You are on page 1of 6

THE PHILIPPINE INFORMAL READING INVENTORY

GROUP SCREENING TEST


Panuto: Basahin ang bawat seleksiyon. Pagkatapos basahin ang sumusunod na
tanong at isulat ang letra ng inyong napiling sagot sa sagutang papel.

SET A
KASAYSAYAN NG TACLOBAN
Ang Tacloban ay kabisera ng lalawigan ng Leyte. Ang Leyte ay
matatagpuan sa Rehiyon 8 ng Pilipinas na bahagi ng Silangang
Visayas.

Ang Tacloban ay unang nakilala bilang Kankabatok, na ang ibig


sabihin ay “pag-aari ng mga Kabatok." Kabatok ang tawag sa mga
unang naninirahan dito. Mayaman sa yamang tubig ang lugar na ito.
May ginagamit silang isang uri ng basket na panghuli sa mga isda at
alimango. Ang tawag nila dito ay “Taklub." Kapag may mga darayo sa
lugar, ang sinasabi nila ay pupunta sila sa “tarakluban." Pagtagal ay
tinawag din itong Tacloban.

Ang Tacloban ay nakilala dahil sa ginampanang papel nito


noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dito naganap ang tanyag na
pagbabalik ni General Macarthur. Naganap ito sa baybayin ng “White
Beach” ng Tacloban. Dito rin nagtayo ng base militar ang pwersa ng
mga Amerikano at ang bayang ito ay ang unang napalaya mula sa
mga puwersa ng mga Hapon. Naging pansamantala itong kapital ng
Pilipinas habang ang Maynila ay nasa kapangyarihan pa ng mga
Hapon.

Sa syudad na ito nanggaling ang dating Unang Ginang ng


Pilipinas na si Imelda Romualdez Marcos. Ang Pamilya Romualdez ay
isa sa mga kilalang pamilyang politiko sa lugar. Ang pangalan ng
paliparan sa Tacloban ay Romualdez airport.

Kakaunti lang ang nakakaalam kung kailan naging


munisipalidad ang Tacloban dahil ang mga dokumentong
nakapagpapatunay rito ay nasira ng bagyo. Pero marami ang
naniniwala na ang Tacloban ay opisyal na na-iproklamang
munisipalidad noong 1770.
Mga Tanong:
1. Saan matatagpuan ang Tacloban?
a. sa Kanlurang Visayas
b. sa Silangang Visayas
c. sa Hilagang Visayas
d. sa Timog Visayas

2. Sino ang kilalang tao na dumako sa Tacloban noong Ikalawang Digmaang


pandaigdig?
a. Imelda Marcos
b. Emilio Aguinaldo
c. Imelda Romualdez
d. Douglas MacArthur

3. Sino ang pangulo ng Pilipinas na nakapangasawa ng isang taga-Tacloban?


a. Pangulong Gloria Arroyo
b. Pangulong Fidel Ramos
c. Pangulong Ferdinand Marcos
d. Pangulong Diosdado Macapagal

4. Bakit naging kabisera ng Pilipinas ang Tacloban?


a. Marami ang may ayaw sa Maynila.
b. Maraming tanyag na tao sa Tacloban.
c. Ang Maynila ay sinasakop pa ng mga Hapon.
d. Maraming makapangyarihang politiko sa Tacloban.

5. Bakit kaya unang napalaya mula sa puwersa ng Hapon ang Tacloban?


a. Takot ang mga Hapon sa mga taga-Tacloban.
b. Kilala kasi ang mga taga-Tacloban na matatapang.
c. Walang maraming sundalong Hapon sa Tacloban.
d. Mayroong base militar ng mga Amerikano ang Tacloban.

6. Ano ang ikinabubuhay ng mga taong taga-Tacloban?


a. pangingisda
b. pagtatanim
c. pagtitinda
d. pagtutuba

7. Bakit kaya pinangalanang Romualdez airport ang paliparan sa Tacloban?


a. Malaki ang naitulong ng Romualdez sa lugar.
b. Malaki ang pamilya ng Romualdez sa Tacloban.
c. Maraming Romualdez ang nasa lokal na gobyerno.
d. Marami sa Romualdez ang madalas sumakay sa eroplano.

8. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon?


a. Nais nitong hikayatin ang mambabasa na bumisita sa Tacloban.
b. Gusto nitong ipaalam ang pinagmulan at naganap sa Tacloban.
c. Hangad nitong maghatid ng aliw sa mambabasa.
d. Hatid nito ang isang mabuting halimbawa.
SET B
PAGSALUNGAT NI MACARIO SAKAY
Maraming mga bayani ang namatay sa panahon ng pananakop
ng mga Amerikano. Isa rito si Macario Sakay. Isa siya sa orihinal na
kasapi ng Katipunan na binuo noong panahon ng pananakop ng
mga Espanyol.

Si Macario Sakay ay salungat sa pakikipagkaibigan sa


pamahalaang Amerikano. Nagtatag siya ng pamahalaan sa
Katagalugan. Siya at ang kanyang mga kasama ay sumulat ng
Saligang Batas na nagtakda ng pamamaraan katulad ng sa unang
Republika ng Pilipinas na itinatag ni Aguinaldo sa Malolos.
Ipinahayag niya ang pakikipaglaban sa mga Amerikano upang
makamit ang kalayaan. Sa loob ng apat na taon ay naging
matagumpay ang kanyang kilusan at naging problema siya ng mga
Amerikano.

Ginamit ng mga Amerikano, sa pamumuno ni Gobernador-


Heneral Henry C. Ide, ang isang kilalang lider ng mga manggagawa
upang himuking sumuko si Macario Sakay. Siya si Dominador
Gomez, na isang Pilipino. Nahimok ni Gomez si Sakay dahil sa
pangakong hindi sila parurusahan at sinabing sa kanyang pagsuko
ay manunumbalik ang katahimikan ng bansa at magiging simula
ito ng pagtatag ng Asembleya ng Pilipinas. Naniwala si Sakay sa
mga sinabi ni Gomez. Naniwala siya na ang kanyang pagsuko ay
makapagpapadali sa pagtatag ng asembleya na binubuo ng mga
Pilipino. Nabigla si Sakay nang ang kanyang pangkat ay arestuhin
ng mga Amerikano at konstabularyang Pilipino sa isang kasiyahan.
Pinaratangan ng maraming kasalanan si Sakay ngunit di siya
natinag. Ang tanging hangad niya ay makamit ng bansa ang
kalayaan. Hinatulan siya ng kamatayan at binitay noong Setyembre
13, 1907.
Mga Tanong:
1. Sino ang ayaw makipagkaibigan sa pamahalaang Amerikano?
a. Dominador Gomez
b. Emilio Aguinaldo
c. Henry Ide
d. Macario Sakay

2. Ano ang isinulat ni Macario Sakay at ng kanyang mga kasama?


a. artikulo sa pahayagan
b. asembleya
c. nobela
d. Saligang batas

3. Bakit ayaw makipagkaibigan ni Macario Sakay sa sa pamahalaan ng Amerika?


a. dahil Pilipino siya
b. gusto niyang makipag-away
c. gusto niyang makamit ang kalayaan
d. ayaw niyang pumunta sa Amerika

4. Sa linyang “sa kanyang pagsuko ay manunumbalik ang katahimikan,”


ang ibig sabihin ng salitang manunumbalik ay
a. magkakaroon muli
b. maririnig ng lahat
c. makukuha agad
d. dapat maiipon

5. Paano mo ilalarawan ang plano na gamitin si Dominador Gomez para pasukuin si


Macario Sakay?
a. mautak at tuso
b. hindi pinag-isipan
c. mapagmalaki at mayabang
d. mabait at may pakundangan

6. Anong katangian ang ipinakita ni Macario Sakay?


a. makabayan
b. matalino
c. masinop
d. masipag

7. Bakit kaya hangad ni Macario Sakay ang kalayaan ng Pilipinas?


a. galit siya sa mga Amerikano
b. gusto niyang mamuno sa bansa
c. mahal niya ang bansang Pilipinas
d. maraming makukuhang yaman sa bansa

8. Ang layunin ng talatang ito ay para ipaliwanag


a. ang dahilan ng pagkamatay ni Macario Sakay.
b. ang layunin ng pagsapi ni Macario Sakay sa Katipunan.
c. ang hangarin ni Macario Sakay sa pagpunta sa Malolos.
d. ang tungkulin ni Macario Sakay sa mga pinunong Amerikano.
SET C
TALAMBUHAY NI BENIGNO AQUINO
Si Benigno Aquino, Jr., o kilalang si Ninoy Aquino, ay
ipinanganak noong Nobyembre 27, 1932 sa Concepcion, Tarlac.
Kumuha siya ng Law sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit tumigil siya
at sa halip ay kumuha siya ng Journalism. Pinakasalan niya si
Corazon Aquino at nagkaroon sila ng limang anak.

Siya ay naging alkalde ng Concepcion, Tarlac, at pinakabatang


bise-gobernador ng Tarlac. Sa edad na 34, nahalal siya bilang
senador.

Siya ay naging mahigpit na kritiko ni Pangulong Marcos at ng


asawa nitong si Imelda Marcos. Kilala siyang kalaban ni Pangulong
Marcos tuwing halalan. Nang ideklara ang Martial Law, si Benigno
Aquino ang isa sa mga unang dinampot ng militar upang ikulong.

Noong 1980, siya ay inatake sa puso at kinailangang operahan.


Pinayagan siya ni Imelda Marcos na lumabas ng bansa para
magpagamot sa kundisyong siya ay babalik at hindi magsasalita
laban sa pamahalaan ni Marcos. Si Aquino ay namalagi sa Estados
Unidos ng tatlong taon.

Dahil sa balitang lumalalang sakit ni Pangulong Marcos,


ipinasya ni Aquino na umuwi upang bigyan ng pag-asa ang mga
taong naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan.

Noong Agosto 21, 1983, bumalik siya sa Maynila subalit sa


paliparan pa lang ay binaril siya sa ulo. Ang libing ni Ninoy Aquino
ay nagsimula ng ika-9 ng umaga hanggang ika-9 ng gabi. Mahigit
dalawang milyong tao ang nag- abang sa pagdaan ng karosa ng
kabaong ni Ninoy papunta sa Manila Memorial Park.

Bilang ng mga salita: 232


Sanggunian: http://tagalog-translator.blogspot.com/2008/08/talambuhay-ni-benigno-aquino-jr.html
Mga Tanong:
1. Saan ipinanganak si Ninoy Aquino?
a. Tarlac, Tarlac
b. Capas, Tarlac
c. Camiling, Tarlac
d. Concepcion, Tarlac

2. Alin sa sumusunod ang naging posisyon sa pamahalaan ni Ninoy Aquino?


a. presidente, bise-presidente, senador
b. konsehal, kongresista, gobernador
c. alkalde, bise-gobernador, senador
d. bise-alkalde, konsehal, pangulo

3. Sinabi sa talata na si Ninoy Aquino ang mahigpit na kritiko ni Pangulong


Marcos. Ano ang ginagawa ng isang kritiko?
a. nakikipag-away
b. nag-iisip ng paghiganti
c. nagsasabi ng mga puna
d. nagpapaplano ng ganti

4. Kung pangulo ng Pilipinas ang maaaring magpahayag ng martial law,


sino kaya ang nagdeklara nito noong panahong iyon?
a. Cory Aquino
b. Fidel Ramos
c. Imelda Marcos
d. Ferdinand Marcos

5. Bakit kaya ipinadampot si Ninoy Aquino noong martial law?


a. May inaway na alkalde si Ninoy Aquino.
b. May galit si Marcos sa pamilya ni Aquino.
c. Nahuli si Aquino na nagnanakaw sa pamahalaan.
d. Bawal kalabanin ang pangulo noong martial law.

6. Ano ang katangiang ipinakita ni Ninoy Aquino?


a. maalalahanin
b. magalang
c. makabayan
d. mapagtiis

7. Bakit kaya marami ang nakiramay sa kamatayan ni Ninoy Aquino?


a. Isa siyang batang senador.
b. Naawa sila sa pamilya ni Aquino.
c. Pagmamahal sa bayan ang ipinakita niya.
d. Gusto ng mga taong makakita ng mga pulitiko.

8. Ano ang damdamin na iniwan ni Ninoy Aquino sa mga Pilipino?


a. kasabikan
b. pag-asa
c. pagkatalo
d. pagkatakot

You might also like