You are on page 1of 49

Holy Cross College

Holy
SantaCross
Rosa, College
Nueva Ecija
Santa Rosa, Nueva Ecija

Ang Buod ng
Ibong
AdaArna
Submitted to:
Ma’am Clarissa Joy D.C Avila

Submitted by:
JHONMARK C. DE ASIS
Ibong Adarna Buod Kabanata 1: Ang Kaharian ng
Berbanya (Saknong 1 – 29)

Tanyag, sagana at mayaman ang kaharian ng


Berbanya. Tahimik at payapang namumuhay ang
mga tao rito. Malimit na nagkakaroon ng
pagdiriwang at mga piging sa nasabing kaharian
sapagkat mabuti at mapagmahal ang mga
namumuno rito na sina Don Fernando at Donya
Valeriana.

Sila ay may tatlong magigiting at matitikas na mga


supling na sina Don Pedro, Don Diego at si Don
Juan. Ang tatlong prinsipe ay kasalukuyang
pinagsasanay sa pakikidigma upang sa takdang
panahon ang isa sa kanila ay magmamana ng trono.

Talasalitaan:

 Tanyag – sikat
 Sagana – mayaman
 Malimit – madalas
 Supling – anak
Ibong Adarna Buod Kabanata 2: Ang
Karamdaman ng Hari (Saknong 30 – 45)

Dahil sa isang bangungot, nagkaroon ng malalang


sakit ang Hari na si Don Fernando. Nakita niya ang
isa sa kaniyang mga anak na si Don Juan na
pinaslang ng dalawang buhong at pagkatapos ay
inihulog sa balon.

Hindi na halos kumakakain at natutulog ang hari


dahil sa labis na pagkabalisa. Isang medikong paham
ang nagsabi na ang tanging lunas daw sa sakit ng
Hari ay ang awit ng isang ibong tanging
matatagpuan lamang sa bundok ng Tabor partikular
sa kumikinang na puno ng Piedras Platas.

Agad namang inutusan ang panganay na anak na si


Don Pedro na hulihin ang natatanging lunas para sa
sakit ng Hari.

Talasalitaan:

 Bangungot – masamang panaginip


 Pinaslang – pinatay
 Buhong – kontrabida, taong madaling matukso
ni satanas
 Paham – matalinong tao
 Lunas – gamot
Ibong Adarna Buod Kabanata 3: Paghahanap ni
Don Pedro sa Lunas (Saknong 46 – 80)

Naglakbay ng tatlong buwan si Don Pedro bago


natunton ang daan patungong Bundok Tabor. Agad
naman ay nahanap ng Prinsipe ang puno ng Piedras
Platas.

Nagtaka siya kung bakit wala ni isang ibon ang


dumadapo rito. Sa labis na paghihintay sa pagdating
ng ibong adarna, siya ay nakaidlip at hindi napansin
ang pagdating ng ibon.

Dumapo ang ibon sa sanga ng puno at umawit ng


pitong ulit habang nagpapalit ng kulay ng balahibo
ng makapito ring ulit.

Dahil kinapamahasnan na ng ibon na dumumi bago


mamahinga, hindi nagtagal ay dumumi na ito at
walang anu-ano’y natapat ito sa natutulog na
prinsipe at sa isang iglap ay naging isang bato.

Talasalitaan:

 Lunas – gamot
 Natunton – narating
 Nakaidlip – nakatulog
 Kinapamihasnan – nakasanayan
 Iglap – pikitmata, sandali
Ibong Adarna Buod Kabanata 4: Pagkabigo ni
Don Diego (Saknong 81 – 109)

Dahil hindi na nasilayang muli ang panganay na si


Don Pedro, inatasan ng Hari ang ikalawang anak na
si Don Diego upang hulihin ang ibong adarna.

Naglakbay ng limang buwan ang nasabing prinsipe.


Naakit din siya sa kinang nito at napaisip kung bakit
walang ibang ibon ang naaakit dito. Nagpahinga
muna siya habang matiyagang naghihintay sa
mahiwagang ibon ngunit dahil sa lambing ng pag
awit nito, ay agad ding nakatulog.

Nasaksihan man ni Don Diego ang pagpapalit kulay


ng mga balahibo nito, siya ay nanatiling bigo.
Napatakan siya ng dumi nito at naging bato na rin.
Nagmistulang magkatabing puntod ang
magkapatid.

Talasalitaan:

 Pagkabigo – pagkatalo
 Nasilayan – nakita
 Inatasan – inutusan
 Naglakbay – naglakad, lumibot
 Lambing – karinyo, lamyos, suyo o alo na
ipinahahayag sa pamamagitan ng mahinhing salita
o kilos
 Nasaksihan – nakita
 Puntod – nitso; libingan ng patay
Ibong Adarna Buod Kabanata 5: Paglalakbay ni
Don Juan (Saknong 110 – 140)

Pagkalipas ng tatlong taon, lalong lumala ang


karamdaman ng Hari. Masakit man para sa Hari ang
mawalay sa pinakamamahal niyang anak ngunit wala
siyang magawa kundi ang bindisyunan ang bunsong
anak sa paglalakbay nito.

Natakot si Don Fernando at baka magtanan si Don


Juan. Siya ay maglalakad lang papunta ng Bundok
Tabor at may baong limang tinapay. Isang beses sa
isang buwan lang siya kumakain.

Habang binabagtas ang daan patungo sa nasabing


bundok, panay ang sambit sa Birheng Inang marilag
na nawa ay matagalan ang paghihirap na dinaranas.

Sa ikaapat na buwan, tumigas na ang baon niyang


tinapay. Sa gitna ng paglalakbay ay may nakita
siyang ermitanyong sugatan.

Talasalitaan:

 Paglalakbay – paglalakad
 Pagkalipas – pagkatapos
 Bendisyunan – basbasan
 Magtanan – umalis ng walang paalam
 Binabagtas – nilalakad
 Sambit – sabi
 Marilag – maganda
Ibong Adarna Buod Kabanata 6: Ang Ermitanyo
(Saknong 141 – 198)
Nanglimos kay Don Juan ang leprosong matanda at
ibinigay ang nag-iisang tirang tinapay.Sa wakas ay nadatal
na ni Don Juan ang puno at muntik nang makalimutan ang
bilin ng matanda dahil sa ganda ng puno.

Nakarating ang prinsipe sa dampa at napansin ng tinapay


na ibinigay niya sa leprosong matanda.Nalaman niya na
engkantado ang ibong adarna. Sa gabi lang ito
masisilayan. Pitong beses iyong umaawit habang
nagpapalit ng kulay ng balahibo ng makapito ring ulit.

Sa oras na umawit na ang ibon ay susugatan niya ang


kanyang palad at pipigaan ng dayap upang hindi
makatulog. Ipinagkaloob ng ermitanyo kay Don Juan ang
sintas na Ginto upang gamitin sa paghuli ng mahiwagang
ibon.

Talasalitaan:

 Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao


 Leproso – taong may ketong (leprosy)
 Nadatal – narating
 Dampa – mas kilala sa tawag ngayon na bahay kubo
 Engkantado – uri ng nilalang na may angking
kakayahan na iba sa ordinaryong tao o hayop
 Masisilayan – makikita
 Dayap – isang uri ng punong kahoy na maasim ang
bunga
Ibong Adarna Buod Kabanata 7: Ang
Mahiwagang Ibong Adarna (Saknong 199 – 215)
Pagdating ni Don Juan sa puno ng Piedras Platas, wala
siyang natagpuang ibon kaya matiyaga nalang siyang
naghintay sa pagbabalik niyon.Malalim na ang gabi at sa
wakas dumating na ang Ibong Adarna. Nagsimula na itong
umawit kasabay ng pagpapalit ng kulay ng balahibo nito.

Dahil sa mahimig na awit ng ibon, dinapuan siya ng antok


at muntikan nang makatulog. Upang maiwasan na maging
bato, sinugatan niya ang kanyang palad gamit ang labaha
at pinigaan ito ng dayap.

Dumumi ang ibon ngunit iniwasan ito ng Prinsipe.


Nakatulog na ang ibon ngunit dilat ang dalawang mata at
nakabuka ang malabay na pakpak nito.

Agad naman itong hinuli ng Prinsipe at ikinulong sa hawla


at dinala ito sa dampa ng ermitanyo.

Talasalitaan:

 Labaha – pang ahit o itak


 Dayap – isang uri ng punong kahoy na maasim ang
bunga
 Malabay – malago
 Hawla – kulungan
 Dampa – mas kilala sa tawag ngayon na bahay kubo
 Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao
Ibong Adarna Buod Kabanata 8: Pagligtas kay
Don Pedro at Don Juan (Saknong 216 – 225)

Ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan na kunin ang


banga at punan ng tubig upang maging taong muli
ang mga kapatid niyang naging bato.

Sinunod ng Prinsipe ang ermitanyo. Unang


binuhusan ni Don Juan si Don Pedro at nabuhay
itong muli at agad hinagkan ang bunsong kapatid.

Sunod namang binuhusan nito si Don Diego. Gaya


ng ginawa ng panganay na prinsipe, agad din nitong
niyakap si Don Juan.

Sila ay masayang nagyayakapan ngunit agad naman


itong napawi sa pag-alala sa amang may sakit.
Nagpunta ang tatlong prinsipe sa dampa ng
ermitanyo.

Talasalitaan:

 Ibinilin – humingi ng pabor, utos


 Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao
 Banga – uri ng lalagyan
 Napawi – nawala
 Dampa – mas kilala sa tawag ngayon na bahay
kubo
Ibong Adarna Buod Kabanata 9: Ang
Katotohanan (Saknong 226 – 256)

Naghanda ng mga masasarap na pagkain ang


ermitanyo para sa tatlong magkakapatid na prinsipe.

Pagkatapos ng piging ay kumuha ng misteryosong


botelya ang matanda at pinahid ito sa palad ni Don
Juan at agad itong gumaling.

Nanghingi ng basbas si Don Juan sa ermitanyo sa


kanilang pag alis. Habang binabagtas ang daanan
pauwi ng palasyo, ang naunang si Don Juan ay
walang kamalay-malay na nagbabalak na pala ang
nasa likuran na si Don Pedro ng masama laban sa
kanya at kinumbinsi nito si Don Diego na patayin si
Don Juan.

Nung una ay mariin itong tumanggi ngunit kalauna’y


pumayag din ngunit ani niya, sa halip na patayin ay
bugbugin na lang daw ito. Iniwang nakabulagta ang
kahabag-habag na si Don Juan.

Talasalitaan:

 Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao


 Piging – pista
 Botelya – bote
 Kinumbinsi – hinimok
 Kahabag-habag – kaawa-awa
 Binabagtas – nilalakad
Ibong Adarna Buod Kabanata 10: Kasakiman ni
Don Pedro at Don Diego (Saknong 257 – 275)

Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego tangay ang


ibong adarna. Labis ang kaligayahan ng Haring may
sakit at hinagkan ang dalawang taksil na prinsipe
ngunit agad namang napawi ang ngiti sa kanyang
labi nang mapansin na wala si Don Juan.

Labis itong nanibugho sa pagkawala ng kanyang


bunso at ninais nalang mamatay. Ang ibong adarna
naman ay pumangit at ayaw nang kumanta dahil
taksil ang nag uwi sa kanya.

Lalong lumubha ang sakit ng Hari dahil muling


naalala ang dahilan kung bakit siya nagkasakit.
Umaasa ang ibong adarna na buhay pa ang tunay na
nagmamay-ari sa kanya at malaman ng Hari ang
kataksilang ginawa ng magkapatid.

Talasalitaan:

 Kasakiman – katangian ng tao kung saan gusto


niyang siya lang ang nagmamay-ari ng lahat
 Tangay – dala
 Hinagkan – hinalikan
 Nanibugho – nalungkot
 Taksil – traydor
Ibong Adarna Buod Kabanata 11: Panaghoy ni
Don Juan (Saknong 276 – 318)

Naiwang pagapang-gapang ang kahabag-habag na


prinsipe. Namamaga ang kanyang buong katawan,
may pilay ang tadyang, at mamamatay na sa gutom
at uhaw.

Wala siyang ibang magawa kundi ang manalangin sa


mahal na birhen na nawa ay humaba pa ang buhay
at gumaling ang kanyang amang may sakit.

Hindi pa rin siya makapaniwala na nagtaksil sa kanya


ang dalawang prinsipe. Handa naman niyang ibigay
ang ibon sa kanila kung iyon ang kanilang ibig.

Sa gitna ng kanyang paghihirap ay sinariwa niya ang


Berbanya at ang inang reyna dahil sa labis na
pananabik.

Talasalitaan:

 Panaghoy – paghihinagpis
 Kahabag-habag – kaawa-awa
 Nagtaksil – nagtraydor
 Sinariwa – inalala
 Pananabik – pagkagalak
Ibong Adarna Buod Kabanata 12: Kaligtasan ni
Don Juan (Saknong 319 – 339)

May biglang sumulpot na ermitanyo. Nakita nito si


Don Juan na nakahandusay sa lupa. Ginamot niya sa
muling pagkakataon ang prinsipe.

Agad na naglaho ang mga sugat nito na parang


mahika. Labis ang pasasalamatan ni Don Juan sa
ermitanyo at hinagkan ito.

Nais sanang gumanti ng utang na loob ang prinsipe


ngunit tumanggi ito dahil ayon sa kanya, ito’y isang
uri ng pagkakawanggawa.

Sinabi ng ermitanyo kay Don Juan na bumalik na sa


Berbanya upang iligtas ang Hari at agad naman
itong sumunod.

Talasalitaan:

 Ermitanyo – taong nananahan ng hiwalay sa tao


 Nakahandusay – nakahiga
 Naglaho – nawala
 Hinagkan – hinalikan
 Pagkakawanggawa – kusang-loob na
pagbibigay ng tulong
 Sumulpot – nagpakita
Ibong Adarna Buod Kabanata 13: Pagbabalik ni
Don Juan sa Berbanya (Saknong 340 – 403)

Nakabalik na ang prinsipe sa Berbanya. Nasindak


ang dalawang magkapatid nang nakitang buhay pa
si Don Juan.Magalak na hinagkan ni Don Juan ang
kanyang ama ngunit hindi namukhaan agad ng Hari
ang anak.

Bumalik ang ganda ng ibong adarna at ito ay muling


umawit. Inawit nito ang lahat ng nangyari kay Don
Juan simula sa paghuli niya sa ibong adarna
hanggang sa pagtataksil ng dalawang prinsipe kay
Don Juan.

Kasabay nang paggaling ng Hari ay natuklasan niya


rin ang buong katotohanan. Walang anu-ano’y
biglang tumayo ang Hari at inutusan ang mga kawal
na ipatapon ang dalawang taksil na prinsipe, subalit
nakiusap si Don Juan sa Hari na ‘wag na itong
ipatapon.Agad namang pumayag ang Hari sa hiling
ni Don Juan. Niyakap ni Don Juan ang dalawa.
Bumalik ang sigla ng kaharian dahil sa paggaling ng
Hari.

Talasalitaan:

 Nasindak – nagulat
 Hinagkan – hinalikan
 Namukhaan – nakilala
 Pagtataksil – pagtatraydor
 Natuklasan – nalaman
Ibong Adarna Buod Kabanata 14: Ang
Pangalawang Pagtataksil (Saknong 404 – 428)

Nawili ang Hari sa ibong adarna. Oras-oras kung


ito’y kanyang dalawin at hindi ito ikinatuwa ng reyna.
Sa pangamba nitong makawala ang ibon,
ipinabantay niya ito sa tatlong prinsipe.

Kinakausap ni Don Juan ang ibon upang hindi ito


dalawin ng antok. Muling nagbalak ng masama si
Don Pedro at Don Diego laban kay Don Juan.

Nagdalawang-isip si Don Diego na sumang-ayon sa


plano ngunit sa huli’y pumayag din ito. Nakaidlip si
Don Juan at hindi na namalayang pinakawalan na ng
dalawa ang ibon.

Talasalitaan:

 Nawili – natuwa
 Pangamba – takot
 Dalawin ng antok – makaramdam ng antok
 Nagbalak – nagplano
 Nakaidlip – nakatulog
Ibong Adarna Buod Kabanata 15: Ang Muling
Pag-alis ni Don Juan (Saknong 429 – 442)
Madaling araw palang ay nagpasya nang tumakas si Don
Juan dahil batid niyang magagalit ang kanyang ama kapag
natuklasan nitong nakawala ang ibong adarna.

Agad na pinatawag ng Hari ang tatlong prinsipe ngunit si


Don Pedro at Don Diego lang ang humarap sa Hari.

Gumawa na naman ng panibagong kasinungalingan ang


dalawa ngunit sa pagkakataong ito, hindi na naniwala ang
Hari sa kanila.

Sinambit nina Don Pedro at Don Diego na hahanapin nila


ang taksil na si Don Juan upang maparusahan.

Naglakbay sila sa bukirin ngunit hindi nila matagpuan si


Don Juan. Sa huli’y narating din nila ang kabundukan ng
Armenya na pinagtataguan ni Don Juan.

Talasalitaan:

 Nagpasya – nagdesisyon
 Batid – alam
 Natuklasan – nalaman
 Sinambit – sinabi
 Taksil – traydor

 Naklakbay – naglakad

Ibong Adarna Buod Kabanata 16: Bagong Paraiso
(Saknong 443 – 479)
Mala-paraiso ang kabundukan ng Armanya. Sagana sa
lahat ng bagay ang nasabing kabundukan at maraming
hayop ang naninirahan dito.

Sa bundok na ito nanirahan at nagtago si Don Juan sa


takot na maparusahan ng kanyang amang hari dahil sa
nagawang kasalanan.

Nahihiya nang humarap si Don Diego kay Don Juan dahil


sa pagtataksil na ginawa ng dalawa dito. Bagama’t di
sumang-ayon si Don Diego nung una sa plano ni Don
Pedro na manirahan sa gubat kasama si Don Juan,
nagtagumpay parin ito sa pagsulsol na mapapayag si Don
Diego sa plano.

Tinanggap naman ni Don Juan ang dalawang kapatid na


makasamang manirahan sa bundok dahil mahal niya ang
mga ito.

Masayang namuhay ang tatlo sa Armenya habang nakatira


sa isang magarang bahay na gawa sa kahoy. Isang araw,
napagkasunduan ng tatlo na tuklasin ang hiwaga ng
kabundukan ng Armenya.

Talasalitaan:

 Sagana – mayaman
 Pagtataksil – pagtatraydor
 Sumang-ayon – pagpayag
 Pagsulsol – pag-udyok, paghikayat, pagpapayag
 Magara – maganda, kaaya-aya
 Tuklasin – alamin
Ibong Adarna Buod Kabanata 17: Ang Balon sa
Armenya (Saknong 480 – 503)

May natuklasang balon ang tatlong prinsipe, gawa


ito sa marmol at gintong may mga ukit na
natatabunan na ng lumot.

Nagdesisyong bumaba si Don Pedro gamit ang lubid


na naroon ngunit tatlong dipa lang ang naabot nito
dahil sa sobrang takot sa dilim. Sunod na sumubok
si Don Diego ngunit ganun din ang kinalabasan.

Si Don Juan lang ang nakatagal sa ilalim ng balon at


hindi pa ito bumabalik. Hinawa ang nararamdaman
ni Don Pedro habang si Don Diego naman ay pag-
aalala dahil hindi pa umaahon ang kapatid mula sa
balon.

Talasalitaan:

 Marmol – pinakinis na bato na ginagamit sa


paggawa ng sahig
 Natatabunan – natatakpan
 Lumot – berdeng halaman na tumutubo sa
matutubig na kapaligiran, pagkain ng mga isda
 Dipa – isang metro
 Kinalabasan – resulta
 Hinawa – inip
Ibong Adarna Buod Kabanata 18: Si Donya Juana
(Saknong 504 – 530)

Narating ni Don Juan ang pinakailalim na bahagi ng


balon. Tumambad sa kanya ang isang mabulaklak na
paraiso at palasyo na gawa sa ginto’t pilak.

Nakita rin niya ang isang magandang dalaga na si


Donya Juana. Namangha ang dalaga dahil narating
ni Don Juan ang lugar na iyon.

Lumuhod ang prinsipe sa harap ng dalaga upang


magpakilala. Humingi rin ito ng paumanhin dahil sa
mapangahas na pagpunta sa lugar.

Inamin ni Don Juan na may nararamdaman siyang


pag-ibig sa dalaga. Hindi naman siya nabigo dahil
ganun din ang nadarama nito para sa prinsipe.

Talasalitaan:

 Tumambad – lumantad
 Namangha – nagulat
 Paumanhin – tawad
 Mapangahas – matapang
 Nabigo – palpak
Ibong Adarna Buod Kabanata 19: Bantay na
Higante (Saknong 531 – 568)
Sinabi ni Donya Juana na may higante na nagbabantay sa
hardin. Dumating ang higante dahil sa may naamoy siyang
tao.

Nung makita ng higante si Don Juan ay laking tuwa nito


dahil hindi na niya kinakailangang mamundok dahil
mayroon na siyang makakain.

Nagalit si Don Juan at kinalaban ang higante gamit ang


kanyang matulis na espada. Natalo ni Don Juan ang
higante.

Hiniling ni Donya Juana na iligtas din ang kanyang kapatid


na si Donya Leonora dahil ayaw nitong lumisan ng mag-
isa.

Binalaan niya si Don Juan na mag-ingat dahil mas


mabagsik ang bantay ni Prinsesa Leonora walang iba kundi
ang serpyentend may pitong ulo. Mahirap itong
makalaban dahil kahit na tagpasin ang ulo nito ay muling
tutubo at mabubuhay.

Matatagpuan si Prinsesa Leonora sa di kalayuang palasyo.


Ito ang palasyong may malaking hagdanang ginto.

Talasalitaan:

 Lumisan – umalis
 Mabagsik – mabangis
 Serpyente – ahas
 Tagpasin – pinutol
 Matatagpuan – makikita
Ibong Adarna Buod Kabanata 20: Si Prinsesa
Leonora (Saknong 569 – 617)

Nakadungaw si Prinsesa Leonora sa bintana nang


makita ng Prinsipe. Higit itong maganda kaysa kay
Donya Juana kaya mas nahumaling si Don Juan sa
kanya.

Nagalit ang prinsesa at itinanong kung sino siya.


Pinalayas ni Prinsesa Leonora si Don Juan sa lugar na
iyon dahil alam niyang malapit nang dumating ang
serpyente.

Nagtapat ng nararamdaman si Don Juan kay


Prinsesa Leonora dahil dito ay nakalimutan nya na
hinihintay pala siya ni Donya Juana sa labas.

Nangangamba ang prinsesa at baka mapako ang


pangako ng Prinsipe sa kanya. Naramdaman nila ang
malakas na pagyanig ng lupa.

Talasalitaan:

 Nakadungaw – nakasilip
 Nahumaling – nabighani, nahulog
 Serpyente – ahas
 Nagtapat – umamin
 Nangangamba – takot, kaba
 Pagyanig – pag-galaw
Ibong Adarna Buod Kabanata 21: Ang Serpyente
(Saknong 618 – 658)
Umakyat ng hagdanan ang serpyente at agad itong
hinarap ng Prinsipe. Muntikan na siyang lingkisin ng
serpyente, buti nalang at maliksi ang prinsipe at naiwasan
niya ito.

Tinagpas ng Prinsipe ang ulo ng tampalasang serpyente


ngunit agad itong tumubo. Nakaramdam ng pagal ang
prinsipe kung kaya’t siya’y nanalangin.

Agad namang bumalik ang lakas ng prinsipe. Nagtagal ng


tatlong oras ang laban. Inihagis ni Prinsesa Leonora ang
balsamo kay Don Juan upang ihasik sa natagpas na ulo ng
serpyente upang hindi na ito muling tumubo.

Nagapi ng Prinsipe ang serpyente. Inilabas ng balon ni


Don Juan ang dalawang prinsesa. Natuklasan ni Don Pedro
at Don Diego ang pagpapakabayani ni Don Juan sa
dalawang prinsesa at sumidhi nanaman ang buhi ni Don
Pedro dahil sa inggit lalo pa’t nabighani ito sa ganda ni
Prinsesa Leonora.

Talasalitaan:

 Serpyente – ahas
 Lingkisin – puluputan
 Tinagpas – pinutol
 Tampalasan – pasaway
 Pagal – pagod
 Balsamo – langis na ginagamit sa paghihilot
 Ihasik – ikalat
 Nagapi – natalo
 Sumidhi – lumakas, tumindi
Ibong Adarna Buod Kabanata 22: Bagong
Kataksilan (Saknong 659 – 731)
Biglang naalala ni Prinsesa Leonora na naiwan ang
singsing na diyamante na bigay pa ng kaniyang ina.

Hindi man sumang-ayon ang prinsesa, binalikan pa rin ni


Don Juan ang singsing. Habang bumababa ng balon ang
prinsipe biglang pinutol ni Don Pedro ang pisi kung kaya’t
nahulog ito.

Labis na nanlumo ang prinsesa sa kataksilang ginawa ni


Don Pedro. Nang makabalik ang dalawa sa Berbanya
itinanong ng Hari kung nasaan ang bunsong anak ngunit
pinabulaanan nila na hindi daw nila nahanap si Don Juan.

Sa halip ay nakapagligtas sila ng dalawang dilag mula sa


higante at serpyente.

Hiniling ni Don Pedro na ikasal sila agad-agad ngunit


sinabi ni Prinsesa Leonora na hindi siya maaaring ipakasal
pagkaraan ng pitong taon dahil siya ay may panata.

Kaya si Don Diego at Donya Juana nalang ang nagpakasal.

Talasalitaan:

 Kataksilan – katrayduran
 Pisi – lubid
 Nanlumo – nanghina
 Pinabulaanan – nilinlang, nagsinungaling
 Dilag – magandang babae
 Serpyente – ahas
 Panata – taimtim na pangako
Ibong Adarna Buod Kabanata 23: Lobong Taga-
pagligtas (Saknong 732 – 757)

Naabutan ng engkantadang lobo ang sugatang si


Don Juan. Kumuha ito ng tatlong boteng tubig sa
ilog Jordan. Nilinlang ng lobo ang mahigpit na
tagapagbantay ng ilog.

Ipinahid niya ito sa katawan ni Don Juan at agad


nanumbalik ang lakas. Niyakap ni Don Juan ang
lobo. Nagpatuloy na sila sa palasyo upang kunin ang
singsing ni Prinsesa Leonora.

Sa tulong ng lobo ay madaling nakaahon si Don


Juan sa balon. Habang pauwi ng Berbanya ay
nakaramdam ng pagod si Don Juan, kaya
nagpahinga muna siya sa isang mayabong na
punongkahoy.

Talasalitaan:

 Engkantada – uri ng nilalang na may angking


kakayahan na iba sa ordinaryong tao o hayop
 Nilinlang – niloko
 Nanumbalik – bumalik
 Nakaahon – nakaakyat
 Mayabong – malago
Ibong Adarna Buod Kabanata 24: Muling
Pagpapakita ng Ibong Adarna (Saknong 758 –
794)
Nagising si Don Juan dahil sa pag-awit ng ibong adarna.
Sa pag-awit nito, isinasalaysay niya ang dahilan kung bakit
siya tumakas at kung ano ang masamang balak ng dalawa
niyang kapatid.

Sinabihan siya ng ibong adarna na magtungo sa Reyno De


Los Cristales, ang kaharian na matatagpuan sa dakong
silangan.

Ang hari dito na si Haring Salermo ay isang tuso at


matalinong hari at may tatlong magagandang dilag na
supling na sina Prinsesa Isabel, Juana at Maria Blanca.

Dapat niyang pillin si Prinsesa Maria Blanca dahil walang


kaparis ang ganda nito. Habang ang umaasang si Prinsesa
Leonora ay patuloy na tumatangis sa pagkawala ni Don
Juan.

Talasalitaan:

 Isinalaysay – ikinuwento
 Magtungo – magpunta
 Tuso – mapanlinlang, pamanlamang
 Dilag – magandang babae
 Supling – anak
 Kaparis – katulad
 Tumatangis – umiiyak
Ibong Adarna Buod Kabanata 25: Pagtuklas sa
Bagong Mundo (Saknong 795 – 831)

Tatlong taon nang naglalakbay at nawawala si Don


Juan. Natagpuan siya ng isang matanda. Binigyan ito
ng matanda ng durog at bukbukin sa itim na
tinapay.

Inabutan din siya ng pulot-pukyutan at bumbong.


Inutusan ng matanda si Don Juan na pumunta sa
ikapitong bundok at hanapin ang isang ermitanyo.

Iniabot ng matanda ang isang maliit na baro at


sabihin daw na galing ito sa isang matanda.

Talasalitaan:

 Pagtuklas – pag-alam
 Naglalakbay – naglalakad
 Bukbukin – bulok
 Pulot-pukyutan – pulot na ginawa ng mga
pukyutan (bees), honey
 Bumbong – silindrikong sisidlan
 Ermitanyo – taong nnaninirahan ng hiwalay sa
tao
 Baro – damit
Ibong Adarna Buod Kabanata 26: Pagtangis ng
Prinsesa (Saknong 832 – 858)

Walang tigil ang pagtangis ni Prinsesa Leonora


habang si Don Juan naman ay naghahanap ng ibang
kapalaran. Patuloy na nagdurusa ang prinsesa at
hindi pinagbubuksan ang sinumang kumatok sa
tuwing nalalaman niya na hindi iyon si Don Juan.

Nagngingitngit sa galit si Don Pedro dahil si Don


Juan pa rin ang laman ng puso ni Prinsesa Leonora.

Nagdaan pa ang limang buwan na paglalakbay at


natapos na ang pitong ulit na paghihirap ni Don
Juan bago tuluyang nakarating sa dampa ng
ermitanyo na sinasabi ng matanda.

Talasalitaan:

 Pagtangis – pag-iyak
 Nagdurusa – naghihirap
 Nagngingitngit – sobrang galit
 Dampa – mas kilala sa tawag ngayon na bahay
kubo
 Ermitanyo – taong nnaninirahan ng hiwalay sa
tao
Ibong Adarna Buod Kabanata 27: Huling Bundok
(Saknong 859 – 911)
Sa wakas ay nakita na rin ni Don Juan ang ermitanyo sa ikapitong
bundok. Nagalit ang ermitanyo dahil binulabog ito.Iniabot ni Don
Juan ang barong nagmula sa matandang tumulong sa kaniya.
Nabatid ng ermitanyo ang pakay ng prinsipe.

Ngunit sa loob ng limang daang taon ng paninirahan ay hindi pa


rin nito batid ang Reyno delos Cristales.

Pinatunog ng ermitanyo ang kampana at nagdatingan ang mga


hayop sa Armenya subalit wala pa ring nakakaalam kung nasaan
ang reyno.

Ibinigay ng ermitanyo ang baro kay Don Juan at inutusan ang


olikornyo na ihatid ito sa bahay ng kapatid ng ermitanyo. Nakita
ni Don Juan ang isa pang ermitanyo na may mahabang balbas na
sayad sa lupa.

Nagalit ang ermitanyo dahil binulabog ito. Inabot ni Don Juan ang
ipinadalang baro ng pinanggalingan nito.

Nalaman din ng ermitanyo ang balak ng prinsipe. Ngunit sa


walong daang taon ng paninirahan nito ay di rin niya batid kung
nasaan ang hinahanap na kaharian.

Pinatunog din niya ang kampana at nagdatingan ang mga ibon,


ngunit wala din sa mga ito ang minsang nang nakarating sa
nasabing kaharian.

Talasalitaan:

 Ermitanyo – taong nnaninirahan ng hiwalay sa tao


 Binulabog – ginulo
 Baro – damit
 Nabatid – nalaman
 Pakay – plano
 Olikornyo – uri ng ibon
Ibong Adarna Buod Kabanata 28: Higanteng
Agila (Saknong 912 – 933)

May isang higanteng agila ang biglang dumating.


Nagalit ang ermitanyo dahil bilin na bilin na kapag
narinig na ang tunog ng kampana ay dapat
nakabalik na ang lahat ng ibon.

Humingi ito ng tawad at sinabing nanggaling pa siya


sa malayong lugar. Na kahit mabilis na ang kanyang
paglipad ay hindi parin umabot ito.

Sinabi ng ibon na siya ay nagtungo sa Reyno delos


Cristales. Ikinuwento ng agila kung gaano karikit ang
kahariang gustong puntahan ni Don Juan.

Inutusan ng ermitanyo ang ang agila na dalhin doon


si Don Juan. Sinabi ng agila na ang paglalakbay ay
aabutin ng mahigit isang buwan ng paglipad bago
makarating sa banyo ni Maria blanca.

Ipinasama din ng ermitanyo ang laksa-laksang ibon


upang may tagadala ng mga gamit at pagkain ni
Don Juan.

Talasalitaan:

 Bilin – utos
 Nagtungo – nagpunta
 Karikit – kaganda
 Paglalakbay – paglalakad/paglipad
 Laksa-laksa – marami
Ibong Adarna Buod Kabanata 29: Ang Kaharian
ng Reyno De Los Cristales (Saknong 934 – 960)
Nakarating na rin sa wakas si Don Juan sa Reyno de los
Cristales kahit na naubusan na sila ng pagkain sa unang
buwan pa lang ng paglalakbay.

Lumapag ang agila sa banyo ni Maria Blanca. Pinagkubli


ng agila si Don Juan sa halaman upang hindi ito makita.

Naaninag nila ang tatlong magagandang dilag. Ngunit


mas umangat ang mala-diyosang kagandahan ni Maria
Blanca kung kaya’t nabihag agad ang puso ni Don Juan.

Naghubad si Prinsesa Maria Blanca at lumusong na sa


tubig. Sinamantala ni Don Juan ang pagligo ni Maria
Blanca at agad kinuha ang saplot at hinalik-halikan nito.

Nagalit ang prinsesa sa pagkawala ng kanyang saplot at


nagbanta na papatayin niya ang sinuman kumuha nito.

Talasalitaan:

 Paglalakbay – paglipat o pagpunta sa isang lugar


 Lumapag – bumaba
 Pinagkubli – pinagtago
 Naaninag – nakita
 Dilag – dalagang babae
 Nabihag – nahulog
 Lumusong – bumaba
 Saplot – damit
 Nagbanta – nagbabala
Ibong Adarna Buod Kabanata 30: Si Prinsesa
Maria Blanca (Saknong 961 – 1006)

Galit na galit na hinanap ni Maria Blanca ang


lapastangang kumuha ng saplot niya. Agad na
inilantad ni Don Juan ang sarili at agad na humingi
ng tawad.

Dahil sa amo ng prinsipe ay humupa ang galit ng


prinsesa. Agad na nagkaibigan ang dalawa.

Ipinakilala ni Don Juan ang sarili habang si Maria


Blanca naman ay agad na binalaan ang prinsipe na
tuso at matalino ang ama niyang si Haring Salermo.

Dagdag pa niya, ang sinumang nabigo sa pagsubok


ng kanyang ama sa mga nanliligaw ay nagiging bato.
Agad na inihanda ni Don Juan ang sarili.

Talasalitaan:

 Lapastangan – walang-hiya
 Saplot – damit
 Inilantad – ipinakita
 Humupa – kumalma, tumigil
 Tuso – mapanlinlang, pamanlamang
Ibong Adarna Buod Kabanata 31: Unang
Pagsubok ng Hari (Saknong 1007 – 1059)
Kinaumagahan ay nakita ni Haring Salermo si Don Juan.
Batid na din ng hari ang pakay nito.

Pinatuloy ng hari si Don Juan ngunit magalang na


tumanggi ito at naghintay ng ipag-uutos.

Inutos ng hari kay Don Juan na itanim ang isang salop ng


trigo na kakaani palang at dapat ito ay mamunga
kinabukasan upang may maihain sa almusal.

Tuwang-tuwa ang hari dahil mayroon na naman siyang


mabibiktima. Malungkot na tumungo si Don Juan sa
prinsesa at sinabing hindi niya magagawa ang pagsubok.

Inutos ni Maria Blanca na magpahinga at matulog


nalamang si Don Juan dahil siya ang gagawa ng pagsubok.

Gumamit si Maria Blanca ng mahika kung kaya’t agad na


tumubo ang trigo at namunga. Ipinaluto niya ito sa mga
intsik at kinaumagaha’y ipinahain sa hari.

Talasalitaan:

 Batid – alam
 Pakay – balak, plano
 Salop – takal
 Trigo – uri ng bigas na ginagamit sa pag gawa ng
harina
 Ipinahain – ipinahanda
Ibong Adarna Buod Kabanata 32: Pangalawang
Pagsubok ng Hari (Saknong 1060 – 1096)
Pinuntahan ni Haring Salermo si Don Juan sa hardin, inilabas ng
tusong hari ang isang prasko na may labindalawang negrito sa
loob.

Ikinalat ito ng hari sa karagatan at nais niyang ipahuli kay Don


Juan bilang isang pagsubok. Kailangan ay makita ng hari
kinaumagahan ang prasko na kumpleto ang nasa loob upang
makaligtas sa kamatayan.

Malungkot na namang lumapit si Don Juan kay Maria Blanca dahil


sa pangambang hindi niya mahanap lahat ang labindalawang
negrito dahil sa lawak ng karagatan.

Inutos muli ni Maria Blanca kay Don Juan na siya’y pumayapa


dahil siya na ang bahala. Pinagdala niya ng ilaw si Don Juan at
nagtungo sila parehas sa dagat pagsapit ng ikaapat ng madaling
araw.

Iniutos niya sa mga negrito na bumalik sa prasko kung hindi ay


matitikman nila ang galit ni Maria Blanca. Nagmadaling umahon
ang mga negrito at agad na bumalik sa loob ng prasko.

Kinaumagahan ay dinatnan ng hari sa lamesa ang praskong may


labindalawang negrito. Naiinis ang hari dahil hindi niya mapatay-
patay si Don Juan.

Talasalitaan:

 Prasko – bote
 Pangamba – takot, kaba
 Pumayapa – mapanatag, itahimik ang loob
 Nagtungo – nagpunta
 Pagsapit – pagdating
Ibong Adarna Buod Kabanata 33: Paglipat sa
Bundok (Saknong 1097 – 1122)

Muling nagkita sina Haring Salermo at Don Juan sa


hardin. Para sa susunod na pagsubok, nais ng hari na
mailipat ang bundok sa mismong tapat ng
durungawan ng kanyang palasyo dahil gusto niyang
makalanghap ng sariwang hangin.

Dapat ay magawa niya ito bago sumapit ang


kinaumagahan. Muling lumapit si Don Juan kay
Maria Blanca na malungkot.

Pinawi ng prinsesa nag kalungkutan at sinabing siya


na ang bahalang gumawa ng pagsubok. Nagtungo
ang prinsesa sa bundok.

Gamit ang napakalakas na hangin, pinalakad nito


ang bundok malapit sa palasyo. Papasikat na ang
araw ng buksan ni Haring Salermo ang durungawan
nito.Hindi akalain ni Haring Salermo na magagawa
niyang muli ang pagsubok.

Talasalitaan:

 Durungawan – bintana
 Makalangahap – makaamoy, makalasap
 Sumapit – dumating
 Pinawi – tinanggal
 Nagtungo – nagpunta
Ibong Adarna Buod Kabanata 34: Paglipat ng
Bundok sa Gitna ng Karagatan (Saknong 1123 –
1179)

Iniutos ni Haring Salermo na itabon ang bundok sa


gitna ng karagatan at tayuan ito ng kastilyo.
Ipinagkaloob kay Don Juan ang mga kasangkapang
gagamitin sa pagbuo ng kastilyo gaya ng palataw at
bareta, piko, kalaykay, maso, at kutsara.

Muling nagkita sina Maria Blanca at Don Juan. Inutos


ni Maria Blanca na magpahinga na lang muli ito
dahil siya na ang bahala sa pinag-uutos ng ama.

Pinaandar niya ang bundok patungo sa gitna ng


dagat at ito ay naging isang muog. Muling inutos ng
hari na alisin ang kastilyo at ibalik ang lahat sa dati.

Ang lahat ng ito ay muling nagawa dahil sa mahika


ni Maria Blanca.

Talasalitaan:

 Itabon – itakip, ibaon


 Kastilyo – matibay na gusaling tirahan ng mga
maharlika
 Ipinagkaloob – ibinigay
 Kasangkapan – kagamitan
 Patungo – papunta
 Muog – masisilungan o bahay
Ibong Adarna Buod Kabanata 35: Paghahanap sa
Nawawalang Singsing ng Hari (Saknong 1180 –
1239)
Ipinag-utos ni Haring Salermo kay Don Juan na hanapin umano
ang nahulog na singsing sa ilalim ng dagat.

Pumalaot si Don Juan at Maria Blanca sa gitna ng karagatan.


Inutos ni Maria Blanca na tadtarin siya ng pinung-pino at ihulog
sa tubig upang maging isang isda.

Kailangan ingatan ni Don Juan na walang tumalsik na piraso ng


kanyang katawan dahil hindi na ito maibabalik kapag nabuo na
ang prinsesa.

Habang sumisisid ang prinsesa ay nakatulog si Don Juan. Kaya


walang kumukuha ng singsing pag nalitaw ang prinsesa.

Sinubukan ulit nilang gawin ito dahil sa sunud-sunod na


kapabayaan ni Juan. Tinadtad niyang muli si Maria Blanca ngunit
dahil sa pagmamadali ay tumalsik ang dulo ng daliri nito.

Nakuha na ang singsing ngunit nagkulang ang dulo ng hintuturo


nito. Bilin ng prinsesa na tandaan iyon bilang palatandaan ng
kanyang pagkakakilanlan.

Kinaumagahan ay namangha ang hari dahil nakita niya ang


singsing sa ilalim ng unan.

Talasalitaan:

 Pumalaot – lumusong
 Tadtarin – hiwain
 Tumalsik – tumapon, lumipad o napaalis mula sa isang lugar
o pwesto
 Pagkakakilanlan – katangian ng isang tao para maging iba
sa iba, palatandaan
 Namangha – nagulat
Ibong Adarna Buod Kabanata 36: Pagpapaamo sa
Kabayo (Saknong 1240 – 1285)

Muling tinawag ng hari si Don Juan upang bigyan ng


panibagaong pagsubok. Hinamon niyang paamuhin
ang isang kabayong mailap at malupit.

Batid ni Maria Blanca na ang kabayong iyon ay ang


kanyang ama. Tinuruan ni Maria Blanca si Don Juan
ng mga paraan ng pagpapaamo ng kabayo.

Nagawa ni Don Juan ang lahat ng sinabi Maria


Blanca at nagtagumpay itong paamuhin ang kabayo.

Nakaratay ang hari kaya si Don Juan nalang ang


papapasukin sa palasyo.

Maaari nang makapasok sa loob ng palasyo si Don


Juan dahil sa wakas ay natapos na ang panganib na
nagbabadya dito.

Talasalitaan:

 Mailap – hindi sanay sa tao


 Batid – alam
 Nakaratay – may sakit, nakahiga
 Panganib – piligro
 Nagbabadya – nagbabanta
Ibong Adarna Buod Kabanata 37: Ang Pagpili sa
Kamay (Saknong 1286 – 1333)
Muling pinapasok ng Hari si Don Juan at ibinalita na
panahon na raw upang papiliin kung sino sa mga anak
niya ang nais nitong pakasalan.

Mayroong tatlong silid na kung saan nandoon ang tatlong


prinsesa at ang mga hintuturo lamang nito ang nakalabas.

Nilagpasan ni Don Juan ang una’t pangalawang silid. Pinili


niya ang ikatlong silid dahil sa palatandaan niya ang
naputol na hintuturo ni Maria Blanca.

Nagulat ang hari ng napili ni Don Juan ang bunso nitong


anak. Walang itong nagawa kundi pasamahin ang
bunsong anak sa prinsipe subalit ito ay may ibang
binabalak.May kautusang nagsasad na ipapadala sa
Inglatera si Don Juan upang mapangasawa ang bunsong
kapatid ng hari.

Nagbanta si Haring Salermo na papatayin niya si Don Juan


kung lalabagin ang kautusang ito. Nalaman ni Maria
Blanca ang lihim na plano ng ama kung kaya’t nagpasiya
silang tumakas ni Don Juan.

Talasalitaan:

 Silid – bahagi ng isang bahay o gusali


 Palatandaan – marka
 Binabalak – pinaplano
 Nagsasaad – nagsasabing
 Lalabagin – susuwayin, hindi susundin
 Lihim – sikreto
 Nagpasiya – nagdesisyon
Ibong Adarna Buod Kabanata 38: Ang Pagtakas
ng Magkasintahan (Saknong 1334 – 1382)
Inutusan ni Maria Blanca si Don Juan na kuhanin ang
kabayong sasakyan sa pagtakas sa ikapitong pinto, ngunit
nagkamali ito at nakuha ang kabayo sa ikawalong pinto.

Wala ng panahon upang magtalo ang dalawa dahil


kinakailangan na nilang tumakas. Ginamit ni Maria Blanca
ang kaniyang mahika ng mapansin na hinahabol siya ng
hari.

Naghulog siya ng ng mga karayom na agad naging bakal


na tinik. Hindi makalabas si Haring Salermo dahil sa tinik
na nakaharang. Dalawang araw niyang hinawan ang mga
ito upang ipagpatuloy ang paghabol sa
dalawa.

Muling ginamit ni Maria Blanca ang kanyang mahika.


Inilaglag ng prinsesa ang kanyang sabon at naging
bundok ang magandang daan.

Nagkasakit ang hari dahil sa matinding sama ng loob at


tuluyan ng namatay. Sa pagkahaba-haba ng nilakbay ay
nakarating din ang dalawa sa kaharian ng Berbanya.

Talasalitaan:

 Pagtakas – pag-alis ng walang paalam


 Hinawan – hinawi
 Kohe – boteng lalagyan ng tubig
 Magtataksil – magtatraydor
 Nilakbay – nilakad
Ibong Adarna Buod Kabanata 39: Pangako kay
Maria Blanca (Saknong 1383 – 1425)

Iniwan muna ni Don Juan si Maria Blanca sa isang


nayon dahil nais ni Don Juan na mag-isang pumasok
sa Berbanya upang makapaghanda ng engrandeng
pagsalubong para sa prinsesa.

Tinutulan ito ng prinsesa dahil batid niya ang sumpa


ng Hari na makakalimutan daw nito ang prinsesa.
Ngunit hindi niya napapayag ang prinsipe kaya
ibinilin lang nito na huwag titingin sa sinumang
babae.

Dumating ang prinsipe sa Berbanya at labis iyong


ikinatuwa ng hari ngunit siya namang ikinagalit ni
Don Pedro.

Nagalit ang hari sa nalamang kataksilang ginawa ni


Don Pedro kaya hinayaan na lamang ng Hari si
Prinsesa Leonora kung sino ang pipiliin niya sa
dalawa.

Talasalitaan:

 Engrande – magarbo
 Tinutulan – pinigilan
 Batid – alam
 Kataksilan – katrayduran
Ibong Adarna Buod Kabanata 40: Pagtataksil ni
Don Juan (Saknong 1426 – 1449)

Nakatakda nang ikasal si Don Juan at Prinsesa


Leonora. Nais naman ng hari na itakwil na si Don
Pedro ngunit hiniling ng Prinsesa na pagkatapos ng
kasal na lamang ito itakwil.

Si Maria Blanca naman ay labis na nanibugho sa


pagtataksil na ginawa ni Don Juan. Kaya umisip ito
ng paraan kung papaano bawiin si Don Juan.

Naisip ni Maria Blanca na magpanggap biglang


isang emperatris sa kasal at sumakay sa gintong
karosa na tangan ng labindalawang kabayo.

Talasalitaan:

 Pagtataksil – pagtatraydor
 Nakatakda – dapat na mangyari, walang
makakapigil
 Itakwil – paalisin
 Nanibugho – nagalit
 Emperatris – babaeng emperador o
namamahala sa isang imperyo
 Karosa – karwahe
 Tangan – dala-dala
Ibong Adarna Buod Kabanata 41: Ang Pagbawi
kay Don Juan (Saknong 1450 – 1472)

Binigyan ng parangal ang paparating na emperatris


sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng musiko at
sandaling pinahinto ang kasal.

Labis na nanibugho si Maria Blanca dahil nakatuon


lang ang pansin ni Don Juan kay Prinsesa Leonora.

Hiniling ni Maria Blanca sa kanyang singsing na


bigyan siya ng isang prasko na may tubig. Lumitaw
ang prasko na may nakasilid na dalawang maliliit na
ita.

Talasalitaan:

 Parangal – pagkilala, gantimpala


 Emperatris – babaeng emperador o
namamahala sa isang imperyo
 Nanibugho – nagalit
 Nakatuon – nakalaan
 Prasko – bote
 Nakasilid – nakalagay
Ibong Adarna Buod Kabanata 42: Ang Palabas
(Saknong 1473 – 1541)

Ang dalawang ita ay mag-asawa. Sa pamamagitan


ng dula-dulaan ay isinalaysay ng negrito at negrita
ang mga hamon na pinagdaanan ni Don Juan
habang ginagawa ang mga pagsubok ni Haring
Salermo.

Hinahampas ng negrita ang pamalong hawak sa


negrito sa tuwing hindi maalala ang mga pangyayari
kina Maria Blanca at Don Juan.

Isinalaysay ng palabas ang lahat ng pagsubok na


kinaharap nilang dalawa. Simula sa pagtatanim at
pagpapamunga ng trigo hanggang sa pagpili ni Don
Juan sa tatlong hintuturo ng mga prinsesa.

Pinapalo ng negrita ang asawang negrito sa tuwing


hindi maalala ang salaysay ngunit si Don Juan ang
nasasaktan.

Talasalitaan:

 Dula-dulaan – pagsasalaysay ng isang kwento


gamit ang kilos at salita
 Isinalaysay – ikinuwento
 Hamon – pagsubok
 Trigo – uri ng bigas na ginagawsng harina
 Hinahampas – pinapalo
Ibong Adarna Buod Kabanata 43: Ang Parusa
(Saknong 1542 – 1579)

Sa kabila ng pagpapaalala ni Maria Blanca kay Don


Juan ay napansin nitong hindi na niya talaga
magunita ang lahat ng nagawang ala-ala.

Ngunit hindi nanghinawa ang prinsesa. Pinaalala


niyang muli ang ginawa nilang pagtakas kay Haring
Salermo simula sa paghulog ng karayom na naging
tinik hanggang sa pagtataksil ng prinsipe sa kanya.

Subalit kahit ang mga ito ay limot na ni Don Juan.


Wala na talaga ang pag-asa na maalala ni Don Juan
si Maria Blanca kaya ipinatigil na niya ang palabas.

Naglahong parang bula ang dalawang ita. Hinagkan


ni Maria Blanca ang prasko at bumulong. Babasagin
na niya ang prasko upang gunawin ang buong
kaharian.

Talasalitaan:

 Magunita – maalaala
 Nanghinawa – napagod, sumuko
 Pagtakas – pag-alis ng walang paalam
 Pagtataksil – pagtatraydor
 Naglaho – nawala
 Hinagkan – hinalikan
 Prasko – bote
 Gunawin – sirain
Ibong Adarna Buod Kabanata 44: Pag-alalang
Muli (Saknong 1580 – 1680)
Sa isang iglap din ay nanumbalik ang mga ala-ala ni Don
Juan at humingi ng tawad kay Maria Blanca. Nangako ito
na hindi na muling mauulit ang paglimot dito.

Nalaman din ng hari ang buong katotohanan mula sa


pagtira ng tatlong prinsipe sa Armenya hanggang sa
pagsubok na ginawa ni Haring Salermo kay Don Juan.

Naguguluhan ang Hari kung sino ang dapat piliin ni Don


Juan kaya isinangguni niya ito sa isang arsobispo. Ayon sa
kanya ang piliin daw ni Don Juan ang mas nauna niyang
inibig na si Prinsesa Leonora kung
kaya’t labis ang pagkagalit ni Maria Blanca.

Binasag ni Maria Blanca ang prasko at bumaha sa buong


kaharian. Nakiusap si Don Juan na ihinto na ang pagbaha
at ipinangako kay Maria Blanca na siya nalang ang iibigin
nito.

Humingi ng tawad si Don Juan kay Prinsesa Leonora at


ipinakiusap na tanggapin ang pag-ibig na laan ni Don
Pedro. Noon din ang hiniling ni Don Juan na ikasal na sila
ni Maria Blanca.

Talasalitaan:

 Iglap – pikit-mata, saglit


 Nanumbalik – bumalik
 Isinangguni – inilapit
 Arsobispo – pari
 Prasko – bote
 Laan – bigay
Ibong Adarna Buod Kabanata 45: Ang Kasalan
(Saknong 1681 – 1692)

Naging makatuwiran si Haring Fernando sa pagpili


ng katotohanan at kung ano ang nararapat.
Nagpasya ito na ipakasal si Don Juan kay Maria
Blanca habang si Prinsesa Leonora naman ay para
kay Don Pedro.

Hangad sana ni Don Fernando na ipasa ang korona


kay Don Juan upang maging susunod na hari.
Ngunit iminungkahi ni Maria Blanca na kay Don
Pedro nalang ibigay ang korona dahil paghaharian
na ni Don Juan
ang Reyno delos Cristales.

Isinalin ng Arsobispo ang korona kay Don Pedro


bilng hari at Prinsesa Leonora bilang reyna ng
Berbanya. Pagkatapos ng kasal ay muling bumalik
sina Don Juan at Maria Blanca sa Reyno delos
Cristales.

Talasalitaan:

 Makatuwiran – tuwid, tama


 Hangad – gusto, nais
 Iminungkahi – pagbibigay ng palagay tungkol
sa isang bagay
 Isinalin – inilipat
 Arsobispo – mataas ng ranggo ng mga kaparian
Ibong Adarna Buod Kabanata 46: Masayang
Pagwawakas (Saknong 1693 – 1717)

Laking pagtataka ni Don Juan dahil ang malayong


Reyno delos Cristales ay narating nila sa loob ng
isang oras.

Namayapa si Haring Salermo at ang mga kapatid ni


Maria Blanca. Naabutan na payapa ang Reyno sa
kanilang pagbabalik.

Malugod na tinanggap ng kaharian si Maria Blanca


bilang bagong reyna. Nagkaraon ng piging kasama
ang panalangin para sa namayapang ama at mga
kapatid ni Maria Blanca.

Nagdiwang ang Reyno delos Cristales dahil sa


bagong hari at reyna nila. Walang patid na musika at
pista sa loob ng siyam na araw.

Walang sinuman ang naghirap sa kaharian dahil sa


matapat na pamamalakad ng hari’t reyna. Lalo pang
mas naging maunlad ang Reyno delso Cristales.

Talasalitaan:

 Namayapa – namatay
 Malugod – masaya
 Piging – pista
 Patid – tigil
 Pamamalakad – pagpapatakbo
 Maunlad – sagana

You might also like