You are on page 1of 1

"Ang Sariling Wika"

Ang sariling wika ng isang lahi


Ay masmahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito'y kaluluwang lumipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba
Nangangalap ng karanasan,gawi
Pagsamba,pagmamahal,pagtatangi at pagmimithi

Nais mo bang mabatid ang layunin ng kanyang puso


Ang kanyang pangarapin
Mainit na pagmamahal sa puso'y bumubukal
Kasama ng mahalagang layuning nabubuo sa isipan?

Pakinggan ang makahulugang gintong salita


Nasa kanyang bibig ay nagmula
Minanang wikang itinamin sa isipan
Iniwan ng ninuno,tula ng iniingatang yaman

Pamanang yaman di dapat pabayaan


At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran di dapat masayang
Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas sa tangkay

Minana nating wika'y


Maihahambing sa pinaka-dakila
Ito'y may ganda at pino
Aliw-iw at himig na nakakahalina
Init nito't pagibig mula sa musa pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha.

Wikang kapampangan,buo ang ganda


Ang himig ng iyong tunog
Tulad ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon
Tulad ng awit na likha ng brilyanteng makinang
Tulad ng lagaslas na himig ng katubigan
Tulad ng awit ng malamig na hanging amihan

Wikang kapampangan ikaw ay mahalaga


Sa lahat ikaw ay maikokomporma
Ikaw ang pagmamahal at matamis na pahayag ng pag-ibig
Tulad moy walang katapusang awit
Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang bulaklak.

You might also like