You are on page 1of 4

IKALAWANG PAGSUSULIT SA GMRC VI

Pangalan:_______________________Petsa:___________Iskor:____________
I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. May praktis ang inyong Glee Club ngunit inatasan kang magbantay ng bahay at ng maliit mong
kapatid. Ano ang gagawin mo?
a. Ihahabilin sa kapitbahay ang kapatid.
b. Pupunta sa praktis kasama ang maliit na kapatid.
c. Hihintaying dumating ang mga magulang bago umalis.
2. Kung bibili ng isang bagay na gustong-gusto mo, ano ang una mong dapat alamin?
a. Kaya mo ang halaga o presyo
b. Kailangang kailangan
c. Ang presyo ay mataas kaysa ibang tindahan.
3. Bago gumawa ng pasya/ konklusyon, ano ang mainam na gawin?
a. Suriin muna nang mabuti ang sitwasyon o pangyayari.
b. Iwasan ang malalim na pag-aaral
c. Alalahanin ang sasabihin ng iba.
4. Bakit kailangang suriin muna natin ang sitwasyon o pangyayari bago tayo magbigay ng konklusyon o
pasya?
a. Upang maibigay ang wastong solusyon at malutas na ang mga suliranin.
b. Upang magkaroon ng kausap.
c. Magkaroon ng kaalaman sa buhay ng iba.
5. Kalimitan ang mga proyekto sa bawat aralin ay dapat tapusin, kailan mo ito isusumite?
a. Lampas ng takdang araw
b. Sa takdang oras o araw
c. Bago ang takdang araw
6. Sino ang dapat tularan sa kanila?
a. Sumasagot kapag tinatawag ng Lolo ngunit hindi sumusunod si Aldren.
b. Nagmaktol si Ana ng utusan ng Nanay.
c. Kahit may ginagawa agad lumapit si Riza sa tawag ng Ama, sabay sabing Ano po iyon,
Itay?
7. May mga pinapagawang proyekto ang guro kahit ayaw naming gawin. Ano ang dapat gawin ng mga
mag-aaral?
a. huwag pansinin ang sinabi ng guro
b. ipagawa sa iba
c. sundin pa rin ang sinabi ng guro
8. Mahusay ka sa pagsayaw. Paano ka makakatulong sa iba?
a. huwag sumali at huwag ituro sa iba
b. pagturo ng mga bagong sayaw sa mga kamag-aral o kasama
c. kapag nais mo lang gawin o ipakita
9. May gaganaping programa sa paaralan. Alin dito ang dapat lumahok?
a. hindi pa nakalalahok
b. minsan pa lang lumahok
c. lahat ng nasa itaas
10. Alin ang mas pipiliin mong libangan sa buhay?
a. makipanood ng telebisyon sa kapitbahay
b. maglaro ng baraha
c. matutong tumugtog ng gitara
11. Mahusay kumanta si Analiza, kahit maganda ang boses niya hindi sumali sa paligsahan sa pag-awit
dahil siya ay nahihiya. Ano ang ugaling ipinakita ni Analiza?
a. dapat tularan ng iba b. hindi nararapat
c. dapat gayahin
12. Ano ang dapat gawin pagdating ng takdang araw/usapan o pinagkasunduan?
a. sadyaing kalimutan
b. tumupad sa usapan o kasunduan
c. maging huli pagdating sa usapan
13. Si Aling Marta ay nagtatago sa kanyang mga pinagkakautangan. Anong ugali ang pinamalas ni Aling
Marta?
a. matino ito
b. tapat at mabuti
c. kahiya-hiya at di dapat tularan

14. Sino ang hindi dapat tularan?


a. Nagpasabi si Linda na hindi siya makakarating sa usapan.
b. Hindi dumating si Karen dahil may ginagawa siya kaya tumawag nalang.
c. Nakalimutan ang usapan o kasunduan
15. Nangako ka na maagang pupunta sa simbahan ngunit may nasalubong kang matalik na kaibigan na
matagal na kayong hindi nagkita. Ano ang gagawin mo?
a. itutuloy ang pagpunta sa simbahan
b. sasama sa kaibigan
c. pupunta sa ibang pook pasyalan
16. Ipakita ang kagandahang asal. Sinong bata ang tutularan mo?
a. Si Mario mahirap ngunit may isang salita.
b. Si Dan matalino ngunit balewala ang kausap.
c. Si Ben laging wala sa usapang lugar.
17. Nangako ka na maagang uuwi, ngunit nayaya ka sa isang birthday party, ano ang gagawin mo?
a. Sasama ngunit magpapaalam kaagad.
b. Sasama at gagawa ng dahilan sa mga magulang.
c. Hihingi ng paumanhin sa kamag-aral at ipapaliwanag kung bakit hindi ka makakasama.
18. May piknik ang buong klase ninyo at balak maligo sa dagat ang inyong klase. Paano ka magpapaalam
para makapunta?
a. pupunta sa kanila kahit hindi alam ng mga magulang
b. sasabihin ang tunay na dahilan
c. umalis kahit di payagan
19. Isinuot ng kapatid mo ang bago mong polo shirt na gagamitin mo sana sa isang palatuntunan. Ano
ang gagawin mo?
a. hindi na ako pupunta sa programa
b. pipili nalang ako ng ibang isusuot
c. aawayin ko ang kapatid ko
20. Nangako kang magbabayad ng utang sa kaklase ngunit wala pang pera ang iyong magulang.
a. uutang naman ako sa iba
b. hindi na makikipag-usap sa kanya
c. mangangalap ng hanapbuhay na kaya ko para makabayad sa kanya
21. Alin ang gagawin kung naiwan mo sa bahay ang librong kailangang maibalik sa kamag-aral ngayong
araw na ito?
a. gagawa ako ng paraan para maisuli sa kanya
b. iiwasan ko sya
c. sa susunod na araw ko ibibigay
22. Madalas wala kang ipinapasang takdang aralin, kaya bumaba ang marka mo. Alin ang dapat mong
gawin?
a. sisikaping makagawa na ng takdang aralin
b. magpapagawa sa kaklase
c. hihinto sa pag-aaral
23. Alin ang mabuting gawin kung nauna ka sa pagpila sa kantina nang may isang batang barumbado at
biglang sumingit sa iyong harapan.
a. makipag-away sa sumingit sa pila
b. tatawag ng guro na pupuna sa kanya
c. hindi ko sya papatulan sa maliit na bagay tulad nito
24. Nabuhusan ng tubig ang papel na sinusulatan mo na naiwan sa mesa. Ang dalawang kaklase mo ay
nagturuan. Paano mo haharapin ang sitwasyon?
a. itatanong muna sa kanilang dalawa kung ano ang nangyari at nabuhusan ang papel mo
b. babatukan sila pareho
c. bubuhusan din sila ng tubig
25. May dalang pasalubong ang tita mo galing sa ibang bansa. Nais makipagpalit ng kapatid sa ibinigay
na pasalubong. Papayag ka ba?
a. hindi, dahil para sa akin ito
b. oo, kung iyon ang gusto nya at bagay din sa kanya
c. oo, kung may kapalit na pera
26. Dumating ang maliit mong kapatid at gutom na gutom ngunit paubos na ang pagkain sa hapag
kainan. Ano ang sasabihin mo?
a. sa iyo na ito nang makakain ka
b. kumain ka nalang sa labas
c. maghintay ka muna at magluluto ako

27. Marami kang lumang damit na di mo na sinusuot o ginagamit. Ano ang maaaring gawin dito?
a. gawing basahan
b. ipamigay sa mga nangangailangan upang mapakinabangan nila
c. itago nalang sa aparador bilang souvenir
28. Naglilipat ng kagamitan ang bagong kapitbahay. Paano ka makakatulong sa kapwa?
a. makikipagkita at itatanong kung may maitutulong ako sa kanila
b. tutulong pag may kaukulang bayad
c. babalewalain
29. Nakita mong maraming basura sa paaralan. Ano ang dapat mong gawin?
a. tatawagin ang mga kaklase at maglilinis kami ng paligid
b. magkakalat din ng basura
c. hayaan na sila ang maglilinis
30. Maysakit ang iyong kapitbahay. Paano mo siya matutulungan?
a. magpatugtog ng malakas
b. pupuntahan at magpapadala ng pagkain o ibang kailangan na mayroon ka
c. wala lang
31. Nanalo ang koponan ni Mark sa larong basketbol dahil sa pandaraya. Kailan maaaring mandaya sa
paglalaro.
a. minsan lang gawin
b. laging isagawa
c. huwag isagawa dahil mali
32. Kapag naglalaro ng basketbol o balibol, aling kasuotan ang dapat isuot?
a. shorts
b. palda
c. pantalon
33. Kung natatalo ka sa laro, ano ang dapat gawin?
a. magsigasig pa ring matapos ang laro at di dapat magalit
b. umatras
c. huwag maglaro uli
34. Mahilig makipaglaro si Patrick. Anong laro ang maaaring salihan na pangmaramihan?
a. chess
b. badminton
c. patintero
35. Para kay Rolly ayos lang ang mandaya kung walang nakakakita at nakakakilala. Anong masasabi mo
ukol dito?
a. bahala siya dahil gawa niya
b. ginagawa ko ito minsan
c. hindi ako sang-ayon dahil mali
36. Nanalo sa larong badminton ang koponan nina Jelyn at Myra. Paano nila ipakita ang pagiging
isports sa laro.
a. mayabang sa kanilang nakalaro
b. lumapit at makipagkamayan sa kalabang nakalaro
c. pagtawanan ang nakalaro
37. Natalo ang apat sa beauty contest. Umiyak at nagprotesta si Rosie, nagwalk out sina Jane at
Emma, binati ni Sally ang mga nanalo. Sa kanilang apat, sino ang tutularan mo?
a. Si Sally ang huwaran at dapat tularan
b. Dapat tularan ang ginawa ni Rosie
c. Makatwiran ang ginawa nilang dalawa
38. Mahilig kang maglaro. Bakit interesado ka sa paglalaro ng beysbol?
a. mahihina ang lahat ng kalaban
b. magagaling ang lahat ng kalaban
c. walang pagsasanay
39. Maka-Diyos ka, alin dito ang mali mong gawin?
a. pagdarasal sa Panginoon
b. paglilingkod sa Panginoon
c. paninira sa kapwa at sa ibang relihiyon dahil ito ay kasalanan
40. Kapag nasa pook sambahan, ano ang dapat iwasang gawin?
a. pakikilahok sa ritwal ng pagsamba
b. paggawa ng ingay o kilos na makagagambala sa mga nagdarasal
c. pagdarasal ng mataimtim
41. Bilang taong maka-Diyos, paano mo ipapakita ang pagkamaka-Diyos?
a. nagpapakita ng pagmamahal at pagpapakumbaba sa kapwa
b. gumawa ng masama
c. mapaglait sa kapwa
42. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit tayo ay dapat sumamba sa Diyos?

a. upang magbigay puri at pagmamahal sa Diyos


b. upang maging sikat sa komunidad
c. upang bigyang kasiyahan ang sarili
43. Maingat ako sa aking sariling gamit, kaya kung manghihiram ng gamit ng iba kailangan ay
___________.
a. pabaya
b. salaula
c. maingat din
44. Gusto mong makarinig ng mabubuting balita o salita. Aling ugali ang di mo ginagawa?
a. nag-aaway o nagmumura
b. nagsasaya
c. naglalaro
45. Nadulas sa putik ang isang kamag-aral at nadumihan ang kanyang uniporme. Paano mo siya
matutulungan?
a. pagalitan dahil hindi maingat
b. tulungan upang makatayo
c. pagtawanan
46. Nagtatawanan ang iyong mga kamag-aral at pinag-uusapan ang kamag-aral na nagliban sa klase.
Ano ang gagawin mo?
a. imumungkahing tigilan ang hindi mabuting gawa na pag-usapan at pagtawanan ang kapwa
b. ipaparating sa kamag-aral
c. sasali sa kanila
47. Nakita mo ang bola ng kaklase mo, gustong-gusto mong hiramin ngunit wala siya. Ano ang dapat
mong gawin?
a. hintayin mo siya at magpaalam
b. paglaruan habang wala pa siya
c. itago mo ang bola
48. Wala kang krayola para sa inyong aralin sa Sining. Paano mo gagawin ang pinapagawa ng guro?
a. itatago ang krayola ng kaklase para walang magamit
b. hihiram sa kaklase para makagawa
c. hindi susunod sa guro
49. May mga bilang kayong ipapalabassa araw ng pasko, wala kang sapatos. Nakita mong magaganda
ang sapatos ng kaklase mo. Alin ang mabuti mong gawin?
a. kukunin mo habang tulog siya
b. aawayin mo
c. hihiramin ang kanyang lumang sapatos na di gagamitin
50. Inutusan ka ng iyong guro na manghiram ng pala sa malapit na bahay sa paaralan. Nagkataong
walang tao at ang pala ay nasa ilalim ng bahay. Ano ang dapat mong gawin?
a. bumalik sa paaralan at sabihin sa guro na walang tao
b. kunin ang pala sa ilalim ng bahay
c. itago ang pala o gamitin habang wala pa ang may-ari

You might also like