You are on page 1of 2

Malayang Talakayan

Layunin:

            Sa pagtatapos nang masinsinang talakayan, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. natutukoy ang kasingkahulugan ng mga salitang ginamit sa tula;


2. nasusuri ang mga pahayag batay sa nilalaman ng tula;
3. nabibigyang-halaga ang sariling wika; at
4. nabibigkasnang wasto ang tula.

Nilalalaman ng Paksa
Ang Sariling Wika

 Sa puntong ito ating basahin ang tula mula sa bersiyon ng wikang Kapangpangan na isinulat
ni Monica R. Mercado  na pinamagatang “Ing Amanung Siswan” na isinalin sa Filipino
ni Lourdes C. Punzalan  na may pamagat na “Ang Sariling Wika” na nagsasad kung gaano
kahalaga ang wika ng isang lugar o bansa.
 Buong Piyesa ng Tula  

 Ang Sariling Wika

 Ang sariling wika ng isang lahi


Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba
Nangangalap ng karanasan, gawi,
Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi at pagmithi.

Pagpapaliwnag: Ipinapahiwatig ng may-akda sa saknong na ito, na ang pinakamahalagang kayaman


mayroon ang isang tao ay ang  kanyang wika. Ito ay isang kaluluwa na ibinabahagi o ipinapasa ng ating
mga ninuno mula sa isang henerasyon patungo sa isang henerasyon. Sinasabing ang wika ay kaluluwa,
sapagkat ito ang pinakamabisang midyum nag-uunay sa mga tao. Sinasabi ring, wika ang gamit sa
pagpapahayag ng tao ng kanyang saloobin at damdamin.

Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso,


Ang kanyang mga pangarapin.
Mainit na pagmamahal na sa puso’y bunubukal
Kasama ng mahalagang layuning nabubuo sa isipan?
Pakinggan ang makahulugang gintong salita
Na sa kanyang bibig ay nagmumula.

Pagpapaliwanag: Sinasabi ng may-akda sa saknong na ito na, wika ang komukonekta sa mga tao. Wika
ang siyang tulay upang ipaabot ang nais na mabatid at ang pagmamahalan. Dagdag pa sa saknong na
ito, tanging wika ang siyang tulay upang ipadama ang pagmamahalan sa isa’t isa.  

Minanang wikang itinanim sa isipan


Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran, di dapat masayang
Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas sa tangkay.

Pagpapaliwanag: Ipinapahiwatig ng may-akda sa saknong na ito, na ang wika ang siyang kayamang


ipinamana sa atin ng ating mga ninuno kung kaya’t ito ay pahalagahan at huwag pabayaan. Dapat ring
pagyamanin ito at huwag hayaang mawala at manakaw ng iba. Naniniwala ang may-akda na ang siyang
susi para sa kaunlaran ng isang bansa o ng isang/lahi at tribu.

Minana nating wika’y


Maihahambing sa pinakadakila
Ito’y may ganda’t pino,
Aliw-iw at himig na nakakahalina
Init nito’t pag-ibig mula sa musa
Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha.

Pagpapaliwanag: Sinasabi ng may-akda na wala nang hihigit pa sa wika. Ito ay naiiba sa lahat. Sinasabi
niyang ang lahat ng wika ay natatangi at may kani-kaniya itong katangian na siyang kumikilala sa isang
pangkat. Ito rin ang pinakamabisang gamit sa pagpapahayag ng pag-ibig.

Wikang Kapampangan, buo ang iyong ganda


Ang himig ng iyong tunog
Tulad ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon
Tulad ng awit na likha ng brilyanteng makinang
Tulad ng lagaslas na himig ng tubigan
Tulad ng awit ng malamig na hanging amihan.

Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga


Sa lahat ikaw ay maikokompara
Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag ng pag-ibig
Tulad mo’y walang katapusang awit

Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang bulaklak.

Pagpapaliwanag: Sa huling dalawang saknong, inilalarawan ng may-akda ang kagandahang taglay ng


wikang Kapampangan bilang kaniyang sariling wika. Ipinapakita ng may-akda sa saknong na ito ang
kaniyang dalisay na pagmamahal sa kaniyang sariling wika at kaniya itong ipinagmamalaki sa lahat.

You might also like