You are on page 1of 25

ANG TAMBULI NI ILIG

Salin sa Filipino ni Arthur P.


Casanova
Ng orihinal na akda sa wikang
Cebuano
Na “Ang Tambul ni Ilig” ni Felimon
B. Blanco
• Mga Karakter:
• Ilig- batambatang pinuno ng mga Subanon
(Thimuay) na mahiwagang naglaho habang
nangangaso.

• Tam- maybahay ni Ilig at ina ni Tambu

• Gabun- ama ni Ilig, isa ring Thimuay, namatay


sa pagtatanggol sa lupain ng mga Subanon


• Hap- ina ni Ilig at maybahay ni Gabun

• Bal- mapagkakatiwalaang pinuno ng


pamayanan

• Diut- ang kanang-kamay ni Ilig sa


pangangaso
• Apo Laluy- tradisyunal na doktor ng pamayanan
na tumulong sa pagpapaanak kay Ilig

• Apo Tilan- ang albularyo ng pamayanan na ang


tawag ay balian; nagsasagawa ng kanu suhat,
ang tradisyonal na pagbibinyag kay Ilig

• Guhom- pinuno ng pamayanan na kumatawan


sa pamilya ni Tam sa negosasyon sa kasalan
• Guhom 2- isa ring pinuno ng pamayanan na
kumatawan sa pamilya ni Ilig sa negosasyon sa
kasalan

• Hayag- ama ni Tam, isa ring pinuno ng


pamayanan

• Saleleng- isa ring balian o albularyo na anmuno


sa kasalan nina Ilig at Tam

• Tambu- anak na lalaki nina Ilig at Tam


Maikling Buod:

• Maikling Buod:
Sa unang bahagi ng dula ay mababasa ang mga
unang tagpo sa buhay ng batang si Ilig.
Nagsimula ito sa kanyang pagsilang kung saan
pinauwi sa pamamagitan ng malakas na tunog
ng isang tambuli ang kanyang amang si
Thimuay Gabun, ang pinuno ng tribo habang
nangangaso upang makasama ng kanyang
mag-ina.
• Kasunod na ipinagdiwang ang isang malaking
binyagan para sa sanggol na pinangalanang Ilig
bilang simbolo ng lakas at giting. Isang ritwal
na tinatawag na “Kanu Suhat” ang isinagawa
kaugnay ng kanyang binyag.
• Ipinakita rin sa bahaging ito ang tahimik at
payapang pamumuhay ng mga Subanon
gayundin ang mabilis na paglaki ng batang si
Ilig. Pagkakaingin at pagtatanim ang gawain ng
mga Subanon.
• Ang kanilang bawat gawain ay inihihingi nila
ng basbas sa kanilang Diyos na tinatawag
nilang Apo Megbebaya. Makikita ang kanilang
pagkakaisa sa bawat gawain, tulad ng
pagtatanim at pag-aani.
Makikita rin sa bahaging ito ang marami nilang
ritwal na isinagawa. Ang ritwal na “Tumutod”
ay isinasagawa sa panahon ng pagtatanim
kung saan isang baboy ang kinakatay bago ang
ritwal ng pagtatanim.
• May ritwal din sa pag-aani kung saan isang
gmemaling na may dalang basket na
nakasabit sa kanyang likod ang mamimili ng
maganda at malusog na uhay ng palay. Aawit
siya at puputulin ang mga uhay ng palay
habang iniiwasang maputol ang mga ito
pagkaraang malawayan ang bawat isa
• . Pagkatapos ay muli silang mananalangin kay
Apo Megbebaya upang hingin ang kanyang
basbas at pagsang-ayon sa kanilang pag-aani.
Isinasagawa rin nila ang ritwal ng
“mashanona” bilang ng taumbayan ang mga
pagkain at ibinabahagi ang kanilang biyaya,
iinom sila ng alak na gasi. Susundan ito ng
sayawan, awitan at pagsasaya.
• Sa ganitong payapang kapaligiran lumaki ang
batang si Ilig.Nang dumating na ang panahon
ng pag-aasawa ni Ilig ay pumili na siya sa mga
kadalagahan. Ang napili niya ay si Tam.
Isinagawa ang pagpupulong upang pumayag
na ikasal si Ilig kay Tam. Lahat ng mga
hinihiling ay naibigay kaya itinakda na ang
kasalanan ng dalawa.
• Matapos ang kasalan ay isa pang pagdiriwang
ang naganap. Si Ilig ang hinirang na bagong
Thimuay sa kanilang tribo. Sa pamumuno ni
Ilig ay nagpasiya silang lumipat ng tirahan sa
itaas ng kabundukan.
• Siya ang tinaguriang pinakamagaling na
mangangaso sa kanilang tribo. Hanggang sa
isang araw, kasama ng mga kalalakihan ay
nagpunta sila sa kagubatan upang mangaso
ngunit hindi na nakabalik si Ilig.
• Nagbalik ang mga kasamahan niya upang
ibalita ang nangyari kay Ilig. Umiyak ng umiyak
si Tam ngunit sinabi ng kasamahan ni Ilig na
sikaping paunlarin ang kanilang buhay kahit
wala na siya. At ipinagpatuloy nga nila ang
pamumuhay na tulad ng panalangin nila sa
Apo Megbebaya.
• 1. Sa anong uri ng kapaligiran lumaki ang batang si Ilig?
Ano ang naging epekto sa kanyang pagkatao ng
ganitong uri ng kapaligiran at uri ng pagpapalaki?
• 2. Anong paniniwala ng mga Pilipino ang nakita sa
dulang nabanggit na magagamit sa kasalukuyang
pamumuhay ng mga Pilipino?
• 3. Makatwiran ba ang ginagawa ng mga Subanon sa
pangunguna ni Ilig na maging mapagmahal sa
kapayapaan at huwag lumaban sa kumukuha ng
kanilang lupain? Bakit?
• 4. Isalaysay ang wakas ng akda. Bakit labis na nalungkot
ang mga tao sa wakas ng akda.
• 5. Ilarawan ang katangian ng mga Bisaya batay sa
dulang tinalakay.

You might also like