You are on page 1of 4

Kaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura

● Francisco “Balagtas” Baltazar


- Francisco Balagtas Y Dela Cruz/ “Kiko”
- “Prinsipe ng Makatang tagalog”
- Isinilang noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan.
- Anak nina G. Juan Balagtas at Gng. Juana Y De la Cruz.
Nanilbihan bilang katulong kapalit ng kanyang pag-aaral kay Donya Trinidad.
- Nag-aral sa san Juan De Colegio
- Nagtapos ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Geograpiya at Fiscia.
- Namatay noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74.

● Magdalena Ana Ramos


- Unang bumigo sa puso ni Kiko.
- Hindi naiayos ang kanyang tulang inialay sa dilag.

● Jose Dela Cruz / Huseng Sisiw


-Ang mag-aayos ng tula ngunit hindi nabigyan ng isang sisiw.

● Maria Asuncion Rivera / Selya


- Pinakamamahal ni Kiko.
- Dahil sa maraming hadlang sa kanilang pag-iibigan at naipakulong ito ng kanyang
karibal na si Nanong Kapule/ Mariano Kapule.

● Florante at Laura
- Sinulat ni Kiko noong 1838. Panahon ng pananakop ng Espanyol.
- Labanan ng Kristiyano at Moro/Muslim.

● Alegorya
- Tawag sa pamamaraan ng pagsulat ni kiko sa kanyang akda upang maitago ang
tunay na mensahe.

● Apat na himagsik
1. Ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan.
2. Ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya.
3. Ang himagsik laban sa maling kaugalian.
4. Ang himagsik laban sa mababang panitikan.

“Ang Buhay ni Florante at ni Laura sa Kahariang Albanya”


- Orihinal na pamagat ng florante at laura.
- Kinuha sa madlang Cuadro Historico o pinturang nagsasabi sa mga nangyari noong
unang panahon sa Imperyo ng Gresya.

● Ang Florante at laura ay nabibilang sa genre na tinatawag na awit o romansang metrical


sapagkat may tig-apat na taludtod bawat saknong.
● Ang dulong tugma ay isahan. Binubuo ng 399 saknong.
Tauhan sa Florante at Laura

1. Minandro - Kaibigan ni Florante


- Naging kaklase nya sa Atenas
- Nakaligtas sa buhay ni Florante.
2. Antenor - Guro nina Florante, Minandro, at Adolfo sa Atenas
- Nagturo ng maraming bagay kay Florante.
3. Menalipo- Pinsan ni Florante na nakapagligtas sa buhay nya mula sa isang
buwitre noong siya’y sanggol pa lamang.

4. Prinsesa Floresca- Nanay ni Florante


- Asawa ni Duke Briseo
5. Duke Briseo - Ama ni Florante
- Kaibigan at tagapagpayo ni Haring Linceo

6. Haring Linceo - Ama ni laura na hari ng Albanya


7. Laura- Anak ni Haring Linceo
8. Florante - Anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca
- Nagpatumba ng 17 na kaharian

9. Konde Adolfo- Taksil at mortal na kaaway ni Florante.


10. Konde Sileno- Ama ni Adolfo na taga-albanya.

11. Sultan Ali-Adab- malupit na ama ni Aladin.


- Inagaw niya si Flerida kay aladin.
12. Aladin- Isang Gererong moro at prinsipe ng Persya.
- Anak ni Sultan Ali-Adab.
13. Flerida - Kasintahan ni Aladin na tinangkang agawin ng ama.
- Siya ang pumana upang mailigtas si Laura.
- Tumakas siya sa kasal nila ni Sultan Ali-Adab upang hanapin si Aladin.
14. Emir- Gobernador na Moro
- Nagtangkang ligawan at mapasakanya si Laura ngunit sinampal nya ito.
15. Heneral Osmalik- Heneral ng Persya
16. Heneral Marmolin- heneral ng Turkiya

Sa babasa nito: Saknong 1-6

- Habilin ni Balagtas para sa babasa sa kaniyang akda.

Depinisyon:
● Irog- Mahal Matawasa- Maunawaan
● Tumarok- umintindi Katkatin- suriin
● Bubot- hilaw
● Pantas- eksperto
● Dustain- lait-laitin
Kay Selya- 1-22
Ang hinagpis ni Florante- 001-025
Ala-ala ni Laura- 026-068
Ang pag-ibig kay Flerido- 069-083

Depinisyon:
1. Febo/Pebo
- araw
2. Sipres
- Mataas, tuwid at malaking punong kahoy sa bundok.
- “Punong kahoy ng mga patay”
3. Higera
- Isang punong kahoy na mayabong, may malapad na dahon ngunit hindi
namumunga.
- Dito nakagapos si florante.
4. Serpyente
- Ahas
5. Basilisko
- Halimaw na parang butiki o bayawak.
6. Tigre
- Hayop na kabilang sa pamilya ng pusa o striped cat.
7. Averno/ Aberno
- Pinto patungo sa impyerno
8. Pluto
- Hari ng kadiliman o si Hades.
9. Narciso
- binatang napakakisig na mahal na mahal ang sarili.
10. Adonis
- makisig na binata
11. Nimpas
- magandang dyosa o diwata ng kagubatan.
12. Harpias
- ibong may pakpak at matulis na kuko subalit may mukhang tulad ng
Babae.
13. Oreadas Ninfas
- Dyosa ng kagandahan sa impyerno.
14. Furias
- Dyosa ng impyerno ayon kay Virgil
15. Marte
- Diyos ng digmaan.
16. Cosito
- sa sa apat na ilog sa impyero na nakamamatay ang tubig.
17. Gubat
- labas ng lungsod ng epiro at katabi ng ilog cosito.
18. Hiyena- hayop na mukha’y lobo at kumakain ng tao.

1. Tikas- tindig
2. Ubog- may curve posture ang babae
3. Turbante- nasa ulo ni aladin.
4. Kalasag- Shield

Dalawang Ama, Tunay na magkaiba- 084-104


● Duke Briseo- napugutan ng ulo
Depinasyon:

● Nananaghoy- umiiyak at sinasabi ang problema sa hangin


● Mapagkandiling- mapagkalinga
● Kalis- spada
● Tumagistis- tumutulo ang luha.
● Nanganyaya- napahamak
● Alipugha- taksil
● Leing- batas/utos
Denotatibo at Konotatibo

Denotatibo
- Literal na kahulugan na makikita sa diksyunaryo
Konotatibo
- Ekstrang kahulugan

You might also like