You are on page 1of 8

Ang Sariling Wika

Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagka’t ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba
Nangangalap ng karanasan, gawi,
Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi, at
pagmithi.

Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang


puso
Ang kanyang pangarapin,
Mainit na pagmamahal na sa puso’y
bumubukal
Kasama ng mahalagang layunin nabubuo sa
isipan
Pakinggan ang makahulugang gintong salita
Na sa bibig ay nagsimula.

Minanang wikang itinanim sa isipan


Iniwan ng ninuno, tulad ng iniingatang yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran, di dapat masayang
Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas sa
tangkay.

Minana nating wika’y


Maihahambing sa pinakadakila
Itoy may ganda’t pino
Aliw- iw at himig na nakahahalina
Init nito’t pag-ibig mula sa musa
Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang
kinuha.

Wikang kapampangan, buo ang iyong ganda


Ang himig ng iyong tunog
Tulad ng pagaspas ng bagwis ng isang ibon
Tulad ng awit na likha ng brilyanteng makinang
Tulad ng lagaslas na himig ng tubigan
Tulad ng awit ng malamig na hanging amihan.

Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga


Sa lahat ikaw ay maikokompara
Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag
ng pag -ibig
Tulad moy walang katapusang awit
Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang
bulaklak.

1. Bakit itinuturing na ang


isang wika ng lahi ay mas
mahalaga pa sa materyal
na kayamanan?
2. Bakit sinasabing ito ang
nagsisilbing kaluluwa ng
bansa?
3. Paano mo malaman
ang mga mithiin o
adhikain ng isang bansa o
lahi ayon sa may akda?

Bilang kabataan, paano


niyo maipakita ang
pagpapahalaga at
pagmalasakit sa wikang
Filipino at katutubong
wika na ginagamit sa
ibang lugar ng bansa?

1. Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat itoy kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba.
Pangunahing ideya o damdamin:

2. Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang


puso
Ang kanyang pangarapin
Mainit na pagmamahal na sa pusoy bumubukal
Kasama ng mahalagang layunin nabubuo sa
isipan
Pakinggan ang makahulugang gintong salita
Na sa bibig ay nagsimula.
Pangunahing ideya o damdamin:
3. Minanang wikang itinanim sa isipan
Iniwan ng ninuno, tulad ng iniingatang yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran, di dapat masayang.
Pangunahing ideya o damdamin:

You might also like