You are on page 1of 22

BANGHAY ARALIN SA

FILIPINO
GRADO 7
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.3

Panitikan: Nilalaman ng Ibong Adarna- Ikalawang Bahagi


Pakikipagsapalaran Sa Kaharian ng Armenya
Bilang ng Araw: 8 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IVe-f-20)


 Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin ng
tauhan sa napakinggang bahagi ng akda.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) ((F7PB-IVc-d-22)


 Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa
binasa.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) ((F7PT-IVc-d-20)


 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng
damdamin.

PANONOOD (PD) ((F7PD-IVc-d-19)


 Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood
na dulang pantelebisyon/ pampelikula.

PAGSASALITA (PS) ((F7PS-IVc-d-20)


 Naisasalaysay nang masining ang isang pagsubok na dumating sa
buhay na napagtagumpayan dahil sa pananalig sa Diyos at tiwala sa
sariling kakayahan.

PAGSULAT (PU) ((F7PU-IVe-f-20)


 Naisusulat ang sariling damdamin na may pagkakatulad sa naging
damdamin ng isang tauhan sa akda.

Ikaapat na Markahan| 48
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) ((F7PD-IVc-d-19)


 Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na
dulang pantelebisyon/ pampelikula.

PAGSASALITA (PS) ((F7PS-IVc-d-20)


 Naisasalaysay nang masining ang isang pagsubok na dumating sa buhay
na napagtagumpayan dahil sa pananalig sa Diyos at tiwala sa sariling
kakayahan.

II. PAKSA

Panitikan: Damdaming Namayani sa Tauhan sa Pakikipagsapalaran sa


Kaharian ng Armenya
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (EMOTICONS)


Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga damdaming nais ipabatid ng mga
emoticons na ibibigay ng guro.

Ikaapat na Markahan | 49
https://www.google.com.ph/url?
sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&ved=0ahUKEwjk2N6r_frPAhWF1RoKHf2QD70QjBwIBA&url=https
%3A%2F%2Ft4.ftcdn.net%2Fjpg
%2F00%2F91%2F61%2F81%2F240_F_91618179_eR79OdR87jR9fp9S3aaiJGz4aGqkkwuE.jpg&bvm=bv.136811
127,d.d24&psig=AFQjCNH2txHPgZAT9ZiiiAgwU4CSmpgL1Q&ust=1477657508992513
https://www.google.com.ph/url?
sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&ved=0ahUKEwiw84Hg_frPAhWBVRoKHXj0CwUQjBwIBA&url=http
%3A%2F%2Fpreviews.123rf.com%2Fimages%2Fyayayoy
%2Fyayayoy1109%2Fyayayoy110900021%2F10601995-Dislike-emoticon-Stock-Vector-smiley-face-
angry.jpg&bvm=bv.136811127,d.d24&psig=AFQjCNGw3ON7UR53WOeHSEDbz7lSl_5BnQ&ust=14776575993171
28
https://www.google.com.ph/search?

Gabay na Tanong:
a. Kailan ginagamit ang mga emoticons na ito?
b. Aling emoticons ang madalas ninyong gamitin sa
mga social media? Bakit?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa


kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.

Ikaapat na Markahan| 50
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang mga damdaming namayani sa pakikipagsapalaran ni Don


Juan sa kaharian ng Armenya na masasalamin sa tunay na buhay?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (SINE TIME)


Pagpapanood ng video clip mula sa isang dulang pantelebisyon.

MMK
(Courageous Catie)

https://www.youtube.com/watch?v=f4PvE9sDo_A

ANALISIS

1. Ano-ano ang mga damdaming namayani sa mga tauhan sa pinanood na


dulang pantelebisyong may kaugnayan sa pakikipagsapalaran ni Don
Juan sa kaharian ng Armenya? Isa-isahin ang mga ito.
2. Isalaysay ang pagsubok na dumating sa buhay ng tauhan sa inyong
napanood? Napagtagumpayan ba nila ito? Paano?
3. Mayroon ba kayong mga pagsubok na humamon sa inyong kalakasan at
katatagan sa buhay?
4. Paano mo hinaharap ang mga pagsubok na ito?
5. Ibigay ang kahalagahan ng pananalig sa Diyos at pagtitiwala sa sariling
kakayahan kapag dumaraan sa mga pagsubok?
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (ALING EMOTICONS)


Pipiliin ng mga mag-aaral ang mga emoticons na bubuo sa pangkalahatang
konsepto ng aralin.

Ang mga damdaming namayani sa pakikipagsapalaran ni Don Juan sa


kaharian ng Armenya na masasalamin sa tunay na buhay ay ang

Ikaapat na Markahan | 51
Pananalig sa Diyos Pagtitiwala sa Sarili at Pagmamahal.
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya ( DAMDAMIN MO, SHOW MO)


Magpapanood ang guro ng isang videoclip. Iisa-isahin ng mga mag-aaral ang
kanilang naging damdamin sa napanood.

ABS CBN CHRISTMAS STATION ID 2016


https://www.youtube.com/watch?v=1l3OjNPA8SU

IV. KASUNDUAN

1. Gumawa ng isang usapang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin tungkol


sa pagharap sa suliranin ng buhay.
2. Basahin ang bahagi ng Ibong Adarna tungkol sa pakikipagsapalaran sa
kaharian ng Armenya. Ibuod ang bahaging ito.

LINANGIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IVe-f-20)


 Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin ng tauhan
sa napakinggang bahagi ng akda..

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) ((F7PT-IVc-d-20)


 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin.

II. PAKSA

Ikaapat na Markahan| 52
Panitikan: Damdaming Namayani sa Kaharian ng Armenya
(Mahiwagang Balon)
Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya ( BALON NG KAHILINGAN)


May ipakikitang larawan ng balon ang guro. Pagkatapos ay isusulat ng mga
mag-aaral sa mga papel ang kanilang mga kahilingan o mga bagay na nais
nilang makamit at ikakapit ito sa balon katulad ng mga ginagawa sa mga
Wishing Well.

KAHILINGAN KAHILINGAN KAHILINGAN

KAHILINGAN KAHILINGAN KAHILINGAN

http://franticstamper.com/assets/ images/products/bline/cling%20stamp/
bld-clg-ff726f.jpg

Ikaapat na Markahan | 53
Gabay na Tanong:
a. Naniniwala ba kayong natutupad ang mga kahilingan sa mga wishing
well?
b. Ginagawa mo rin ba ang paghiling sa wishing well kapag nakakakita ka
nito sa tunay na buhay? Bakit?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang mga damdaming namayani kay Don Juan sa kanyang


pakikipagsapalaran sa Kaharian ng Armenya (Mahiwagang Balon) kaya
napagtagumpayan niya ang mga pagsubok?

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya ( WHATS THE MEANING)


Iaayos ng mga mag-aaral ang mga ginulong letra upang matukoy ang
kahulugan ng mga salitang nagpapahayag ng damdamin mula sa akdang
tatalakayin.

PAHAYAG GINULONG KAHULUGAN


LETRA

Ang puso ni Don Juan ay punong-


puno ng tinik ng siphayo dahil sa GOBIKAPAG PAGKABIGO
muling pagtataksil ng dalawa niyang
kapatid.

Nakipagbati si Don Juan sa kanyang


mga kapatid sapagkat wala ng MASA NG SAMA NG
naiwang salaghati sa kanyang puso. BOLO LOOB

Ang magagandang karanasan ng


magkakapatid sa bundok Armenya MADDANIM DAMDAMIN
ay nag-iwan ng salamisim.

Ikaapat na Markahan| 54
Ang buhay sa Armenya ay payapa
at malayo sa anumang ligamgam sa HANASLIBAAK KABALISAHAN
puso at isip.

Nanggilalas si Don Juan nang


masilayan ang napakagandang si MANGNAHA NAMANGHA
Donya Leonora.

4. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (READER’S THEATER)


Babasahin nang buong pagkamalikhain ng ilang piling mag-aaral ang bahagi
ng akdang Ibong Adarna.

SA KAHARIAN NG ARMENYA
(Mahiwagang Balon)

Ikaapat na Markahan | 55
Ikaapat na Markahan| 56
Pagbubuod ng ginawang reader’s theater.

Paghahanap sa Kaharian Pagliligtas ni Don Pag-alis sa


ng Armenya Juan kay Donya Mahiwagang Balon
(Mahiwagang Balon) Leonora at Donya
Juana

ANALISIS

1. Bakit napunta sa kaharian ng Armenya ang tatlong prinsipe? Sino-sino


ang nakilala nila dito?
2. Kung ikaw si Don Juan, gagawin mo rin ba ang paglusong sa balon sa
kabila ng pag-atras ng iyong mga kasama? Bakit?
3. Ano ang nagbigay ng lakas ng loob kay Don Juan upang sagupain at
talunin niya ang higante at serpyenteng nagbabantay sa magkapatid?
4. Paano mo ilalarawan si Don Juan bilang isang mangingibig? Karapat-
dapat ba siyang gawing huwaran ng kabataan pagdating sa larangan ng
pagmamahal? Pangatwiranan.
5. Tunay nga kayang may maitutulong ang pagtawag sa Diyos sa oras ng
kagipitan? Magsalaysay ng sarili mong karanasan.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (ANONG DAMDAMIN PA)


Magbibigay ang mga mag-aaral ng iba pang damdaming may kaugnayan sa
damdamin namayani kay Don Juan sa kanyang pakikipagsapalaran sa
Kaharian ng Armenya (Mahiwagang Balon). Isusulat ito sa bubble map.

PAGTITIWALA
SA
SARILI

Ikaapat na Markahan | 57
PAGMAMAHAL

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (IARTE MO)


May ipababasang mga saknong mula sa akdang tinalakay ang guro at iaarte
ito ng mga mag-aaral nang may wastong damdamin.

Di mo baga nalalamang Sa dibdib ma’y nakapako


Mapanganib iyang buhay Ang subyang ng pagsiphayo
Sa serp’yente kong matapang Ang nanaig din sa kuro’y
Walang salang mamamatay? Hinahon ng kanyang puso

DAMDAMIN:______________ DAMDAMIN:______________

Kaya pawiin na, giliw ko O, hindi ko natagalan


Alapaap sa puso mo Ang dilim na bumalabal sa
Sa tibay ng iyong oo sindak at katakutan
Ika’y aki’t ako’y iyo. Para akong sinasakal.

DAMDAMIN:______________ DAMDAMIN:______________

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Nang magtagumpay ang kanilang balak ay kusa nang lumayo si Don Juan
upang pagtakpan ang kanilang kasalanan. Ipinahanap ng hari sa
dalawang anak si Don Juan at natagpuan nila ito sa bundok ng Armenya.
Ano ang naganap sa Bundok na ito?

a. Nakilala ni Juan ang pinakamayamang babae na siya niyang


makakatuluyan.

Ikaapat na Markahan| 58
b. Nagandahan si Juan sa Armenya at dito na siya nanirahan.
c. Nakilala ni Juan si Leonora at Juana at iniligtas ang mga ito sa higante
at serpyente.
d. Nakilala niya si Leonora at nagpakasal sila sa balon.

2. Iba’t ibang damdamin ang namayani sa koridong Ibong Adarna sa buong


pangyayari sa akda. Anong damdamin ang namayani sa tauhang si Don
Pedro sa hindi niya paglusong sa mahiwagang balon sa kaharian ng
Armenya?

a. kasiyahan b. kalungkutan c. inggit d. pagkatakot


3. Anong damdamin ang namayani sa mga sumusunod na saknong:
Hindi kita kailangan
Ni makita sa harapan
Umalis ka’t manghinayang
Sa makikitil mong buhay

a. nag-alala b. naiinis c.nananakot d. nalulumbay

4. Nanggilalas si Don Juan nang masilayan ang napakagandang si Donya


Juana. Ano ang kahulugan ng nanggilalas?

a. nagulat b. namangha c. ninerbyos d. takot

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtitiwala sa sarili katulad


ng pangunahing tauhan sa akdang binasa?

a. Si Angel ay matalino ngunit malaki ang takot sa pagharap sa mga tao.


Pinayuhan siya ng guro na sumali sa quiz bee ngunit hindi siya sumali.
b. Si Anne ay positibong tao. Alam niyang napakahirap ng entrance exam
sa isang unibersidad na pangarap niyang pasukan. Ngunit sinubukan
pa rin niya at siya ay nagtagumpay.
c. Si John ay maraming kaibigan ngunit nang nangailangan siya ng
tulong ay nag-alinlangan siya sa mga ito.
d. Si Joey ang lider ng grupo ngunit hindi niya mapangasiwaan nang
maayos ang kanilang samahan kaya lagi nang mababa ang kanilang
marka sa pangkatang gawain.

Sagot:
C D B B B

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

Ikaapat na Markahan | 59
IV. KASUNDUAN

1. Maghanap ng mga saknong sa akdang tinalakay na nagpapakita ng iba’t


ibang emosyon. Kapitan/ guhitan ng tamang emoticons ang mga saknong
batay sa damdaming ipinababatid nito.
2. Basahin ang bahagi ng Ibong Adarna tungkol sa hinagpis ni Don Juan.
Ibuod ang bahaging ito.

PAUNLARIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) ((F7PB-IVc-d-22)


 Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa
binasa.

II. PAKSA

Panitikan: Hinagpis ni Don Juan at Donya Leonora


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (KARAOKE TIME)


May ipaparinig na awitin ang guro at kakantahin ito ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga lirika ng awitin.

PAGSUBOK
ORIENT PEARL
https://www.youtube.com/watch?v=UlRmkBuaibo
Ikaapat na Markahan| 60
Gabay na Tanong:
a. Ano ang mensahe ng awitin?
b. Paano ninyo hinaharap ang mga pagsubok na dumarating sa inyong
buhay?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano hinarap ni Don Juan at Donya Leonora ang mga panibagong


pagsubok sa buhay ng bawat isa?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (READER’S THEATER)


Babasahin nang buong pagkamalikhain ng ilang piling mag-aaral ang bahagi
ng akdang Ibong Adarna.

HINAGPIS NI DON JUAN AT DONYA LEONORA

Ikaapat na Markahan | 61
Ikaapat na Markahan| 62
Pagbubuod ng ginawang reader’s theater.

Pagtataksil na muli kay Hinagpis ni Don Juan Hinagpis ni Donya


Don Juan Leonora

4. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (JUST DO IT!)


Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa akdang
binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa:
Pagharap ni Don Juan sa mga
pagsubok sa kaniyang buhay
1 Paksa:
Pagharap ni Donya Leonora
sa mga pagsubok sa kanyang
2
Mungkahing Estratehiya: buhay
Tableau Mungkahing Estratehiya:
Monolog
Pagtatanghal ng isang tableau na
nagpapakita ng mga naging Pagtatanghal ng isang monolog na
damdamin ni Don Juan sa nagpapakita ng mga naging
pagsubok sa kanyang buhay damdamin ni Donya Leonora sa
pagusubok sa kanyang buhay
.

Paksa:
Pag-uugnay ng mga naging
damdamin sa akda sa tunay na
3 Paksa:
Aral ng akda
4
buhay Mungkahing Estratehiya:
Mungkahing Estratehiya: Jingle/ Rap
Talkshow

Pagtatanghal ng isang talkshow Pagtatanghal ng isang Jingle/ Rap


na nagpapakita ng naging na nagpapakita ng mga aral ng
damdamin sa akda sa tunay na akda
buhay

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

Ikaapat na Markahan | 63
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe manonood (4) manonood (2)
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)
Kaisahan Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
ng Pangkat nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
Kooperasyon bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang gawain
(3) sa kanilang kanilang gawain sa kanilang (0)
gawain (3) (2) gawain (1)

5. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

6. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

7. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na
ibinigay ng guro

ANALISIS

1. Anong kataksilan ang ginawa ni Don Pedro kay Don Juan? Kung ikaw si
Don Juan itatakwil mo ba si Don Pedro bilang kapatid dahil sa ikalawang
pagkakataon ay muli siyang nagtaksil sa iyo? Bakit?
2. Sa inyong palagay, bakit hindi ipinagtapat nina Donya Juana at Donya
Leonora ang tunay na nangyari kay Don Juan?
3. Ano-ano ang mga damdaming namayani kay Don Juan sa pagsubok na
dumating sa kanyang buhay? Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, ano
ang gagawin mo?
4. Isalaysay ang naging pagsubok sa buhay ni Donya Leonora. Ano ang
gagawin mo kung ikaw ang magkaroon ng pagsubok na katulad ng sa
Donya?
5. Ibahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin tungkol
kahalagahan ng pananalig sa Diyos sa pagharap sa mga pagsubok na
dumarating sa buhay.

ABSTRAKSYON

Ikaapat na Markahan| 64
Mungkahing Estratehiya (FILL IT UP)
Ilalagay ang tamang salita sa mga batang nagdarasal upang mabuo ang
pangkalahatang konsepto ng aralin.
Hinarap ni Don Juan at Donya Leonora ang mga panibagong pagsubok sa
buhay ng bawat isa sa pamamagitan ng ________________.

sa

http://dollargraphicsdepot.com/images/Kids%20Praying%20for%20Dad.jpg

Hinarap ni Don Juan at Donya Leonora ang mga panibagong pagsubok sa


buhay ng bawat isa sa pamamagitan ng pananalig sa May kapal.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya ( HUGOT LINES)


Usong- uso sa mga kabataan sa kasalukuyan ang mga Hugot Lines.
Magbabahagi ng mga hugot lines ang bawat pangkat na tungkol sa pagharap
sa mga suliranin/ pagsubok sa buhay. Maaari ring gumawa ng sarili nilang
hugot lines tungkol sa paksa.
Halimbawa:

http://mrbolero.com/wp-content/uploads/2014/06/5cyelr0kwzz1p5cijrnlze1y9bqzo20l.jpghttp://papogi.com/wp-content/uploads/2014/01/ln7jpqzq6vbs3amswo5ptuvh7yxi1q8d.jpg
http://www.yesthebest.com.ph/wp-content/uploads/2016/09/Scratch-7.jphttps://aldy08.files.wordpress.com/2010/03/prob.png

EBALWASYON

Ikaapat na Markahan | 65
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Anong pangyayari ang binabanggit sa saknong?

“Nagunita ni Don Juan


Ang singsing ng kanyang hirang
Aba’t ako ay nalibang
Sa pagkuha sa naiwan.”

a. Ang palasyo ng Armenya ay hitik sa gintong singsing ngunit ang mga


iyon ay nawawala.
b. Ang singsing na binigay ni Juan kay Leonora ay naiwan kaya siya ay
nalungkot.
c. Hinahanap ni Juana ang singsing na binigay sa kanya ni Diego.
d. Naiwanan ni Leonora ang singsing na bigay ng kanyang ina sa
palasyo ng Armenya kaya siya ay nalungkot.

2. Alin ang ginintuang aral na masasalamin sa saknong?

“ Huwag tayong mamantungan


Sa ugaling di mainam
Na kaya lang dumaramay
Ay nang upang madamayan.

a. Ang pagiging maginoo ay dapat na ugaliin ng mga kalalakihang may


pinag-aralan.
b. Ang pagdamay sa kapwa ay kailangang bukal sa kalooban at walang
hinihinging kapalit.
c. Ang pagiging madasalin ay magandang kaugalian ng bawat nilalang
sapagkat ipinakikita nito ang pagtitiwala sa Diyos.
d. Maging maingat sa paggawa ng mga desisyon sa buhay sapagkat ang
maling desisyon ay nakasisira ng buhay.

3. Piliin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pananalig sa Diyos.

a. Sa gitna ng maraming pagsubok sa buhay naniniwala si Angela na ang


mga kaibigan niya ang dadamay sa kanya.
b. Ang mga magkakaibigan ay dumayo sa malayong lugar upang doon
ilabas ang sama ng loob sa kanilang pamilya.
c. Si Arnie ay naniniwala na ang Panginoon ang makatutulong sa kanya
sa kanyang problemang hinaharap kaya lagi siyang nananalangin.
d. Marami ang dumarayo sa simbahan ngunit hindi naman isinasabuhay
ang mga aral na natutunan.
4. Anong damdamin ang tinutukoy ng pahayag na may salungguhit?

Ikaapat na Markahan| 66
Si Leonora’y walang kibo,
dugo niya’y kumukulo;
lason sa dibdib at puso
kay Don Pedrong panunuyo.

a. takot c. inggit
b. b. galit d. lungkot

5. Alin ang saknong na nagpapakita ng pananalig sa Panginoon?

a. Binendisyunang puspos c. Magkapatid na Prinsesang


Mga anak niyang irog sa balon po nagtitira
At ang sabi, “O Panginoon, nilusong naming dalawa
Pasalamat kayong lubos.” balong ito’y engkantada

b. Sa amin pong mga kalis d.Palibhasa’y si Don Juan


Tapang nila ay nagahis mutyang mutya sa magulang
Sa kay Kuya namang bagsik ang nangyaring kataksila’y
Buhay nila’y nangapatid nabatid sa panagimpan.

Sagot:
D B C B A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Mag-interbyu ng mga kilalang taong nagbago dahil sa pananalig sa


Panginoon. Isalaysay ang kuwento ng kanilang buhay. Kumuha ng mga
larawan habang ginagawa ang pag-iinterbyu. Gawing batayan ang mga
sumusunod na impormasyon.
Pangalan: Kasarian: Pamilya:
Edad: Hanapbuhay: Pagsasalaysay ng Buhay:

2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 4.3. Magdala ng mga materyales na


gagamitin.

ILIPAT
Ikaapat na Markahan | 67
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) ((F7PU-IVe-f-20)


 Naisusulat ang sariling damdamin na may pagkakatulad sa naging
damdamin ng isang tauhan sa akda.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.3


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (KUWENTO NG BUHAY MO)


Magsasalaysay ang mga piling mag-aaral ng kuwento ng kanilang buhay
kung saan dumaan sila sa mga pagsubok. Isasalaysay din kung ano ang
naging damdamin nila sa gitna ng mga suliranin at kung paano nila hinarap
ang mga ito.

KUWENTO NG BUHAY KO_____ KUWENTO NG BUHAY KO_____


MGA SULIRANIN_____________ MGA SULIRANIN_____________
PAANO HINARAP____________ PAANO HINARAP____________

2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS


GOAL: Naisusulat ang sariling damdamin na may pagkakatulad sa
naging damdamin ng isang tauhan sa akda.
Ikaapat na Markahan| 68
ROLE: Isa kang mahusay na manunulat.

AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan.

SITUATION: Ang pahayagang ARMENYA PUBLICATION ay


nangangailangan ng mga manunulat ng isang tekstong may
makabuluhang paksa para sa isang kolum nito.

PRODUCT: Tekstong naglalahad ng sariling damdamin na may


pagkakatulad sa naging damdamin ng isang tauhan sa
akda.

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDAD ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
AT NILALAMAN nilalaman ng talata. nilalaman ng talata mga naisulat nang
(4) (4) (3) mga talata.
(1)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG sa mga salitang ginamit pagpili sa mga mahusay ang naging
SALITA sa talata salitang ginamit sa pagpili ng mga
(3) (3) talata (2) salitang ginamit.
(1)
Lubos na kinakitaan nang Kinakitaan nang maayos Hindi kinakitaan nang
PAGGAWA NG maayos at organisadong maayos at organisadong maayos at organisadong
TALATA talata ang naisulat na talata ang naisulat na talata ang naisulat na
(3) talata. talata. talata.
(3) (2) (1)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Manood sa youtube ng isang dokumentaryo hinggil sa mga taong


nagmula sa hirap na nagtagumpay sa buhay. Isalaysay ang kanilang
buhay sa klase.
2. Basahin ang saknong sa Ibong Adarna tungkol sa pakikipagsapalaran ni
Don Juan sa Reino delos Cristales. Ibigay ang buod ng mga pangyayaring
babasahin.

Ikaapat na Markahan | 69

You might also like