)

7
Mga akdang nailimbag:
MGA AKDANG PANRELHIYON AT PANGKAGANDAHANG-ASAL
DOCTRINA CRISTIANA
Doctrina Cristiana ang kauna-unahang aklat na panrelihiyong nalimbag sa pamamagitan ng
silograpiko noong 1593 dito sa Kastila at Tagalog. Ang sumulat sa Kastila ay si Fr. Domingo Nieva at sa
tagalog ay si Fr. Juan de Plancencia. Inilahad ng aklat ang mga pangunahing aral ng Kristiyanidad na
nararapat na saulado ng mga matatapat sa Iglesya. Ang mga nilalaman ay sumusunod:
1.Pater Noster (Ama Namin)
2.Dios Te Salve Maria (Ave Maria)
3.Credo- Ang Sumasampalataya Ako
4.Ang Sampung Utos ng Diyos
5.Ang mga Utos ng lglesia
6.Ang Pitong Kasalanang Mortal
7.Ang Labing-apat na Pagkakawangga
8
ANG PASYON
Hindi kaila sa atin na sa pagdating ng mga Kastila, ang pinakamalaking
kontribusyon na binigay sa atin ay ang pananampalatayang nakapagtataka na
masulat hanggang sa kasalukuyan ang sakit, pagdurusa at buhay ng ating
Panginoong Hesukristo, Ito ay tinatawag na PASYON na inaawit tuwing panahon
ng Kuwaresma. Ang tono ng awit ay naaayon sa pook at lalawigan. Kapag ito ay
inaawit, sagutan ang babae at lalaki.

May apat na bersyon ng Pasyon ang nasulat. Ito ay ang akda ni Gaspar Aquino de
Belen (1704), Don Luis Guian (1750), P. Mariano Pilapil (1814), at P. Aniceto dela
Merced (l1856). Sa apat na nabanggit, ang sinulat ni P. Mariano Plapil ang naibigan
ng mga tao. Ito ay may walong pantig at limang taludtod sa bawat saknong. Ang
Kanya ring akda, ang nasulat sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas. Tulad ng Tagalog,
Iloko, Bisaya at Bikol. Ang kay P. Aniceto dela Merced naman ang ipinalalagay na
pinakapampanitikang akda.
9
Ang nilalaman ng Pasyon ay ang mga sumusunod:
1. Ang Panalangin sa Diyos at Mahal na Birheng Maria
2. Ang Paglalang ng Panginoong Diyos sa Buong Mundo
3. Ang Pangingimbulo ng Demonyo sa Mag asawang Adan at Eva
4. Ang Panganganak ni Santa Ana kay Ginoong Santa Maria
5. Ang Pagkalkatawang- tao ng lkalawng Fersona si Sinapupunan ni Ginoong Sta Maria.
6. Panganganak kay Jesus
7. Ang Pagbibinyag kay Jesus
8. Ang Pagdalaw ng latlong Haring Mago
9. Ang Pagpapapugot ni Herodes sa Lahat ng Sanggol
10. Ang Pagdalaw sa Templo ng Jerusalem
11. Mga Himalang Ginawa ni Hesus
12. Hula ng mga Propeta sa Ating Panginoong Hesukristo
13. Domingo de Ramos
14. Lunes Santo
15. Martes Santo
16. Miyerkules Santo
17. Huwebes Santo
18. Biyernes Santo

10
PAGSUSULATAN NG DALAWANG BINIBINI NA SINA URBANA AT SI FELIZA
NI PADRE MODESTO DE CASTRO
Kaalaman Ukol sa May-akda:
● ipinanganak noong unang hati ng ika-19 na dantaon sa Binyang, Laguna
●nag aral sa Colegio Real de San Jose
● naging Kura sa Catedral ng Maynila at Naik, Cavite
● kumatawan sa prosa tagalas
●Tinaguriang Ama ng tuluyang klastika at Tagalog

Nilalaman ng Paunawa sa Pabasa

□ Para sa mga Binata - itinuturo kung paano makipagkapwa-tao at kung paano magkakaroon ng
magandang kaasalan.
□ Para sa mga ina- binabanggit kung paano maaaring palakihin ang anak sa matuwid na landas at
bigyan ng magandang asal upang lumaking may takot sa Diyos.
□Urbana - sa pangalang ito mababasa ang magaling na pakikipagkapwa-tao.
□Feliza- Sinasagisag ang Kaligayahang natatamo dahil sa pagpapakabuti at karangalan.
□ Honesto-Sagisag ng kalinisang budhi at karangalan.
□Paumbong - unang bayang pinagkautangan ng pagod.
11
FLORANTE AT LAURA
Mga Tauhan:
Florante- Kristiyanong gerero ng Albania, anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca.
Laura- Prinsesa ng Albania, anak ng Haring Linceo ng Albania, kasintahan ni Florante.
Aladin- Gererong moro ng Persia, nagligtas kay Florante sa kamatayan.
Flerida- Dalagang mora na nagligtas kay Laura sa kamay ni Adolfo.
Menandro- Pamangkin ng guro ni Florante.
Adolfo- Anak ng Konde Sileno ng Albania, nagtangkang umutas sa buhay ni Florante. Siya rin ang
umagaw sa trono ni Haring Lincco.
Antenor- Ang mabait at matalinong guro ní Florante, Adolfo at Menandro.
Duke Briseo- Tagapayo ng Haring Linceo ng Albania, ama ni Florante.
Prinsesa Floresca-Dukesa ng Albania, ina ni Floraunte.
Ali Adab- Sultan ng Persia, ama ni Aladin.
Konde Sileno- Hari ng Albania, ama ni Laura.
Heneral Osmalik-Pinuno ng hukbong Moro na sumakop sa Albania.
Heneral Miramolin- Pinuno ng hukbong Turko na lumusab sa Alhania.
Menalipo- Pinsan ni Florante na taga- Epiro.
Hari ng Krotona-Ama ni prinsesa Floresca, lolo ni Florante.

12
Buod
Ang tulang paawit na ito ay kasaysayan ng pag-ibig nina Florante at Laura na punung puno ng
pakikipagsapalaran na sinira ni Adolfo, ang Kontrabida ng kasaysayang ito sapagkat siya ang
dahilan ng lahat ng kawalang-hiyaang nangyayari, na hinadlangan naman ng magkatipang moro
upang huwag Siyang magtagumpay.

Ang kasaysayan ay nagwakas din nang masaya sapagkat hindl nagtagumpay ang kasamaan laban sa
kabutihan.

Ito ay nagbibigay ng aral na ang dalawang tao ay maaaring maging magkaibigan kahit na ito ay
magkaiba ng paniniwala at paninindigan sa buhay. Ang pinakamahalaga ang kasamaan kailanman
ay hindi maaaring magtagumpay laban sa kabutihan.

13
Ang “Kay Selya”
Nagbalik sa gunita ni Balagtas ang mga nakaraan at masasayang sandali nila ni Selya. Inialay kay
Selya ang Florante at Laura na salat man daw sa tamis ay nagmula naman sa kaibuturan ng
kaniyang puso.

“Sa Babasa Nito”


Itinagubilin ni Balagtas sa mga babasa nito na bagaman sa biglang tingin, ang tula ay walang iniwan
sa isang bungang kahoy na bubot sapagkat hilaw at mura pa, nais niyang intindihin itong mabuti at
siguradong ito’y kanilang magugustuhan. Itinatagubilin din nila na huwag magtatangkang baguhin
ang berso at sigurado hindi ito maiintindihan.

14
Mga Natatagong Tuligsa

Makikita ang mga natatagong tuligsa ni Balagtas sa awit na Florante at Laura


Dito ay inilalarawan niya ang iba’t ibang uri ng kasamaan ng pamahalaang Kastila.Bagama’t ang
pagsalaysay ay di tumiyak na iyon ay nangyari sa Pilipinas, ang mga pangyayari ay akmang- akma
at malapit na larawan ng nangyari rito noon.

Upang mailigaw ang mga bumabasa ay tinawag niyang “Kaharian ng Albania” ang pinangyarihan
ngunit ang pangalan ng mga tauhang gumaganap sa dula ng awit ay pawang mga pangalang
kristiyanong Kastila at ang mga moro ay pangalang Arabe pawang palasak sa mga nobela at
kwentong Kastila.

Lubha ang pagsusuri ng mga aklat at iba pang babasahing bayan ang umiral noon Comision
Permanente de Lensura kung kaya maingat sa paghahanda si Balagtas ng mga babasahin o awit na
may lihim na tuligsa sa nakatatag na pamahalaan. Kaya idinaan ni Balagtas sa uri at ayos paawit
ang pagsasalaysay ng kanyang mga isipang kunwari’y paaliw ngunit patuligsa.

15
ANG MGA DULA SA
PANAHON NG KASTILA

16
• Mula sa taong 521, hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, ang mga
Pilipino ay may lmpluwensiyang Kastila sa kanilang mga gawi at pamumuhay.

• Dulaan/Dula- isang paraang ginamit ng simbahan upang mapalaganap ang


Kristiyanismo.
• Ang misa ay isang dula- Nangangahulugan ng hirap at pasakit na tiniis ng
Mananakop.
• Dulang panrelihiyon- Ipinalabas ng mga misyonerong prayle upang madali
nilang maakit ang kalooban ng mga Pilipino.
• Isang dula tungkol kay Santa Barbara ang ipinalabas sa Bohol noong 1609.
• Ilang ipinalabas na dula tungkol sa mga himala ay ang Las Virgines Prudentes
YLas Virgines Locas at ang Iragedia de Santa inez.
• Naging popular ang mga dula tungkol sa pasko, sa pagsilang ni Hesus
• Sa halip magtayo ng isang pamalagiang entablado o tanghalan, ang mga
gumaganap sa dula ay nagsisitungo sa mga bahay-bahay. Silay binibigyan ng
aginaldo pinakakain sa mga bahay na kanilang pinapanhik.

17
ANG IBA PANG URI NG DULA
1. Ang Karilyo o Ang mga Gumagalaw. Ito’y payak na anyo ng dulang pinalalabas kung
mga gabing madilim. Ito’y ginaganap sa mga pistang bayan at pista sa baryo.
• Ang dula ay ginagampanan ng mg ginupit na Karton na ipinalalabas na katulad ng
puppet show. Kinakailangang bahasa at may lubos na kaalaman ang
magpapalabas ng ganitong uri ng dula. Ang mga pananalitang ginagamit ay
karaniwang kinukuha sa mga awit at korido o Kaya ay sa mga dulang panrelihiyon
at sinasamahan ng katutubong awit sa pagitan ng mga tagpo.
• Ang dulang ito ay may mga aninong gumagalaw at may iba’t ibang pangalan o
katawagan ayon sa lugar ng pinagpapalabasan:
A.Carillo- sa Katagalugan
B.Titires- sa llokos
C.Gagalo-sa Kapampangan
D.Titira- sa Bataan at Zambales
E.Aliala-sa La Union

18
2. Ang Karagatan.
• Ang karagatan ay isang larong patula bilang pang alaala sa mga naulila ng isang
yumao. Ginagampanan ito ng mga mambibigkas na nagsisipagpaligsahan sa
pagtula. Ang ganitong pagkalinang sa karagat buhat sa tula ay pagpapatibay na
ang mga unang dula ay sumilang sa mga unang tula.
• Ang karagatan ay kahawig din ng duplo. Ang mga kasali ay umuupo ng pabilog at
ang "hari ay nasa gitna.

• Sa Katagalugan, ang karagatan ay isang dulang nababatay sa isang alamat tungkol


sa singsing ng isang prinsesa

19
Magpapasimula siya sa gainitog mga pananalita:

"Karagatang ito y kahit na malalim


Pangangahasan ko't aking lulusungin,
hustong bait ninyo ang titimbulanin
na inaasahang sasagip sa akin.
o kaya'y.
Karagatang ito'y oo nga't mababaw,
mahirap lusungin ng hindi maalam,
kaya kung sakaling ako'y masawi man
kamay mong sasagip yaong naghihintay."

Magpapatuloy ang laro sa pagtatalong patula ng kabinataan hanggang matalo ang


ibang mga binata. Ang nagtagumpay ay lkakasal sa dalaga.

20
• Sa Kabisayaan, ang karagatan ay di-gaanong pormal. Ito'y palitan lamang ng mga
pananalita, isang uri ng laro na ang matatalo ay hihingan ng pansariling
kagamitan gaya halimbawa ng kwintas, suklay, relo at iba pa. Isasauli lamang ang
nabanggit na mga kagamitan kapag ang natalo ay umawit ng dalit para sa
kaluluwa ng namatay.

21
2. Ang Duplo.
• Ang duplo, katulad ng sa karagatan ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan
ng isang tao at may layuning aliwin ang mga naulila. Ginaganap ang larong ito sa
bakuran ng namatayan, sa ikasiyam na gabi matapos mailibing ang yumao bilang
pang-aliw sa mga naulila. Ang mga pananalita’y patula ngunit hindi
nangangailangan ng palagiang sukat at tugma.

• Ang duplo ay nangangahulugan sa Kastila ng doble (ibayo). Hanggang sa ngayon ay


ipinalalabas pa ang duplo sa mga lalawigan ng Bulakan, Rizal, Nueva Ecija at
gayundlin sa lungsod ng Maynila.

22
3.Ang Moro-Moro o Komedya
Ang moro-moro o komedya ay isang uring dulan puno ng pakikipagsapalaran, pagdanak ng dugo
at digmaan. Ang komedya ay tungkol sa pakikipaglaban ng mga Kastila sa mga moro, na minsang
sumakop sa Espanya, at naninirahan sa isang lugar sa hilaga ng lverian Peninsula. Nang sakupin
ng Espanya ang Pilipinas, ang dula ay hindi na gaanong popular sa Espanya ngunit nang
makatagpo ng mga Kastila ang mga mahometang Malay ay naisip ng mga Kastila na mahalagang
mapalabas sa Pilipinas ang nasabing dula.

• Guerras Piracticas de Filipina- Ang unang Komedyang ipinalabas sa Pilipinas ay isinulat ni


Padre Jeronimo Perez noong l637 bilang pagdiriwang sa pagiging Kristiyano ng mga tao sa
Timog Mindanaw.
• Comedia(1750)- Ito’y sinulat bilang pagdiriwang sa pagiging Kristiyano ni Ali- Mundin, Sultan
ng Sulu.
• Ang buod ng moro-moro ay isa lamang bagaman iba-iba ang tagpuan at mga pangyayari. Ito’
tungkol sa labanan ng mga Kristiyano at ang mga bihag na Muslim ay magpapabinyag.

• Hindi isinulat ng ilang may-akda ang kanilang pangalan sa dulang kanilang sinulat maliban
kina Jose dela cruz (Huseng Sisiw) na sumulat ng isang napakahusay na dulang natanyag sa
Tondo, Maynila, Francisco Baltazar Balagtas) na kinilala sa kanyang pagkakasulat ng mahigit sa
isang daang dula; at Honorato de Vera na sumulat ng napakatanyag na Moro-Moro noong 1880.
23
MGA UNANG TULANG TAGALOG

Librong Pag-aaralan nang manga Tagalog ng Uicang Castila ni Tomas Pinpin (1610)- tulang may
kahalong kastila, sa hangad na maituro ang wikang kastila.

24
MGA UNANG TULANG TAGALOG

Bagongbanta-

25
MGA UNANG TULANG TAGALOG

Ang isa pang maipapalagay na unang makata sa panahong yaon ay si Pedro Suarez Osorio, na
taga-Ermita, Maynila. Ang kanyang tulang nabanggit dito ay inilimbag na kasama ang Doctrina
Cristiana ni Fr. Alonzo de Sta. Ana noong 1617.

26
MGA AWITING PANRELIHIYON

Ang may akda ay di mamakailang dumalo sa pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birhen sa
buwan ng Mayo kung hapon sa kapilya ng San Antonio, Oton, Iloilo. Ang sumusunod ang himhong
nakalap sa gayong pagkakataon.

27
MGA AWITING PANRELIHIYON

Ang barangay ng mga Illonggo ay nakakahawig ng Black Rosary ng mga Tagalog. Ang Imahen ng
Mahal na Birhen ng Laging Saklolo aypinapanhik gabi-gabi sa iba’t ibang banay. Ang sumusunod
na himno ang maaawit sa pag-aakyat ng imahen sa tahanan.

28
KABUUAN:

May iba’t ibang uri ng panitikan ang mayroon nang panahon ng mga Kastila:

1. Mga Akdang Panrelihiyon at Pangkagandahang-Asal


• Doctrina Christiana-kauna-unahang aklat na panrelihiyong nailimbag sa pamagitan ng
silagropo noong 1593.
• Ang Pasyon- Inaawit tuwing panahon ng Kuwaresma.
• Urbana at Feliza ni Pa. Modesto De Castro- Pakikipagkapwa tao at katungkulan ng Tao sa Diyos.
• Florante at Laura- Kasaysayan ng pag-ibig nina Florante at Laura.
2. Dula
• Karilyo o ang mga gumagalaw
• Karagatan
• Duplo
• Moro-moro o Komedya
3. Tula
4. Awiting Panrelihiyon

29
Katanungan?

30

You might also like