You are on page 1of 39

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat


aytem. Isulat ang inyong sagot sa unahan ng bawat
bilang na tumutugma sa iyong napiling sagot.
1. Ipinangako mong isasauli mo ang damit na hiniram
mo sa iyong kamag-aral, ngunit ito ay nasa labahan
pa. Ano ang gagawin mo?
A. Pakikiusapan ko ang kamag-aral ko na sa susunod
ko na lang isasauli ang damit.
B.Lalabhan ko ngayon ang damit upang maisauli ko
bukas.
C. Isasauli ko ang damit kahit marumi pa.
D. Huwag munang isauli ang damit at ipahiram ito sa
iba.
2. Sino ang hindi dapat tularan?
A. Nahuli si Ana sa oras ng usapan.
B. Hindi dumating si Jessa sa tinanggap na paanyaya.
C. Nagsasabi si Carla na hindi makararating sa
usapan.
D. Kahit medyo umuulan ay sinikap ni Alfonso na
makipagtagpo sa kausap nna kaibigan sa eksaktong
oras.
3. Ano ang nangyayari sa taong walang “Palabra de
Honor”?
A. Lumalambot ang kanyang puso.
B. Dumarami ang kanyang kaibigan.
C. Tumitigas ang kanyang damdamin.
D. Nawawalan ng tiwala ang ibang tao
4. Nangako kang magbabayad ng utang sa
kaklase mo ngunit wala pang pera ang iyong
magulang. Ano ang gagawin mo?
A. Mangungupit ako sa aking nanay
B. Uutang muna sa iba para mabayaran siya.
C. Liliban muna ako sa klase hanggang
makabayad.
D. Mangangalap at magtitinda ako ng diyaryo’t
bote na di na napakikinabangan sa bahay para
magkaroon ng pambayad sa utang.
5. Bakit mahalaga na makatupad ka sa
iyong pangako?
A. Ito ay makakaapekto at makakaabala
sa ibang tao kapag hindi ka marunong
tumupad.
B. Ito ay makakabawas sa iyong marka.
C. Ito ay makasisira sa iyong marka.
D. Ito ay isang pag-uutos.
6. Kaarawan ng iyong nakababatang
kapatid, naipangako mo nabibilhan mo siya
ng isang regalo. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Hayaan na lamang ang kapatid.
B. Sasabihin ko na bumawi na lamang siya
sa kanyang susunod na kaarawan.
C. Tutuparin ko ang ipinangako ko sa aking
kapatid.
D. Di ko ito tutuparin at hayaan na lamang
na magalit siya.
7. Ano ang pinagtitibay ng “Palabra de
Honor”?
A. Pagsunod sa utos. C. Pagbabago ng
pasiya.
B. Pagtupad sa pangako D. Pagmamalaki
sa magagawa
8. Paano tinutupad ang isang pangako?
A. May pagpapahalaga sa pagtitiis.
B. Walang interes sa pagpapakasakit.
C. May pagkukulang at pag-aalinlangan.
D. May hinihintay na kapalit na kabayaran
9. Nangako ka na maaga kang uuwi, ngunit
nayaya ka sa isang birthday party. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasama ako ngunit magpapaalam kaagad.
B. Sasama ako at gagawa ng dahilan sa
magulang.
C. Hihingi ng paumanhin sa kamag-aral at
ipaliwanag kung bakit hindi ako makakasama.
D. Gagawa ako ng paraan upang makapunta
sa birthday party nang hindi alam ng
magulang
10. Sino ang makikinabang kapag
ikaw ay marunong tumupad sa
usapan ?
A. Sarili mo lang
B. Walang makikinabang
C. Ang iyong kapwa
D. Ikaw at ang iyong kaibigan.
11. Inimbita ka ng iyong kamag-aral na
magpunta pagkatapos ng klase sa isang video
shop na malapit sa inyong paaralan upang
gumawa ng inyong proyekto. Ngunit nagbilin
ang nanay mo na umuwi ka ng maaga, dahil
mayroon siyang ipagagawa sa iyo. Ano ang
gagawin mo? A. Ipaalam sa magulang ang
sitwasyon upang maunawaan ng ina ang
kahalagahan ng Iyong pakikiisa sa pangkat.
B. Isumbong sa guro na hndi sila
sumunod sa iniaatas mong gawin.
C. Magagalit ang mga tao.
D. Di ka na lang pupunta.
12. Isang kamag-anak mo ang nagsabi na may
ikinakalat na tsismis tungkol sa iyo ang iyong
matalik na kaibigan. Nagkataong nasalubong
mo siya sa mall. Ano ang gagawin mo?
A. Sisigawan ang kaibigan at aawayin
B. Hindi papansinin ang sinabi ng kaibigan.
C. Iimbatahin ang kaibigan sa isang tahimik na
lugar at tatanungin nang mahinahon kung
totoo ang isinusumbong tungkol sa kanya ng
kamag-anak mo.
D. Di ko siya papansinin
13. Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga
magulang mo na pumili ka ng tamang kaibigan.
May mga pagkakataon na gusto mong
magdesisyon mag-isa. Susundin mo ba ang iyong
mga magulang tungkol sa pagpili ng kaibigan?
A.Gagawin ko ang gusto ko, ako naman ang pipili
ng kaibigan.
B. Pag-iisipan ko. Gusto ko rin kasing matutong
magdesisyong mag-isa.
C. Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong
pasamahin.
D. Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang
hangad ng aking mga magulang para sa akin
14.Kung ang iyong kaibigan ay
nagpapahayag ng kanyang paniniwala
tungkol sa kanilang relihiyon, ano ang
mabuti mong gawin para maiwasan ang
hindi pagkakaunawaan?
A. Igalang ang kanyang paniniwala.
B. Magdahilan na maraming tatapusin at
gagawin.
C. Pakikinggan lang ang kaibigan pero hindi
paniniwalaan.
D. Pipiliin lang ang nais pakinggan sa sinabi
ng kaibigan.
15. Isa kang Katoliko at isang Iglesia ni Kristo
ang iyong kaibigan. Magkaiba kayo ng
paniniwala, lagi ka niyang niyayaya na sumama
sa kanyang pagsamba. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ako sasama dahil magkaiba naman
kami ng paniniwala.
B. Pagtatawanan siya dahil iba naman ang
aking paniniwala.
C. Ipapaliwanag ko sa kanya na iba ang aking
paniniwala.
D. Sasama ako at siya ay aking pagtatawanan
sa uri ng kanilang pagsamba
16. Kasalukuyan kayong nagpupulong para sa
inyong proyekto sa SPG. Nagmungkahi ang isa
sa mga kasama ninyo na magbayad kayo ng
dalawang daang piso para sa inyong “reach-out
program.” Para sa iyo, malaki na ang dalawang
daan. Ano ang gagawin mo?
A.Magwawalk-out ako dahil hindi ko gusto ang
kaniyang mungkahi.
B.Igiit na hindi pwede ang kanyang mungkahi.
C. Igalang ang kanyang mungkahi at kunin ang
saloobin ng mga iba pang kasapi kung pabor sila
sa suhestiyon.
D. Sigawan siya dahil masyadong malaki ang
dalawang-daan piso.
17. Ang ideyang magkaroon ng paligsahan sa
pagpili ng “Mr. at Miss United Nation” para
makalikom ng pondo ang inyong paaralan para sa
pagpapatayo ng palikuran sa labas ng silid-aralan.
May mga umaayaw dahil gastos daw ito, ngunit mas
marami ang sumangayon sa mungkahing ito. Mas
gusto na lamang sana nila ang magkaroon ng
pabinggo sa paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Kausapin sila at ipaliwanag sa kanilang kailangan
nilang igalang ang suhestiyon/ideya ng nakararami.
B. Iiwasan ko sila upang di ako madamay.
C. Hindi ako makikiisa sa kanilang proyekto.
D. Sisiraan ko ang suhestiyon ng nakararami
18. Ang iyong kaibigan ay lagi na lang
nainigarilyo tuwing siya ay papasok sa
paaralan. Ano ang maipapayo mo sa
kanya?
A. Samahan siyang bumili ng sigarilyo.
B. Sabihan na pangmacho lang ang
sigarilyo.
C. Sabihan siya na masama ang
paninigarilyo sa ating katawan.
D. Sabihan siya na magandang pagmasdan
habang siya ay naninigarilyo.
19. Anong karapatan ang
ipinapakita ng mga nagsasagawa
ng rally sa lansangan?
A.Kalayaan sa pagboto.
B. Kalayaan sa pagpili ng kurso
C. Kalayaan sa pamamahayag.
D. Kalayaan sa panonood
20. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng kalayaan sa
pamamahayag?
A. Pagsasabi ng masama sa kaibigan
pag ito ay hindi nakaharap.
B. Pagsasabi ng saloobin tungkol sa
isang sitwasyon.
C. Pagsasawalang kibo sa mga
sitwasyon.
D. Pang-aagrabyado ng kapwa.
21. Ang inyong klase ay nagbabalak ng sorpresa para sa
inyong guro sa pagdiriwang ng “World Teachers’ Day”.
Nagmungkahi ang isa sa pinakatahimik mong kaklase na
handugan ang inyong guro ng isang awit pasasalamat.
Nagulat ang lahat at pinagtawanan ang kanyang
mungkahi . Dahil sa nangyari napahiya ang iyong kaklase.
Ano ang gagawin mo?
A. Makikitawa rin sa aking mga kaklase.
B. Hindi ako iimik at pababayaan ko na lang silang
tumawa nang tumawa.
C. Sasabihan ko ang aking mga kaklase na lahat ay may
karapatang magpahayag ng
saloobin at damdamin kya huwag nila itong pagtawanan.
D. Aawayin ko silang lahat
22.Nagpapaliwanag ang punong ministro ng isang
samahang panrelihiyon tungkol sa kanilang mga
paniniwala, kanyang sinasabi. Hindi ka sang-ayon
sa kanyang mga sinasabi. Paano mo ipakikita ang
iyong paggalang sa kanyang kalayaan sa
pamamahayag?
A . Igigiit ko na mali ang kanyang mga sinasabi.
B. Magsasawalang kibo na lang ako.
C. Makikipag-away ako sa kanya at patutunayan
ko na tama ako at mali siya.
D. Pakikinggan ko ang kanyang mga sinasabi at
sasabihin ko ang aking pananaw tungkol dito.
23. Nagdadabog si Michael dahil hindi nasunod
angkanyang gusto para sa inyong gagawing
palabas sa “Araw ng mga Guro”.
Ano ang nararapat ninyong gawin?
A. Hingin at pakinggan ang kanyang ideya o
opinyon at pag-usapan ito.
B. Hayaan lang siyang magdabog.
C. Palabasin na lang siya sa silid-aralan.
D. Pagalitan siya at awayin.
24. May pagsusulit kayo. Nakita mo na
may kodigo ang kaklase mong si Ana.
Ano ang iyong gagawin?
A. Kausapin si Ana at sabihin na
masama ang mandaya sa pagsusulit.
B. Pabayaan si Ana sa pangongopya.
C. Wala akong pakialam sa ginagawa
niya.
D. Titingnan ko lamang siya.
25. Lahat ng mga kaklase mo ay sumang-ayon na
electric fan ang magiging proyekto para sa inyong
silid-aralan, ngunit sa tingin mo ay kurtina ang
dapat na paglaaanan ng pondo. Alin sa mga
sumusunod ang gagawin mo?
A .Sumang-ayon sa kagustuhan ng nakararami.
B. Magtampo sa lahat dahil hindi nasunod ang
iyong gusto.
C. Kumbinsihin ang iba na sumang-ayon na lang
sa iyo.
D. Sigawan ang pangulo ng inyong klase para
sumunod sa iyong gusto.
26. Sa tingin ni Mildred ay nararapat si
Claire na maging presidente ng inyong
klase ngunit si Grace ang nanalo sa
botohan. Ano ang tamang ugali na dapat
ipakita ni Mildred?
A. Ibigay ang buong suporta kay Grace.
B. Ipahayag sa lahat na tutol ka sa kanilang
napili.
C. Huwag suportahan si Grace dahil hindi mo
siya gusto.
D. Kutyain ang mga kaklse dahil mali ang
kanilang pinili.
27. Hindi sang-ayon ang isa sa iyong mga
kaklase sa iyong mungkahi bilang pangulo para
sa proyekto sa inyong silid-aralan.
Nagagalit siya dahil ayaw niya sa mungkahing
iyon. Bilang pangulo ng inyong klase, ano ang
nararapat mong gawin?
A.Pakikinggan ko ang kanyang ideya at hihingin
ang opinyon ng nakararami.
B. Igigiit ko ang aking gusto dahil ako naman ang
pangulo.
C. Tatapusin ko agad ang miting upang di niya
masabi ang kanyang ideya/gusto.
D. Babalewalain ko ang kanyang ideya o
suhestiyon
28. Narinig mo ang iyong mga kaklase na nagsa-
sabi ng hindi maganda tungkol sa iyong kaibigan
na may kapansanan. Alam mong kahit na may
kapansanan siya karapatan niyang mabuhay ng
normal at mapayapa. Ano ang gagawin mo?
A. Magkukunwaring di ko naririnig.
B. Pagsasabihan sila na mali ang kanilang gina-
gawa.
C. Magiging masaya at magaan ang pakiramdam.
D. Aawayin ko sila dahil kaibigan ko ang kanilang
pinag-uusapan
29. Ipinagbabawal sa inyong barangay ang
pagpapatugtog ng malakas pagsapit ng alas-
diyes ng gabi. Anong karapatan ang isinasa-
alang-alang ng kasunduang ito sa inyong
barangay?
A. Karapatang magsaya kahit anong oras mo
gusto.
B. Karapatang magpatugtog
C. Karapatang mabuhay ng tahimik.
D. Karapatang bumili ng mga appliances.
30. Bilang isang mamamayan ng ating bansa,
Alin sa mga sumusunod na karapatan ang
nalalabag kapag ikaw ay hindi hinahayaang
maglabas ng saloobin sa inyong mga
pagpupulong?
A. Karapatang bumoto.
B. Karapatang makapagpahayag.
C. Karapatang mabuhay ng tahimik.
D. Karapatang manahimik
31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita
ng hindi pagsasaalang-alang sa karapatan
ng iba o pagiging makasarili?
A. Laging pinakikinggan ni Allan ang opinyon
ng kanyang mga kaklase.
B. Hindi kailanman hiningi ni Lito ang opinyon
ni Cecilia dahil wala daw itong alam.
C. Laging iginagalang ni Marcos ang pasya ng
nakararami.
D.Laging kasama ang mga kaklase ni Roy sa
pagpaplano ng kanilang proyekto.
32.Pinagnakawan ang inyong kapitbahay ng kanyang
mga alagang manok. Salat siya sa kaalaman. Alam
mong alam ng iyong ama ang mga hakbang para
maisuplong ang magnanakaw sa Barangay.
Ano ang nararapat mong gawin?
A. Pabayaan lang siya dahil siya naman ang pinag-
nakawan.
B. Ipagwalang bahala ang nangyari.
C. Sabihin sa ama ang pangyayari at hingin na
samahan itong pumunta sa barangay.
D. Magpabayad upang samahan siyang
pumunta sa barangay
33. Panahon ng eleksiyon. Nalaman mo na binayaran
ng isang kandidto ang iyong tiyuhin para siya ang
iboto nito. Ano ang gagawin mo?
A. Kausapin ang tiyuhin at ipaalam sa kanya na may
kalayaan siyang pumili kung sino ang kanyang
iboboto.
B. Hayaan na lamang siya tutal siya naman ang bo -
boto at hindi ikaw.
C. Hihingi ng hati sa perang ibinayad ng kandidato
sa iyong tiyuhin.
D. Isusumbong sa Comelec ang tiyuhin
34. Hindi umiimik ang ilan sa iyong mga kaklase
kahit hindi nila gusto ang mungkahi ng inyong
Pangulo. Natatakot daw sila baka pahiyain lang sila
ng kanilang pangulo. Ano ang maipapayo mo sa
kanila?
A. Hindi ko sila pakikialaman. Kung gusto nilang
manahimik hahayaan ko sila.
B. Tatakutin ko sila upang lalo silang hindi maglabas
ng kanilang saloobin.
C. Kakantiyawan ko sila na bahag ang buntot.
D. Kakausapin ko sila na lahat ay may kalayaang
ipahayag ang kanilang ideya, suhestiyon, o opinyon
kaya wala silang dapat ikatakot.
35. Malupit ang ama ni Nelia. Kaunting pagkaka-
mali lamang nito ay agad siyang binubugbog.
Natatakot si Nelia at ang kanyang ina na mag-
sumbong sa kinauukulan. Ano ang maipapayo mo
sa kanila?
A. Hindi ako makikialam dahil baka ako ang pag
buntunan ng galit ng kanyang ama.
B.Papayuhan ko sila na dumulog sa DSWD at huwag
matakot dahil ang lahat ay maykarapatang mabuhay
ng tahimik at mabigyan ng proteksiyon.
C. Ako mismo ang magsusumbong sa mga pulis sa
dinaranas nilang mag-ina.
D.Ipagwawalang bahala ko ito dahil usaping pam-
pamilya ito.
36.Hindi pinakikinggan ng inyong lider ang suhes-
tiyon ng ilan sa inyong mga kaklase. Ang gusto
lamang niya ang nais niyang masunod. Hiningi ng isa
sa inyong mga kaklase ang iyong tulong para
mapaliwanagan ang inyong lider. Ano ang gagawin
mo?
A. Hindi ako makikisali sa kanilang pagpupulong.
B. Lalabas na lang ako para di ko marinig ang suhes-
tiyon ng aking mga kaklase.
C. Magkukunwaring di ko sila naririnig.
D. Kakausapin ko ng mahinahon ang aming lider na
kailangan niyang makinig sa kanilang mga suhes
tiyon dahil sila rin ay may kalayaang makapagpahayag
ng saloobin.
37. Magkakaroon ang inyong barangay ng
programang “Clean and Green”. Paano ka
makikiisa sa proyektong ito ng inyong
barangay?
A. Manonood ako habang sila ay naglilinis at
nagtatanim ng mga halaman.
B. Aalis ako ng bahay para di nila ako
mautusang tumulong.
C. Tutulong ako sa paglilinis at pagtatanim
ng mga halaman sa aming bakuran.
D. Matutulog ako maghapon
38.Hindi magkasundo ang iyong mga kaklase
kung ano ang inyong gagawin para mapa-
ganda ang inyong silid-aralan. Ano ang
gagawin mo?
A. Ipapaliwanag sa kanila na dapat kaming
magkasundo upang maumpisahan na ang
aming nais gawin .
B. Hahayaan ko lang silang mag away-away.
C. Pagtatawanan ko lang sila.
D. Iiwan ko sila habang nag-aaway-away
39. Kapag mayroong pambansang
pagkakaisa, ano ang mangyayari sa
ating bansa?
A. Uunlad ito
B. Magkakaroon ito ng malaking utang
C. Lalo itong maghihirap
D. Mag-aaway-away ang mga tao
40. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
pambansang pagkakaisa sa isang bansa?
A. Upang makilala ito sa ibang bansa.
B. Upang umunlad ito at magkaroon ng
kapayapaan.
C. Upang maging madali ang pakikipagta-
lastasan.
D. Upang lalo itong gumanda

You might also like