You are on page 1of 1

YUMAYAPOS NA ANG TAKIPSILIM

Kinausap si lola ng panganay niyang si Ramon. Sinabi niya na gusto raw makuha ni Rey si lola dahil sabik daw sa lola
ang anak niyang si Odet. Labag daw para sa kalooban nilang mag-asawa ang ipaubaya siya kay Rey ngunit baka raw
magdamdam iyon. Habang sinasabi ito’y mailap ang tingin ni Ramon sa ina.
Mabagal ang takbo ng pag-iisip ng matanda. Pilit niyang inaalisa ang sinabi ni Ramon. Maraming mga tanong an
pumasok sa kanyang isipan gaya ng saan nakatira si Rey? Sino ang napangasawa niya? Ano ang itsura ni Odet?
Dalawa nga ba ang kanyang anak? Tila padalas nang padalas ang ganoong magulong pag-iisip niya. Tila naaalala pa
niya ang tinig ng kanyang asawa na nagsasabing huwag siyang mag-alala na maunang mamatay ito dahil mayroon
naman siyang dalawang anak.
Ang mga pangyayaring naganap ay sinlamig ng ambon na pumapatak sa kanyang ulunan habang patungo sa terraza.
Tila sinlamig ng takipsilim ng araw na iyon.

ni Genoveva Edroza Matute


Natagpuan ni Tinay si lola sa terraza. Niyaya niya itong pumasok sa loob. Bagamat utusan lamang at di-kaano-ano ng
matanda, matinding awa ang nasa tinig ni Tinay.

Panimulang Pangyayari
Paunlad na pangyayari
Nakakandong kay lola Rosa ang apo niyang si Lydia. Tinatanong niya ang matanda kung aalis na ito sa bahay na iyon.
Buong pagtataka namang sinagot ng lola ang bata. Hindi raw siya aalis sa bahay na iyon. Nagtataka si lola Rosa kung
saan nanggagaling ang balitang iyon na nasambit ng kanyang apo.
Mayamaya dumating si Carmen, ang magandang ina ni Lydia. Tinawag niya ang kanyang anak gamit ang isang malamig
na boses. Mabilis na lumabas papuntang kusina si Lydia at sumunod naman sa kanya si Carmen. Mula sa upuang-
pagulong ay natatanaw ni lola ag mag-ina. Sinasabong mabuti ni Carmen ang bisig ni Lydia.

Kasukdulan
Biglang nawala ang kanyang kausap sakay ng upuang-
pagulong, nagpunta siya sa tapat ng pinto. Nakasara ang
pinto ngunit naririnig niya ang malakas na boses ni Ramon.
Ganoon pa man, hindi malinaw ang mga salitang naririnig niya. Naroon din sa loob ng kwarto si Carmen na may
malamig na boses.
Isang alaala o guniguni ang nasa isipan ni lola. Naalala niya ang naging pag-uusap nila ng kanyang asawa nang buhay
pa ito. Pinagtatalunan nila noon kung nararapat bang ibigay nang ganoon kaaga ang mga mana ng dalawa nilang anak.
Ipinagtanggol ni lola na dapat nang ibigay sa kanilang mga anak ang mana nila dahil hindi raw sila magiging makasarili
tulad ng sinasabi niya. Bunga nito’y bumuti ang katayuan ng dalawa sa lipunan. Hanggang sa namatay na nga ang
asawa ni lola at napunta siya sa pangangalaga ni Ramon.
Natigil ang pag-aalaala ni lola nang may bumusinang awto. Si Rey
daw ang dumating ayon kay Tinay. Ikinatuwa ito ni lola.
Sa kanyang gunita’y kausap iya ang asawa. Doo’y tila nagtutuksuhan pa sila tungkol sa paborio nila sa dalawang anak;
si Ramon sa asawa ni lola at si Rey naman kay lola. Buong saya raw niyang kausap ang asawa dahil sa wakas ay
makakasama na niya ang bunso at titira sa bahay sa timog.
Sabik na sabik si lola na makita ang bunsong anak. Pinabilis niya ang takbo ng kanyang upuang-pagulong. Sa may
pinto’y napatigil siya nang marinig ang malakas na tinig ng kanyang mga anak. masasakit na salita tungkol sa pag-
aalagang ginawa nila Ramon para sa kanyang narinig ni lola. Dagdag pa rito ang pagtanggi ni Rey sa usapang siya
naman ang kumopkop ditto dahil mag-a-around-the-world- pa raw sila at mayroon nang sakit sa balata ng matanda.
Sumunod din ang malamig na tinig ni Carmen na di niya maunawaan.

You might also like