You are on page 1of 6

Department of Education

Caraga Region
DIVISION OF BUTUAN CITY
DIVISION ACHIEVEMENT TEST
Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 7

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. Sa sagutang papel, markahan
ang bilog na may titik na tumutugma sa iyong sagot. Huwag susulatan ng kahit ano ang talatanungan ng
pagsusulit.

1. Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, may kaukulang
ebidensya at may pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang sagot o desisyon.
A. malikhaing pag-iisip C. pagkabukas ng isipan
B. mapanuring pag-iisip D. pagsusuring personal

2. Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan kung sino ka, ano ang iyong mga
pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-daan upang maiayon mo ang
iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari.
A. malikhaing pag-iisip C. pagkabukas ng isipan
B. mapanuring pagsusuri D. pagsusuring personal

3. Alam ni Anna na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil sa mas marami ng
gastusin simula Junior High School. Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya hindi siya
nagalit o nagtanim ng sama ng loob. Ano ang katangiang ipinapamamalas ni Rose?
A. Pagkabukas ng isipan C. Pagmamahal sa katotohanan
B. Pagkamahinahon D. Pagkamatiyaga
4. Isa ka sa mga pinuno ng inyong klase na tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng inyong silid-aralan.
Iminungkahi ng inyong pangulo na ikaw ang magmomonitor sa pagganap ng tungkulin ng bawat pangkat.
Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko tatanggapin ang mungkahi at sa halip ay magagalit ako.
Sasabihin ko sa pangulo na siya na lang ang magmomonitor.
B. Sasabihin ko sa pangulo na siya na lang ang magmomonitor.
C. Tatanggapin ko nang maluwag sa kalooban at gampanan ang tungkuling ipinagkaloob sa akin
bilang isa sa mga pinuno ng klase.
D. Tatanggapin ko subalit pababayaan ko lang sila kung ayaw nilang maglinis.

5. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit na
ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ka sasamang maligo sa ilog at pagsabihan sila na hindi tama ang kanilang gagawin.
B. Sasama ka ngunit hindi maliligo at babantayan mo lamang sila.
C. Sasama kang maligo sa ilog upang masaya ang barkada.
D. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.

6. Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang gagawin mo?
A. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya lumiliban sa
klase at ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi magandang kahihinatnan ng
kaniyang madalas na pagliban sa klase.
B. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
C. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
D. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay.

7. Sa pagpasiya bakit kailangan nating pakinggan at tanggapin ang mga mungkahi ng ating mga kasamahan
sa pangkat?
A. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng pangkat.
B. Upang makapili ng pinakamabisang solusyon.
C. Upang matuwa ang lahat.
D. Upang walang magagalit.

8. Bagong dating ang tatay nina Jasmin, Allan at Rose mula sa Saudi. Sabik na sabik sila sa mga yakap,
halik, pasalubong at paglalaro nilang mag-aama tuwing ito ay umuuwi. Dahil sa pandemya, kinakailangan
pa niyang dumaan at manatili ng dalawang linggo sa quarantine place ng kanilang barangay. Kung ikaw ang
nasa kinalalagyan ni Allan, ano ang iyong gagawin?
A. Kakausapin niya ang mga kapatid na matutong maghintay na matapos ang araw ng quarantine
time ng tatay nila.
B. Ikukulong niya ang mga kapatid sa bahay upang masiguro niyang hindi nila pupuntahan ang tatay
nila sa quarantine area.
C. Magtatago silang tatlo at pa sekretong pupuntahan ang tatay nila sa quarantine area.
D. Pagagalitan niya ang mga kapatid kung babangit tungkol sa tatay nila.
9. Binalita sa radyo ang naganap na nakawan sa inyong barangay. Kinabukasan may lalaking kumatok sa
inyong pinto at sinasabi niyang kaibigan siya ng inyong ina. Hindi mo siya kilala, ano ang dapat gawin mo?
A. Hindi papasukin ang tao at tatawagan ang iyong ina upang itanong kung totoong kaibigan
siya.
B. Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.
C. Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.
D. Papasukin ang tao sa bahay at pahihintayin sa iyong ina.

10. Ano ang gagawin mo kung hindi ka sigurado sa pasya ng nakararami dahil mayroon kang pakiramdam
na magdudulot ito ng hindi maganda at maaaring pagsisisihan ang pagsang-ayon sa kanilang pasya?
A. Ibibigay na ang pasiya agad-agad upang malaman kung magdudulot ba ng maganda o hindi
maganda para sa lahat ang pasiya ng nakararami.
B. Ipagpaliban muna ng isang taon ang gagawing pagpapasya. Suriin at pag-aralan muna nang
mabuti kung ito ba ay magdudulot ng kabutihan para sa lahat ng sa gayon ay hindi mo ito
pagsisisihan.
C. Hindi na pag-aaksayahan ng panahon ang magiging resulta ng pagpapasiya. Ang mahalaga ay
naibigay na ang pasiya para sa lahat.
D. Suriin at pag-aralan muna nang mabuti ang gagawing pagpasiya kung ito ba ay magdudulot
ng maganda at siyang makakabuti para sa lahat upang walang masisisi.

11. Ito ay isang kasunduan na may katumbas na obligasyon o responsibilidad na dapat tuparin ng sinumang
nagsabi nito.
A. pagbiro B. pabor C. pangako D. pasaring

12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable?


A. Si Cathy na ipinapakopya ang sagot niya sa module sa kaniyang mga kaklase upang sila ay hindi
na mahirapang pumasa.
B. Si Diane na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang perang ibinibigay ng kaniyang mga
magulang.
C. Si Jason na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa kaniyang mga magulang at kapatid.
D. Si Rommel na isinasauli ang mga gamit na kaniyang hiniram sa takdang oras.

13. Nakapulot ka ng pitaka sa damuhan habang naglalakad pauwi. Naglalaman ito ng perang higit sa
dalawampung libong piso. Ano ang gagawin mo?
A. Itatago ko ito at unti-unting ibibili ng mga gamit na kailangan ko upang hindi na mag-aalala pa
ang mga magulang ko.
B. Ibibigay ko ito sa nanay ko at sasabihing napanalunan ko ito sa paligsahang ginanap sa aming
paaralan.
C. Idudulog ko ito sa kapitan ng barangay at ipapanawagan sa facebook at sa radyo upang matunton
ng may-ari.
D. Itatago ko ito at gagawing pamasko sa mga batang lansangan na pumupunta at umaawit sa mga
kabahayan.

14. Ang katapatan ay mapupuna sa salita at makikita sa gawa. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng
katapatan?
A. Hindi sinasadyang napunit ni Albert ang isang pahina ng libro na hiniram niya kay Susan.
Pagkabalik niya ng libro, sinabi niya kay Jibryl ang nangyari sa libro.
B. May nakitang pera sa sahig ng kanilang silid-aralan si Shanille. Kinuha niya ito at ibinulsa
hangga’t wala pang tao.
C. Nahuling nangongopya si Mario habang may pagsusulit ngunit hindi pa rin niya ito inaamin.
D. Nangungupit si Alex ng pera sa kanilang tindahan kapag siya ang pinagbabantay.

15. Masayang nagkukuwentuhan habang naglalakad sina Mang Nestor at Mang Rene nang biglang
hinimatay si Mang Nestor. Agad na binuhat ni Mang Rene si Mang Nestor at dinala sa pinakamalapit na
ospital. Kung ikaw si Mang Rene, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
A. Opo, dahil baka kung may mangyari sa kanya ako ang mapagbibintangan.
B. Opo, dahil may nakakita sa amin na kami ang magkasama.
C. Opo, dahil siya ay matalik kong kaibigan.
D. Opo, dahil responsibilidad ko siya bilang tao, kaibigan at mabuting mamamayan.

16. Ito ay kagandahang asal na nararamdaman o ipinapakita sa pamamagitan ng mataas na pagkilala o


pagtingin. Ano ito?
A. bullying B. karapatan C. paggalang D. suhestiyon

17. Alin sa mga sumusunod ang magiging dulot kung iyong igagalang ang suhestiyon ng kaibigan kahit
hindi masyadong maganda?
A. maayos na pakikitungo sa kaibigan
B. magulong pakikipagkapwa
C. maling pakikitungo
D. matibay na pakikipagkaibigan

18. Tuwing linggo ay nakaugalian na ni Carlo ang magpatugtog nang malakas ng kaniyang mga paboritong
awitin na kung kaniyang tawagin ay Sunday’s Best. Sumapit ang isang linggo na sa kaniyang pagpapatugtog
ay may pumunta sa kanilang bahay at nakiusap na hinaan ang kaniyang musika dahil sila ay may prayer
meeting. Kung ikaw si Carlo, ano ang gagawin mo?
A. Hihinaan ang pagpapatugtog at magdadabog upang malaman ng kapitbahay na nagambala nila
ang kanyang pakikinig ng Sunday’s Best.
B. Ipagpapatuloy ang pagpapatugtog ng malakas sapagkat ito ay ginagawa naman niya sa loob ng
kanilang bahay.
C. Ititigil muna ang pagpapatugtog at maghanap ng ibang pagkakaabalahan bilang respeto sa
kanilang aktibidad.
D. Pagsasabihan ang kapitbahay na sa ibang lugar na lang sila mag-prayer meeting.

19. Suriin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagrespeto sa ideya ng kapwa na nagdudulot ng
magandang pakikipagkapwa.
A. Ang ating ideya ay kailangang masunod.
B. Ang gusto natin ay palaging tama.
C. Karapatan nating mapakinggan.
D. Nabubuo ang paggalang sa isa’t isa.

20. May ginagawa kayong proyekto at nagsuhestiyon ang iyong kaklase sa


gusto niyang mangyari sa inyong ginagawa. Tatanggapin mo ba ito at bakit?
A. Hindi, dahil ikaw lang ang dapat masunod.
B. Hindi, dahil mas maganda ang naisip mong ideya.
C. Oo, igagalang mo ang suhestiyon niya dahil makadaragdag ito sa
ikagaganda ng inyong proyekto.
D. Oo, para hindi ka na mag-iisip pa kung ano ang gagawin.

21. Ito ay natatanging katangian ng isang Pilipino na palaguin ang isang maliit na negosyo, talento o sa
anumang larangan.
A. angking galing B. katamaran C. katanyagan D.kayabangan

22. Siya ay galing sa salat na pamilya, nagpursigi at naging Champion Weighlifter sa 2018 Asian Games.
A. Caktiong C. Isko Moreno
B. Hidilyn Diaz D. Manny Pacquiao

23. Ano ang dapat gawin sa mga taong magagaling at nakatulong sa bansa, maliban sa isa sa mga
sumusunod?
A. deadma C. gawing modelo
B. ipagmalaki D. parangalan

24. Alin sa mga sumusunod na pamuna sa ibang tao na nag papakita nang magandang katangian at tamang
pag-uugali?
A. pagbigay ng hindi naayon na opinyon
B. pagmamalaki sa mabuting nagawa
C. pagmamasid sa nagawa ng iba
D. paninira sa dangal

25. Nakita mo si Mang Pedro na nanghuhuli ng mga ibon na malapit ng maubos, ano ang
pinakamabuti mong gawin?
A. Huwag mo nalang pakialaman ang kanyang ginagawa.
B. Isumbong mo siya agad sa barangay.
C. Pagalitan mo si Mang Pedro.
D. Sabihin kay Mang Pedro na bawal ang kanyang ginagawa dahil may batas para
dito at maari siyang maparusahan dahil dito.

26. Bilang isang mag-aaral sa ikaanim na baitang, paano mo maipakikita ang pagsunod sa pamantayan at
kalidad sa anumang natapos na gawain?
A. Hayaan nalang ang kalidad ng produkto.
B. Huwag maging konpidensyal sa gagawin.
C. Ipagsawalang bahala ang oras na dapat gugulin sa paggawa.
D. Maging sistematiko sa paggawa

27. Bakit ang pagkakaroon ng ugaling tapat at hindi pagsisinungaling ay isa mga etikong kailangang-
kailangan sa trabaho?
A. Ikaw ay hahangaan at iidolohin ng lahat.
B. Ikaw ay pagkakatiwaan
C. Ikaw ay magugustuhan ng mga tao.
D. Walang mas hihigit pa sa pagiging matapat sa lahat ng gawain na sumasalamin sa busilak na loob
na mag trabaho ng maigi, may nakatingin man o wala.

28. Alin sa mga sumusunod ang nagkakahulugan ng determinasyon o pagpapasiya?


A. pagdududa sa kalidad ng nagawa
B. pagkakaroon ng alinlangan sa mga ginagawang proyekto
C. pagkakaroon ng tiwala sa sarili na kayang lampasan ang mga hinaharap na pagsubok
D. pagka masipag kapag kasama ang kaibigan sa Gawain
29. Mahalaga ba ang may malikhaing kaisipan ng isang manggagawa? Bakit?
A. Hindi, dahil ito ay hindi magagamit sa pang araw-araw.
B. Hindi, sapagkat hindi ito ang dahilan sa pag unlad ng ating bansa.
C. Oo, dahil ito ang maaaring pagsimulan ng pag-unlad ng kaniyang
buhay.
D. Oo, dahil hindi na mababago na malikhain ka.

30. “Ang malikhain ay nabubuhay sa sarilng mundo ng imahinasyon.” Bilang isang malikhaing
studyante, sumasang-ayon kaba dito at bakit?
A. Hindi, dahil ikaw ay malikhain kung ikaw ay nababagot sa mga gawain na mahirap
tapusin.
B. Oo, dahil ikaw pa din ay malikhain kung gagayahin mo ang mga ideya ng iba.
C. Oo, dahil kung ikaw ay malikhain ikaw ay may sariling ideya sa mga bagay ng gusto mong
likhain na orihinal at magaganda.
D. Oo, dahil kung ikaw ay malikhain kaya mong dayain ang iba para ang iyong gawa ang mapansin.

31. Siya ang dakilang lumikha at nagmamay-ari ng lahat ng bagay na ating tinatamasa.
A. magulang B. mamahalaan C. Panginoon D. Presidente
32. Ano ang pinapaunlad ng tao kapag siya ay gumagawa ng kabutihan sa kapwa?
A. Ispiritwalidad B. Kapalaran C. Pagkatao D. Talento

33. Alin ang tamang gawi ng taong maka-Diyos?


A. Madasalin at takot gumawa ng hindi mabubuti.
B. Nagdarasal lang kung may hihilingin.
C. Nananalangin lang kung may matinding pangangailangan.
D. Pinipilit lagi na sumama sa pagsisimba.

34. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng maunlad na ispiritwalidad?


A. Si Aling Lina ay hindi nag-aatubiling magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.
B. Si Aling Sonya ay nagseserbisyo sa simbahan ngunit masakit kung makapagsalita sa kanyang
kapwa.
C. Si Mang Berto ay nagbibigay ng tulong sa kapwa ngunit may kapalit na pang-aalipusta.
D. Si Mang Arnel ay namimili ng mga produkto ng mga magsasaka sa mas mababang halaga.

35. Bakit mahalaga na mapaunlad ang ating paniniwala at pananalig sa Diyos?


A. Upang kalulugdan tayo ng Panginoong Diyos.
B. Upang mabaliwala ang utos ng Panginoong Diyos.
C. Upang magalit sa atin ang Panginoong Diyos.
a. Upang makapagsamba tayo sa Panginoong Diyos.

36. Inimbitahan ka ng iyong kaibigan sa anibersaryo ng kanilang simbahan. Natalakay sa pagpupulong ang
paniniwalang hindi ayon sa inyong paniniwala. Ano ang iyong gagawin?
A. Baliwalain ang narinig at huwag nang sasama kung iimbitahin sa susunod.
B. Huwag paniwalaan at ipagmayabang ang iyong paniniwala.
C. Igalang ang kanilang paniniwala.
D. Kutyain at husgahan ang kanilang paniniwala.

37. Habang nasa hapag kainan ang pamilya Romano, naibahagi ng panganay na si Leah ang kaniyang
pagsali sa isang poster making contest. Humingi siya ng suhestiyon sa kaniyang pamilya. Iminungkahi ng
kaniyang kapatid na si Shella na mahusay rin sa paglikha ng poster na lumikha ng panibagong disenyo na
mas maganda ang tema kesa sa kaniyang nilikha. Kung ikaw si Leah, ano ang gagawin mo?
A. Huwag na lamang itong pansinin at ilaban ang sariling gawa sa kompetisyon.
B. Magpasalamat sa suhestiyon at subukang gawin ang iminungkahi ni Vina.
C. Maiinis sa kapatid dahil mahirap gumawa ulit ng panibagong poster.
D. Pakiusapan ang kapatid na siya na lamang ang gumawa ng poster na ilalaban sa kompetisyon.

38. Habang ikaw ay patungo sa simbahan, nakita mo ang dalawang bata na nag-aaway. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Hahayaan na lamang sila.
B. Iiwas upang hindi madamay.
C. Magpapatulong sa nakatatanda upang sila ay patigilin.
D. Masaya silang panoorin.

39. Umuwi ang iyong tatay at sinabing nawalan siya ng trabaho. Bilang isang taong puno ng pag-asa at
pananalig, ano ang dapat mong sabihin at gawin?
A. Aayain siyang manalangin at tutulungan siyang umisip kung saan maaring mag-apply o humanap
ng trabaho.
B. Huwag siyang mag-alala at ikaw na lamang ang magtatrabaho.
C. Huwang siyang mag-alala at ayos lamang kahit wala siyang trabaho.
D. Huwag siyang mag-alala dahil titigil ka na sa pag-aaral.

40. Kung ang iyong kaibigan ay nagpapahayag ng kaniyang mga paniniwala, ano ang pinakamabuti mong
gawin upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
A. Igagalang at uunawain ang kaniyang mga kasanayan at paniniwala.
B. Magdadahilan na marami kang dapat gawin.
C. Pakikinggan siya ngunit hindi ito paniniwalaan.
D. Pipiliin lamang ang mga nais pakinggan.

You might also like