You are on page 1of 3

FILIPINO REVIEWER

Francisco Baltazar
 Ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan, na ngayon ay kilala na
bilang Balagtas, Bulacan.
 Sina Juan Baltazar na isang panday at si Juana Dela Cruz na isang maybahay ang
kanyang mga magulang.
 Pinag-aral siya sa Colegio de San Jose ng kursong Gramatika Castellana, Gramatika
Latina, Geografia y Fisika, at Doctrina Christiana.
 Siya ay pinalad din na makapasok sa San Juan de Letran ng Humanidades, Teologia at
Fiosofia. Naging guro nya si Padre Mariano Pilapil.
 Si Selya ay si Maria Asuncion Rivera na nakilala nya sa Pandacan, ngunit nagging
sagabal sa kanilang pag-iibigan si Mariano Capule na nagpakulong sa kanya.
 Hindi nya nakatuluyan si Selya at ang kanyang nakatuluyan ay si Juana Tiambeng na
taga-Udyong, Bataan noong siya’y 54 taong gulang.
 Dalawang beses nakulong, una ay dahil kay Nanong Kapula; pangalawa ay dahil sa
paratang na pinutulan nya ng buhok ang babaeng utusan ni Alferez Lucas.
 Siya ay namatay noong Pebrero 20, 1862 dahil sa sakit na pulmonya.
 May apat na anak.
Apat na Himagsik ni Balagtas
 Himagsik laban sa malupit na pamahalaan
- Masamang palakad ng pamahalaan
- Pagmamaltrato ng mga Kastila sa mga Pilipino.
- Hindi pantay ang Karapatan ng mga Pilipino at Kastila.
 Himagsik laban sa Hidwaang Pananampalataya
- Dalawa man ang pangalan, iisa sa turing at kapangyarihan.
- Hiwalay ang estado at simbahan.
- Pagtanggi ng mga Muslim sa Mindanao at jolo sa relihiyong Katolika.
 Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
- Agwat ng pagtula at pananagalog.
- Napagitna ng panitikang Tagalog na nakatuon sa pananampalataya.
- Pinatunayan ni Balagtas na maaaring makasulat ng isang akdang pampanitikan na
maglalahad ng kanyang mga paghihimagsik laban sa pamamalakad ng Kastila.
 Himagsik laban sa maling kaugalian
- Mga kamalian at kasalanang nagkaugat nang malalim.
- Hindi mabuting mga kaugalian ng lahi.
- Masagwang pagpapalayaw sa anak
- Pagkamainggitin, pagkamapanghamak.
- Mapaghiganti sa kaaway.
- Pang-aagaw ng pag-ibig.
- Masamang kaugalian sa lipunan.
Florante at Laura
Tauhan:
 Florante
- anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca.
- Iniibig ni Laura.
- Karibal ni Adolfo sa lahat ng bagay.
 Laura
- Anak ni Haring Linceo.
- Sinisinta nina Florante at Adolfo.
 Aladin – kasintahan ni Flerida at anak ni Sultan Ali-Adab.
 Flerida – kasintahan ni Aladin.
 Duke Briseo
- kanang kamay ni Haring Linceo.
- Asawa ni Prinsesa Floresca.
- Ama ni Florante.
 Prinsesa Floresca
- Kabiyak ng puso ni Duke Briseo.
- Ina ni Florante.
- Nagmula sa bayan ng Krotona.
 Haring Linceo – hari ng Albanya at ama ni Laura.
 Menandro – pamangkin ni Antenor at kabigan ni Florante.
 Antenor – guro nina Florante, Menandro, at Adolfo.
 Adolfo
- Anak ni Konde Sileno.
- Mahigpit na katunggali ni Florante sa pag-ibig ni Laura.
 Sultan Ali-Adab – ama ni Aladin at pinuno ng Persiya.
 Heneral Miramolin – pinuno ng hukbong nagmula sa Turkiya.
 Heneral Osmalik – pinuno ng hukbong Persiyano (Persiya).

Awit at Korido bilang Tulang Panromansa


 Awit
- 12 pantig
- May himig na andante
o Andante ay nangangahulugang mabagal.
- Pagdurusa, pag-ibig, kabayanihan.
- Inaawit ng mabagal; mabagal.
- Makatotohanan.
 Korido
- 4 na taludtod na binubuo ng 8 pantig.
- May himig na allegro
o Allegro ang tawag s amabilis na himig ng korido.
- Kababalaghan, may kapangyarihang supernatural.
- Mabilis.

Florante at Laura.
 Jose Dela Cruz – nagturo kay Balagtas sumulat ng tula.
 Francisco Baltazar – kilala bialng Balagtas; Ama ng Balagtasan.

 Si Florante ay nag-aral sa Atenas ukol sa Astrolohiya, Pisika, at Matematika.


 Siya ay nag-aral din ng sining, eskriba, at musika.
 Sila ay nagtanghal, si Florante bilang Eteocles, Adolfo bilang Polinice, Nag-Adrasto at
ang nag-Yokasta’y si Menandro.
Talasalitaan
1. Panglaw – lungkot, kalungkutan, o lumbay.
2. Tabsing – alat ng tubig.
3. Dili-dili – paggunita.
4. Pinsel – ginagamit pang-pinta.
5. Pantas – paham, dalubhasa, o eksperto.
6. Sigesmundo – pinakabatang heneral na lumaban sa digmaan.
7. Bubot – maliit, hilaw, o bata.
8. Kaliluhan – kasinungalingan, kamalian, kataksilan.
9. Baguntao – binate, sortero.
10. Lugami – nakaupo, karaniwang may dalang mabigat na damdamin.
11. Itulot – ipahintulot, ipayag.
12. kalatas – mensahe, pahatid, pasabi, pabilin.
13. bantog – kilala ng nakararami; tanyag, sikat.
14. hinagpis – sama ng loob, hinanakit, poot.
15. gerero – heneral.

You might also like