Professional Documents
Culture Documents
ADARNA
Ang Ibong Adarna ay nabibilang sa tulang
romansa na isang uri ng tulang pasalaysay
tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na
karaniwang mga maharlikang tao ang
nagsisinaganap. Nagsimulang lumaganap ang
tulang romansa sa Europa noong Edad Media o
Middle Ages at sinasabing nakarating ito sa
Pilipinas mula Mexico noong ika-17 dantaon.
Subalit noong ika-18 dantaon lamang ito kinilala
sa ating bansa kasabay ng pagpapakilala ng
imprenta at pagkatuto ng ating mga ninuno ng
alpabetong Romano.
Kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan na
dinala ng mga prayle at sundalong Espanyol ay
ang paglaganap ng mga tulang panrelihiyon at
romansa na galing sa Europa. Dito kabilang ang
Ibong Adarna na may paksang panrelihiyon.
Ang tagpuan sa tulang romansa ay karaniwan sa
isang kaharian. Nagsisimula ito sa panalangin o
pag-aalay sa Mahal na Birhen o sa isang santo o
santa. Nananawagan sa Diyos ang mga tauhan
sa akda at nagtatagumpay naman ang mga
nananalig sa Diyos.
Ang Ibong Adarna ay isang dayuhang panitikan.
Hindi ito naitala kung sino ang nagsalin nito sa
wikang Filipino at masasalamin dito ang pagiging
malikhain ng manunulat. Patula ang paraan ng
pagsasalaysay na dati nang ginagamit ng ating
mga ninuno sa panitikang saling-bibig tulad ng
bugtong, salawikain at iba pa. Puno ito ng mga
talinghaga at mga pagpapahalagang likas sa ating
kultura katulad ng pagmamahalan ng pamilya,
pagtulong sa mga nangangailangan,
pagpapatawad at pagtawag sa Diyos sa gitna ng
kagipitan.
Ang Ibong Adarna ay isang KORIDO.
KORIDO- isang uri ng tulang romansa
1. Madalas, ito ay nagsisimula sa panalangin o
pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang santo.
2. Mayroon itong walong (8) pantig sa bawat
taludtod
3. Kalimitang ito ay pumapatungkol sa
pakikipagsapalaran at kabayanihang karaniwang
kinasasangkutan ng mga prinsipe at prinsesa at
mga maharlikang tao kung saan ang pangunahing
tauhan ay nagtatagumpay dahil sa kaniyang
mataimtim na panananalig at matiyagang
pagtawag sa Diyos
Nagtataglay ng mga sumusunod na katangian
ang Ibong Adarna:
Mga Dahilan:
a. Maaaring hinango lamang ito sa kuwentong-
bayan mula sa mga bansa sa Europa tulad ng
Romania, Denmark, Austria, Alemanya, at
Finland.
b. Hindi ganap na maituturing na bahagi ng
Panitikang Pilipino dahil sa hiram lamang ito sa
mga banyaga.
c. Ginamit lamang ito sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.
Kahit na halaw ito sa ibang bansa,
umaangkop rin ito sa kalinangan at kultura ng
mga Pilipino ang nilalaman nito.
Itinuturing itong “panitikang pantakas” dahil ito
ang nagsisilbing pang-aliw ng mga Pilipino lalo
pa’t sa mga mahihirap na sakbibi o puno ng
hirap at sakit.
Higit na nakilala ang Ibong Adarna dahil sa
ipinagbibili ito sa mga perya at itinatanghal sa
entablado.
Marcelo P. Garcia – isinaayos niya ang
pagkakasulat ng kabuoan ng akda; ang
kaniyang bersyon ang karaniwang ginagamit sa
paaralan.