You are on page 1of 20

GRADE 7 FILIPINO

IKAAPAT NA MARKAHAN
Taong-Panuruan 2018-2019

PANGALAN: ____________________________________________________ PANGKAT: _____________________


Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong
IBONG ADARNA Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria
Blanca at Donya Leonora. May ilang mga kritiko ang nagsasabing maaaring ang
sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw.

Mga katangian ng Ibong Adarna kung bakit ito itinuturing na isang korido:

1. May sukat at tugma. Sinasabing may sukat ang tula kung pare-pareho ang
bilang ng pantig ng mga salitang bumubuo sa bawat taludtod o linya ng tula.
Bilangin mo nga ang mga pantig sa unang saknong ng Ibong Adarna:

O Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
Liwanagin yaring isip
Nang sa layo’y di malihis.

Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod? Walo, di ba? Pare-parehong


Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong panahon ng Kastila walo ang pantig sa bawat taludtod. Kapag korido ang pinag-uusapan, laging
na ngayon ay bahagi na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino. Noong panahon ng walong pantig mayroon sa bawat taludtod. May tugma naman kung ang mga
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na: dulong salita sa bawat taludtod ay magkakapareho ng tunog. Balikan mo ang
saknong sa itaas. Ano ang mga salita sa dulo ng bawat taludtod? Di ba kaibigibig,
“Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid langit, isip at malihis? Ano ang dulong tunog? Di ba g, t, p at s? Magkakatugma
na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang ang mga katinig na iyan. Pero pansinin mo rin na ang patinig bago ang mga
Berbania” dulong tunog na nabanggit ay pawang i. Kung hindi magkapareho ang huling
patinig, hindi masasabing magkatugma ang dalawang salita.
Ang Ibong Adarna ay may 1717 saknong na may mala-epikong istilo ng
pagkakasalaysay; tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. 2. Ito’y sadyang para basahin, hindi awitin Ngunit, kapag inawit nama’y mabilis
Nakasentro ang kwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang ang himig o allegro. Ito ay dahil maiikli ang mga taludtod; wawaluhing pantig
kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling lamang.
umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kwento sa pakikipagsapalaran ni
1
3. Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural, o may kakayahang  Tatlong Ermitanyo - mga matatandang nakilala ni Don Juan sa kanyang
magsagawa ng mga kababalaghang di kayang gawin ng karaniwang tao, tulad ng
paglalakbay.
pagpatag
ng bundok sa isang magdamag lamang.
 Ibong Adarna - mahiwagang ibon na nakapagpapagaling ng sakit; sinumang
4. Malayong maganap sa tunay na buhay ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan.
maiiputan ay nagiging bato.

MGA PANGUNAHING TAUHAN


 Haring Fernando - hari ng Kahariang Berbanya; dahil sa masamang panaginip
BUOD NG KORIDO
ay nagkaroon ng malubhang sakit. Umiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don
Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo
sa puno ng Piedras Platas doon sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ng kahit
 Reyna Valeriana - reyna ng Kahariang Berbanya. sino man sa kanila ang ibon upang mapagaling si Haring Fernando na noon ay
dinapuan ng kung anong sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang mediko.
Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano
 Don Pedro - panganay na anak ni Haring Fernando; pinakaunang naghanap sa sa sakit ng hari. Ang magkakapatid ang nakahanay na magiging tagapagmana ng
Ibong Adarna ngunit hindi nagtagumpay. korona't setro ng harI. Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga
pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit hindi
sapat iyon sa haharapin nilang pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don
 Don Diego – pangalawa sa magkakapatid na prinsipe; asawa ni Donya Juana. Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa matarling
na awit ng Adarna at maiputan nito.
Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna nang
 Don Juan - pangatlo at bunso sa tatlong anak ni Haring Fernando at Reyna tulungan ng nasabing prinsipe ang isang matandang nasalubong sa daan. Binigyan
din ng mahihiwagang gamit ng matanda si Don Juan, upang mabihag ang ibon at
Valeriana ng Kahariang Berbanya. Siya ang paboritong anak nghari. mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid. Sa Halip na
magpasalamat, nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila
ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan,
 Doña Maria - prinsesa ng Reino de los Crystales; ang pag-ibig ni Don Juan. nang iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa
tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng
Reino de los Cristal. Napaibig din si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na
 Doña Leonora - prinsesa ng kahariang nakatago sa ilalim ng lupa; iniibig ni sina Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman
Don Pedro. sa mga dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay
Haring Salermo.
Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at
namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya. Samantala, ang Ibong Adarna
 Doña Juana - ang nakatatandang kapatid ni Leonora. ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan.
Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas
na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.
 Haring Salermo - ama ni Doña Maria.

2
KABANATA 2 : KAHARIAN NG BERBANYA
Buod ng Bawat Kabanata
Matapos ang papuri sa Mahal na Birheng Maria ay isinalaysay nan g
makata ang napakasaganang kaharian ng Berbanya.
KABANATA 1 : ANG HILING NG MAKATA Si Don Fernando, hari ng Berbanya; mabait at iginagalang ng lahat,
mahirap man o mayaman. Mataas ang pagtingin sa kanya ng mga hari sa ibang
Sa simula ng korido, isang papuri sa Mahal na Birheng Maria ang kaharian. Ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana na ang ganda at kabaitan
inialay ng may-akda. Ikinumpara niya ang kanyang sarili sa isang bangkang ay walang katulad. Sila ay may tatlong anak na prinsipe.
naglalayag at nakarating sa isang bahagi ng dagat kung saan hindi na niya kaya Si Don Pedro ang panganay na may tindig na pagkainam. Sinundan ni
maglayag pa. Don Diegong malumanay at ang pangatlo’y siyang bunso si Don Juan na ang
Humingi siya ng gabay sa Inang Birheng Maria para magkaroon ng puso’y sutlang kahit na mapugt ay puso ring may pagsuyo.
patutunguhan ang kanyang buhay. Ninais din niya na sana ay pakinggan ng Isang araw, itinanong ni Haring Fernando kung ano ang gusto nilang
Inang Birheng Maria ang kanyang nilikhang korido. maging pagdating ng panahon. Pinapili sila kung gusto nilang maging hari o
maging pari. Lahat sila ay nagnais na maging hari kung kaya’t sila ay inaral sa
Tunghayan ang panimulang saknong: paggamit ng armas. Naging maganda ang Berbanya dahil sa mabuting
pamumuno ni haring Fernando.
O, Birheng kaibig-ibig Ngunit isang gabi, napanaginipan ni Haring Fernando na ang
Ina naming nasa langit, pinakamamahal niyang si Don Juan ay pinagtaksilan, pinatay at inihulog sa
liwanagin yaring isip malalim na balon. Nabahala ito nang husto at nagkasakit.
nang sa iyo’y di malihis. Isa sa mga manggagamot ang nakapagsabi ng lunas sa lumalalang
sakit ng hari. Ito ay ang awit ng ibong Adarna na kapag narinig ng hari at tiyak
Ako’y isang hamak lamang na kanyang ikagagaling. Matatagpuan ang ibon sa bundok Tabor sa puno ng
taong lupa ang katawan, Piedras Platas. Bilang panganay na anak ng hari, inatasan si Don Pedro na
mahina ang kaisipan tunguhin ang nasabing bundok.
at maulap ang pananaw.

Malimit na makagawa KABANATA 3 : HAMON KAY DON PEDRO


ng hakbang na pasaliwa
ang tumpak kong ninanasa Agad sinunod ni Don Pedro ang utos ng amang hari. Naglakbay si Don
kung mayari ay pahidwa. Pedro sakay ng kabayo ngunit, hindi nagtagal ay namatay ang kabayo kaya
napagpasiyahan niyang malakad na lamang. Tatlong buwan bago narating ni
Labis yaring pangangamba Don Pedro ang Bundok Tabor. Dito ay nasilayan niya ang napakagandang
na lumayag na mag-isa puno ng Piedras Platas; ang mga dahon at sanga nito'y kumikislap wari'y mga
baka kung mapalaot na diyamante at ang mga ugat ay ginto. Nagpahinga si Don Pedro sa ilalim ng
ang mamangka’y di makaya. puno at dahil sa pagkainip sa paghihintay sa Ibong Adarna ay nakatulog ito.
Akma naman sa pagtulog ni Don Pedro ay dumating ang Ibong
Kaya, Inang matangkakal, Adarna. Umawit ito kasabay ng papalit ng kulay ng kanyang balahibo ng
ako’y iyong patnubayan, pitong beses, matapos ay umipot. Sa hindi sinasadya’y napatakan ng ipot ng
nang mawasto sa pagbanghay Ibong Adarna ang natutulog na si Don Pedro at ang walang malay na prinsipe
nitong kakathaing buhay. ay naging bato.
3
KABANATA 4 : DON DIEGO: “AKO NAMAN!” Kinausap ng Ermitanyo si Don Juan at ibinilin ang mahahalagang
detalye sa paghuli ng Ibong Adarna.
Isang taon na at 'di pa nakakabalik si Don Pedro kaya si Don Diego ay
sumunod sa paghahanap. Limang buwan siyang naglakbay. Ngunit, gaya sa  Hiwain ang palad gamit ang labaha;
naging paglalakbay ni Don Pedro ay namatay rin ang sinasakyan niyang  Patakan ng dayap ang hiniwang palad para malabanan ang antok;
kabayo. Naglakad si Don Diego hanggang sa natagpuan niya ang Piedras  Sa oras na makatulog na ang Ibong Adarna, itali ito gamit ang gintong
Platas. Natulala ito sa kagandahan ng paligid at sa mga ibong lumilipad; sa sintas;
kanyang pamamasid siya ay nakatulog. Tulad sa kinasadlakan ni Don Pedro, si  Pagkahuli ay ilagay sa hawla at dalhin sa dampa ng Ermitanyo.
Don Diego ay naiputan din ng Ibong Adarna habang natutulog at naging bato.
KABANATA 7 : ANG KARAPAT-DAPAT

KABANATA 5 : HANGAD MAKATULONG Pagkatapos ng bilin ng Ermitanyo ay agad na tinungo ni Don Juan ang
puno ng Piedras Platas. Dito ay agad niyang nakita ang Ibong Adarna.
Lumipas ang tatlong taon ngunit hindi pa nakabalik sina Don Pedro at Nang dumapo ang naturang ibon sa puno ng Piedras Platas ay
Don Diego na siyang lalong nagpalala sa sakit ng hari. Kaya, hiningi ni Don nagsimula itong umawit. Naging alesto si Don Juan sa pagsunod sa bilin ng
Juan ang bendisyon ng kanyang mga magulang na ipaubaya sa kanya ang Ermitanyo kaya agad niya ipinanghiwa ang labaha sa kanyang palad at ang
paghahanap sa mga kapatid gayundin sa Ibong Adarna. mga hiwa'y pinigaanan niya ng dayap upang mapaglabanan ang antok habang
Noong una’y ayaw pumayag ng hari sa desisyon ni Don Juan na kumakanta ang ibon.
sundan ang mga kapatid dahil sa takot na baka magkatotoo ang kanyang Sa halip na si Don Juan ang makatulog, ang mismong Ibong Adarna
masamang panaginip ngunit, nagpumilit si Don Juan at sinabing aalis siya ang nakatulog. Dahan-dahang inakyat ni Don Juan ang puno at kaagad na
kahit wala ang basbas ng kanyang mga magulang. tinalian ang ibon gamit ang gintong sintas. Matagumpay na nahuli ni Don Juan
Naglakbay si Don Juan ng walang kabayo at baon lamang ang limang ang Adarna at dinala sa dampa ng Ermitanyo.
pirasong tinapay. Dinadasal niya palagi sa Mahal na Inang Birhen na siya’y Pagkadala’y inutusan ng Ermitanyo si Don Juan na umigib ng tubig at
gabayan sa kanyang paglalakbay. Sa loob ng ang apat na buwang paglalakad, ibuhos sa dalawang bato. Nang mabuhusan na ay laking tuwa ni Don Juan ng
narating niya ang Bundok Tabor. biglang lumitaw ang dalawa niyang kapatid.
Niyakap ni Don Pedro si Don Juan sa labis na saying nadama sa
kanilang pagkakaligtas habang si Don Diego naman ay puno ng pagtataka sa
KABANATA 6 : GANTIMPALA NG KABUTIHANG LOOB mga nangyari.
Dinala niya ang kanyang mga kapatid sa dampa ng Ermitanyo. Bago
Nang marating ni Don Juan ang Bundok Tabor ay nakakita siya ng umalis ng bundok ay ginamot muna ng Emitanyo ang mga sugat ni Don Juan
isang matandang ketongin na humihingi ng limos. Kahit na ang tanging bagay at kamangha-manghang ni bakas ay walang makita. Pinayuhan din sila ng
na hawak niya ay isang tinapay, ibinigay pa rin niya ito. Ermitanyo na huwag pagtataksilan ang isa't isa.
Noong malaman ng matanda na ito ang huling tinapay ni Don Juan, Dala ang Ibong Adarna na nasa loob na ng hawla, nagpasiya ang
sinubukan niya itong ibalik pero, hindi pumayag si Don Juan. Bilang magkakapatid na bumalik na sa Berbanya.
pasasalamat sa kabutihan ni Don Juan, sinabi ng matanda na magtungo muna
si Don Juan sa gilid ng bundok kung saan makikita niya ang isang dampa na
tirahan ng Ermitanyo. KABANATA 8 : BUNGA NG MASAMANG GAWA
Sa loob ng dampa ng Ermitanyo ay nakita ni Don Juan ang tinapay na
kanyang binigay sa matandang ketongin. Dahil dito, ikinumpara ni Don Juan Habang naglalakad pauwi ay may masamang na isip si Don Pedro.
ang Ermitanyo kay Hesus dahil sa taglay nitong kahiwagaan. Dahil sa kabiguang makuha ang Adarna, haharap siya sa kanyang ama na may
4
kahihiyan. Tanging si Don Juan lamang ang may karangalan na bumalik sa Pagkatapos ay yumao na siya patungo sa Berbanya para sa amang
Berbanya. Hinikayat niya si Don Diego sa kanyang balak na patayin si Don matagal nang naghihintay.
Juan at nakawin ang Adarna.
Nagdalawang-isip si Don Diego sa nakakasindak namungkahing iyon
at kinumbinsi ang kanyang kapatid na bugbugin na lamang nila si Don Juan KABANATA 10 : ANG KATOTOHANAN AY LALABAS
hanggang sa ito ay manghina, saka iiwan. Pinagtulungan nila si Don Juan na
hindi naman lumalaban. Nang halos hindi na ito humihinga, kinuha nila ang Sa wakas nakarating din si Don Juan sa Berbanya. Nabatid ng Ibong
ibon at iniwang sugatan ang kapatid. Adarna na naroon na ang nagmamay-ari sa kanya kaya ito ay nagsimulang
Umuwi sina Don Pedro at Don Diego sa kaharian. Natuwa ang hari magpalit ng anyo at umawit ng 7 beses, na ang laman ng mga awit nito'y mga
nang makita ang magkapatid ngunit, nang nakita niyang wala si Don Juan, siya kaganapan sa naging paglalakbay ni Don Juan at ang kataksilan ng dalawa
ay nalungkot muli at tila mas lalong lumala ang kanyang sakit. niyang kapatid.
Nagduda rin ang lahat dahil ang Ibong Adarnang hawak nina Don Gumaling ang hari at iniutos na ipatapon at bawian ng lahat
Pedro at Don Diego ay pumangit ang balahibo at hindi kumakanta. ngkarapatan ang dalawang lilo. Ngunit nakiusap si Don Juan na patawarin na
ang kanyang mga kapatid at nakumbinsi naman niya ang amang hari sa
kundisyon na kapag nagkasala muli ang dalawang taksil, ang kanilang buhay
KABANATA 9 : SAGOT SA TAIMTIM NA DASAL na ang magiging kapalit. Nagbalik sa dati ang kalagayan ng kaharian at muling
naging maligaya ang lahat.
Pagdating ng dalawa sa palasyo ay buong pagmamalaki nilang
inangkin ang pagkakahuli sa Adarna. Ikinatuwa ito ni Don Fernando ngunit ANG 7 KATOTOHANAN NA INAWIT NG ADARNA
ang ibon ay ayaw kumanta at pumapangit pa.
Sa kabilang dako, si Don Juan ay nanghihinang gumagapang sa damo.  Naging bato sina Don Pedro at Don Diego.
Namamaga ang buo niyang katawan, napinsala ang mga tadyang, gutom at  Naging buhay muli sina Don Pedro at Don Diego sa tulong ni Don
uhaw. Lubusan itong nagdurusa sa kataksilan ng dalawa niyang mga kapatid Juan.
dahil lamang sa karangalang hindi naman niya nais angkinin.  Nagkwento siya tungkol sa tulong ng Ermitanyo.
Gayunpama'y mahal niya sila't tuluyang pinatawad. Nananalangin si  Nagkwento tungkol sa mga sugat at pinaghirapan ni Don Juan.
Don Juan na sana’y:  Nagkwento sa balak pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego.
 Tungkol sa aktwal na paggawa ng kataksilan.
 Gumaling na ang kanyang amang hari.  Nagsalaysay tungkol sa matandang uugod-ugod.
 Mapatawad ang kanyang mga kapatid
 Payagan siyang pumasok sa langit
 Iaalay niya ang sarili ko Diyos KABANATA 11 : PAG-AKO NG KASALANAN
 Masagutan ang kanyang tanong kung bakit siya pinagtaksilan ng
kanyang mga kapatid. Nagpalabas ng bagong kautusan ang hari na halinhinang bantayan ng
tatlo niyang anak ang ibong Adarna - tatlong oras bawat isa. Sinuman ang
Habang dumadaing si Don Juan sa sakit na nararamdaman ay may magkamali ay may parusang nakalaan.
isang matandang dumaan at nakakita sa kanya. Siya'y inalagaan at ginamot. Isang gabi ay naisipan ni Don Pedro na maghiganti sa natamong
Nakakagulat namang gumaling siya kaagaad at nanumbalik ang dati niyang kahihiyan at kinausap si Don Diego sa planong pakawalan ang ibon sa oras na
lakas. Laking pasasalamat ni Don Juan sa matanda. Sinabi ng matanda na ang makatulog si Don Juan. Nagtagumpay nga ang dalawan sa muling pagtataksil
kabutihan ay hindi dapat ginagawa kung ang layon ay hindi dahil gusto mo kay Don Juan.
lang maging mabuti.
5
Kinaumagahan, gulat nagulat si Don Juan nang makitang wala na ang KABANATA 14 : WALANG DAMBUHALANG KALABAN
ibon sa hawla. Upang pagtakpan ang kasalanan ng kanyang mga kapatid,
nagpasya siyang umalis na lamang sa kaharian. Sa ilalim ng balon na kinaroroonan ni Don Juan, ang lupa ay
Natuklasan ng Haring Fernando na nawala ang ibon at ipinatawag ang kumikinang na kristal, mahalama't mabulaklak at may palasyong kumikislap
tatlong anak ngunit, dalawa lamang ang humarap. Ipinahanap nito si Don Juan na yari sa ginto't pilak.
sa dalawa. Dito ay nakilala niya ang napakagandang si Doña Juana na bihag ng
Hinanap ni Don Pedro at Don Diego ang kapatid. Napadpad sila sa isang higante. Natalo ni Don Juan ang higante, at napalaya ang prinsesa.
mga bundok at burol hanggang sa natagpuan nila si Don Juan sa kabundukan Nagyaya si Don Juan na lisanin na nila ni Doña Juana ang balon
ng Armenya. ngunit ang tungon nito’y hindi maaari sapagkat mayroon pa siyang bunsong
kapatid na hindi pa naililigtas.

KABANATA 12 : DI-HUSTO ANG TANGAN


KABANATA 15 : PAGLIGTAS SA PRINSESA
Ang Armenya ay isang maganda at payapang lugar kung saan
nagpunta si Don Juan para pagsisihan ang kasalanang hindi naman niya Nang marinig ang tugon ni Doña Juana ay agad pumanhik si Don Juan
ginawa. Inako niya ang pagkawala ng Adarna upang mailigtas sa parusang sa napakagandang ngunit napakaliit na gintong palasyo upang iligtas din ang
kamatayan ang kanyang mga kapatid. kapatid ng naunang prinsesa.
Nang makita ni Don Diego si Don Juan sa bundok, siya ay Nang matagpuan ni Don Juan ang kapatid ni Doña Juana na si Doña
nakaramdam ng hiya dahil sa ginawang kataksilan habang si Don Pedro Leonora ay namangha ito ng husto dahil sa taglay niyang ganda na walang
nama’y hindi kababakasan ng takot at pagsisisi. katulad. Si Doña Leonora ay bihag ng isang serpenteng may pitong ulo.
Nagpasiya si Don Pedro na manatili na lamang sa Armenya at iwanan Nakilala ni Don Juan si Leonora at natalo ang serpente sa tulong ng
ang kanilang responsibilidad sa Berbanya. mahiwagang balsamo ng prinsesa.
Pumayag naman si Don Juan dahil ang tangi niyang kahinaan ay ang Umibig si Don Juan kay Doña Leonora at gayundin naman ang
kanyang sobrang pagmamahal sa kapatid. Naging masaya naman ang kanilang prinsesa sa kanya. Silang tatlo, kasama ang lobo ni Leonora ay umahon sa
pamumuhay sa bundok. balon.

KABANATA 13 : PANIBAGONG PAKIKIPAGSAPALARAN KABANATA 16 : ANG MULING PAGTATAKSIL

Isang araw ay napagpasiyahan nilang magliwaliw sa bundok na hindi Nang makita ni Don Pedro si Doña Leonora ay nabighani at umibig
pa nila napapasok. Doon ay natagpuan nila ang isang malalim na balong siya kaagad dito. Si Don Diego naman ay umibig kay Doña Juana.
walang tubig at sa ibabaw naman ay may mataas na tali. Pauna na sana sila nang naalala ni Doña Leonora na naiwan ang
Ang balon ay yari sa makinis na marmol at ang mga lumot ay waring mga kanyang singsing sa palasyo. Nagkusa si Don Juan na kunin ang singsing.
ginto na nakaukit. Naisipan ng magkapatid na tuklasin ang nasa loob ng balon. Nang makalusong ng sampung dipa ay pinatid ni Don Pedro ang lubid at
Naunang bumaba si Don Pedro. Natakot ito matapos maabot ang lalim nahulog si Don Juan.
na 30 dipa at nagpaahon sa dalawa niyang kapatid. Sumunod naman si Don Tatalon sana si Leonora ngunit nahawakan siya nang mahigpit ni Don
Diego ngunit tulad ni Don Pedro, nagpaahon din kaagad. Huling sumubok si Pedro. Inihagis niya ang engkantadong lobo at binilinan itong alagaan si Don
Don Juan at narating niya ang dulo ng balong may lalim na 100 dipa. Juan.
Nakakamangha ang natuklasan ni Don Juan. Sa kabilang dako, sa Berbanya ay nanaginip na naman si Haring
Fernando nang masama; si Don Juan raw itinulak mula sa isang bangin.
6
KABANATA 17 : PAGBABALIK SA BERBANYA naninirahan sa ikapitong bundok na maaaring nakakaalam at ipinadala ang
kanyang kapirasong baro.
Bumalik silang apat sa Berbanya. Sinabi ni Don Pedro sa amang hari Makaraan ang limang buwan, nakarating din si Don Juan sa ikapitong
na hindi nila nakita si Don Juan pero nakakita sila ng dalawang prinsesa na bundok at nakilala ang 500 taong gulang na ermitanyo. Doo'y ipinakita niya
kanilang iniligtas mula sa pagkakabilanggo. ang kapirasong baro ng matanda at nakisuyong malaman ang kinaroroonan ng
Nagpakasal si Don Diego at Doña Juana. Ang kasal naman ni Don hanap na kaharian. Ngunit tulad ng naunang matanda'y hindi rin nito alam.
Pedro at Doña Leonora ay ipinagpaliban muna dahil sa pitong taong panata na Maging ang mga alaga niyang hayop ay walang ring nalalaman, kaya
kailangang tapusin ng prinsesa, ngunit ang katotohanan ay umaasa pa itong iminungkahi nitong dalawin ang kapatid niyang ermitanyo nananinirahan sa
magbabalik si Don Juan. ikapitong bundok mula roon. Ibinigay nito ang kanyang kapirasong baro at
ipinahatid ang prinsipe sa alagang olikornyo.
Natagpuan ni Don Juan ang 800 taong gulang na ermitanyo at ibinigay
KABANATA 18 : TULONG MULA SA LOBONG ENKANTADO
ang baro na kanyang dala mula sa pangalawang ermitanyo, sabay sa pagsasabi
ng anyang sadya. Sa kasamaang palad, wala ring alam ang ermitanyo. Mabuti
Natagpuan ng lobo si Don Juan na nag-aagaw buhay. Lasog ang mga
na lang at ang alaga niyang agila ay nakakabatid sa kinaroroonan ng kaharian.
buto ng prinsipe at sugatan. Ginamot ng lobo ang prinsipe gamit ang tubig
Ipinahatid ng ermitanyo ang prinsipe sa agila dala ang mga kakailanganing
mula sa Ilog Jordan. Agad na lumakas si Don Juan. Gumaling ang kanyang
pagkain.
mga sugat at mas tumingkad pa ang kanyang tindig kaysa dati.
Matapos makuha ang singsing, umahon na ang prinsipe kasama ang
lobo sa balon at tuluyang naghiwalay. Ang lobo ay sa kabundukan at si Don KABANATA 21 : ANG PAG-IBIG NG DON JUAN
Juan nama'y sa daan patungong kahariang Berbanya.
Isang buwang naglakbay si Don Juan sakay sa agila at sa wakas ay
nakarating din sa kaharian ng de los Crystales. Doon ay inilapag siya sa
KABANATA 19 : PAGKIKITANG MULI
paliguan ng tatlong maririkit na prinsesa. Hindi naman nahihirapan si Don
Juan na kilalanin si Doña Maria dahil sa namumukod tanging kagandahan na
Sa kanyang paglalakbay, nakita muli ni Don Juan ang ibong Adarna.
taglay nito. Nabighani nang husto si Don Juan sa kanya, kaya naman kinuha
Ipinaalam nito ang tungkol sa pinakamagandang si Doña Maria na anak ni
niya ang damit nito.
Haring Salermo sa kaharian ng de los Crystales. Nagpahayag rin ang ibon na
Nang malamang kasuota'y nawawala, galit na galit ang prinsesa. Bago
'di dapat mangamba ang prinsipe sa hirap at pagdurusang maaaring harapin.
pa mag-ikalima ng umaga, humarap at nagpakita si Don Juan.
Sa payo ng Adarna, nagpatuloy sa paglalakbay si Don Juan pasilangan
Lumuhod ito sa harapan, at humingi ng kapatawaran sa ginawang
tungo sa delos Crystales. Samantala, si Doña Leonora ay lubhang
kapangahasan. Nabawasan ang galit ni Doña Maria at nahabag sa ginawang
nagdadalamhati habang patuloy na umaasang magbabalik pa si Don Juan.
pagsamo ng prinsipeng sa kanya'y may pagsinta.
Umibig din si Doña Maria kay Don Juan. Binigyan niya ang prinsipe
KABANATA 20 : PAGHAHANAP SA KAHARIAN NG DE LOS ng mga tagubilin upang maiwasan nito ang kapahamakang sinapit ng iba na
CRYSTALES ginawang mga bato ng kanyang ama. Sinabi ng prinsesa na tuwing ikalima ng
umaga gumigising ang ama niya. Kapag tinanong siya tungkol sa layon ng
Tatlong taong naglakbay si Don Juan hanggang sa makatagpo siyang kanyang pagpaparoo'y kailangan niyang sagutin ito na upang maglingkod at
100 taong gulang na matandang mapagtatanungan. Binigyan siya nito ng maging gantimpala ang sa anak ay makasal. Kung aanyayahan naman siya
makakain at maiinom ngunit di nito alam kung saan ang kahariang hinahanap napumanhik sa palasyo, pasalamatan ang paanyaya ngunit huwag paunlakan.
niya. Gayunpaman, pinayuhan niya ang prinsipe na puntahan ang matandang Pinakahuli ay kailangang maging handa ang prinsipe sa mga kautusan ng hari.
Si Doña Maria naman ang bahalang tumupad sa mga kahilingan ng kanyang
ama.
7
KABANATA 22 : ANG KAUTUSAN NI HARING SALERMO 1. Ang bundok namataas ay iusod at itapat sa bintana ng hari upang
matamasa nito ang sariwang hangin
Malugod nabinati ni Don Juan ang hari saka nagpakilala at nagpaalam 2. Dapat mamasdan ito ng hari pagdungaw sa umaga.
sa kanyang layunin. Inimbitahan siya ng hari sa palasyo. Tulad ng bilin ni
Doña Maria, si Don Juan ay 'di tumugon sa imbitasyon at sa halip ay Isinagawa kaagad ni Doña Maria ang ikatlong kautusan na walang
nagpahiwatig sa hangarin niyang makapaglingkod. Agad na tinawag ng hari kahirap-hirap. Hindi naman makapaniwala ang hari sa nakita himala kung
ang isang utusan at pinakuha itong sansalop na trigong kaaani pa. Nang naroon kanyang ituring. Humanga ito nang husto kay Don Juan at muli pang nag-utos:
na ay ibinigay nito ang unang kautusan. Ito ang mga sumusunod:
1. Ang bundok ay itabon sa gitna ng karagatan at gawing kastilyo. Ang
1. Ang bundok na mataas ay tibagin at patagin. mga simboryo nito ay kailangang anyong bilog.
2. Kapag napatag na ay ikalat ang trigong dala-dala. 2. Ang muog nito'y tayuan ng gulod na pitong hanay kung saan
nakalagay ang mga kanyong paglalagyan ng anim na batirya at ang
3. Itanim ito at sa gabi ding iyon ay patubuin, pamungahin, anihin at
mga kawal ay dapat na nasa ayos pakikibaka.
gawing tinapay upang maging pagkain ng hari sa agahan. 3. Ang mga kanyon nama'y magsisiputukan wari'y may digmaan.
4. Gumawa ng matuwid na daanang mayroong mga palamuti sa
Kinagabihan, pinuntahan ni Doña Maria si Don Juan upang malaman magkabilang panig nito, mula sa palasyo tungo satanggulang nilikha.
ang iniutos ng ama. Isinalaysay ng prinsipe ang unang kautusan at madali
naman itong naisagawa ng prinsesa na masmakapangyarihan kaysa ka kanyang Napangiti ang prinsesa nang malaman ang ikaapat nakahilingan ng
ama. Laking pagtataka ng hari kinaumagahan nang makita ang tinapay sa kanyang ama. Sinabi nito kay Don Juan na ipaubaya na lamang sa kanya ang
hapag niya. Hindi ito makapaniwalang naisakatuparan ang una niyang lahat. Tunay man, kinaumagaha'y nagulantang ang hari sa nagsiputukang
kautusan. Muling ipinatawag ng hari si Don Juan para sa ikalawang utos. Ito kanyon at nagulat ito nang husto pagkakita sa kaakit-akit nakastilyong nasa
ang mga sumusunod: gitna ngkaragatan. Niyaya niya si Don Juan namamasyal sa ginawang
tanggulan. Sa kanilang pamamasyal ay naiwala ng Hari ang kanyang singsing
1. Praskong iniingat-ingatan ng hari ay may nakapaloob na 12 negritong at nagpasya itong umuwi.
maliliit. Ang mga ito ay pakakawalan ng hari sa laot ng karagatan. Pagsapit ng ika-lima ng hapon ay ipinatawag si DonJuan para sa isang
Ang mga ito'y isilid muli sa bote nawala ni isa mang kulang o panibagong kautusan. Ito ang mga sumusunod:
mapalitan.
2. Kailangang magisnan ito ng hari kinabukasan sa hapag na kanyang 1. Alisin ang kastilyo sa gitna ng karagatan at ibalik ang bundok na
siyang dati nitong anyo.
kinakanan.
2. Ang bundok ay ilagay muli sa tapat ng kanyang bintana.
Nang gabi ding 'yun ay isinalaysay ng prinsipe kay Doña Maria ang Nagawang lahat ito ni Doña Maria nang mahusay. Kaya naman sa ika-
ikalawang utos ng hari. Pumunta sila sa tabi ng dagat at tinawag ng prinsesa anim na pagkakatao'y humiling ang hari kay Don Juan, na sa kanyang pag-
ang mga ita. Pagkarinig sa kanyang pagtawag ay kaagad namang lumapit ang aakala ay siyang tumutupad sa lahat ng kanyang mga kautusan. Ito'y tungkol
mga ito at pumasok sa prasko. sa kanyang singsing na nahulog sa karagatan. Ninanais niya na ito ay
Paggising ng hari, natagpuan niya ang prasko sa hapag-kainan niya matagpuan, at magisnan sa ilalim ng kanyang unan paggising, kinaumagahan.
kung saan nakapaloob ang 12 ita na hindi nawalan at napalitan ni isa man. Sa unang pagkakataon, nagpahayag si Doña Maria na ang kautusan,
Kaya naman, ito ay nag-isip ng isang panibagoog gawain na mas mahirap sa bagamat maisasagawa ay may kahirapan. Kumuha siya ng magandang batya,
mga nauna, at ibinigay ang ikatlong kautusan. Ito ay ang mga sumusunod: hasang itak, sangkalan at hapag.

8
Sakay sa batya, sila ay pumalaot hanggang makarating sa gitna ng kanyang tahanan. Sinunod lahat ng prinsipe ang mga tagubilin ng prinsesa at
karagatan. Doo'y iniutos ng prinsesa na siya ay tadtarin nang pinung-pino at nagtagumpay itong maisagawa ang kautusan ng hari.
ihulog sa tubig upang maging mga isdang sisisid at maghahanap sa singsing.
Kailangang ingatan ni Don Juan na walang tumalsik na piraso dahil hindi na
ito maibabalik pakapag na buo na ang prinsesa. Kabilin-bilinan ni Doña Maria KABANATA 23 : ANG PAGTAKAS
kay Don Juan na siya ay abangan at huwag na huwag matululog upang makuha
nito ang singsing mula sa kanyang kamay dahil hindi siya makakaahon habang Kinabukasan, ipinasundo ng hari si Don Juan. Dahil sa matagumpay
hawak-hawak ang singsing. nitong naisagawa ang kanyang mga kahilinga'y minarapat niyang ibigay na
Matapos tadtarin ang prinsesa, inihulog na siyang pira-piraso sa tubig at ang gantimpala. Pinapili niya si Don Juan sa tatlo niyang anak na nakatago sa
naging mga isdang pawang sumisisid. Ngunit nakatulog si Don Juan sa kani-kanilang mga silid. Tanging mga hintuturo lamang ang nakalabas upang
paghihintay. Paglitaw ng prinsesa ay walang kumuha ng singsing. Tatlong sa ganuon ay hindi matiyak kung sino ang mapipili.
beses siyang pabalik-balik na umahon ngunit hindi nagigising ang prinsipe. Ngunit alam ni Don Juan ang palatandaan ng kanyang mahal, kaya
Nalumbay siya sa kabiguang natamo dahil sa kapabayaan ni Don Juan. walang kahirap-hirap nitong na pili si Doña Maria. Hindi ito ikinatuwa ng hari
Ganap na ikaapat nang umaga. Sinubukan uli nila ang paghahanap. sapagkat hindi niya nais na sa mahal na anak ay mawalay. Binalak niyang
Tinadtad ni Don Juan ang prinsesa ngunit dahil sa pagmamadali ay hindi niya hikayatin si Don Juan na lumayo patungong Inglatera at ipakasal sa kapatid
na malayang tumalsik ang dulo ng hintuturo nito sa tubig. niyang bata pa rin at maganda. Nalaman ito ni Doña Maria at nagpasiya siyang
Naging isda muli ang prinsesa at umahon kaagad matapos mahanap ang sumama kay Don Juan. Ipinakuha niya sa prinsipe ang kabayo sa ikapitong
singsing. Sa pagkakataong ito, hindi na nakatulog si Don Juan. Nakuha niya pintuan na siyang pinakamatuling tumakbo sa lahat.
ang singsing ngunit ang dulo ng hintuturo ng prinsesa ay naputol. Bilin ng Sa halip na ikapito ay ikawalo ang nakuha ni Don Juan kaya nang
prinsesa kay Don Juan na tandaan iyon bilang palatandaan ng kanyang hinabol sila ng hari at mga hukbo ng palasyo ay muntik na silang maabutan.
pagkakakilanlan. Gayunpaman, sa taglay na dunong ni Doña Maria ay matagumpay silang
Gulat ang bumulagta kay Haring Salermo kinaumagahan nang makita ang nakalayo. Inilaglag niya ang kanyang karayom na naging mga tinik na bakal.
singsing sa ilalim ng kanyang unan. Muling nag-isip ito sa susunod Inihulog din niya ang kanyang sabon at ang daanang maganda ay naging
napagsubok na kanyang ibibigay sa prinsipe. Ilang saglit ay ipinatawag si Don sangga. Sa huli'y inihagis niya ang kanyang kohe at ang lupang tuyo ay naging
Juan para sa Ikapitong kautusan. Ito ay ang paamuhin ang mailap na kabayo. dagat. Hindi nanakahabol ang hari. Galit na galit ito at isinumpa ang prinsesa
Isinalaysay ni Don Juan sa prinsesa ang sumunod nautos ng hari. Ibinigay na siya ay lilimutin ni Don Juan pagdating sa Berbanya, at iba ang pakakasalan
naman ng prinsesa ang kahulugan ng utos at kung sa papaanong paraan ng prinsipe. Hindi naglaon, nagkasakit at namatay si Haring Salermo.
magtatagumpay ang prinsipe sa gagawin.

Ang sumusunod ay mga paalala ng prinsesa: KABANATA 24 : NAKALIMUTANG PAG-IBIG


1. Ang kabayo ay walang iba kundi si Haring Salermo.
2. Ang katad na pamigil na parang garing ay ang mga kapatid ng Narating ng dalawa ang Berbanya. Minabuti ni Don Juan
prinsesa. napansamantalang iwan muna si Doña Maria sa nayon upang paghandaan
3. Ang busal na bakal naman na inilalagay sa bibig ng kabayo ay siya nitong isang marangal na pagsalubong. Pinaalahanan siya ni Doña Maria na
(Doña Maria). huwag lalapit sa kahit na sinong babae, maging sa kanyang ina. Tumungo na
ang prinsipe sa palasyo at kaagad itong sinalubong ng kanyang ama't ina, mga
Pinayuhan ng prinsesa si Don Juan na maging maingat. Kapag kapatid at lalung-lalo na ni Doña Leonora nang malamang dumating na ang
nakasakay na ay paluin nang husto ang kabayo hanggang sa ito ay manghina. sintang pitong taon niyang hinintay. Sa mga pangyayari ay nakalimot si Don
Kapag mahina na'y subuan ng busal, tibayan ang renda at tiyakin na ito ay Juan kay Doña Maria at napagkasunduan na silang dalawa ni Doña Leonora ay
matatag. Kung wala nang lakas ang kabayo ay maaari na itong ihatid sa ikasal.
9
KABANATA 25 : PAGHIHIGANTI NI DONYA MARIA KABANATA 26 : ANG PAGTATAPOS

Tatlong araw ang lumipas ngunit 'di pa nagbalik si Don Juan. Dahil Naging malinaw na ang lahat. Ipinasya ng hari na si Don Pedro at
dito, naisip ni Doña Maria na siya'y nalimot na ng mahal. Araw na ng kasal ni Doña Leonora ay maikasal kasabay ni Don Juan at Doña Maria. Masaya si
Don Juan at Doña Leonora. Doña Maria sa hatol. Hindi naman tumutol si Doña Leonora.
Si Doña Maria naman ay nakahanda nang maghiganti. Dadalo siya sa Kasabay ng kasalan ay ang hangarin ni Haring Fernando na maipasa
kasal sakay sa napakagandang karosa at nakabihis ng damit pang-emperatris. ang korona at setro sa karapat-dapat na magmana - si Don Juan. Ngunit na una
Pagdating sa palasyo ay binigyan siya ng isang marangal at mainit nang nasabi ni Doña Maria na si Don Juan ay mayroon nang sarili niya. Ito ay
napagsalubong ng buong kaharian. ang kaharian ng kanyang ama - ang Reino de los Crystales. Sa mga pangyayari
Bago magsimula ang kasal ay hiniling ng prinsesa na magsagawa ng isang ay naging bagong hari sa Berbanya si Don Pedro at Reyna naman si Doña
palabas. Leonora.
Pinahintulutan naman ito ni Haring Fernando. Isang praskong Samantala, sina Don Juan at Doña Maria ay bumalik sa de los
mayroong dalawang mag-asawang ita ang inilabas ni Doña Maria. Ang mga ita Crystales. Doon ay namuno si Don Juan bilang bagong hari at ang kanyang
ay umiindak at sumasayaw kasabay ng tugtog. Matapos nito ay tinawag ng minamahal na Doña Maria bilang bagong reyna. Ibinalik nila ang mga taong
negrita ang negrito na Don Juan wari'y pinaaalala nito ang mga nakaraan nila ginawang bato ni Haring Salermo.
ni Doña Maria, sabay hampas sa likod ng negrito. Habang nagaganap ang Sila ay namuhay ng mapayapa at naging magandang halimbawa sa
palabas, wala paring naaalala si Don Juan hanggang sa natapos ito. lahat ng kanilang pinamumunuan. Maging hanggang sa sila ay pumanaw, hindi
Sa galit ay kinuha ni Doña Maria ang prasko upang basagin at sila nalimutan ng buong reyno.
gunawin ang reyno. Doon lamang naliwanagan ang prinsipe at nakilala ang
kanyang mahal na si Doña Maria. Agad niya itong niyakap at hiningan ng -wakas-
katawaran sa paglimot niya nito.
Doon din ay iniharap at ipinakilala ni Don Juan sa kanyang mga
magulang si Doña Maria - ang babaeng kanyang pakakasalan. Hindi naman
makakapayag si Leonora na mawala sa kanya si Don Juan. Isinalaysay niya
ang lahat ng mga pangyayari, kung paano sila nagkakilala at nag-ibigan na
humantong sa pitong taon na pagdurusa at paghihintay niya kay Don Juan.
Sa kanyang mga narinig ay ipinasya ng hari na si Leonora ang ikakasal
sa kanyang anak. Gayundin ang hatol ng arsobispo. Nagalit si Doña Maria at
ibinuhos ang tubig mula sa prasko.
Ang buong kaharian ay nasindak at nalagay sa panganib. Kumilos
naman kaagad si Don Juan, upang maibsan ang galit ng prinsesa. Nilapitan
niya ang arsobispo, at nagpahayag na si Doña Maria ang tunay niyang
minamahal. Nagpaliwanag siyang hindi niya nais na maging hadlang sa
kaligayahan ng kapatid niyang si Don Pedro na siyang tunay na umiibig kay
Doña Leonora. Ibinalik ni Don Juan ang singsing kay Doña Leonora. Lubos
siyang nagpasalamat sa prinsesa sa lahat ng tulong nita noong naiwan siya sa
balon. Dahil kay Leonora ay nanatiling buhay si Don Juan.

10
PAGSASANAY BILANG 1 B. Isulat sa sagutang papel ang tamang salita sa mga patlang. Piliin ang
sagot sa mga salitang nakakulong sa parentesis.
PANGALAN: __________________________ ISKOR: ________________
11. Tatlong magkakapatid ang tauhan sa Ibong Adarna. Ang bida ay ang
Nabasa mo na ba ang Ibong Adarna? O marahil ay may narinig ka _______ (panganay, pangalawa, bunso).
nang kwento tungkol sa isang mahiwagang ibon na ang awit ay
nakapagpapagaling ng maysakit. Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya 12. Ang paborito ng amang hari ay ang _______(panganay, pangalawa,
bunso).
kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ng nilalaman ng modyul na ito.
13. Sa paghahanap sa mahiwagang ibon, ang nagtagumpay ay ang _________
A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel (panganay, pangalawa, bunso).
14. Dalawa sa tatlong magkakapatid ang naging bato. Sila ay ang
ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung mali.
__________(panganay at pangalawa, panganay at bunso, pangalawa at bunso).

_____1.Ang korido ay maikling tulang pasalaysay. 15. Ang bunsong prinsipe ay nagtagumpay dahil laging siyang nananalangin at
_____2.Ang korido ay tulang may sukat at tugma. humihingi ng gabay at patnubay sa __________ (Mahal na Birhen,
_____3.Ang korido ay tungkol sa pakikipagsapalarang posibleng maganap Panginoong Hesukristo, San Jose).

sa tunay na buhay. 16. Nakatulong sa bunsong prinsipe ang isang _________ (matandang lalaki,
_____4.Kapag sinabing may sukat ang tula, pare-pareho ang bilang ng pantig matandang babae, munting bata).
sa bawat taludtod.
17. Naging bato ang dalawang nakatatandang kapatid dahil napatakan sila ng
_____5.Sinasabing di tiyak ang sukat ng tula kapag hindi pare-pareho ang
_______ (dumi, laway, balahibo) ng Ibong Adarna.
bilang ng pantig sa bawat taludtod.
_____6.Magkatugma ang mga salitang pusa at puso dahil parehong may impit 18. Nang magkasakit ang Hari, ang tanging lunas ay ang _____ (laway, awit,
itlog) ng Ibong Adarna.
na tunog sa dulo.
_____7.Ang mga tauhan sa isang korido ay karaniwang mga hari at reyna, 19. Hindi nakasabay sa pag-uwi ng mga kapatid ang bunso dahil ___________
prinsipe at prinsesa at iba pang mga mahal na tao. (binugbog siya ng 2 kapatid, binugbog siya ng mga magnanakaw, binugbog
_____8.Magkatugma ang mga salitang lawiswis at pagaspas dahil parehong s siya ng taong bayan).

ang dulong tunog. 20. Nang makauwi na ang bunso at umawit na ang Adarna, ang Hari ay
_____9.Magkakatugma ang mga salitang taksil, sutil at bilbil. biglang _______ (gumaling, naglubha, namatay).
_____10.Ang Ibong Adarna ay isang korido.

11
C. Basahin ang ilang piling saknong at bilugan ang titik ng katangiang D. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Salungguhitan ang sanhi at
ipinapahayag sa bawat saknong. bilugan ang bunga.

21.
Si Don Pedro’y tumalima
Sa utos ng Haring Ama, 26. Pagod si Don Pedro kaya nakatulog agad.
Iginayak kapagdaka
Kabayong sasakyan niya.
(a) masunurin (b) mapagpakumbaba (c) matulin

22. 27. Di nakalilimot humingi ng patnubay si Don Juan kaya laging may
Sa lalagya’y dinukot
Na yaong tinapay na dala, tumutulong sa kanya.
Iniabot nang masaya
Sa matandang nagdurusa
(a) mapagkawanggawa (b) maramot (c) masayahin

23.
Nang sila ay magpaalam 28. Ayaw umawit ng Ibong Adarna, kasi’y di nakasama sa pag-uwi sa
Ay lumuhod si Don Juan
Hiniling na bendisyunan Berbanya ang tunay na nakahuli sa kanya.
Ng Ermitanyong marangal.
Ang bendisyon ay: (a) patnubay (b) pagluhod (c) paghiling

24.
“Sa akin po ay ano na
29. Mainggitin si Don Pedro kaya siya nag-isip ng masama laban sa sariling
Sinadlak man nga sa dusa,
Kung may daan pang magkita
kapatid.
Pag-ibig ko’y kanila pa.”
(a) mapagpatawad (b) malilimutin (c) matampuhin

25.
“Malaki man po ang sala
Sa aki’y nagawa nila, 30. Gumaling ang hari nang marinig ang awit ng Ibong Adarna.
Yaon po ay natapos na’t
Dapat kaming magkasama.”
(a) mapagtanim ng galit (b) mapagpahalaga sa pagsasama ng magkakapatid
(c) mapag-isip ng masama sa kapatid
12
PAGSASANAY BILANG 2 B. Punan ng angkop na salita ang patlang. Isulat sa patlang na nakalaan
ang letra ng mga sagot.
PANGALAN: __________________________ ISKOR: ________________
1. Dalawang matandang _______ (a. ketongin, b. maysakit, c. ermitanyo) ang
Paglinang ng Pag-unawa tumulong kay Don Juan sa paghahanap sa Reyno de los Cristal.

A. Sagutan ang sumusunod batay sa iyong pagkakaunawa sa kwento.


(5pts each) 2-3. Si Don Juan ay naglakbay sa _________ (a. tubig, b. lupa, c. himpapawid)
sakay ng _________ (bus, bapor, agila).

1. Sa pag-ibig lamang ba nais mahigitan ni Don Pedro si Don Juan? Patunayan.


4. Nang ilapag ng agila si Don Juan sa paliguan ni Prinsesa Maria, tyempo
namang dumating ang prinsesa sa anyong _______ (a. gansa, b. bibe, c.
kalapati).

5. Itinago ni Don Juan ang ________ (a. damit, b. sapatos, c. pakpak) ng


prinsesa.
2. Kung ikaw si Prinsesa Leonora, maniniwala ka ba sa mga pangako ni Don
Pedro matapos mong masaksihan ang kaniyang pagtataksil sa kapatid? 6. Ang galit ng prinsesa ay napalitan ng pag-ibig nang ang prinsipe ay humingi
Pangatwiranan.
ng ________ (a. tawad, b. halik, c. pera)

7. Maraming pagsubok na ipinatupad si Haring ______ (a. Salem, b. Salino, c.


Salermo), ang ama ni Maria.

8. Ang pinakamahirap na pagsubok ay ang paghanap sa _______ (a. singsing,


3. Sa iyong palagay, sino ang higit na nangangailangan ng pag-unawa sa
b. salapi, c. negrito) ng hari.
magkapatid – si Don Pedro na nais lamang maging bayani sa paningin ng ama,
si Don Diego na dahil sa takot ay naging sinudsunuran o si Don Juan na
biktima ng kataksilan ng kanyang mga kapatid? Pangatwiranan. 9. Upang hanapin ang singsing, si Maria ay nagpatadtad nang pinung-pino at
bawat piraso ay naging ______ (a. isda, b. pating, c. dugong).

10. Ang isa pang pagsubok ay pagpapaamo sa isang ______ (a. kabayo, b. usa,
c. leon) na mismong si Haring Salermo

13
PAGSASANAY BILANG 3 ________12. Si Don Juan ay nililo at pinatay ng dalawang tampalasan.

PANGALAN: __________________________ ISKOR: ________________ ________13. Isang mediko ang nakatalos sa karamdaman ng hari.

A. Nasa ibaba ang mga sitwasyong hango sa Ibong Adarna. Isulat sa iyong ________14. Bantog sa magkakapatid si Don Juan dahil sa labis nitong
ang P kung posible at DP kung di posible.
kakisigan at kabaitan.
________1. Naglakbay sa himpapawid si Don Juan.
________15. Matagal nahumimlay ang hari kanyang higaan dala ng kanyang
________2. Sakay siya ng agila. matinding karamdaman.
________3. Isang buwan silang naglakbay nang walang hinto.

________4. Ang 2 ermitanyong tumulong kay Don Juan ay may edad 500 taon C. Ibigay ang kahulugan ng mga piling pahayag mula sa akda. Isulat ang
at 800 taon.
titik ng iyong sagot sa patlang na nakalaan.
________5. Naging bato ang mga manliligaw ng magkakapatid na prinsesa sa
kagagawan ng hari.
A Ang pagtulong sa kapwa ay gawang marangal
________6. Nagpakana si Don Pedro laban sa bunsong kapatid na si Don Juan. B Ang buhay ng tao ay may katapusan
C Pagtanaw ng utang na loob dahil sa pagkakaligtas
________7. Kinasapakat niya ang kapatid na si Don Diego.
D Naghahangad ng kapalit kapag tumutulong sa iba
________8. Itinago ni Don Juan ang damit ni Maria.
E May dahilan ang pagtulong sa kapwa
________9. Nagalit si Maria kay Don Juan dahil sa pagtatago ng damit niya.
________16. “Utang ko sa iyong habang Ang buhay kong di nautas”.
________10. Nawala ang galit ni Maria dahil sa mapagkumbabang sagot at sa
tamis ng dila ni Don Juan.
________17. “Kawanggawa’y hindi gayon Kundi iyo’y isang layon”.
B. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga nakasalungguhit na salita sa loob
ng pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
________18. “Na kaya lamang dumaramay Ay nang upang madamayan”.
Taksil Tanyag Nakaalam Nalungkot Namahinga Mabatid
________19. “Lalong banal na tungkulin Nasa dusa’y tangkilikin”.
________11. Labis na nalumbay si Haring Fernando dahil sa paglisan ng anak
upang hanapin ang lunas sa kanyang karamdaman.
________20. ”Sa mundo ang buhay natin parang nagdaraang hangin”.

14
PAGSASANAY BILANG 4 10. Binalaan ng matanda si Don Juan na huwag mahuhumaling (_________)
sa ganda ng Ibong Adarna. a. mararahuyo b. masisindak c. mabibigla
PANGALAN: __________________________ ISKOR: ________________

A. Punan ang patlang ng tamang kasagutan. Piliin sa loob ng kahon ang


tamang sagot. C. Ayusing mabuti ang mga ginulong salita upang makabuo ng isang
kaisipan.

lalaki magpari mag – aral pagsilbihan mapagmahal


11. Ay dapat ang kahit paglalakbay paghandaan saan

Si Haring Fernando ay marangal, matalino at 1.___________ na ama.


Tatlo ang kanyang anak at pawang mga 2._____________. Hindi siya
naniniwala na kapag mayaman ang tao, ay hindi na kailangang
12. Kabila sa laging may inyong hirap tamong-pala
3.____________. Dumating ang panahon na pinapili niya ang tatlo kung
gustong 4.___________ o magsilbi sa kaharian. Dahil may mabubuting
kalooban, pinili na 5.___________ ang bayan. Kinakailangan kasi ay
marunong humawak ng sandata kaya sila ay pinaturuan. Madaling natuto kaya
13. May tiyaga pag may nilaga
sila ay nagpasalamat sa ama.

B Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit at ilagay sa


patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

6..Ibig ni Haring Fernando na ipahanap ang mga anak ngunit nag – aalapaap 14. Ang liwanag pagkatapos ng darating ay kadiliman
(_____________) na utusan ang bunsong anak. a. nag –aalala b. natatakot c.
nag – iisip

7. Sabi ni Don Juan na subyang (____________) sa puso niya na Makita ang


ama na nakaratay sa banig ng karamdaman. a. di maaari b. tinik c. umiiyak
15. Pag namaluktot ang kumot maiksi matutong
8. Ang landas na sasalungahin (____________) ay inakyat ni Don Juan na
walang takot. A. tatawirin b. tatahakin c. lalandasin

9. Nang sinabi ng matanda na malayo ang paroroonan ni Don Juan nasaktan ito
at hinuhulong (____________) baka siya ay binibiro. a. hinuhulaan b.
sinasabing c. binulungang
15
PAGSASANAY BILANG 5 B. Sagutan ang sumusunod ayon sa iyong pagkakaunawa sa akda.

PANGALAN: __________________________ ISKOR: ________________


11. Gaano ka kadakila ang pag ibig ni Donya Leonora para kay Don Juan?

A. Lagyan ng tsek ang patlang kung ang kaisipang ipinahahayag ay


tinalakay sa akdang binasa at ekis naman kung hindi.

________1. Mahal na mahal ni Don Pedro ang kanyang mga kapatid kaya
handa niyang ialay ang kanyang sarili para sa ikasasaya at ikaliligtas ng lahat.
12. Makatwiran bang suwayin natin ang ating mga magulang para lamang
________2. Nagkasakit ang haring Fernando dahil sa masamang panaginip ng ipaglaban ang taong ating mahal gaya ng pagsuway ni Donya Maria sa
kataksilan. kanyang amang si Haring Salermo? Ipaliwanag.

________3. Sa tulong ng matandang leproso, nahuli ni Don Juan ang ibong


Adarna at naibalik ang buhay ng kanyang dalawang kapatid na naging bato.

________4. Dahil sa kwintas ni Donya Leonora muling napahamak si Don 13. Sino sa dalawang hari ang maituturing na mapagmahal na ama? Patunayan.
Juan; inihulog ito sa balon at iniwang sugatan.

________5.
14. Sa iyong palagay, bakit hindi gaanong binigyang-pansin ng may-akda si
Reyna Valeriana sa kanyang korido gayong si Reyna Valeriana ang ina ng
tatlong prinsipe?

15. Ano ang eksena o tagpo sa korido na tumatak sa iyong isipan? Ipaliwanag.

16
GAWAIN BILANG 1

PANGALAN: ___________________________________________________________________ ISKOR: ______________________________________

Iguhit sa loob ng kahon ang tauhang iyong hinahangaan sa akda ng Ibong Adarna. At sumulat ng 5 pangungusap na nagsasalaysay sa mga kadahilanan
kung bakit siya ang iyong napili. (10PTS.)

17
GAWAIN BILANG 2

PANGALAN: ___________________________________________________________________ ISKOR: ______________________________________

Bumuo ng isang simbolo na nagpapakita ny iyong pagmamalasakit at pagmamahal sa iyong pamilya. Bigyan ng angkop na paliwanag ang simbolong
binuo. Isulat ito sa loob ng kahon.

18
GAWAIN BILANG 3

PANGALAN: ___________________________________________________________________ ISKOR: ______________________________________

Gumuhit ng tagpo/eksena ng Ibong Adarna sa loob ng bawat kwadro upang makabuo ng isang komiks.

19
TALAAN NG MGA NAKUHANG MARKA
PANGALAN: ___________________________________________________________________ PANGKAT: __________________________________

ISKOR NG PAGSASANAY ISKOR NG GAWAIN

1 2 3 4 5 1 2 3

20

You might also like