You are on page 1of 26

Pagsusuri ng maikling

kwento
b.1 Pangunahing Tauhan

Lola Luna
• Ang balong ina nina Ramon at Rey
• May sakit sa balat bunga ng
katandaan
• Ulyanin
• Naghahanap ng kalinga mula sa
kanyang mga anak ngayong matanda
na siya’t mahina pa
b.2 Mga Pantulong na Tauhan

•Ramon
•Panganay na anak ni Lola Luna
•Asawa ni Carmen at ama naman ni
Lida
•Kumupkop kay lola nang siya’y
maging balo na
•Paboritong anak ng kanyang ama
Rey
•Bunsong anak ni lola Luna
•Ama ni Odet
•Tumangging maging bagong
tagapag-alaga ni lola nang ipasa sa
kanya ang responsabilidad ng
kuyang si Ramon
•Ang paboritong anak ni lola Luna
Carmen
•Ang magandang asawa ni Ramon na
ina ni Lydia
•May malamig na boses
•Sinasabong maigi ang kamay at bisig
ni Lydia kapag matatabi kay Lola Luna

Lydia
•Anak nina Ramon at Carmen
•Malambing na batang apo ni Lola
Luna
Odet
•Ang apo ni lola Luna sa bunsong si Rey
•Hindi gaanong kakilala ni lola Luna di-
tulad ni Lydia
 Tinay
•Kasambahay nina Ramon at
Carmen
•Bisaya
•Tunay na nagpakita ng pagkalinga
at pag-aalala kay lola
Sa simula, nasa isang bahagi ng bahay na
maituturing na sala
Masasabing ang bahay ay may kalakihan na
kumpleto sa mga pasilidad, may kusina,
sala, kwarto at bakuran na maaaring maging
paradahan ng kotse
Ang bahay ay pagmamay-ari nina Ramon at
Carmen
Ang kwento ay naganap noong maulang
hapon
Panimulang pangyayari
Nakakandong kay lola Rosa ang apo niyang si Lydia.
Tinatanung niya ang matanda kung aalis na ito sa bahay na
iyon. Buong pagtataka namang sinagot ng lola ang bata.
Hindi raw siya aalis sa bahay na iyon. Nagtataka si lola Rosa
kung saan nanggagaling ang balitang iyon na nasambit ng
kanyang apo.
Maya-maya dumating si Carmen, ang magandang ina
ni ni Lydia. Tinawag niya ang kanyang anak gamit ang isang
malamig na boses. Mabilis na lumabas papuntang kusina si
Lydia at sumunod naman sa kanya si Carmen. Mula sa
upuang-pagulong ay natatanaw ni lola ang mag-ina.
Sinasabong mabuti ni Carmen ang mga kamay at bisig ni
Lydia.
Paunlad na pangyayari
Kinausap si lola ng panganay niyang si
Ramon. Sinabi niya na gusto raw makuha ni
Rey si lola dahil sabik daw sa lola ang anak
niyang si Odet. Labag daw para sa kalooban
nilang mag-asawa ang ipaubaya siya kay
Rey ngunit baka raw magdamdam iyon.
Habang sinasabi ito’y mailap ang tingin ni
Ramon sa ina.
Mabagal ang takbo ng pag-iisip ng
matanda. Pilit niyang inaalisa ang sinabi ni
Ramon. Maraming mga tanong ang pumasok sa
kanyang isipan gaya ng saan nakatira si Rey? Sino
ang napangasawa niya? Ano ang itsura ni Odet?
Dalawa nga ba ang kanyang anak? Tila padalas
nang padalas ang ganoong magulong pag-iisip
niya. Tila naaalala pa niya ang tinig ng kanyang
asawa na nagsasabing huwag siyang mag-alala
na maunang mamatay ito dahil mayroon naman
siyang dalawang anak.
Biglang nawala ang kanyang kausap
sakay ng upuang-pagulong, nagpunta
siya sa tapat ng pinto. Nakasara ang
pinto ngunit naririnig niya ang malakas
na boses ni Ramon. Ganoon pa man,
hindi malinaw ang mga salitang naririnig
niya. Naroon din sa loob ng kwarto si
Carmen na may malamig na boses.
Isang alaala o guniguni ang nasa isipan ni
lola. Naalala niya ang naging pag-uusap nila ng
kanyang asawa nang buhay pa ito.
Pinagtatalunan nila noon kung nararapat bang
ibigay nang ganoon kaaga ang mga mana ng
dalawa nilang anak. Ipinagtanggol ni lola na
dapat nang ibigay sa kanilang mga anak ang
mana nila dahil hindi raw sila magiging
makasarili tulad ng sinasabi niya. Bunga nito’y
bumuti ang katayuan ng dalawa sa lipunan.
Hanggang sa namatay na nga ang asawa ni lola
at napunta siya sa pangangalaga ni Ramon.
Natigil ang pag-aalaala ni
lola nang may bumusinang
awto. Si Rey daw ang
dumating ayon kay Tinay.
Ikinatuwa ito ni lola.
Kasukdulan

Sa kanyang gunita’y kausap niya ang asawa.


Doo’y tila nagtutuksuhan pa sila tungkol sa
paborito nila sa dalawang anak; si Ramon sa
asawa ni lola at si Rey naman ang kay lola. Buong
saya raw niyang kausap ang asawa dahil sa wakas
ay makakasama na niya ang bunso at titira sa
bahay sa Timog.
Sabik na sabik si lola na makita ang
bunsong anak. Pinabilis niya ang takbo ng kanyang
upuang –pagulong.
Sa may pinto’y napatigil siya nang
marinig niya ang malalakasna tinig ng kanyang
mga anak. Masasakit na salita tungkol sa pag-
aalagang ginawa nila Ramon para sa kanyaang
narinig ni lola. Dagdag pa rito ang ang
pagtanggi ni Rey sa usapang siya naman ang
kumopkop dito dahil mag-a-around-the-world-
pa raw sila at mayroon nang sakit sa balat ang
matanda. Sumunod din ang malamig na tinig ni
Carmen na di niya maunawaan.
Kakintalan

Ang mga pangyayaring naganap ay sinlamig


ng ambon na pumapatak sa kanyang ulunan
habang patungo sa terraza. Tila sinlamig ng
takipsilim ng araw na iyon.
Wakas

 Natagpuan ni Tinay si lola sa terraza. Niyaya niya


itong pumasok sa loob. Bagamat utusan lamang at
di- kaano-ano ng matanda, matinding awa ang nasa
tinig ni Tinay.
E. Kaligiran

• Mapapansing sa kwentong ito ay litaw na litaw ang


kawalan ng utang na loob ng mga anak sa kanilang
ina. Noon, inalagaan sila nito at ibinigay agad ang
kanilang mana. Ngayon, halos pandirihan nila ang
sakit nito sa balat at pinagpapasa-pasahan ang pag-
aalaga ng dalawa.
F. Tunggalian

•Tao-sa –tao
•Sa akdang ito, ang pagtanaw ng
utang na loob ang pinaglalabanan
nina lola at ng kanyang mga anak
na sina Ramon at Rey.
G. Tema/Paksa

•“Pagtanaw ng utang na loob


sa nagkalingang ina.”
H. damdamin
Pansinin ang mga pahayag na ito mula sa akda.
Sa kabila ng nakapinid na pinto’y
naulinigan niya ang tinig ni Ramon. Malakas.
Ngunit hindi malinaw ang mga salitang
hinahadlangan ng makapal na pinto.
Naulinigan niyang bahagyang-bahagya
ang tinig ni Carmen.
Marahas. Hindi galit. Malamig. Naglaos sa pinid
na pinto ang kalamigan ng tinig na iyon.
I. Pananaw(Point of view)

• Ikatlong katauhang
pananaw
J. Simbolo
•“Takipsilim”
•Sumisimbolo ang takipsilim sa
isang yugto ng ating buhay na
bahagi ng kwento, ang pagtanda.

You might also like