You are on page 1of 8

KABANATA 1-12

KABANATA 1-12

Kabanata 1
Buod: Nagdasal ang makata sa Birheng Maria para magabay siya ng Birheng Maria. At para
makasumpay ang kwento niya.
Mga Gabay na Tanong:
Bakit ito ginagawa ng makata?
Bakit pinupuri ng mambabasa si Birheng Maria?
Para saan tayo’y di malihis?
Tayutay:
O Birheng kaibig ibig, Ina naming nasa langit liwanasan yaring isip nang sa layo’y di malihis.-
Pagtutulad (Tumatawag siya si Birheng Maria.) Humihingi siya ng gabay mula sa Birheng
Maria.
Kabanata 2
Buod: May isang kaharian sa Berbanya, ang hari na si Don Fernando at si Donya Valeryana
ay may tatlong anak na si Don Pedro, Diego at Juan. Nagkasakit ang hari. Napanaginapan niya
na may masamang nangyari kay Juan. Sinabi ng manggagamot na ang Adarna ang
makakatulong sa kanya.
Mga Gabay na Tanong:
Bakit nagkasakit ang hari?
Ano ang gusto ng hari para sa mga anak?
Bakit ang Adarna ang gamot?
Tayutay:
Araw-gabi’y may bagabay- pagmamalabis Bawat araw at gabi may bagabay ang hari.
Kabanata 3
Buod: Si Don Fernando ay nagutos kay Pedro na pumunta sa Piedras Platas at kunin ang
Adarna. Umakyat siya doon at natulog. Tinaihan siya ng Adarna at naging bato siya.
Mga Gabay na Tanong:
Bakit nakatulog si Don Pedro? 3. Bakit naging bato si Pedro?
Gaano katagal ang biyahe ni Pedro?
Tayutay:
62
Sa lipad ay nagtutulin parang ayaw na mapansin- pagtutulad Sa paglilipad ng Adarna
parang siya ang araw.
(Ayaw siyang mapansin kaya binibilisan)
Kabanata 4
Buod: Dahil wala pa rin si Don Pedro, pumunta si Don Diego sa Piedras Platas at nagpahinga
sa isang baton a si Don Pedro. Dumating ang Adarna at kumanta, nataihan din si Don Diego.
Mga Gabay na Tanong:
Bakit pumunta si Don Diego sa Piedras Platas?
Sa pagdating ni Diego sa Piedras Platas ano ang nakita niya?
Paano naantok si Don Diego?
Tayutay
107
Pitong awit, bawat isa
Balahibo’y iniiba
At may kani-kaniyang ganda
Sa titingin ay gayumi
Pagmamalabis (Grabe ang kanyang gandahan) Bawat kanta pumapalit ang balahibo ng
Adarna.
Kabanata 5
Buod: Gusto ni Don Juan na hanapin sina Diego at Pedro. Tatakas daw siya kung hindi siya
papayagan. Lumakbay si Don Juan, isang tinapay ay ang kakainin niya bawat buwan. Sa
ikalimang buwan, nakita niya ang isang matandang leproso.
Mga Gabay na Tanong:
Bakit gusto ni Don Juan pumunta ng bundok ng walang kabayo?
Ano ang ginagawa ni Don Juan para mapayagan siya ng hari upang umalis?
Ano ang ginawa ni Don Juan para sa leproso?
Tayutay
129
Sa puso ay nakalimbag ang Birheng Inang malas.-Pagmamalabis Sa puso ni Juan ay
naroroon ang Birheng Mara.
Kabanata 6
Buod: Lumakbay si Don Juan patungo sa Piedras Platas at may nakita siyang matanda.
Binigyan ni Juan ang huling tinapay niya at sinabi ng matanda na pumunta sa ermitanyo. Ang
ermitanyo ay nagturo sa kanya sa paghuli ng Adarna at pinapunta siya sa Piedras Platas at
naghintay.
Mga Gabay na Tanong:
Bakit binalik ng matanda ang tinapay?
Ang ermitanyo ba ang matandang sugatan?
Bakit nakatira sa tabi ng Piedras Platas ang ermitanyo?
Tayutay
176
Anaki’y si Hesukristo ang banal na ermitanyo
Pagtutulad- parang Hesukristo Sinasabi niya na ang Hesukristo ang banal na ermitanyo
Kabanata 7
Buod: Nakita ni Juan ang Adarna. Nakuha ng ibon at ng puno ang atensyon ni Don Juan.
Sinugatan ni Don Juan ang kanyang palad at linagyan ng dayap. Nagising si Don Juan at hinuli
niya ang Adarna gamit ng gintong lubid. Binuhusan ni Don Juan ng banga ang dalawang bato.
Nakita na ni Don Juan ang kapatid niya.Nagdiwang sila sa bahay ng ermitanyo.
Mga Gabay na Tanong
Ano ang ginamit ni Juan para mahuli niya ang Adarna?
Ano kaya ang mangyayari kay Don Juan pagkatapos mahuli ang Adarna?
Ano nangyari sa Adarna pagkatapos mahuli?
Tayutay
221
Gaano ang pagtalok nitong tatlong magkakapatid bawat isa ay may sambit ng sa puso ay pag-
ibig. Aporismo Mahal na mahal ng mga magkakapatid ang isa’t isa.
Kabanata 8
Buod: Naglalakad ang tatlo ng masaya, pero nakaisip ni Don Pedro ng masama. Sinabi niya
kay Don Diego ang plano niya. Binugbog nila si Don Juan. Sa Berbanya, sinabi nila kay Don
Fernando na hindi nila nakita si Don Juan. Hindi kumanta ang Adarna para kay Don Fernando
dahil wala si Juan.
Ano ang ginawa ni Juan para magising?
Saan nakuha ni Juan ang tubig?
Bakit nila binugbog si Don Juan?
Tayutay
Nakahambing ni Don Diego yaong si Bernardo Carpio.
Pagtutulad- dahil sinasabi na si Don Diego ay parang Bernardo Carpio. Sinasabi dito na
si Don Diego ay ang naiipit sa dalawa, parang si Bernardo Carpio.
Kabanata 9
Buod: Si Don Juan ay binugbog ng dalawang kapatid niya dahil sa inggit. Iniwan si Don Juan na
bugbog na bugbog, samantala si Don Juan ay dasal na dasal sa Diyos at ang Birheng Maria.
Mayroong isang matanda na pumunta sa kanya at gumamot sa kanya, nagpasalamat at
nagkwentuhan sila. Sinabi ng matanda na dapat na siya umuwi sa Berbanya upang tignan ang
tatay niya. Mga Gabay na Tanong
 Bakit binugbog nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan?
 Ano ang mangyayari kay Don Fernando kapag hindi umuwi si Don Juan?
 Bakit tinulungan ng matanda si Don Juan?
Tayutay
281
O, Birheng Inang marilag, tanggulan ng nasa hirap, kahabagan di man dapat ang aliping
kapuspalad.
. Panawagan- dahil kinakausap niya si Birheng Maria kahit hindi siya nasa harap.
Kinakausap ni Juan ang Birheng Maria.
Kabanata 10
Buod: Umuwi na si Don Juan at kinanta ng Ibong Adarna ang buong pangyayari, si Don Fernando
ay nagalit pero si Don Juan ay naghingi ng patawad para sa dalawa. Dahil gustong gusto ng hari
ang Ibong Adarna, pinagbantay niya ang Ibong Adarna sa mga anak niya hati hati ng oras ang
pagbantay
Mga Gabay na Tanong:
 Bakit gustong ipagpatawad ni Don Juan ang dalawa?
 Bakit tinuring na anak ni Don Fernando ang Ibong Adarna?
 Bakit pa sa mga anak niya ang pagbantay ng Ibong Adarna?
Tayutay
393
Ang puso mong mahabagin sa kanila’y buksan mo rin.
Pagmamalabis, dahil hindi pwede buksan ang puso.
Bubuksan ang kanilang puso, para maunawa nila.
Kabanata 11
Buod: May plano si Don Pedro, gisingin ni Pedro si Don Juan sa hindi pa oras ni Juan magbantay,
kaya napagod siya at natulog sa kanyang bantay. Pinakawalan ni Pedro ang Adarna, natakot si
Juan na akala niya ang may kasalanan. Umalis siya sa kabundukang Armenya.
Mga Gabay na Tanong:
 Bakit ginawa ni Pedro iyon?
 Sobra ba ang inggit/galit ni Pedro?
 Ano na kaya ang mangyayari kay Juan?
Tayutay
431
Adarnang aliw ng dibdib
Pagsasatao dahil hindi pwede mag-aliw ang dibdib Inaaliw ng Adarna ang dibdib ni Juan.
Kabanata 12
Buod: Maagang nagising ang hari at gustong gusto niyang makita ang Adarna ngunit wala iyon at
si Don Juan. Pinahanap si Don Juan at ang Adarna kay Don Pedro at Don Diego. Nakarating sila
sa Armenya at nakita din si Juan. Nagandahan sila doon at gusto tumira doon dahil marami ang
pagkain, at mga iba.
Mga Gabay na Tanong
 Bakit kaya gusto nila tumira doon?
 Magandang maganda ba ang Armenya?
 Paano na ang kahariang Berbanya?
Tayutay
448
Sa batisan yaong tubig pakinggan mo’t umaawit, suso’t batong magkakapit may suyuang
matatamis.
Pagtutulad dahil batisan yaong tubig Sinasabi dito na magandang maganda ang Armenya.

KABANATA 13-20
KABANATA 13-20
Kabanata 13
Buod: Naglalakad ang magkakapatid hanggang sa may nakita silang balon. Nagtataka sila
kung bakit sa ganda ay walang may nagmamay-ari nito. Sabi ni Don Juan ay bababain niya ang
balon dahil may hiwaga raw ito. Ngunit ang sabi ng dalawa niyang kapatid ay mas matanda sila
kaya dapat sila ang mauna. Nauna si Don Pedro ngunit hindi niya kinaya. Sumunod si Don
Diego ngunit hindi ren niya kinaya. Ang nahuli ay si Don Juan at nagawa niya. Namangha siya
sa nakita niya sa ibaba ng balon.
Mga Gabay Na Tanong:
 Bakit naisipang babain ni Don Juan ang balon?
 Bakit nauna si Don Pedro kahit na ang nakaisip babain ang balon ay si Don Juan?
 Sino raw ang gumawa ng makakamangang balon?
Tayutay:
507
Aporismo- Kahit anong problema raw ay hindi niya uurungan. Ang pagkatalo ay dahil sa
kahinaan o “cowardice”.
ito’y di ‘ko uurungan,
ang malaking kabiguan
ay bunga ng karuwagan.
Kabanata 14
Buod: Nang makarating sa ibaba ng balon, nakita agad ni Don Juan ang kagandahan ni Donya
Juana. Gusto ni Don Juan isama si Donya Juana paalis ng balon ngunit may tagabantay siya.
Isang Higante. Pero malakas ang loob ni Don Juan at kinalaban niya. Natalo ni Don Juan at
niyaya ulit niya si Donya Juana umalis subalit maiiwan raw niya and kanyang bunsong kapatid
na si Donya Leonora na may tagabantay namang isang Serpyente na may 7 ulo. Kaya
pupuntahan ren ni Don Juan si Donya Leonora.
Mga Gabay Na Tanong:
 Ilan na ang nakain ng Higante?
 Bakit ang lakas ng loob lumaban ni Don Juan para kay Donya Juana?
 Ano ang kakalabanin ni Don Juan para kay Donya Leonora?

Tayutay:
Pagtutulad- Inihahambing ang sigaw ng higante sa kidlat o “thunder”.
Prinsesa’y di nakasagot,
kinalibutan sa takot,
Higante sa kanyang poot,
Sumisigaw, parang kulog!
Kabanata 15
Buod: Nakita ni Don Juan ang hinahanap niyang si Donya Leonora. Kagaya sa nangyari kay
Don Juan nang nakita niya si Donya Juana, nagkagusto siya agad kay Donya Leonora. Nag-
usap nang matagal ang dalawa at habang nag-uusap ang dalawa, konti-konti silang nahuhulog
sa isa’t isa. Pagkatapos ay kinalaban ni Don Juan ang Serpyente. Sa una ay nahirapan siya
ngunit nang ibinigay ni Donya Leonora ang balsamo, mabilis nang natalo ni Don Juan ang
Serpyente. Tapos ay dinaanan nila si Donya Juana para maka-alis na ng balon.
Mga Gabay Na Tanong:
 Ano kaya ang nagustuhan ni Don Juan kay Donya Leonora at nag-iba agad ang isip ni
Don Juan?
 Paano natalo ni Don Juan ang Serpyente kahit na ang ulo nito ay bumabalik?
 Sasabihin kaya ni Don Juan kay Donya Juana na iba na agad ang mahal niya?
Tayutay:
614
Pagmamalabis- Paano magiging lunas o gamot ang titig?
pabango sa aking dibdib,
tuwing ako’y mahahapis
lunas na ang iyong titig.
Kabanata 16
Buod: Nakataas na ng balon sina Don Juan at Donya Leonora. Nabihag agad ng kagandahan
ni Donya Leonora si Don Pedro. Nang naglalakad na sila pauwi ng Armenya, naalala ni Donya
Leonora ang kanyang singsing na minana sakanya ng kanyang ina. Bumalik si Don Juan sa
balon para kunin ang singsing. Ngunit nang sumilan babain ulit ni Don Juan ang balon,
pinagtaksilan nanaman siya ng kanyang kapatid na si Don Pedro. Pinutol ang lubid na gamit ni
Don Juan. Nagalit si Donya Leonora kay Don Pedro pero sabi ni Don Pedro na siya naman daw
ang magmamana ng kaharian at si Don Juan ay walang mamamana dahil siya ang bunso.
Inutusan ni Donya Leonora ang dala niyang Lobo na tulungan at gamutin si Don Juan bago sila
umalis.
Mga Bagay Na Tanong:
 Ano ang naiwang gamit ni Donya Leonora na minana sa kanya ng kanyang ina?
 Gaano pa lamang kalayo si Don Juan bago putulin ni Don Pedro ang lubid?
 Ano ang dahilan ni Don Perdo kung bakit siya ang mas OK kesa kay Don Juan?
Tayutay:
Pagmamalabis- Imbosibleng kumukulo ang dugo pero ang sinasabi dito ay kung gaano siya
kagalit kay Don Pedro. Sobrang galit ang nararamdaman ni Donya Leonora.
Si Leonora’y walang kibo
dugo niya’y kumukulo,
lason sa dibdib at puso
kay Don Pedrong panunuyo.
Kabanata 17
Buod: Bumalik si Don Pedro at Don Diego sa Berbanya. Tinanong ni Don Fernando ang
dalawa kung nakita nila si Juan pero sabi nila hindi, pero meron sila naligtas doon. Si Donya
Juana at si Donya Leonora. Agad, hinahanda nila ang kasal ni Don Diego at Donya Juana.
Tinanong ni Pedro kay Leonora kung pwede n asila kumasal, pero iniibig pa rin ni Leonora si
Juan.
Mga Gabay na Tanong
 Bakit sila ay nagsinugaling na hindi nakita nila si Don Juan?
 Bakit tinanong ng hari, kung nakita nila si Don Juan?
 Bakit hindi pumayag si Leonora sa kasal niya at Pedro?
Tayutay
712
“O, sa Diyos, pasalamat kayong lubos
Panawagan (Dahil tumatawag siya sa taong hindi niya kaharap) Kinakausap niya ang
panginoon at nagpapasalamat.
Kabanata 18
Buod: Ginagamot ng Lobo si Don Juan. Nagdadala siya ng tatlong bote ng tubig. Inibig ni Juan
ang lobo parang bata. Nakita ni Juan ang Ibong Adarna. Sinabi ng Ibong Adarna na dapat
limutan niya si Leonora at may mas magandang dalaga sa Kaharian ng De Los Kristales.
Mga Gabay na Tanong
 Sino ang tatay ng dalaga?
 Saan sila nakatira?
 Sinuman ang kapatid ni Maria Blanca?
Tayutay
741
Niyakap at pinagyamang parang batang minamahal.
Pagtutulad (parang bata raw kung mahalin siya) Parang bata na minahal ng hari ang Adarna.
Kabanata 19
Buod: Nagkulong si Leonora. Nagpapakasal si Pedro kay Leonora pero ayaw ni Leonora.
Humingi si Leonora ng pitong taon para maghintay siya para kay Juan.
Mga Gabay na Tanong
 Bakit ayaw magpakasal si Leonora?
 Anong nangyari kay Pedro?
 Bakit naghingi si Leonora ng pitong taon?
Tayutay
815
“Ininom na yaong tubing, Kristal waring anong linis.”
Pagtutulad (Dahil ikinumpara niya) Kasing linis ng tubig ang isang kristal.
Kabanata 20
Buod: Pumasok si Pedro sa kwarto ni Leonora at sinabi niya na dapat limutan mo na si Juan.
Hihintayin niya pa rin daw si Juan sabi ni Leonora.
Mga Gabay na Tanong
 Ano ang hinihintay ni Leonora?
 Ano ang gusto ni Pedro?
 Ano ang ginagawa ng prinsesa?
Tayutay
854 “Kung talagang ikaw’y patay, magkita sa ibang buhay.” Panawagan (dahil wala siJuan
doon). Sinasabi na makikita sila sa kabilang buhay pagkatapos na sila mamatay.
KABANATA 21-29
KABANATA 21-29

Kabanata 21
Buod: Dito nakilala ni Juan ang tatlong ermitanyo na tumulong sa kanya makapunta sa
Kaharian ng De Los Kristales.
Mga Gabay na Tanong
 Saan saan pumunta si Juan?
 Ano ang dala niya?
 Ano ang nagdalo sa kanya?

Kabanata 22
Buod: Sa wakas na karating na rin si Don Juan sa Kaharian ng De Los Kristales. Nakita agad
ni Don Juan si Donya Maria. Tinitignan niya si Donya Maria at nagustuhan niya agad. Nang
maligo na si Donya Maria, kinuha ni Don Juan ang damit niya. Galit na Galit ang prinsesa dahil
nawawala ang damit niya. Nalaman na ni Donya Maria kung sino ang nagnakaw. Nagmahalan
sila agad habang naguusap.
Mga Gabay na Tanong
 Ano ang ginawa ni Maria sa karating ni Don Juan?
 Bakit galit na galit si Maria Blanca?
 Sino ang nagnakaw ng damit ni Donya Maria?
Tayutay
956
Isang sirena sa dagat
Na nagsasabog ng dilag Pagwawangis
Sa paligid ay may perlas
Sa perlas din nakayapak
Kabanata 23
Buod : Nagbigay ng utos si Maria Blanca kay Don Juan na ano ang gagawin hapag makita niya
si Haring Salermo. Hindi pwede pumunta si Juan sa palasyo at dapat tanggapin ang mga utos
ng hari. Sinabi ni Salermo na magtumba ng bundok tapos magtanim at makuha ang tinapay
para sa almusal niya. Ginawa ni Juan ito dahil kay Maria Blanca.
Mga Gabay na Tanong
 Anong una bang dahilan ni Juan sa Kristales?
 Sino ang nagtulong kay Maria?
 Pwede ba ang kasal ni Juan at Maria?
Tayutay
1032
Noo’y mag-ikaanim
Unang oras ng pagdilim Pagmamalabis
Latag na ang takipsilim
Ang gabi ay dumarating.
Kabanata 24
Buod: Ipinakita ni Salermo ang negrito kay Juan. Ipinawala niya ang labin dalawang negrito at
inutos niya si Juan na maghuli ang negrito na gamit ng gintong prasko. Ang sunod n autos ng
hari ay kailangan iusog ni Don Juan ang bundok para mahanginan. Tinulungan siya ulit ni
Donya Maria. Gusto naman ng hari namaghulog ni Juan ang bundok sa dagat tapos igamit niya
ang bundok para maggawa ng isang palasyo na moog. Sinadyang hulugin ng hari ang kanyang
singsing. Pinahanap niya ang sing-sing kay Don Juan. Tinulungan nanaman ni Donya Maria si
Don Juan sa pagsusulit.
Mga Gabay na Tanong
 Ilang utos ginawa ni Juan sa Kabanaa 24?
 Anong ginawa ni Maria para ikuha ang mga negros
 Saan nakita ni Juan ang singsing?
Tayutay
1158
Mga alon sa pampangin
Kung humalik ay may lambing, Pagwawangis
Bulang sa tabi’y humimpil
Mabangong bulaklak ng Hasmin
Kabanata 25
Buod
Malubha ang ama ni Don Juan at pumunta ito sa palasyo.
Pinasunda ni Haring Selermo . Pipili siya ng kanyang mapapangasawa. Tatlo ang kanyang
pagpipilian . hintuturo lamang ang nakalabas para sa kanyang pagpili.
Manghang-mangha si Haring Selermo sa galling ni Don Juan. Hindi nasunod ang plano niya
para kay Don Juan, kaya balak niya na lang itong ipapatay. Nalaman ito ni Donya Maria at
nagmakaawa sa ama. Hindi siya pinakinggan. Naisipan niyang tumakas.
Nagtanan ang magkasintahan sakay ng mabilis na kabayo. Pinilit na habulin ni Haring
Selermo pero hindi nito naabutan ang dalawa. Nabigo ang Hari, kaya sinumpa niya ang
anak. Hiniliang niya na makalimutan siya ng kanyang minamahal pagtuntong ng kahariang
Berbanya. Dahil sa sobrang sama ng loob , nagkasakit siya at tuluyang namatay.

1348
“kundangan ay nilimot mong
Kunin yaong ikapito
Pagmalasin kung tumakbo
ang tulin ay ipuipo!” PAGWAWANGIS

Kung bakit kasi nakalimutan mo ang bilin na kunin ang ikawalong kabayo, at ang kinuha ay
ikapito,
Dahil ang ikawalo’y sobrang bilis kung manakbo.
Kabanata 26
Buod
Papunta ang magkasintahang Don Juan at Donya Maria sa Berbanya. Maunang uuwi si Don
Juan at naiwan sa isang bayan si Donya Maria. Hiniling ni Donya Maria na huwag siyang
kalilimutan at huwag din titingin sa ibang babae.
Pagkarating ni Don Juan sa Berbanya, sinalubong siya ng kanyang pamilya pati na si
Leonora.. Ipinagtapat ni Leonora sa lahat na si Don Juan ang totoong nagligtas sa kanya sa
balon. Nalaman ng Hari ang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego.
Ikakasal na sina Don Juan at Leonora. Nalaman ito ni Donya Maria kaya nagalit siya.
Tayutay : Hindi nila nababatid
Na sa nayo’u may ligalig
Ito’y apoy na sasapit
Sa palasyong nagtatakil
Gabay na tanong
bakit na una si Don Juan bumalik?
ano reaksyon ni donya Leonora nung nakita niya si Don Juan
ano ang mangyayari sakanila Don Juan at Donya Leonora
Kabanata 27
KABANATA 27
Nakarating sa palasyo si Maria sa tulong ng mahiwagang singsing. Nagbihis siya ng maganda
na parang isang emperatris. Nakasakay siya sa isang magandang karosa. Kahit si Haring
Fernando ay humanga sa kagandahan nito.
Itinigil pansamantala ang kasalan para parangalan sa pagdating ni Maria. Nagbigay siya ng
palabas na nakakasaya sa lahat , lalo na sa ikakasal.
Nagpalabas siya ng isang negrito at negrita na nagpapaalala sa negrito sa mga nangyari
habang pinapalo ito ng negrita ng patpat pagkatapos sumayaw. Sinasabi dito ang mga
pinagdaanan ni Maria para mailigtas ang buhay ni Don Juan. Binanggit pa ang mga pahirap na
pinagdaanan ni Don Juan sa ama ni Maria hanggang sa makatakas sila sa kaharian nito.
Sa pagtama ng negrita ng patpat sa negrito, kamangha-mangha na si Don Juan ang
nasasaktan. Nasasaktan man si Don Juan, di pa rin niya maalala ang mga nangyari sa kanila ni
Maria.
Dahil dito, nagalit si Maria at tinapos na niya ang palabas. Nawala na sa palabas. Nawalang
parang bula ang mga negrito at negrita. Naiwan lamang ang bote na nababalutan ng pilak at
may lamang tubig.
Tayutay Noon niya isinumpa
Ang anak na minumutya
Diyos ko ang kanyang wika,
Kayo na po ang bahala (panawagan)
Gabay na tanong
Bakit si Maria pumunta sa Berbanya?
Paano si Maria pumunta sa Berbanya?
Ano ginawa ng negrito at negrita
Kabanata 28
Buod
Tuluyang nagalit si Donya Maria sa hindi pag-alaala sa kanya ni Don Juan. Bago niya bitiwan
ang prasko upang gunawin ang buong kaharian ay nagbalik ang alaala ni Don Juan. Niyakap ni
Don Juan si Donya Maria at nagmakaawa. Sinabi rin niya sa buong kaharian na mahal na
mahal niya si Donya Maria.
Sa kabilang banda, sinabi rin ni Don Juan na Masaya rin siya na makasal kay Leonora dahil
naghintay siya sa kanyang pagmamahal. Ngunit sinabi niyang mas titibay ang kanilang
kaharian kung kay Don Pedro makakasal si Leonora. Nagpasalamat si Don Juan kay Leonora
sa pagligtas sa kanya.
Tayutay: Nagtindig si Donya Maria
Na sa Hari nakamata,
Parang tinatanong niya
Kung ang hatol ang tumpak na (Pagtutulad)
Gabay na tanong
bakit di ni Don Juan maalala si Donya Maria
Sino kakasalin ni Don Juan?
Ano ginawa ni Leonora kay Don Juan?
Kabanata 29
Buod
Naguluhan ang hari sa pahayag nina Leonora at Donya Maria. Humingi siya ng payo sa
Arsobispo kung sino talaga ang makakasal kay Don Juan. Hiningi ni Don Juan na makasal siya
ka Donya Maria. Pumayag ang hari.
Magkakaroon ng dalawang kasalan. Si Don Juan kay Donya Maria at si Don Perdo kay
Leonara. Binigay ng Hari ang korona kay Don Pedro at sina Don Juan at Donya Maria ay nilisan
ang Berbanya.
Tahimik ang kaharian ng de los Cristal nang dumating ang mag-asawa. Ang mga taong
ginawang hayop ng malupit na hari ay ibinalik nila sa dati. Nagkaroon ng pista sa
kaharian. Naging hari at reyna ang mag-asawa.
Tayutay:Para bagang sa digmaan
Ay bayaning nanagumpay
Baying kanyang tinangkakal
Sa paghangay nag diriwan (pagtutulad)

Gabay na tanong
saan si Don Juan pupunta?
Ano ginawa nila pag balik sa de los Cristales?
Saan sila nag pista?

You might also like