Professional Documents
Culture Documents
Ikalawang Markahang Pagsusulit
Ikalawang Markahang Pagsusulit
SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat bago ang numero.
21. Nangako ka sa iyong kaibigan na bibigyan mo siya ng damit kung pakokopyahin ka niya sa pagsusulit. Tama ba
ito?
A. Oo, kasi lahat ng pangako ay may kapalit din.
B. Hindi, dahil ang pangako ay tapat at taos sa puso.
C. Oo, dahil magkaibigan naman kayo.
D. Wala sa nabanggit.
22. Si Juan ay isang batang may ambisyon sa sarili at ipinangako niya na agtatapos siya ng pag-aaral kahit gaano pa
kahirap ang mga pagsubok na kaniyang haharapin. Kung ikaw si Juan, ano ang gagawin mo para maabot ang iyong
mga pangarap?
A. Ipapangako sa sarili na magsusumikap para maabot ang pangarap.
B. Ipapangako sa sarili na magkaroon ng disiplina sa sarili.
C. Ipapangako sa sarili na maging mabuti at mabait na bata.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
23. Paano mo tutuparin ang isang pangako mo sa iyong kaibigan?
A. Tutuparin ito na buo ang loob. C. Tutuparin ito na may kahalong yamot.
B. Tutuparin ito na bukal sa kalooban. D. Ang titik A at B ay tama.
24. Ano ang gagawin mo sa isang pangakong di natupad?
A. Hihingi ng kapatawaran dahil sa hindi pagtupad nito.
B. Maging leksyon na huwag mangako kung di kayang tuparin.
C. Gawin itong inspirasyon upang baguhin ang sarili.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
25. Ano ang gagawin mo sa isang taong nabigong tuparin ang pangako niya sa iyo?
A. Magalit at magtanim ng sama ng loob.
B. Kausapin upang maintindihan ang rason kung bakit hindi niya natupad ang kaniyang pangako.
C. Ipagkalat na masama siyang tao sa kadahilanang hindi niya natupad ang kaniyang pangako.
D. Huwag mo ring tuparin ang pangako mo sa kaniya
26. Sino sa mga batang ito ang matapat?
A. Si Lino na sinabing ang nakakabatang kapatid ang nakabasag ng kahit siya naman.
B. Si Dina na tumakbo at nagtago pagkatapos niyang masira ang halaman.
C. Si Abby na inamin ang pagkakamali sa kanyang nanay.
D. Si Aizen na itinuro ang kaklase na nagkalat ng basura kahit hindi niya nakita.
27. Sino sakanila ang isang mabuting kaibigan?
A. Binigyan ni Lisa ng meryenda si Marie dahil naiwan nito ang kanyang baon.
B. Itinago ni Daniel ang kanyang laruan ng dumating ang kaibigan niya.
C. Hindi tinupad ni Kaycee ang kanyang ipinangako kay Mae.
D. Ayaw ipahiram ni Jeff ang kanyang lapis kay Paul.
28. Ang ay dapat tinutupad at binibigyang halaga dahil ito ay mga salitang binitawan mo na dapat mong
isakatuparan para sa isang tao?
A. pagkakasala B. kasinungalingan C. Gawain D. pangako
29. Ang pagiging ay ugaling dapat ipagmamalaki dahil ito ay nagpapatunay na ikaw ay
mapagkakatiwalaan.
A. masipag B. tamad C. matapat D.masinop
30. Anong mabuting pag-uugali ang makikita sa larawan?
A. Pagiging matapat C. Pagiging matulungin
B. Pagiging masayahin D. Pagiging masipag
31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsible sa kapwa?
A. Batang itinago ang napulot na pera. C. Batang isinauli ang napulot na wallet sa may-ari.
B. Batang inaaway lagi ang katabi sa klase. D. Batang hindi tinupad ang pangako sa kaibigan.
32. Ito ay kagandahang asal na nararamdaman o ipinapakita sa pamamagitan ng
mataas na pagkilala o pagtingin. Ano ito?
A. suhestiyon B. karapatan C. bullying D. paggalang
33. Ito ay madalas na ginagamit ng mga mag-aaral bilang pang-asar o panloloko. Ano ito?
A. suhestiyon B. karapatan C. bullying D. paggalang
34. Ito ay anumang dapat tamasahin ng isang tao. Ano ito?
A. suhestiyon B. Karapatan C. bullying D. paggalang
35. Ang pagsauli sa napulot na bagay sa may-ari ay nagpapakita ng __________?
A. pagrespeto B. pagkamatapat C. paggalang D. pagtupad ng pangako
36. Ang paggalang sa suhestiyon ng kaibigan kahit hindi masyadong maganda
ay nagdudulot ng________________?
A. maayos na pakikitungo sa kaibigan
B. magulong pakikipagkapwa
C. matibay na pakikipagkaibigan
D. maling pakikitung
37. Ang pagtupad sa ay nakapagbibigay ng tiwala sa iyong kapwa.
A. suhestiyon B. ginawa C. pangako D. kasalanan
38. Nakita mo ang kaibigan mo na nangungupit ng pera sa bag ng inyong guro. Gutom na gutom siya dahil walang
maibigay na pambaon ang kaniyang mga magulang. Nakita ka niya at sinabihan ka na tumahimik na lamang at
huwag mo siyang isumbong. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. Tatahimik na lang dahil kawawa naman siya.
B. Kakausapin ko siya at sabihin na isauli ang pera.
C. Hayaan na lamang siya sa gusto niya.
D. Wala sa nabanggit.
39. Usapan ninyong magkakaibigan na manonood kayo ng cultural show sa plaza. Nakatakda kayong magkita-
kita sa hintayan ng sasakyan malapit sa inyong paaralan ng ika-5 ng hapon. Hindi dumating ang mga kaibigan mo.
Nalaman mong nauna na sila sa plasa. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. Iiyak at hindi makikipag-usap sa kanila sa susunod na makita sila.
B. Magpapasalamat na habang maaga pa ay napatunayan mo na ang kanilang totoong pagkatao.
C. Kakausapin sila tungkol sa nangyari at sasabihin kung ano ang naramdaman.
D. Maghahanap ka nalang ng ibang mga kaibigan.
40. Napagalitan ka sa bahay niyo sa kasalanang ang kapatid mo pala ang may gawa. Ano ang gagawin at sasabihin
mo sa iyong kapatid?
A. Aawayin ko siya dahil sakanya ikaw ay napagalitan.
B. Sasagutin mo ang iyong magulang at sasabihing hindi naman ikaw ang may gawa.
C. Kakausapin ng maayos ang kapatuid at sabihing aminin sa mga magulang ang nagawa niyang
kasalanan.
D. Iiyak nalang at maglalayas sa bahay.
41. May ginagawa kayong proyekto at nagsuhestiyon ang iyong kaklase sa gusto niyang mangyari sa inyong
ginagawa. Tatanggapin mo ba ito?
A. Hindi, dahil mas maganda ang naisip mong ideya.
B. Oo, para hindi ka na mag-iisip pa kung ano ang gagawin.
C. Hindi, dahil ikaw lang ang dapat masunod.
D. Oo, igagalang mo ang suhestiyon niya dahil makadaragdag ito sa ikagaganda ng
inyong proyekto.
44. Ang pangakong binitawan ay kailangang tuparin dahil _____________?
A. hindi ka nila maiintindihan kong hindi mo ito natupad
B. aawayin ka kapag hindi mo ito nagawa
C. nakadaragdag ito ng kagandahan
D. dito nagsisimula ang pagtitiwala
43. Ang pagrespeto sa idea ng kapwa ay nagdudulot ng magandang pakikipagkapwa dahil ___________?
A. Ang ating ideya ay kailangang masunod.
B. Ang gusto natin ay palaging tama.
C. Karapatan nating mapakinggan.
D. Wala ang sagot sa mga nabanggit.
44. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa suhestiyon ng iba?
A. Si Maria na sinabing magandang ang ideya ni Romer para sa ginagawa nilang proyekto.
B. Si Eli na pinili ang iminungkahi ni Vanesa kahit mas maganda ang opinion ni Danny.
C. Si Reden na sinigawan si Irene ng sabihin nito ang kanyang suhesyon.
D. Si Allen na parang walang naririnig nang sabihin ni Ella ang kanyang suhestiyon.
45. “Ang mga batang namumuhay sa katapatan, sa Diyos binibiyayaan.” Alin ang wastong pagpapaliwanag dito?
A. Kilalulugdan ng marami ang batang magalang at maalalahanin.
B. Kinaiinggitan ang batang maraming pera o mayaman.
C. Ipinagtataboy ang batang masama ang ginagawa.
D. Maraming natatanggap na biyaya ang batang nagsasauli ng mga bagay na hindi kanya.
46. Ang __________ ay hango sa salitang Latin na “respectus” o paglingon muli.”
A. paggalang B. makasasakit C. opinion D. pagbibigay ng halaga
47. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng __________ sa ideya opinyon ng iba.
A. A. paggalang B. makasasakit C. opinion D. pagbibigay ng halaga
48. Dapat tayong maging bukas sa __________ ng iba.
A. paggalang B. makasasakit C. opinion D. pagbibigay ng halaga
49. Dapat maging __________ kung hindi mo gusto ang opinyon ng iba.
A. paggalang B. mahinahon C. opinion D. pagbibigay ng halaga
50. Iwasang magbigay ng mungkahi na __________ sa damdamin ng iba.
A. paggalang B. makasasakit C. opinion D. pagbibigay ng halaga