You are on page 1of 8

Edukasyon sa Pagpapakatao 6, Quarter 4

Name: ___________________________ Date: __________________


Grade & Section: ________________ Score: _________________

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat sitwasyon at bilugan ang titik nang
tamang sagot.

1. Mayroong gaganaping prusisyon sa inyong lugar para sa Flores De Mayo at ikaw


ang napiling Reyna Elena. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko tatanggapin ang alok dahil ayoko
B. Maluwag sa loob kong tatanggapin ang alok.
C. Tatanggapin ko ang alok kapag may perang ibibigay.
D. Tatanggihan ko ang alok sapagkat may iba pang bagay na mas mahalaga rito.

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa?


A. Huwag tulungan ang isang matanda na gustong tumawid sa kabilang kalsada
B. Pabayaan lang ang kapitbahay na nasunugan ng bahay
C. Pagtatawanan ang mga taong may kapansanan
D. Tulungan ang kapwa lalong lalo na ang mga nangangailangan ng tulong

3. Si Karen ay may kaklaseng iba ang paniniwala kaysa kanya. Isang araw, nakita
niya ang kanyang kaklase na walang baon. Ano ang nararapat niyang gawin kahit
sila ay may iba-ibang paniniwala?
A. Alukin niya ito at bigyan kahit kaunti mula sa kanyang baon kahit alam niyang ito
ay may ibang paniniwala
B. Pabayaan niya itong nakatingin sa kaniyang kinakain.
C. Pagtawanan niya ito dahil wala siyang baon.
D. Talikuran ang kaklaseng walang baon.

4. Nakita mong iba ang pamamaraan ng pagdarasal ng kaklase mong muslim. Ano
ang iyong gagawin?
A. Hayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa.
B. Igalang ko ang kanyang paraan ng pagdarasal.
C. Pabayaan at huwag pansinin
D. Pagtawanan ko siya dahil naiiba ang kanyang paraan sa pagdarasal.

5. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa iba’t ibang


paniniwala na mayroon ang bawat tao?
A. Bago ang kanyang kaarawan, tinanong ni Elena ang kanyang mga kaibigan kung
mayroong ipinagbabawal na kainin sa kani-kanilang mga relihiyon
B. Nakipagtalo si Dona sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa social media
upang ipagtanggol na tama ang kanyang paniniwala.
C. Namigay si Lito ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo sa kondisyon na
sila ay makikianib sa kanilang relihiyon.
D. Pumili ng mga kagrupo si Roy na may katulad na paniniwala sa kanya.

6. Maraming naging biktima ng kaguluhan sa Marawi. Sa kabila ng lahat, maraming


nag-alay ng panalangin para sa kanila. Anong pagpapahalaga ang ipinakikita rito?
A. Paggalang
B. Pagmamahalan
C. Pananalig sa Diyos
D. Pagtutulungan

7. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba maliban


sa isa.
A. Pagdalo sa kanilang pagtitipon
B. Pag-iingay sa oras ng kanilang pagsamba
C. Pakikinig sa kanilang mga aral
D. Pagsang-ayon na may iisang Diyos

8. Kung ikaw ay may takot sa Diyos, alin sa sumusunod na pahayag ang gagawin
mo?
A. Kumuha ng gamit sa kamag-aral
B. Maglaro sa simbahan
C. Mahalin at igalang ang mga magulang at kapwa
D. Pagtawanan ang paniniwala sa iba

9. Napagkasunduan ng iyong pangkat na gagawin ninyo ang inyong proyekto


ngayong sabado. Nakiusap ang isa sa iyong myembro na siya ay liliban muna dahil
ito ay araw ng kanilang simba, Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan ko lang siya dahil mahalaga din sa kanya iyon
B. Hindi ko siya papayagan dahil nakasalalay dito ang aming marka.
C. Papayagan ko siya ngunit mayroon akong ibang ipapagawa sa kanya para
magkaroon siya ng ambag.
D. Sasabihin ko siya na maghanap ng ibang pangkat.

10. Ano ang pinakamabisang paraan upang masolusyunan ang anumang pagsubok
na dumating sa buhay?
A. Pagdarasal
B. Paglalaro
C. Pagtakas
D. Pagtatago

11. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos maliban sa


isa.
A. Hindi pagpansin sa mga taong humihingi ng tulong
B. Humingi ng paumanhin sa taong nagawan ng kasalanan
C. Pagtulong sa iba na walang hinihintay na kapalit
D. Tanggapin ang Diyos at dapat maging sentro ng buhay.

12. Ano ang pinakamahalagang regalong kaloob ng Diyos?


A. Ang magkaroon ng malusog na pangangatawan
B. Magkaroon ng maraming pera
C. May mga sasakyan at masasarap na pagkain
D. Pagkakaroon ng isang mamahaling gadget

13. Alin sa pangungusap ang nagpapakita ng matibay na pananalig sa Diyos?

I. Ipinagdarasal ni Roy na makahanap siya ng trabaho kung kaya’t naghihintay


siyang dinggin ang kaniyang panalangin.
II. Nag-aral si Rona ng kaniyang leksiyon kung kaya’t naniniwala siya na gagabayan
siya ng Diyos sa kaniyang pagsusulit
III. Nagpraktis ng mabuti si Lea para sa patimpalak sa kantahan kaya’t naniniwala
siyang gagabayan siya ng Diyos upang maging maayos ang kanyang pagtatanghal
IV. Naniniwala si Nora na darating ang panahon at matutupad niya ang kahilingan ng
kaniyang ina na magkaroon ng sariling bahay kaya’t nagsusumikap siya.

A. I & II
B. I & III
C. I, II, & III
D. I, II, III & IV

14. Naaksidente ang iyong kaibigan at matatagalan pa siya makalakad. Ano ang
maipapayo mo sa kaniya upang magkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang
kinakaharap niyang pagsubok?
A. Huwag kanang magdasal dahil hindi ka na talaga makakalakad pa
B. Manalangin ka at magtiwala na makakalakad kang muli
C. Sisihin mo ang mga tao sa paligid mo na walang naitulong sa iyo
D. Tanggapin mo na lamang ang katotohanan na hindi ka na muling makakalakad
pa

15. Sabay na nawalan ng trabaho ang mga magulang ni Rosa pero hindi sila
nawalan ng pag-asa at patuloy na naghahanap ng bagong trabaho. Ano ang
magandang katangian ng mga magulang ni Rosa?
A. Pagkadismaya sa nangyari
B. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
C. Pagtitiwala sa sariling kakayahan at pananalig sa Diyos
D. Pagyayabang sa iba na kaya nilang makahanap agad ng trabaho
16. Mahalaga ang pananalig sa Diyos upang makamit natin ang ating mithiin sa
buhay. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Gawin ang makakaya upang matupad ang iyong mithiin na may pananalig sa
Diyos
B. Humingi ng dasal mula sa ibang tao
C. Humingi ng tulong sa iba upang makamit ang mga ninanais sa buhay
D. Maghintay na dinggin ng Diyos ang iyong mga panalangin

17. Alin sa pahayag ang nagpapakita ng ating pananalig sa Diyos at may mabuting
naidudulot sa atin?

I. Ang may tiwala na malalagpasan lahat ng pagsubok na darating sa buhay


II. Ang may positibong pananaw sa buhay
III. Ang pagkakaroon ng takot at alinlangan na baka hindi makamit ang minimithi sa
buhay
IV. Pagkakaroon ng pag-asa at lakas ng loob

A. I & II
B. I, II, & III
C. III & IV
D. I, II & IV

18. Ano ang gagawin mo kung may isinagawang pag-aaral ng salita ng Diyos sa
bahay ng iyong kapitbahay?
A. Hindi papansinin ang nangyari
B. Magpapatugtog ng radio
C. Manonood ng telebisyon
D. Tumahimik at igalang ang kanilang pagsamba

19. Masarap sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa. Makikita ito sa


pagtutulungang ginagawa ng ating mga kababayan. Ang mga sumusunod ay
nagpapakita ng pagiging mabuting tao sa oras ng pangangailangan maliban sa isa.
A. Ang pamilya ay nagbigay ng bisikleta sa matandang lalaki
B. Isang batang tulad mo ang naging frontliner sa pagbili ng mga pangangailangan
ng kaniyang mga kabarangay
C. Mga taong nagkakagulo sa pila na umaasa na mabibigyan ng ayuda ng
pamahalaan
D. Nag-ambagan ang magkakaibigan para tulungan ang pamilya ng batang nag-viral
dahil sa kabaitang ipinakita sa kanila

20. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng positibong pananaw sa


buhay?
A. Gusto mong sumuko sa pag-aaral dahil nahihirapan na ang iyong pamilya sa mga
gastusin
B. Kahit walang kuryente dahil sa bagyo, nagsusumikap ako na gumawa ng
takdang-aralin ng maaga upang hindi maabutan ng dilim.
C. Maliit na marka lang ang iyong nakuha sa unang markahan kaya pinili mo nalang
na huwag ipagpatuloy ang pag-aaral
D. Maraming suliranin sa inyong pamilya kaya pinili mong gumala at sumama sa
mga tambay na mag-inuman dahil sila lang ang makakatulong sa iyong mga
pinagdadaanan.

21. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong pananaw sa buhay?


A. Si Ana na namatayan ng magulang dahil sa COVID at nawalan na ng ganang
mag-aral
B. Si Ben na naputulan ng mga paa na ayaw ng makigpaglaro sa mga kaibigan
C. Si Elena na matapos masunugan ay itinuloy ang buhay upang maibangon ang
pamilya
D. Si Roy na walang tigil ang pag-inom ng alak dahil sa pag-aakalang ito ang
solusyon sa mga problema

22. Nagkasakit ng malubha ang ama ng iyong kaibigan kaya mahihinto siya ng pag-
aaral. Malapit na ang iyong pagtatapos. Ano ang maari mong maitulong sa kaibigan
mo?
A. Ipaliwanag sa magulang mo na tulungan ang kaibigan na matapos ang kanyang
pag-aaral
B. Kausapin ang mga magulang ng kaibigan na huwag pahintuin sa pag-aaral ang
kaibigan mo
C. Pagsabihan ang mga magulang ng kaibigan at sisihin sa nangyari sa kanila
D. Tulungan ang kaibigan mo na tanggapin ang desisyon ng magulang

23. Ang mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng batang may malalim na
pananampalataya sa Diyos maliban sa isa.
A. Alalayan ang matandang tumatawid sa kalsada
B. Igalang ang kapwa kahit saan man magpunta
C. Magsabi ng totoo sa lahat ng oras
D. Pagdarasal na may bagong gadget

24. Hindi matanggap ni Cory ang pagkawala ng kaniyang lola. Sinisi niya ang sarili
dahil hindi man lang niya naalagaan dahil sa pagiging abala sa pag-aaral. Ano ang
maari mong maitulong sa kanya?
A. Ipaliwanag sa kaibigan na huwag sisihin ang sarili
B. Kakausapin ang kaibigan na tanggapin na lang ang nangyari
C. Sisihin ang kaibigan dahil sa hindi pag-aalaga sa lola
D. Unawain ang kaibigan at makiisa sa pagsisisi

25. Ang mga sumusunod na pahayag nagpapakita ng mataas na antas ng


ispiritwalidad maliban sa isa.
A. Pagbabasa ng bibliya
B. Paglilinis ng kalsada
C. Pagsisimba tuwing linggo
D. Palagiang pagdarasal
26. May bulag na humihingi ng tulong upang makatawid sa kabilang kalsada. Ano
ang iyong gagawin upang maipamalas mo ang kabutihan sa kapwa mo?
A. Magkunwari na hindi siya nakita
B. Magmamadali akong umalis
C. Tutulungan ko siya na makatawid sa kabilang kalsada
D. Pababayaan ko lang siya na makatawid mag-isa

27. Kung ang iyong kaibigan ay nagpapahayag ng kaniyang paniniwala tungkol sa


kanilang relihiyon, ano ang pinakamabuti mong gawin para maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan?
A. Igalang ang kanyang paniniwala.
B. Magdahilan na maraming tatapusin at gagawin
C. Pakikinggan lang ang kaibigan pero hindi papaniwalaan.
D. Pipiliin lang ang mga nais pakinggan sa sinabi ng kaibigan

28. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at


Diyos maliban sa isa.
A. Iisa lamang ang hiling niya na dapat pagmamahal ang mangingibabaw sa buong
mundo
B. Kinakailangan na tayo ay bigyan ng maraming pera at maging mayaman sa
buong mundo
C. Kung ano ang ginawa natin sa kapwa ay ito rin ang ginawa natin sa Diyos
D. Sapat na sa Kanya na tayo ay magmahalan bilang tanda ng pasasalamat sa
kaniya

29. Si Lola Dora na 80 taong gulang ay mag-isang naninirahan sa kanyang bahay.


Malayo ang kanyang mga kamag-anak. Napansin mong lagi siyang malungkot.
Paano mo siya matutulungan?
A. Dalawin siyang madalas at kuwentuhan ng nakatatakot.
B. Regaluhan siya ng isang aso.
C. Wala kang pakialam sa kanya.
D. Yayain ang kaibigan upang dalawin ang lola at kuwentuhan ng masasayang
kuwento.

30 – 31. Buuin ang mga pahayag batay sa napag-aralan mo. Piliin ang salita na
angkop na sagot.

“Habang may buhay may _________________ “

A. Pag-asa
B. Pagdarasal
C. Pagsubok
D. Pagtutulungan

“Humingi ng lakas at gabay sa ____________”

A. Kaklase
B. Kaibigan
C. Kapitbahay
D. Panginoon

32. Sunod-sunod ang trahedya na dumating sa iyong buhay. Nasunog ang inyong
bahay at namatay ang iyong mga magulang. Nag-iisa ka nalang sa buhay. Ano ang
gagawin mo upang maipakita ang isang tunay na pananampalataya?
A. Awayin ang Diyos dahil sa mga problemang dumating
B. Huwag mawalan ng pag-asa at manalig
C. Isumbat sa ibang tao ang mga problema mo
D. Susuko na lang sa buhay

33. Paano mo maipapakita ang iyong pagiging mabuting tao sa iyong kapwa?
A. Hindi pansinin ang kapitbahay na walang makain dahil sila
ay may ibang pinaniniwalaan
B. Iwasan ang pagtulong baka maubos ang pera
C. Pagtulong sa kaklaseng naapektuhan ng sakuna.
D. Pabayaan ang kaklaseng umiiyak dahil nasunugan ng bahay.

34. Si Ali ay isang Muslim at naniniwala siya sa Koran, samantalang si Mario ay


isang Kristiyano at naniniwala naman siya sa Bibliya, ano ang dapat nilang gawin?
A. Magdebate
B. Magkwentuhan
C. Magpayabangan
D. Magrespetuhan

35. Mayroong programang interfaith dialogue sa inyong paaralan kung saan


magbabahagi ang mga tao mula sa iba’t ibang relihiyon at paniniwala. Inanyayahan
kang dumalo ng iyong kaibigan sa gawaing ito, ano ang iyong gagawin?
A. Dadalo ako at makikinig upang magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang paniniwala
B. Dadalo ako upang siraan sa katabi ang mga tao mula sa ibang relihiyon at ibang
pananampalataya
C. Dadalo ako at magkunwaring makinig sa ibang relihiyon
D. Dadalo ako at mag-iingay lang

36. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong kapwa?


A. maglimos sa pulubi sa daan
B. magsimba tuwing lingo
C. tumulong sa nasunugan/nabahaan
D. samahan ang mga barkada
37. Kung ikaw ay nasa loob ng pook-dasalan, paano mo maipapakita ang
pagkakaroon ng mabuting pagkatao?
A. Magdasal nang malakas sa upuan
B. Makinig sa tagapanguna ng simbahan
C. Magkuwentuhan sa iyong kaibigan
D. Matulog kasi nakakaantok ang sinasabi ng tagapanguna

38. Paano mo maipakita at maipadarama ang pananalig at pagmamahal sa Diyos ng


bawat isa sa atin?
A. Pag-iwas sa mga taong nangangailangan ng tulong
B. Pagmamalasakit sa kalagayan ng kapwa at pagbibigay pag-aasa sa kanila
C. Pagsasawalang-bahala sa mga kakailanganin ng kapwa na kaya mong tugunan
D. Pagtangging lumalahok sa mga programang makatutulong sa kapwa dahil sa
walang gana

39. Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Lubos na naapektuhan


ang pamilya mo kaya nagdesisyon ang magulang mo na pahintuin kayong
magkakapatid sa pag-aaral. Paano ninyo tatanggapin ito?
A. Aalis sa bahay at maghahanap ng paraan upang makatapos sa pag-aaral
B. Ipaliwanag sa magulang ang nais na makapagtapos ng pag-aaral
C. Magalit sa mga magulang dahil sa kanilang naging desisyon
D. Tanggapin ang desisyon ng magulang ng may galit sa puso

40. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa Diyos?


A. Pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan
B. Pagkakalat ng basura
C. Pagmamalupit sa mga hayop
D. Pagsuway sa utos ng magulang

You might also like