You are on page 1of 9

Ang sariling wika ng isang lahi

Ay mas mahalaga sa kayamanan


Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba
Nangangalap ng karanasan, gawi
Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi at pagmithi.
Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso
Ang kanyang mga pangarapin.
Mainit na pagmamahal na sa puso’y bumubukal
Kasama ng mahalagang layuning nabubuo sa isipan?
Pakinggan ang makahulugang gintong salita
Na sa kanyang bibig ay nagmumula.
Minanang wikang itinanim sa isipan
Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran, di dapat masayang
Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas
sa tangkay.
Minana nating wika’y
Maihahambing sa pinakadakila
Ito’y may ganda’t pino,
aliw-iw at himig na nakahahalina
Init nito’t pag-ibig mula sa musa
Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang
kinuha.
Wikang Kapampangan, buo ang iyong ganda
Ang himig ng iyong tunog
Tulad ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon
Tulad ng awit na likha ng brilyanteng makinang
Tulad ng lagaslas na himig ng tubigan
Tulad ng awit ng malamig na hanging amihan.
Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga
Sa lahat ikaw ay maikokompara
Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag ng
pag-ibig
Tulad mo’y walang katapusang awit
Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang
bulaklak.

Sinulat ni Lourdes C. Punzalan mula sa orihinal nito sa Kapampangan na


may pamagat na “Ing Amanung Siswan nu Monico R. Mercado

A. Piliin sa kahon ang kasingkahulugan ng
salitang nakasulat nang pahilig sa
pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.

a. dumadaloy d. paunlarin

b. lambing e. sagisag

c,. malaman f. Tunog na nalilikha sa paglipad


ng ibon
____1. Ang wika sa bansa ay dapat pagyamanin
sapagkat ito ang kaluluwa ng lahi natin.
____2. Mula sa ating puso ay bumubukal ang
wagas na pagmamahal sa ating Inang-Bayan
gamit ang mga salitang kaysarap pakinggan.
____3. Kailangang mabatid ng bawat Pilipino na
ang wika ay tulad ng isang gintong pamana sa
ating mga ninuno.
____4. Ang sariling wika ng isang lahi ay may
taglay na aliw-iw at himig na kahali-halina.
____5. Ang himig ng ating wika ay kawangis ng
pagaspas ng bagwis ng mga ibon sa
himpapawid.
1. Bakit itinuturing na ang isang wika ng lahi ay mas
mahalaga pa sa materyal na kayamanan?
2. Bakit sinasabing ito ang nagsisilbing kaluluwa ng
isang bansa?
3. Naniniwala ka bang ang wika ay pamanang
yaman ng ating mga ninuno na hindi dapat
pabayaan? Bakit?
4. Kanino raw dapat ihambing ang ating minanang
wika ayon sa may-akda? Sumasang-ayon ka ba
rito? Bakit?
5. Aling wika sa bansa ang binigyang-pagpupugay
ng may akda? Paano inilarawan ng may-akada
ang wikang ito?
6. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pahalagahan
natin ang iba pang wika ng bansa bukod sa
Filipino?

You might also like