Ay mas mahalaga sa kayamanan Sapagkat ito'y kaluluwang lumilipat Mula sa henerasyon patungo sa iba Nangangalap ng karanasan, gawi, Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi at pagmithi. Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso, Ang kanyang mga pangarapin. Mainit na pagmamahal na sa puso'y bumubukal Kasama ng mahalagang layuning nabubuo sa isipan? Pakinggan ang makahulugang gintong salita Na sa kanyang bibig ay nagmumula. Minanang wikang itinanim sa isipan Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman Pamanang yamang di dapat pabayaan At dapat pagyamanin ng mga paghihirap Para sa kaunlaran, di dapat masayang Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas sa tangkay. Minana nating wika'y Maihahambing sa pinakadakila Ito'y may ganda't pino, Aliw-iw at himig na nakahahalina Init nito't pag-ibig mula sa musa Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha. Wikang Kapampangan, buo ang iyong ganda Ang himig ng iyong tunog Tulad ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon Tulad ng awit na likha ng brilyanteng makinang Tulad ng lagaslas na himig ng tubigan Tulad ng awit ng malamig na hanging amihan. Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga Sa lahat ikaw ay maikokompara Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag ng pag-ibig Tulad mo'y walang katapusang awit Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang bulaklak. --- sinulat ni Lourdes C. Punzalan mula sa orihinal nito sa Kapampangan na may pamagat na "Ing Amanung Siswan nu Monico R. Mercado"