You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Guro: ________________________
Baitang at Pangkat: Petsa: ____________________

____________________
____________________

I. Layunin

Nakasasang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito (EsP6PKP- Ia-i– 37)

I.I Natutukoy ang kahulugan ng pagpapasya


Week – 3–4, Day 6

II. Nilalaman

A. Paksa: Pagsang-ayon Sa Pasya Ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito


B. Sanggunian: ESP 6 K to 12, DBOW ESP 6 Week – 3–4 , Day 6 , ph.2
Edukasyon Sa Pagpapakatao (EsP) – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode, Unang Markahan
Modyul 2 Pagsang-ayon Sa Pasya Ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito
Unang Edisyon, 2020
c. Kagamitang Panturo: powerpoint presentation, tsart, larawan, video clip

Integrasyon: Paggalang sa pagpapasya sa sarili.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Tulungan si Nikka sa kanyang problema. Anong pasya ang nararapat gawin ni Nikka?

Ang mga magulang ni Nikka ay nagtatrabaho sa Manila. Umuwi sila at sumunod sa


protocol ng home quarantine. Sobrang miss na miss na ni Nikka ang kaniyang mga
magulang. Gusto niyang lumabas ng bahay at puntahan ang mga ito sa lugar kung saan
sila nakaquarantine. Paano ninyo mtutulungan si Nikka?

Anong desisyon ang dapat niyang gawin?

B. Paglalahad
Basahin ang bawat sitwasyon at bumuo ng talata tungkol sa napiling desisyon.
Isulat sa papel ang sagot sa bawat sitwasyon.

Sitwasyon
Nagtatalo ang klase ni Bb. Lopez kung sino ang dapat magtanim ng mga halaman sa paligid ng
paaralan at kung sino ang dapat maglinis. Sabi ng mga lalaki ay sila ang magtatanim dahil gawaing
panlalaki at iyon at ang mga babae ang dapat maglinis dahil iyon ay gawaing pambabae, gusto nila
ang pare-pareho nilang gawin ang pagtatanim at paglilinis . Ipinaliwanag nila na ang bawat isa ay
may tungkuling pagandahin at linisin ang kanilang paligid.
a. Bakit nagtatalo ang klase ni Bb. Lopez?
b. Anu-ano ang dahilan ng mga lalaki at ng mga babae?
c. Ano ang naging desisyon nila?
d. Sa iyong palagay tama ba ang paraan ng kanilang pag-uusap upang makabuo ng desisyon?

C. Pagtatalakay
Ang pagpapasiya ay maituturing bilang isang prosesong pangkaisipan na nagreresulta sa pagpili ng
pinakamabuting kalalabasan. Ang pasiya ay pinagtibay sa isip at kalooban na dapat gawin. Malaki
ang maitutulong ng pagkamahinahon kapag pinag-usapan at pinag-isipan ang magiging pasiya.
Ang pagbibigay ng tamang desisyon para sa kabutihan ng nakararami ay isang hakbang upang
maipakita ang pagkakaisa. Kailangan isiping mabuti at bigyan ng masusing pagsusuri kung ito ba ay
makakabuti sa nakararami.

D. Pagsasanay
Sitwasyon:
Walang hanapbuhay si Mang Martin. Inalok siya ng isang negosyante ng mataas na sahod
araw-araw para magbenta ng mga ipinagbabawal na gamot.

Kung ikaw si Mang Martin, tatanggapin mo ba ang alok ng drug pusher?


Bakit?

E. Paglalahat

- Ang lahat ng pangyayari sa ating buhay ay nagmula sa isang pagpapasya.


• Ang paggawa ng pasya mula sa desisyon ng iba na maaaring pagsisihan dahil sa hindi magandang
resulta ay may tamang hakbang o paraan upang maiwasan.

F. Paglalapat

Anong pagkakataon o sitwasyon sa iyong buhay na gumawa ka ng isang


mahalagang pagpapasya. Sino ang iyong nilapitan at sinang-ayunan mo kaya nakagawa ka ng
mabuting pasya?

V. Takdang-Aralin

Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang sinasaad ng sumusunod.

1. Sino sino ang malalapit na tao sa iyong buhay na hinihingan mo ng


opinyon o payo sa panahon na kailangan mo ng tulong upang
makapagdesisyon o makagawa ka ng tamang pasya? Gumuhit ng isang
hugis puso at isulat sa loob ang sagot.

Inihanda ni: Binigyan pansin ni:

MENELEO RAMON B. MENESES


Punongguro
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Guro: ________________________
Baitang at Pangkat: Petsa: ____________________
____________________
____________________

I. Layunin

Nakasasang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito (EsP6PKP- Ia-i– 37)

I.I Naiisa-isa ang mga tamang hakbang bago makagawa ng isang pagpapasya para sa ikabubuti ng
lahat.
Week – 3–4, Day 7 DBOW

II. Nilalaman

A. Paksa: Pagsang-ayon Sa Pasya Ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito


B. Sanggunian: ESP 6 K to 12, DBOW ESP 6 Week – 3–4 , Day 7 , ph.2
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 pah. 22-25
c. Kagamitang Panturo: powerpoint presentation, tsart, larawan, video clip

Integrasyon: Paggalang sa pagpapasya sa sarili.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pangungusap. Isulat sa kuwaderno
ang iyong sagot
______________ 1. Padalos-dalos na pagpapasya ng nakararami ay lagging nakabubuti sa akin.
______________ 2. Ang pagbibigay ng pasya o paggawa ng desisyon ay dapat makabubuti sa lahat
upang walang matapakan/masaktan o mapinsala.
______________ 3. Ang desisyon ay dapat ayon sa ating konsensya.
______________ 4. Sinusuri at pinag-iisipan muna ang bawat pasya na ginagawa o ibibigay.
______________ 5. Tanggapin agad ang pasya ng iba nang walang pagaalinlangan.
B. Paglalahad
Gumagawa tayo ng maraming desisyon araw-araw. Ano ang halimbawang naiisip mo? Ano ang
masasabi mo tungkol sa isang karaniwang desisyon na mo na o kinailangan mong gawin sa araw-
araw?

Basahin ang talata at sagutin ang sumusunod na tanong.


Ang mga-anak na Reyes ay likas na matulungin. Sila ay nagpunta sa kalapit na Barangay upang
tulungan ang mga taong nasunugan. Sina Aling Oneng at Mang Romy ang nagbibigay ng pagkain.
Sina Argie, Tina at Leo ang tumutulong sa pag-eempake ng mga pagkain na ipamimigay. “Ako na
ang maglalagay ng noodles sa supot,” ang sabi ni Argie. “Ikaw naman Tina ang maglagay ng mga de
lata.
Sila naman ang maglalagay ng mga bigas,” sabay turo ng dalawang bata kay Leo. Ang pamilya ay
masayang-masaya kapag sila ay may natutulungan.

Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.


1. Ilarawan ang mga bata sa kuwento.
2. Bakit sila nasa kalapit Barangay?
3. Anong uri ng mga bata ang magkakapatid?
4. Ano ang katangiang taglay ng mag-anak?
5. Ano ang maaaring maging batayan ng isang pamilya upang maging masaya?
6. Kung ikaw ay isa sa mga anak nila G. at Gng. Reyes, paano mo sila tutularan? Bakit?

C. Pagtatalakay

Mga Hakbang sa Pagpapasya


Wastong Hakbang na dapat sundin sa paggawa ng pasya
1. Alamin ang suliranin
2. Kumuha ng impormasyon at pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon
3. Isaalang-alang ang maaring ibunga ng bawat solusyon
4. Gumawa ng pasya
5. Pag-aralan ang kinalabasan ng ginawang pagpapasya.

D. Pagsasanay
Sitwasyon:
Walang hanapbuhay si Mang Martin. Inalok siya ng isang negosyante ng mataas na sahod
araw-araw para magbenta ng mga ipinagbabawal na gamot.

Kung ikaw si Mang Martin, tatanggapin mo ba ang alok ng drug pusher?


Bakit?

E. Paglalahat

- Ang lahat ng pangyayari sa ating buhay ay nagmula sa isang pagpapasya.


• Ang paggawa ng pasya mula sa desisyon ng iba na maaaring pagsisihan dahil sa hindi magandang
resulta ay may tamang hakbang o paraan upang maiwasan.
- Ang pagpapasya ay maituturing bilang isang prosesong pangkaisipan na nagreresulta sa pagpili ng
pinakamabuting kalalabasan. Ang pasya ay pinagtibay sa isip at kalooban na dapat gawin. Malaki
ang maitutulong ng pagkamahinahon kapag pinag-uusapan at piinag-iisipan ang magiging pasya.

F. Paglalapat
Gamit ang tsart sa ibaba, Ibigay ang detalye ng mga pasyang iyong ginawa. Lagyan
ng tsek ang nagging bung anito kung mabuti o masama para sa sarili o sa karamihan. Gawin ito sa
iyong kwaderno.

Araw Mga Kapasiyahan Naging Bunga


Sa Sarili Sa Karamihan
Mabut Masama Mabuti Masama
i
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
V. Takdang-Aralin

Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa kwaderno ang iyong sagot sa
sitwasyon na maaring magpakita ng mapanuring pagpapasiya.

Inimbita ka ng iyong kamag-aral na magpunta pagkatapos ng iyong klase sa isang internet


shop na malapit sa inyong paaralan. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil
mayroon siyang ipapagawa sa iyo.

Inihanda ni: Binigyan pansin ni:

MENELEO RAMON B. MENESES


Punongguro
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Guro: ________________________
Baitang at Pangkat: Petsa: ____________________
____________________
____________________

I. Layunin

Nakasasang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito (EsP6PKP- Ia-i– 37)

I.I Napapatunayan na ang pagbibigay ng tamang pagpapasya para sa ikabubuti ng lahat ay


pagpapakita ng may katatagan ng loob.
Week – 3–4, Day 8 DBOW

II. Nilalaman

A. Paksa: Pagsang-ayon Sa Pasya Ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito


B. Sanggunian: ESP 6 K to 12, DBOW ESP 6 Week – 3–4 , Day 8 , ph.2
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 pah. 3-9
c. Kagamitang Panturo: powerpoint presentation, tsart, larawan, video clip

Integrasyon: Paggalang sa pagpapasya sa sarili.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Pumalakpak kung tama ang isinasaad nito
at umiling naman kung mali.

1. Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o


nakikita ng isang tao ang pagkakaiba- iba ng mga bagay-bagay.
2. Nararapat na magbigay ng sapat na panahon sa anumang proseso ng pagpapasya.
3. Sa pagpapasiya, ugaliing gamitin ang damdamin sa lahat ng oras.
4. Kapag nagpapasiya ay nararapat na maging mahinahon upang makapag-isip ng
mabuti.
5. May mga pagkakataon na ang pagpapasya ay hindi na mahalaga dahil mangyayari
talaga ang mga bagay na dapat mangyari.

B. Paglalahad

Basahin ang kwento.


Isang Dakilang Anak
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 pah. 3-9

C. Pagtatalakay
Sagutin ang sumusunod na tanong sa kwaderno.
1. Ilarawan si Albert. Ano ang kanyang katangian?
2. Ano ang ginawa ni Albert para tulungan ang kaniyang Ina? Bakit niya ginawa?
3. Kung ikaw si Albert, gagawin mor in ba ang ginawa niya ? Bakit?
4. Mayroon ka bang mga nararanasan na kinakailangan mong maging matatag? Ano ang
iyong ginawa?
5. Bakit mahalagang maging matatag ang loob sa pagharap sa mga pagsubok?

D. Pagsasanay
Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang Oo o Hindi. Ipaliwanag at isulat sa boung papel
ang iyong sagot.

1. Naniniwala ka ba na ang katatagan ng loob ay maaring maipakita sa pamamagitan ng


pagtulong sa kapwa ?
2. Matiyaga mo bang ginawa ang mga gawain sa paaralan kahit may mga panahong
nahihirapan ka na ?
3. Lumalahok ka basa mga timpalak programa sa paaralan ?

F. Paglalahat

Ang katatagan ng loob ay naipapakita sa gawaing nagpapabuti sa iyo kahit gaano pa ito
kahirap.

G. Paglalapat
Sagutin ang bawat tanong sa ibaba. Pagkatapos ipaliwanag ang iyong sagot.
Ilahad ito sa patlang.
1. Tama bang magalit sa taong nakatapak sa iyong paa nang hindi sinasadya ?
2. Tama bang ibigay ang upuan mo sa matanda o may kapansanan ?
3. Tama bang magalit sa isang kamag- aral na hindi sang-ayon sa iyong sinabi ?
4. Tama bang pagtawanan ang isang kamag-aral na nahihirapang unawain ang aralin ?

V. Takdang-Aralin

Paano mo susuriin ang isang bagay na may kinalaman sa sarili sa pagkakaroon ng


matatag na kalooban?. Isulat ang iyong saloobin sa kalahating papel.

Inihanda ni: Binigyan pansin ni:

MENELEO RAMON B. MENESES


Punongguro

You might also like