You are on page 1of 4

Learning Activity Sheet

FILIPINO 7
IBONG ADARNA
IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________________ Lebel: ______________


Seksiyon: ______________________________________________ __ Petsa: ______________

Aralin 4: Ang Muling Pagtataksil kay Don Juan at Ang Kanilang Pagtatagpo ni Donya Leonora
(Saknong 651 - 792)

Kasanayang Pampagkatuto

1. Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa


mga kaisipan sa akda (F7PS-IVc-d-21)
2. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng pangunahing tauhan at mga
pantulong na tauhan (F7PB-IVg-h-23)

YUGTO NG PAGKATUTO
LINANGIN
Tingnan ang mga larawan. Ano ang iyong nakikita sa mga larawan?

Ano ang iyong gagawin kung sakaling ikaw ang nakaranas ng ganyang sitwasyon sa iyong kapwa?

I. Paglalahad

Buod ng Aralin:
Ang Muling Pagtataksil kay Don Juan at Ang Kanilang Pagtatagpo ni Donya Leonora

Muling nagtaksil ang mga nakatatandang kapatid ni Don Juan sa kanya sanhi ng
paghahari ng inggit sa kanilang mga puso. Habang sila ay naglalakbay pabalik ng Berbanya ay
naalala ni Donya Leonora ang kanyang diyamanteng singsing na kanyang naiwan sa balon.
Nagpilit si Don Juan na balikan ito kung kaya nagtali siya ng lubid sa kanyang baywang upang
makabalik ng balon ngunit pinatid ito ng taksil na kapatid na si Don Pedro. Sa pangyayaring ito,
labis na galit ang nararamdaman ni Donya Leonora kay Don Pedro. Samantalang sa kaharian,
nakita ni Haring Fernando sa panaginip na si Don Juan ay nasa isang yungib at nakatali. Sinikap
ng haring ang masamang panaginip na ito ay mawaglit sa kanyang isip pagkat patuloy siyang
umaasang buhay na muling makikita ang pinakamamahal na anak.

1
Sa pagdating nina Don Pedro at Don Diego sa kaharian ng Berbanya ay pawang
kasinungalingang muli ang kanilang ibinalita sa kanilang ama. Kanilang inulat na hindi nila nakita
si Don Juan. Karugtong nito ay agad na hiniling ni Don Pedro sa ama na makasal siya kay Donya
Leonora at si Don Diego naman kay Donya Juana. Naikasal ang huli ngunit si Donya Leonora ay
tumutol sa planong ito at sa halip ay kanyang hiniling sa hari na hayaan muna siyang tuparin ang
kanyang panatang mamuhay nang mag-isa.
Sa pagkakasadlak ni Don Juan sa matinding paghihirap sa loob ng balon ay kinandili siya
ng isang mahiwagang lobo. Nanumbalik ang lakas ng prinsipe. Siya ay tinulungan ng lobong
makalabas sa balon. Pagkatapos ng pangyayaring ito ay nagpaalam sa binata ang lobo at agad
na nagtungo sa kabundukan.
Sa gitna ng paghihirap ni Don Juan, siya ay muling nanalangin sa Diyos na iligtas ang
kanyang ama. Nagpasya siyang bumalik sa kaharian ngunit naisipan niya munang ipahinga ang
kanyang pagal na katawan sa ilalim ng isang punongkahoy hanggang sa siya ay nakatulog. Sa
gitna ng kanyang mahimbing na pagtulog ay nagising siya sa awit ng Ibong Adarna. Pinayuhan
siya nitong limutin na si Donya Leonora at siya ay magtungo sa Reyno de los Cristales upang
doon ay matagpuan ang marilag na dalagang si Donya Maria Blanca. Samantala sa kaharian ng
Berbanya ay labis na nangungulila si Donya Leonora at umaasang buhay na magbabalik si Don
Juan upang siya ay hanguin sa matinding kalungkutan.

II. Talasalitaan

Hanapin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit ayon sa


pagkakagamit nito sa pangungusap. Titik lamang.

A. nangimbulo D. mahinhin
B. magkamayaw E. pakay
C. nilagot F. natunton

1. Halos hindi magkandatuto si Don Pedro sa pagsasalita.


2. Pinatid ng kapatid ang lubid kaya nahulog ito.
3. Nabihag ng dalagang matimtiman ang kanyang puso.
4. Nagselos ang magkapatid na Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.
5. Natagpuan niya ang pinagtataguan ng kapatid.

III. Pagtalakay sa Aralin

1. Bakit naguluhan si Donya Leonora matapos siyang maiahon ni Don Juan sa balon?
2. Paano ipinakita ni Don Juan ang kanyang labis na pagmamahal kay Donya Leonora?
3. Anong kataksilan ang ginawa ni Don Pedro kay Don Juan? Posible kayang mangyari ang
ganoon sa tunay na kapatid? Patunayan.

2
4. Bilang isang anak o kapatid, ano ang nararapat mong gawin upang hindi mangyari sa
iyong pamilya ang pagtataksil ng sinumang kapamilya?
5. Kung ikaw si Don Juan, itatakwil mo ba si Don Pedro bilang kapatid?

IV. PAGPAPALAWIG

Ilahad gamit ang fan fact organizer kung ano ang naidudulot ng pagtulong sa kapwa at
pagpapasalamat.

Pagtulong sa Kapwa

Pasasalamat sa Kapwa

3
PAGSASANAY
Gawain 1
Suriin kung ano ang katangian ng mga tauhan sa akdang binasa. Titik lamang.
1. “Sa aki’y ipahintulot ng mahal mong pagkukupkop, na bayaan mong matapos ang panata
ko sa Panginoon.” Si Donya Leonora ay:
a. maka-Diyos c. mahilig mapag-isa
b. malungkutin d. masunurin

2. “Kaya Haring mapagmahal, di man dapat sa kalakhan, kung ito po’y kasalanan patawad
mo’y aking hintay.” Si Donya Leonora ay:
a. maawain c. mapagkumbaba
b. mapagmahal d. maka-Diyos

3. “O, Panginoong Haring mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin mo’y mahabag na ituro
yaong landas.” Si Don Juan ay:
a. maawain c. matatakutin
b. mapamahiin d. madasalin
4. “Malayo nga lamang dito ang kinalalagyang reyno, gayon pa man prinsipe ko,
pagpagurang lakbayin mo.” Ang Ibong Adarna ay:
a. maawain c. masayahin
b. maalalahanin d. mapag-ubaya
5. “O, kasi ng aking buhay lunas nitong dusa’t lumbay ano’t di ka dumaratal ikaw kaya’y
napasaan? Si Donya Leonora ay:
a. nangungulila c. natatakot
b. nagagalit d. nayayamot
6. “Huwag Leonorang giliw, ang singsing mo’y dapat kunin; dito ako ay hintayin ako’y agad
babalik din.” Si Don Juan ay:
a. mayabang c. mahilig sa pakikipagsapalaran
b. maalalahanin d. gagawin ang lahat para sa minamahal
7. “Mga mata’y pinapungay, si Leonora’y dinaingan: Prinsesa kong minamahal, aanhin mo si
Don Juan?” Si Don Pedro ay:
a. mayabang c. mapang-alipusta
b. mapag-alinlangan d. taksil sa kapatid
8. “Kapwa kami mayro’ng dangal prinsipe ng aming bayan, pagkat ako ang panganay sa akin
ang kahariaan.” Si Don Pedro ay:
a. mayaman c. mayabang
b. mapagmahal d. mapagkumbaba
9. “Ano ba’y gagayunin ang bunso kong ginigiliw, ito nama’y di salarin na dapat pagbayarin.”
Si Haring Fernando ay:
a. malupit c. nagpapahalaga sa katarungan
b. matatakutin d. mainitin ang ulo
10. “Pairugan si Leonorang magpatuloy sa panata; Pedro’y pasasaan bagang di matupad
iyang pita.” Si Haring Fernando ay:
a. mapagbigay c. konsintidor na ama
b. matapat d. malupit na ama

PAGLALAPAT

1. Bakit mahalagang maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok?


2. Paano makatutulong ang mga problema sa paglago o pag-unlad ng ating pagkatao?

You might also like