You are on page 1of 5

Ibong Adarna Buod Kabanata 7: Ang

Mahiwagang Ibong Adarna (Saknong 199 –


215)
Pagdating ni Don Juan sa puno ng Piedras Platas, wala siyang natagpuang ibon
kaya matiyaga nalang siyang naghintay sa pagbabalik niyon.

Malalim na ang gabi at sa wakas dumating na ang Ibong Adarna. Nagsimula na


itong umawit kasabay ng pagpapalit ng kulay ng balahibo nito.

Dahil sa mahimig na awit ng ibon, dinapuan siya ng antok at muntikan nang


makatulog. Upang maiwasan na maging bato, sinugatan niya ang kanyang palad
gamit ang labaha at pinigaan ito ng dayap.

Dumumi ang ibon ngunit iniwasan ito ng Prinsipe. Nakatulog na ang ibon ngunit
dilat ang dalawang mata at nakabuka ang malabay na pakpak nito.

Agad naman itong hinuli ng Prinsipe at ikinulong sa hawla at dinala ito sa dampa
ng ermitanyo.

Talasalitaan:

 Labaha – pang ahit o itak


 Dayap – isang uri ng punong kahoy na maasim ang bunga
 Malabay – malago
 Hawla – kulungan
 Dampa – mas kilala sa tawag ngayon na bahay kubo
 Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao
Ibong Adarna Buod Kabanata 8: Pagligtas
kay Don Pedro at Don Juan (Saknong 216 –
225)
Ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan na kunin ang banga at punan ng tubig upang
maging taong muli ang mga kapatid niyang naging bato.

Sinunod ng Prinsipe ang ermitanyo. Unang binuhusan ni Don Juan si Don Pedro
at nabuhay itong muli at agad hinagkan ang bunsong kapatid.

Sunod namang binuhusan nito si Don Diego. Gaya ng ginawa ng panganay na


prinsipe, agad din nitong niyakap si Don Juan.

Sila ay masayang nagyayakapan ngunit agad naman itong napawi sa pag-alala sa


amang may sakit. Nagpunta ang tatlong prinsipe sa dampa ng ermitanyo.

Talasalitaan:

 Ibinilin – humingi ng pabor, utos


 Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao
 Banga – uri ng lalagyan
 Napawi – nawala
 Dampa – mas kilala sa tawag ngayon na bahay kubo

Ibong Adarna Buod Kabanata 9: Ang


Katotohanan (Saknong 226 – 256)
Naghanda ng mga masasarap na pagkain ang ermitanyo para sa tatlong
magkakapatid na prinsipe.
Pagkatapos ng piging ay kumuha ng misteryosong botelya ang matanda at
pinahid ito sa palad ni Don Juan at agad itong gumaling.

Nanghingi ng basbas si Don Juan sa ermitanyo sa kanilang pag alis. Habang


binabagtas ang daanan pauwi ng palasyo, ang naunang si Don Juan ay walang
kamalay-malay na nagbabalak na pala ang nasa likuran na si Don Pedro ng
masama laban sa kanya at kinumbinsi nito si Don Diego na patayin si Don Juan.

Nung una ay mariin itong tumanggi ngunit kalauna’y pumayag din ngunit ani
niya, sa halip na patayin ay bugbugin na lang daw ito. Iniwang nakabulagta ang
kahabag-habag na si Don Juan.

Talasalitaan:

 Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao


 Piging – pista
 Botelya – bote
 Kinumbinsi – hinimok
 Kahabag-habag – kaawa-awa
 Binabagtas – nilalakad

Ibong Adarna Buod Kabanata 10:


Kasakiman ni Don Pedro at Don Diego
(Saknong 257 – 275)
Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego tangay ang ibong adarna. Labis ang
kaligayahan ng Haring may sakit at hinagkan ang dalawang taksil na prinsipe
ngunit agad namang napawi ang ngiti sa kanyang labi nang mapansin na wala si
Don Juan.
Labis itong nanibugho sa pagkawala ng kanyang bunso at ninais nalang
mamatay. Ang ibong adarna naman ay pumangit at ayaw nang kumanta dahil
taksil ang nag uwi sa kanya.

Lalong lumubha ang sakit ng Hari dahil muling naalala ang dahilan kung bakit
siya nagkasakit. Umaasa ang ibong adarna na buhay pa ang tunay na nagmamay-
ari sa kanya at malaman ng Hari ang kataksilang ginawa ng magkapatid.

Talasalitaan:

 Kasakiman – katangian ng tao kung saan gusto niyang siya lang ang
nagmamay-ari ng lahat
 Tangay – dala
 Hinagkan – hinalikan
 Nanibugho – nalungkot
 Taksil – traydor

Ibong Adarna Buod Kabanata 11: Panaghoy


ni Don Juan (Saknong 276 – 318)
Naiwang pagapang-gapang ang kahabag-habag na prinsipe. Namamaga ang
kanyang buong katawan, may pilay ang tadyang, at mamamatay na sa gutom at
uhaw.

Wala siyang ibang magawa kundi ang manalangin sa mahal na birhen na nawa ay
humaba pa ang buhay at gumaling ang kanyang amang may sakit.

Hindi pa rin siya makapaniwala na nagtaksil sa kanya ang dalawang prinsipe.


Handa naman niyang ibigay ang ibon sa kanila kung iyon ang kanilang ibig.

Sa gitna ng kanyang paghihirap ay sinariwa niya ang Berbanya at ang inang


reyna dahil sa labis na pananabik.
Talasalitaan:

 Panaghoy – paghihinagpis
 Kahabag-habag – kaawa-awa
 Nagtaksil – nagtraydor
 Sinariwa – inalala
 Pananabik – pagkagalak

Ibong Adarna Buod Kabanata 12: Kaligtasan


ni Don Juan (Saknong 319 – 339)
May biglang sumulpot na ermitanyo. Nakita nito si Don Juan na nakahandusay sa
lupa. Ginamot niya sa muling pagkakataon ang prinsipe.

Agad na naglaho ang mga sugat nito na parang mahika. Labis ang
pasasalamatan ni Don Juan sa ermitanyo at hinagkan ito.

Nais sanang gumanti ng utang na loob ang prinsipe ngunit tumanggi ito dahil
ayon sa kanya, ito’y isang uri ng pagkakawanggawa.

Sinabi ng ermitanyo kay Don Juan na bumalik na sa Berbanya upang iligtas ang
Hari at agad naman itong sumunod.

Talasalitaan:

 Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao


 Nakahandusay – nakahiga
 Naglaho – nawala
 Hinagkan – hinalikan
 Pagkakawanggawa – kusang-loob na pagbibigay ng tulong
 Sumulpot – nagpakita

You might also like